Chapter 2

1044 Words
Pagdating nila sa gym ng school kung saan siya pinapunta ng principal at matapos siyang ihatid ni Diana ay bumalik na ito sa pagpa-practice sa gitna ng gym. Ngunit dahil nasa harapan niya na ang principal na nakatalikod kanina, kasi pinagmamasdan ang mga batang magagaling sa sports ay yumuko si Kai bilang paggalang sa principal ng school nila. “Magandang umaga po.” At inangat niya rin kaagad ang ulo niya. Pag-angat ng ulo niya ay nakita niya ang isang sobre na may ginto sa gitna nito para buksan. “Ano po ‘yan?” pagtatakang tono ng boses  niya pero tinanggap niya pa rin. Hindi nagsalita ang teacher niya hanggang sa buksan ito ni Kai. Nagulat muna si Kai nang makita niya ang pangalan ng sikat at malaking school sa papel. Binaba niya pa ang pagbabasa niya hanggang sa makita niya ang pangalan niya. Iniimbitahan siyang bumisita rito para mapag-isapan na roon mag-enroll pag naka-graduate na sila. “Totoo po ba ito?” na-excite niyang tanong sa principal.  “Tingnan mo ng mabuti,” natutuwang sabi rin ng principal habang nakaturo sa ibaba ng papel. Nakita ni Mark ang sikat na tatak ng specific na school. Sa bawat school kasi sa kanila, lalong-lalo na ang mga sikat at malalaking school, ay may sariling tatak kung saan nagpapatunay na galing sa kanila talaga ang sulat na iyon. “Totoo nga!” sigaw niya pero agad ding pinigilan ng principal dahil nasa gym sila at hindi pwedeng abalahin ang mga nagte-training.  Napigilan naman agad ito pero may sigaw pa rin na narinig ang ibang estudyante na nagte-training kagaya na lang ni Diana. Napatigil si Diana sa pag-training at tumingin kina Kai, pero ng napalingon si Kai kay Diana ay agad na nilihis ni Diana ang tingin niya at bumalik sa pagte-training. Bumalik na si Kai sa klase niya matapos ipaliwanag ng principal ang mga nangyari kung bakit siya ang napili na maging iskolar ng mga ito, kahit pa hindi naman nakakapagtaka na siya ang mapipili dahil sa katalinuhang taglay niya. Nakangiti siyang pumasok sa room, kaya nagtaka si Ari kung bakit siya masaya habang nakatago ang kamay niya sa likod. Nakatingin din si Salim sa kanya nang pumasok at parehas nilang nakita ni Ari ang hawak ni Kai na sobre matapos nitong makalagpas sa row ng upuan nila. Hindi alam ni Ari ang tungkol sa sobre pero si Salim ay alam na alam niya ito dahil sa gintong nakalagay sa gitna ng sobre.  “So siya ang napili ni Dad sa school,” bulong niya sa gilid habang pinagmamasdan si Kai na masayang umuumupo sa upuan niya. Itinago na muna ni Kai ang sobre sa bag niya at tumingin na sa harapan para makinig ulit sa guro kahit pa alam niya naman na ang mga ituturo nito ay nakikinig pa rin siya. Hilig niya rin kasi na ipaulit-ulit sa kanya ang mga ganitong pag-aaral dahil wala namang masama kung dalawang beses mong papakinggan kung wala ka naman hinahabol na gagawin, kaya minsan pag may nagturo sa kanya na alam niya na hindi na siya nagsasalita una pa lang. Pinapabayaan niya lang itong magsalita hanggang sa matapos tsaka niya sasabihin na alam niya ang bagay na iyon.  Natapos ang klase nila pagkaraan ng ilang minuto matapos niyang bumalik sa klase ay nag-ayos na siya ng mga librong nilabas niya kanina sa bag niya at pagkatapos ay tumayo na siya. Binitbit ang bag at tumingin sa harapan, nakita niya si Ari na nakaabang sa labas ng room. Huling lumabas si Kai sa mga kaklase niya pero naghintay pa rin si Ari sa kanya. Nagsisilabasan pa kasi ang iba nilang kaklase, kaya hindi ito makaharap para tingnan kung papalabas na ba si Kai. Dumiretso siya at kinalabit si Ari dahil nakatalikod ito.  “Wala ka bang susunod na klase?” tanong ni Kai sa kanya pagkakalabit dito. “Meron,” sagot nito. “Eh bakit parang hinihintay mo pa akong lumabas?” tanong ulit ni Kai sa kanya at sabay silang naglakad pababa sa building.  “Ah, eh-” nag-iisip ng dahilan si Ari habang tumitingin sa kabilang gilid kung saan wala si Kai, hanggang sa maalala niya ang dapat niyang itanong dito. “Kasi ano—,”  Napahinto sa pagsasalita si Ari nang bungguin na naman si Kai sa braso ni Salim ng dumaan sila pero hindi man lang tumingin o nag-sorry.  “Teka nga,” naiinis nitong sabi. Hahawakan sana ni Ari ang bag ni Salim sa likod para hatakin at matumba sa lapag pero bago pa dumapo ang kamay ni Ari sa bag ni Salim ay hinawakan kaagad ni Kai ang kamay ni Ari para pigilan ito. Nagulat si Ari at agad na namula ang buong mukha niya sa kilig pero nagawa niya pa rin itong itago. Nakalayo na si Salim at ang mga kaibigan nito habang nakahinto naman sila Kai at Ari sa hallway habang hawak ni Kai ang kamay ni Ari. Maya-maya pa ay napansin ni Kai na namumula si Ari at pagkatapos ay napatingin siya sa kamay nilang dalawa na hawak-hawak niya ang kamay ni Ari. Na-realize niya kaagad na baka anong isipin nito pero ayaw naman niyang bitawan, kaya tinago niya rin ang emosyon niyang na gulat at binaba ng dahan-dahan ang kamay ni Ari.  “Pasensya ka na, nahawakan ko pa ang kamay mo,” mahinahon niya pa ring sabi kay Ari nang nakatingin ng diretso rito.  “O-o-okay lang ‘yon,” namumula pa rin niyang mukha.  Tumango si Kai habang nakangiti pero hindi ito nakita ni Ari dahil nakalingon ito sa ibang direction para hindi makita ni Kai ang buo niyang mukha. Nagpatuloy sa paglalakad si Kai, kaya agad namang sumunod si Ari ng makita niya ito.  “Ano nga ulit ‘yong dapat mong sasabihin?” paalala ni Kai pagkapantay ni Ari sa paglalakad niya. “Gusto ko lang malaman kung para saan ‘yong sobre na dala-dala mo kanina—" Titingin sana si Ari kay Kai pero bago pa siya tumingin nakatingin na pala si Kai sa kanya, kaya inilihis niya kaagad ng makita niya na nakatingin ng diretso si Kai sa kanya. “Pagpasok mo sa classroom kasi wala ka namang dala nung lumabas ka,” tuloy niya bago sila bumaba sa hagdan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD