bc

Upside Down

book_age18+
40
FOLLOW
1K
READ
others
student
no-couple
genius
male lead
magical world
high-tech world
supernatural
special ability
like
intro-logo
Blurb

Upside Down. Tungkol ito sa parallel world na papasukin ni Kai Loreto kahit anong mangyari dahil sa magulang niya. Pero, paano kung madiskubre niya na napaka-iba ng mundo na ito kaysa sa mundo nila? Sa kadahilanang isa itong mundo na kung saan ang mga tao ay may kapangyarihan, katulad na lang ng kaparehas niyang mukha na si Namuh Elpmis.

Ano kaya ang magiging reaksyon nila sa isa’t isa pag nagkita? Magiging kaibigan ba o magiging magkaaway? Matutulungan ba ni Namuh si Kai sa gusto niyang malaman kung bakit siya pumunta talaga sa parallel world? Paano niya naman matutulungan si Namuh sa oras na ito naman ang manganib ang buhay, dahil may masasamang tao pa rin naman sa mundo nila?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tulalang nakatingin sa labas si Kai habang nasa loob ng classroom pero bigla na lang siyang tinawag ng teacher nila. “Kai?” tawag nito sa kanya. Kinalabit siya ng katabi niya dahil mukhang hindi niya narinig ito. Pagkakalabit sa kanya nito ay napatayo si Kai at tumingin sa teacher niya. “Ano po ‘yon?” natatarantang sabi ni Kai. “Are you with us?” tanong nito habang pinaglalaruan ang tsalk sa kamay. “Yes, Sir,” ani Kai, “I’m sorry, I'm just thinking.” Tingin niya sa paligid habang na-conscious dahil nakatingin din sa kanya ang mga kaklase niya.  Tumango ang teacher niya sa kanya. “Okay. Let me know if you're finished thinking of what you are thinking now.” Turo niya rito ng tsalk. Humarap na ulit sa blackboard tsaka nag-umpisang magsulat, habang si Kai naman ay bumalik na sa pagkakaupo habang naiilang pa rin sa mga kaklase niya, kahit pa hindi na ito nakatingin sa kanya. Ilang oras ang nakalipas natapos na ang unang klase, kaya kinuha niya na ang bag niya at pumunta na siya sa susunod niyang klase. pero bago pa siya pumasok sa susunod na klase humarang sa kanya si Ari habang nakalahad ang kamay na may nakapatong na snack bar.  “Thank you.” Kuha ni Kai ng snack bar sa dalawang palad ni Ari na nakalahad sa harapan niya habang nasa tapat sila ng classroom. Ngumiti si Ari at namula ang pisngi habang nakalahad pa rin ang kanyang dalawang palad sa harapan ni Kai kahit na wala na ang snack bar sa ibabaw nito. Naka-focus kasi siya sa pagngiti ni Kai. Magkaklase sila Ari at Kai sa subject na Science, kaya laging masaya si Ari pag mga ganitong oras na, dahil may feelings siya kay Kai, kahit pa hindi niya naman talaga gusto ang Science na subject dahil more on sa history siya magaling. Pero hindi naman na sila magkaklase ni Kai sa ibang subject, kaya nagpapanggap na lang siya na gusto niya ito. Nilagay na muna ni Kai sa bulsa ang snack bar na bigay ni Ari pero nabaling ang atensyon nila sa gilid ni Kai dahil binunggo siya sa braso ni Salim. Si Salim ay ang pinakamayamang estudyante sa school, kaya may mga estudyanteng mukhang pera na kasama siya lagi sa likod niya, dahil ang tatay niya ang nagmamay-ari ng pinakamalaking school sa syudad. Pero hindi ang pinapasukan nila ngayon dahil college ang school na ‘yon at kalahating buwan pa bago sila puwedeng mag-aral sa gano'n kung kaya nila ang tuition fee. Ga-graduate pa lang kasi sila sa pagiging high school at magdedesisyon pa sila kung saan silang college pupunta. Binunggo ni Salim si Kai sa braso gamit ang balikat niya pero mabuti na lang ay sa kabilang bulsa niya nilagay ang snack bar na bigay sa kanya ni Ari. Kasi kung sa kanan ay napunta na ito sa lapag at tinapakan ni Salim.  Huminto si Salim, kaya huminto rin ang dalawang estudyante na kasama niya sa likod. “Bakit?” Lingon niya kay Kai. Minamata niya si Kai pero parang lumalabas na siya ang minamata ni Kai dahil matangkad si Kai, at si Salim naman ay halos hanggang balikat lang ni Kai. Saglit lang ang titigan nilang dalawa ni Kai at Salim dahil na-realize kaagad din ni Salim na parang may mali.  Walang pakeng tiningnan ni Kai si Salim habang papalayo sa kanila ni Ari. Si Ari naman ay hindi rin nagsalita kay Salim katulad ni Kai, pero ang tingin niya kay Salim ay iba, dahil galit niyang tinignan si Salim pero hindi naman ito tumitingin sa kanya pabalik. Iniisip ni Ari bakit ganito si Salim kay Kai, hindi pa naman sila magkaklase noon ay gano'n na siya kay Kai.  “Mabuti pa ay pumasok na rin tayo.” Hawak ni Kai sa braso ni Ari para ayaing pumasok na sa classroom.  Nawala ang galit sa mukha ni Ari dahil nagulat siya sa paghawak ni Kai sa braso niya kahit pa saglit lang ito dahil pumasok lang sila sa room at binitawan na ni Kai si Ari sa braso. Katabi lang kasi ng pintuan ng classroom ang upuan ni Ari habang si Kai naman ay sa kabilang dulo ng room, malapit sa bintana. Hindi siya makapagsalita sa hiya at namumula lang ang pisngi niya hanggang sa makaupo siya sa upuan niya. Pumasok na rin sila Salim at umupo sa upuan niya na nasa harapan ng board, kaya palagi siyang dumadaan sa kabilang pintuan malapit sa upuan niya. Oo, magkaklase rin sila ni Kai sa subject ng Science at nagpapagalingan silang dalawa, dahil kahit mayaman si Salim ay may utak din naman ito, lalong-lalo na sa Science. Mahilig din kasi si Salim sa Science katulad ni Kai, pero sa ngayon, si Kai ang nangunguna sa klase nila. Kaya palaging ginagalingan ni Salim 'pag oras ng Science, pero kahit anong galing niya ay mas maraming alam si Kai kaysa sa kanya. Habang nilalabas ni Kai ang mga kailangan niya sa subject na Science ay pumasok na ang guro nila sa classroom. Inuna muna nilang tumayo at bumati sa guro pagkapunta nito sa gitna. “Good morning, we would like to learn, Mr. Fred,” bati nilang lahat sa teacher nila.  Tumango lang ito at nag-umpisa na ang klase. Dumaan ang kalahating oras at may kumatok sa kanilang classroom, lumabas ang kanilang guro at maya-maya pa ay bumalik ulit sa loob ng classroom nila. “Kai,” tawag niya kay Kai. “The principal wants to see you," sabi niya rito. Tumayo si Kai at lumabas sa backdoor kung saan sila pumasok kanina ni Ari, kaya tiningnan din siya ni Ari hanggang papalabas ng pinto, pero hindi lumingon si Kai kay Ari. Dire-diretso lang siyang lumabas sa room at sumabay sa estudyanteng nakausap ng teacher nila kanina nang lumabas ito sa classroom. Paglabas ni Kai sa room ay sumabay siya sa paglalakad kay Diana na nakasuot pa ng pang-acrobatic na damit. Habang naglalakad sila hindi pinapahalata ni Kai na nahihiya siya rito, kaya kagaya ni Diana na nakatingin lang ng diretso sa harapan nila ay ganun din ang ginawa ni Kai. Nahihiya siya kay Diana dahil may gusto siya rito, matagal na. Noong elementary pa kasi sila ay nakikita niya na ito sa paaralan nila kung saan mahusay na itong nag-a-acrobat at tuwing nakikita niya ito na ganun ang ginagawa ay sobrang nabibilib siya dahil sa lambot ng katawan nito. Pero hindi pa kasi siya nagpapakilala rito, kaya ang alam niya hindi siya kilala nito. Pero sa totoo lang ay kilala siya nito dahil si Kai ay sikat din sa buong school nila bilang isang Science genius, kaso wala kasing nagkakagusto sa ganoong lalaki sa school nila, halos lahat ng babae ay gusto ang mayayaman o hindi kaya ay may posisyon sa sports, katulad ni Diana. Si Ari lang talaga ang may interes kay Kai dahil hindi mahilig si Ari sa mga may muscle. Mahilig siya sa may kakayahang mag-imbento ng gamit na kabilib-bilib dahil balang araw magiging magkatrabaho sila habang siya ay archaeologist.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.2K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook