“Kilala mo naman si Salim, ‘di ba?” tanong niya kay Ari.
Tumango si Ari ng nakasimangot.
“At alam mong ang Papa niya ang nagmamay-ari ng malaking paaralan dito sa lugar natin?” sunod niyang tanong dito. Tumango lang ulit si Ari. “Ang sobre na dala ko kanina ay padala ng Papa niya sa ‘kin,” ani Kai habang masayang ini-imagine ang mga pwede niyang magawa sa paaralang iyon.
“Ano naman ang nakasulat doon?” si Ari naman ang nagtanong dahil inisip niyang mukhang sulat ang nilalaman ng sobre.
“Invitation ‘yon ng school para sa akin dahil nakitaan daw nila ako ng kakayahan kung saan nag-grow ang paaralan nila." Napahawak ang dalawang kamay ni Kai sa magkabilang strap ng bag habang nakangiti tsaka ito tumingin pa diretso dahil nakababa na sila ng building.
Huminto sila sa harapan ng building dahil dito na sila maghihiwalay ng daan. Si Ari ay may history class pa habang si Kai naman ay wala na dahil oras na ngayon ng uwi niya sa bahay nila.
“Ibig sabihin ba niyan eh scholar ka na nila?” masaya niyang sabi para kay Kai.
“Oo,” tuwang-tuwang sagot ni Kai habang magkaharap sila ni Ari.
Yayakapin sana ni Ari si Kai pero biglaan niyang naisip na kaya ata pinigilan siya ni Kai kanina sa gagawin niya kay Salim.
“Bakit?” tanong ni Kai ng makita niya na nagbago ang pinta ng mukha ni Ari.
“Kaya mo ba ako pinigilan kanina kay Salim dahil baka mawala ang scholar mo pagkasinubong ka nito sa Daddy niya?” nakasimangot na sabi ni Ari.
“Pinigilan kita kasi masaya ako ngayon at ayaw kong mawala na lang ‘yon bigla pag may away na naganap,” diretsong sagot ni Kai, kaya napatahimik si Ari at inilihis na naman ang tingin kay Kai.
Ilang segundo ang nakalipas at walang nagsalita sa kanila, kaya naging awkward na ang sitwasyon nila.
“Salamat nga pala ulit dito.” Dukot ni Kai sa snack bar na binigay sa kanya, binuksan niya na rin ito at kinain sa harapan ni Ari.
Napatingin kaagad si Ari sa kanya at muling ngumiti.
“Mabuti pa ay pumunta ka na sa susunod mong klase at ako ay uuwi na.” Tapik ni Kai sa balikat ni Ari at nilagpasan na si Ari sa pwesto niya.
Naiwan si Ari sa kinatatayuan niya ng nakangiti dahil hindi niya inakalang kinakain pala ni Kai ang mga bigay niya dati pa. Ngayon niya lang kasi nakita na kinain ni Kai ang pagkain na binigay niya, kaya sa sobrang tuwa niya ay napatulala siya sa kawalan hanggang sa may kumalabit na sa kanya na kaklase niya sa history class.
“Ari?”
Nagkamalay si Ari at nagulat pa dahil biglaan na lang sumulpot ang kaklase niyang babae sa gilid.
“Sorry,” hindi niya mapigilang pagngiti.
“Tara na,” aya ng kaklase niya at tumango si Ari tsaka sabay silang naglakad papunta sa history class.
Paglabas ni Kai sa school nila ay saktong may taxi siyang nakita, kaya agad niya itong tinawag. Mag-ba-bus sana siya pero maghihintay pa ng ilang minuto at dahil kailangan niya na ibalita ang magandang balita sa magulang niya, ay nag-taxi na siya since may pambayad naman din siya. Inubos niya sa taxi ang snackbar na bigay ni Ari sa kanya at pinuslit niya muna ang balat nito sa loob ng bag niya, sa maliit na bulsa.
Nilabas niya ang cellphone niya at nag-search ulit tungkol sa school na ito. Nag-search na kasi siya dati pa sa mga school na maaari niyang puntahan, pero sa ngayon, ang school na pagmamay-ari ng daddy ni Salim ang papasukan niya pagka-graduate niya, kaya ito ang sine-search niya. Malayo ang bahay nila sa syudad dahil pinili ng papa at mama niya na manirahan sa lupa ng mga ninuno nila, para walang bayaran. Ang pagtatayo lang ng bahay ang may bayad.
Inabot ang biyahe niya ng isang oras mula sa paaralan pag walang traffic at pag meron naman ay mahigit dalawang oras at kalahati. Nang malapit na siya sa bahay nila tinago niya na ang cellphone niya sa bag niya at pinagmasdan ito malayo habang umaandar ang taxi. Nakangiti ito habang excited sa magiging reaksyon ng kanyang mahal na magulang.
Ang bahay nila ay nakapwesto sa malaking lupain kung saan pagbaba mo ng kalsada ay maglalakad ka pa ng medyo malayo bago makatapak sa bahay nila. Katabi naman nito ang isang malaking bato, kasing laki nito ng bahay nila at hindi nila ito pinapatanggal dahil naniniwala ang magulang niya na ito ang nagdadala ng swerte sa kanila.
Huminto ang taxi ng lupain nila at binuksan ni Kai ang pintuan ng kotse tsaka siya lumabas. Habang nakahawak sa kotse ang isa niyang kamay ay nakatingin lang siya ng diretso sa bahay nila at nakangiti. Huminga siya ng malakas para maging handa sa reaction ng kanyang magulang. Humarap siya sa driver at binunot ang wallet sa bulsa tsaka kumuha ng sapat na pera para pambayad sa byahe niya.
“Ito po.” Abot niya dito ng nakangiti.
Sinara niya ang pinto ng taxi pero hindi niya ito narinig dahil sa malakas na tunog sa kanyang likod. Nag-umpisa na siyang kabahan at mapalitan ang ngiti ng kaba. Habang nakatingin sa driver dahil babatiin niya pa ito na mag-ingat sa pagda-drive bago umalis at bago siya humarap muli sa bahay nila ay nakita sa mata nito ang maliwanag na ilaw, pati na ang gulat sa mukha ng driver habang nanginginig ang kamay na nakahawak sa manibela.
Agad siyang napalingon sa likod niya at nakita niya ang bato na kasing laki ng bahay nila ay nahati sa gitna pero mabuti na lang ay hindi nadamay ang kanilang bahay. Hindi niya nakita ang driver, kaya hindi niya alam kung ano ang nangyari.
Nagtaka siya kung ano iyon dahil hindi naman pwedeng kidlat lang iyon. Napatingin siya sa langit para kumpiramahin kung posible bang kidlat ang humati sa bato at ang liwanag na nakita niya sa mata ng driver pero wala siyang nakitang proweba na kidlat ang tumama sa bato dahil napakaliwanag at maayos ang langit ngayon.
Maya-maya pa ay lumabas na ang magulang niya para kumpirmahin kung ano ang malakas na tunog na iyon at doon din nila nakita na nahati na ang malaking bato sa tabi ng bahay nila.
“Akala ko bahay na namin ang natamaan ng malakas na tunog na ‘yon.” Kinakabahan niyang sabi takot pa rin siya at gulat.
Ngumiti ulit si Kai dahil nakita niya ang magulang niya, naging excited ulit ang nararamdaman niya sa loob. Sisigaw sana siya para tawagin ang mga ito at sabihing nakauwi na siya at may maganda siyang ibabalita sa kanila pero nabaling ang atensyon niya ng marinig niya ang nakakagulong tunog sa langit. Napatingn siya rito at nagtaka dahil nakita niya ang glitching color sa ibaba ng bahay nila. Patuloy itong nag-gli-glitch hanggang sa makita niya ang dulo ng isang malaking kidlat na papalabas sa glitch. Alam niyang tatama ito sa bahay nila, kaya agad siyang sumigaw ng malakas para balaan ang magulang niya na tumakbo ng mabilis papalayo sa bahay nila pero hindi ito narinig ng magulang niya o maski siya ay hindi ito narinig. Dahil kagaya ng pagsarado niya sa pinto ng taxi kanina ay hindi niya rin narinig dahil mahina ang tunog nito, kaya kinain ito ng malakas na tunog.
Para bang nawalan siya ng boses sa sigaw niyang ‘yon habang umiiyak at pinapanood bahay nila na nawala na lang na parang bigla sa harapan niya kasama ng magulang niya. Hindi niya kinaya ang sitwasyon at napaluhod na lang siya sa lapag, umiiyak ng pagkalakas pero dahil nga sa malakas na tunog na ‘yon ay nabingi sila ng ilang segundo. Mas malakas kasi ang tumama sa bahay nila kaysa sa bato pero dahil nga malakas ito ay nadamay rin ito sa pagsabog. Makikita mo itong napulbos na habang ang bahay naman nila Kai ay nagkapira-piraso at ang iba pa ay lumipad sa himpapawid sa lakas ng pagsabog.