Chapter 4

1037 Words
Isang taon ang nakalipas natapos si Kai sa pag-aaral pero maraming nangyari at na bago sa kanya, tulad na lang ng kanyang pag-uugali. Hindi na siya pala kausap sa mga taong kilala niya, kahit na malalapit sa kanya ang mga ito. Maski ang mga guro na palagi niyang nakakausap dahil isa siya sa mga top student sa paaralan. Matapos masira ang bahay nila Kai ay tinulungan siya ng mga guro na makahanap ng kanyang malilipatan pansamantala dahil tatapusin niya lang ang huli niyang taon sa pagiging high school at magiging scholar na siya ng isang college school, kaya wala na siyang poproblemahin sa titirhan. Hindi pa sapat ang natitirang pera ng pamilya ni Kai sa pag renta ng apartment noon, maski ang dorm pero dahil sa mga guro na naiintindihan ang kalagayan niya ay nakuha na ng mga ito na sagutin ang upa niya sa dorm ng isang buong taon. Kada sahod ng mga guro ay nag-aambagan sila ng pambayad ni Kai sa upa ng dorm. Nagpasalamat si Kai sa mga guro niya na nagtulungan para mapanatiling may matitirhan siya sa loob ng isang taon pero hindi iyon sapat para maging tulad siya ng dati na masaya at palaka usap. Naging malamig pa rin siya sa iba maski sa mga guro na tumulong sa kanya pero hindi klase ng panlalamig na babastusin niya ito dahil ang klase ng panlalamig na ginagawa niya ay ang hindi mo siya tuloy-tuloy makakausap, kung hindi ikaw ang magbibigay ng pag-uusapan. Dahil nga sa sobrang dami ng iniisip niya ay wala na siyang panahon para pag-usapan ang lahat except kung ikaw ang magbibigay ng pag-uusapan niyo. Palagi na rin siyang nakatingin sa baba habang nakasimangot, kaya madalas ay hindi talaga siya malapitan ng iba para kausapin. Maski nga ang malapit niyang kaibigan na si Ari ay nahihiya nang lumapit dahil baka may masabi lang siyang mali at ikasama pa ng loob ni Kai. Ayaw na ayaw mangyari ni Ari ang ganun dahil mabuti na na nakikita niya ito araw-araw sa paaralan kaysa naman na umabsent ito lagi dahil sa posibleng masabi niya na mali kay Kai. Minabuti niya na lang na pagmasdan ito sa malayo at halos hindi na sila sabay na lumalabas sa paaralan dahil nakasunod na lang siya dito. Hindi na kasi napapansin ni Kai si Ari at ang mga dati nilang ginagawa bago mangyari ang insidente sa magulang niya, dahil nawala na sa utak ni Kai ang mga ganun. Halos aral at uwi na lang ang ginagawa niya at patuloy niyang ginagawa, kaya medyo pumayat din siya ng konti. Isang araw sinubukan na abutan ni Ari si Kai ng niluto niyang pagkain pero nang makita niya ito sa labas ng paaralan kung saan walang dumadaan na estudyante ay napahinto siya dahil habang nakaupo ito sa upuan, umiiyak din ito. Hindi na nagawang lumapit ni Ari kay Kai pero nagawang iwan naman ni Ari ang niluto niya sa katabing upuan nito. Sinulatan niya ito ng maikling mensahe na "Kumain ka." Pero hindi niya ito nalagyan ng pangalan niya dahil sa pagmamadali na baka mahuli siya. Hindi na rin siya bumalik dahil baka marinig na ni Kai ang yapak ng paa niya at pagkatapos noon ay hinayaan niya na lang si Kai na umiiyak ng tahimik sa upuan, kaya hindi niya rin alam kung ano ang nangyari sa lalagyan niya ng pagkain, pati na sa kutsara at tinidor. Sinubukan niya naman na balikan ang lalagyan niya ng pagkain sa upuan na iyon pero ilang araw na ang nakalipas nung ginawa niya ang bagay na 'yon, kaya pagbalik niya wala na talaga ang lalagyan niya ng pagkain sa upuan pero hindi niya alam kung na kay Kai ba o nakuha ng naglilinis sa paaralan. Hindi niya naman malaman kung na kay Kai ba dahil hindi niya nakikita si Kai na kumakain ng pagkain tuwing nasa paaralan ito. Pagdating naman sa naglilinis ng paaralan ay hindi naman masagot ang tanong ni Ari dahil hindi na matandaan nito kung ano ang sinasabi ni Ari sa sobrang dami ng nilinis ng naglilinis. Bumalik si Ari kay Kai para tanungin sana ito pero hindi niya talaga magawang lapitan ng tuluyan at kausapin hanggang sa mawalan na si Ari ng pake kung nasaan na ang lalagyan ng pagkain. Pero sa lahat ng iyon na nangyari kay Kai ay nakagawa pa rin si Kai ng mabuti para sa sarili niya at iyon ang pag-fo-focus niya pa rin sa pag-aaral para maging memorable pa rin ang huli niyang taon sa high school. Nakagawa pa rin siya ng magaganda at useful na proyekto, matataas pa rin ang mga grado niya sa bawat guro na parang hindi man lang nakaapekto sa pag-aaral niya ang nangyaring insidente sa magulang niya. Nakamit niya ang pinakamaraming medalya at certificate sa paaralan nila pero walang ibang magbibigay sa kanya ng mga iyon sa stage kung hindi ang mga guro na tumulong sa kanya na makaligtas sa huli niyang taon sa paaralang high school. Nakita ng lahat kung gaano katibay si Kai dahil hindi man lang siya umiiyak habang mag-isa na nakatayo sa stage at nakatingin sa maraming tao na kasama ang mga kanilang magulang. Nakapagbibigay pa si Kai ng mahalagang speech sa mga ka estudyante niya pati na sa mga magulang nito ng hindi na naman nagagawang umiyak pero matapos ang lahat habang nag-uuwian na ang mga estudyante ay bumalik si Kai sa room nila at doon umiyak pero ang hindi alam ni Kai bumalik rin si Ari sa room nila dahil may nakalimutan at doon niya nakita si Kai na lubusang umiiyak. Walang ibang tao sa floor nila, kaya walang ibang nakakaalam na umiiyak si Kai kung hindi si Ari lang. Hinayaan ulit ni Ari si Kai, pati na ang naiwan niyang gamit sa loob ng room. Pagkatapos ni Kai na umiyak sa loob ng room ay lumabas na siya at sinabi sa sarili niya na huling iyak niya na iyon dahil solusyon na ang kailangan niyang gawin para alamin kung ano talaga ang dahilan nang pagkamatay ng magulang niya. Ngayon na naglilipat na siya ng mga gamit niya galing sa unang dorm papunta sa bagong dorm natitirhan niya, bukas na bukas din ay ang panimula ng pagiging kolehiyo niya sa paaralan ng Cordial.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD