Habang nagpapahinga siya sa kama niya dahil pagod sa kabibitbit ng mga gamit niya, na nakalagay sa karton ay biglang may kumatok na lang sa pintuan. Pinagbuksan niya naman ito at nakita niya ang isang matandang lalake na nakatayo sa harapan ng pintuan niya habang may hawak na papel.
"Are you Mr. Kai Loreto?" Tingin ng matanda sa papel bago tumingin kay Kai.
"Yes?" nagtataka namang sabi ni Kai sa matanda pero bigla niyang naalala kung sino ang matanda. "Ohh, you must be the instructor guy." Turo niya sa lalake. "Right?"
"Yes," sagot ng matanda.
"I thought bukas ka pa po pupunta para sabihin sa akin ang iba pang kailangan kong malaman?" Hawak ni Kai sa door knob.
"Mr. La Von wants you to start smoothly tomorrow, so he contacted me to give you early instructions for school." Humarap sa gilid ang lalake at dumiretso ng lakad. "Get ready, I'll wait for you on the first floor."
Magbibihis pa sana si Kai pero mukhang nagmamadali ang lalake at baka pagpinahintay niya pa ito ng matagal sa baba ay baka iwan na siya nito, kaya kinuha niya na lang ang jacket niya sa kama at iniwan ang kwarto na hindi pa nakaayos. Pagsara niya sa pinto hinabol niya ang lalake na nasa hallway na, habang nahihirapan pang magsuot ng jacket si Kai.
"Wait," sabi niya sa lalake.
Na unang makapunta ang lalake sa tapat ng elevator, kaya siya rin ang nagpindot ng buton para makasakay sila ng elevator. Pagpantay naman ni Kai sa lalake ay naayos na ni Kai ang suot niyang jacket.
"Ano nga po pala ang pangalan niyo?" tanong ni Kai sa lalake ng hindi lumilingon.
"Call me, Mr. Pool," sagot ni Mr. Pool kay Kai.
Tumatangngo lang si Kai matapos niyang malaman ang pangalan ng lalakeng instructor niya ngayon, hanggang ito naman ang magsalita tungkol sa kanya.
"Ang sabi ni Mr. La Von hindi ka daw pala kausap dahil sa insidente na nangyari sa inyo ng pamilya mo, pero mukhang hindi ka pa talaga niya nakakasama 'no?" Lingon ng saglit ni Mr. Pool kay Kai.
"Matagal na po ang pangyayaring 'yon pero ang totoo pong dahilan kung bakit ako madaldal ngayon ay dahil sa excited ako na makita ang buong itsura ng paaralan sa totoong buhay." Nakangiting peke ni Kai habang medyo naiilang sa hindi inaasahan ni Kai na sasabihin ni Mr. Pool tungkol sa pamilya niya.
"Ganun ba?" saktong bukas ng elevator, kaya pumasok na nang sabay ang dalawa.
"Opo," magalang na sagot ni Kai habang nakikita niya ang sarili niya sa makinang na pinto ng elevator pagsara nito .
"So do you want to know why your room is on the 4th floor?" ani Mr. Pool kay Kai.
"May meaning po pala pati 'yon?" pagtatakang tanong ni Kai dahil wala iyon sa na basa niya tungkol sa school.
"Lahat ng scholar dito sa Cordial College ay ang nakakataas ang mamimili kung saan kayo titira," sabi ni Mr. Pool. "Habang ang mga nagbabayad naman ng tuition fee ay may kakayahan na pumili sa kung saan nila gustong tumira sa mga kwarto dito sa building," paliwanag ni Mr. Pool. "Ngayon kaya ikaw nasa 4th floor dahil-"
Putol na sabi ni Mr. Pool dahil biglang nagsalita si Kai, habang nakatingin kay Mr. Pool. "Hindi pa po pala iyon ang dahilan?"
"Hindi pa," sagot ni Mr. Pool. "Ang talagang sagot ay dahil sa mga anak mayaman na gustong nasa baba ang kwarto nila dahil tinatamad silang pumanik ng matagal sa baba at taas, kahit pa may elevator naman."
Magsasalita pa sana si Kai pero biglang bumukas na ang pinto ng elevator dahil nasa 1st floor na sila at agad din kasing lumabas si Mr. Pool.
"Kaya po pala palaging nasa huling floor ang mga scholar?" Sunod ni Kai kay Mr. Pool na mabilis maglakad.
Tumangngo si Mr. Pool at nagsalita. "May mga scholar naman na napunta sa 2nd or 3rd floor dahil depende pa rin sa mga nagbabayad kung saan nila gusto pero kadalasan hindi talaga nila inuuna ang mga scholar pagdating sa mga ganung bagay." Labas ni Mr. Pool sa building matapos pagbuksan ni Kai ng pinto.
"Wala naman pong dapat ireklamo sa ganun, pasalamat na lang kami at kami ang nakuhang scholar nila." Pantay ni Kai sa mabilis na lakad ni Mr. Pool.
"Sinabi ko ang bagay na 'yon sayo dahil ang kasunod kong sasabihin ay may kinalaman don." Hinto ng lakad ni Mr. Pool sa open space ng Dorm of Cordial College.
"Bakit po kayo napahinto?" pagtataka ni Kai.
Humarap si Mr. Pool ng biglaan sa likod nila, kaya napaharap din si Kai dito. "Ang building A at B ay para sa lalake." Turo ni Mr. Pool sa una at pangalawang building. "At ang building C at D naman ay para sa babae." Turo naman niya sa dalawa pang building na natitira sa bandang dulo. "Iyon lang, tara na." Talikod ulit ni Mr. Pool para ituloy ang paglalakad papalabas sa gate. Nang makalabas si Mr. Pool ng Gate tinawag niya ulit si Kai. "Mr. Loreto?"
Namangha kasi si Kai sa apat na building, kaya hindi niya namalayan na wala na sa tabi niya si Mr. Pool. Nang marinig ni Kai ang tawag sa kanya ni Mr. Pool ay nawala ang pagkatulala niya sa mga gusaling maliwanag at sumunod ulit kay Mr. Pool sa labas ng gate.
"Sorry," ani Kai kay Mr. Pool na may kasamang yuko pero pag-angat niya ng ulo niya ay may saktong may huminto na sasakyan sa gilid nila.
Napatingin si Kai sa taong lalabas sa sakyan habang si Mr. Pool naman ay walang pake, kaya diretso lang ulit siyang naglakad papunta sa loob ng malaking paaralan. Paglabas ng tao sa sasakyan nakita ni Kai na nahihirapan itong ilabas ang mga gamit niya. Lumapit si Kai at tinulungan ito pero nang humarap ito sa kanya, hindi pala ito basta tao lang. Si Ari pala ito at ang mga gamit niya, kaya walang ibang reaksyon si Kai kung hindi pagtataka kung bakit nasa harap niya ngayon si Ari. Matagal niya na itong hindi nakakausap at hindi niya na alam kung paano niya ulit ito kakausapin tulad ng dati.