"Saan po tayo pupunta?" tanong ni Kai habang pa sara pa lang ang pinto ng elevator.
"All of this floor have a different courses pero wala sa mga 'yan ang pupuntahan natin." Tapat ng kamay ni Mr. Pool sa mga buton, galing sa gitna, pataas at bigla niyang binaba para pindutin ang minus 1 floor. "We have 30 courses in this school but we have extra floor for the branches of each courses," tuloy na paliwanag ni Mr. Pool sa apatnapu't apat na floor ng paaralan..
"But you pick the minus 1, ano po ang ibig sabihin non?" Lapit ng konti ni Kai sa mga buton para tingnan kung tama ba siya ng basa at tama nga dahil nararamdaman niya rin na pababa sila.
"Pinili ko 'yan dahil diyan tayo pupunta," iwas ni Mr. Pool sa tanong ni Kai.
"Ano kaya 'yon?" taray ni Kai pero bumukas din naman kaagad ang pinto ng elevator.
Nang makita ni Kai ang malaking lugar na puno ng mga imbensyon ay siya ang na unang lumabas kaysa kay Mr. Pool. Malaking lugar ang minus 1 na floor kung saan ito ang lugar para sa mga katulad ni Kai na mahilig mag imbento ng bagay, kaya na realize niya rin kung bakit hindi sa kanya sinabi ni Mr. Pool kung ano ang meron sa loob ng minus 1. Kailangan pa nilang bumaba sa bakal na hagdan para makatapak sa lupa ng minus 1 dahil hindi talaga sinagad ng paaralan na hanggang baba ang kayang i-travel ng elevator para makita kung gaano kalaki ang lugar mula sa itaas. Na unang bumaba si Mr. Pool ng hagdan at sumunod naman si Kai dahil tiningnan niya pa ang buong lugar.
Nakita ni Kai na bukas ang mga ilaw at may mga nagtatrabaho pa sa baba. "Sino po ang mga 'yon?" Turo ni Kai kay sa mga taong nakita niya na naka-lab coat.
"Sila ang dahilan kung bakit ka isa sa mga scholar ngayon," sagot ni Mr. Pool.
Na intindihan naman ni Kai ang sinabi ni Mr. Pool, kaya bumagal din ang lakad niya pababa ng hagdan para pagmasdan ang mga taong gumagawa ng imbensyon nila sa sarili nilang kwarto. Malaking lugar talaga ang minus 1 kung saan divided ang mga space nito para gawing kwarto na walang bubong at may malaking salamin sa harapan. Syempre naglaan pa rin naman sila ng daanan dahil may mga mayayaman na nag-i-sponsor sa paaralan para sa iba't ibang proyekto na ginagawa nila sa minus 1.
Kung titingin ka naman sa taas makikita mo ang malalaking ilaw na nakabukas pero may mga ilaw pa rin naman na nakapatay dahil sa bandang patay ang ilaw ay walang nagtatrabaho. Halos sampung malalaking ilaw ang makikita mo sa taas pero lima lang ang nakabukas ngayon. Kung bibilangngin mo naman ang kwarto ay saktong dalawampu't dalawa ang makikita mo. Ang itsura ng lugar ay isang mahaba't medyo malawak na daanan sa gitna hanggang dulo at may mga magkatapat na kwarto sa magkabilang gilid na hanggang dulo rin.
Pagbaba nila Kai sa spiral na hagdan ay naglakad sila sa gitna ng daan. Tumingin tingin lang si Kai sa mga kwarto na nasa gilid pero hindi niya magawang lumapit dahil alam niya naman na dito na siya magtatrabaho simula bukas, pagkatapos ng mga klase. Naglakad pa sila hanggang sa dulo kung saan hindi na medyo na iilawan ng limang ilaw na nakabukas sa unahan.
"Saan na po tayo pupunta?" pagtataka na tanong ni Kai habang nakatingin sa likod kung saan may ilaw pa.
"Sa magiging kwarto mo at ng partner mo," sagot naman ni Mr. Pool kasabay nang paghinto sa pinakadulong kwarto, sa bandang kanan nila.
"Doctor Azazel?" basa ni Kai sa sign name na nasa tabing pinto ng kwarto.
"His full name is Doctor Armaros Azazel and he is the one you need to work for to keep your scholarship." Harap ni Mr. Pool kay Kai. "Do you understand Mr. Loreto?"
Tumangngo ng dahan-dahan si Kai habang nakatingin pa rin sa kwarto na pagtatrabahuan niya.
"Good," ani Mr. Pool habang nakatingin kay Kai. "We can leave now," at nauna na ngang maglakad paalis sa tapat ng kwarto si Mr. Pool.
Hindi agad sumunod si Kai dahil pinagmasdan niya pa ang kwarto pero kinalaunan sumunod na rin siya kay Mr. Pool para tanungin ito tungkol kay Dr. Azazel.
"Mr. Pool." Pantay niya sa paglalakad kay Mr. Pool. "Kilala niyo po ba si Dr. Azazel?"
"Lahat ng nagtatrabaho dito ay kilala ko," sagot ni Mr. Pool.
"Talaga po?" hindi makapaniwala na sabi ni Kai. "Ano pong klaseng tao siya?" excited niyang nakatingin kay Mr. Pool dahil inaabangan niya ang sagot nito kung magkakasundo ba sila ni Dr. Azazel.
"Ahm," ani Mr. Pool habang iniisip kung ano ang ibibigay niyang impormasyon tungkol kay Dr. Azazel. "Matanda, kaya maaga siyang umuuwi." Lingon niya ng konti kay Kai. "Hindi siya katulad ng mga bata pa na nakikita mo pa rin na nandito." Turo ni Mr. Pool sa mga taong nagtatrabaho pa sa loob ng kanilang kwarto.
Tumingin naman si Kai sa mga ito dahil dumaan na ulit sila sa mga kwarto na may ilaw at doon niya nga napansin na halos mga tatlongpung pataas na taon pa lang ang mga ito. Bumagal siya ng lakad dahil na lipat ang focus niya sa mga tinuro ni Mr. Pool hanggang makabalik na sila sa bakal na hagdan. Na unang pumanik si Mr. Pool sa spiral na hagdan habang nakasunod naman si Kai.
"Alam niyo po ba kung ilang taon na si Dr. Azazel?" Tingngala ni Kai kay Mr. Pool na nasa unahan niya.
"63 years old," sagot ni Mr. Pool habang nakatingin kay Kai pero patuloy pa rin sila sa pagpanik ng hagdan hanggang sa makarating na sila sa pintuan ng elevator.
Medyo nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Kai dahil sobrang tanda na nga ni Dr. Azazel at baka hindi sila magkasundo. Triple kasi ang edad nito sa edad niya pero mabuti na lang at nagsalita pa ulit si Mr. Pool tungkol kay Dr. Azazel.
"Wag kang panghinaan ng loob dahil hindi naman siya katulad ng matatanda na kilala mo." Harap ni Mr. Pool kay Kai pagkapindot ng buton ng elevator.
"Ano pong ibig sabihin niyo?" pagtataka na tanong ni Kai na parang hindi naniniwala.
"Ikaw ang sumagot niyan pagnakilala mo na siya bukas," iwas ni Mr. Pool at pumasok na sa elevator dahil bumukas na ang pinto.
Sumunod si Kai ng tahimik sa loob ng elevator habang nagtataka kung bakit ayaw sagutin ng diretso ni Mr. Pool ang tanong niya.