Chapter 6

1134 Words
Nagulat din si Ari kung bakit nasa labas pa rin si Kai at katulad ni Kai hindi rin siya makapagsalita hanggang sa maging awkward na ang sitwasyon nila pero mabuti na lang at tinawag si Kai ni Mr. Pool. "Mr. Loreto?" Nakahinto ni Mr. Pool sa gilid ng daan. Napalingon silang dalawa pero si Kai lang ang nagsalita. Akala ni Ari ay iiwas si Kai sa kanya dahil sa naging awkward na ang sitwasyon nila pero hindi. "Pwede niyo po ba akong hintayin sa loob kahit saglit lang?" Lakas na sabi ni Kai ng konti para marinig siya ni Mr. Pool sa layo nilang dalawa. Yumuko ng konti si Mr. Pool at tumalikod na sa kanila para dumiretso sa pupuntahan. "Salamat po," pahabol na sabi ni Kai kay Mr. Pool habang naglalakad na ito papalayo at binalik niya na ang lingon kay Ari pero hindi niya inaasahan na nakatingin na pala sa kanya ito, kaya medyo nagulat siya. "Ohh, sorry." Napahakbang ng isa paatras si Kai habang kumakamot sa ulo at naiilang na nakangiti "It's okay." Iwas naman ng tingin ni Ari. Wala na naman ulit sa kanilang dalawa ang nagsalita, kaya medyo naging mahirap ito pero nawala naman din kaagad dahil biglang nagsalita ang driver ng sasakyan. "Kukunin niyo na po ba ang mga gamit?" nag-aalangngan na tanong nito dahil ayaw niya naman din guluhin ang moment nilang dalawa pero syempre tao rin siya at may kailangan pang gawin. "O-opo." Kilos agad ni Kai. Pinatabi niya muna si Ari sa pintuan ng sasakyan para kunin ang natitira nitong gamit sa loob at tsaka sinunod ni Kai ang mga gamit ni Ari sa compartment, sa likod. Nang mailabas na ni Kai ang lahat ng gamit ni Ari sa sasakyan dito na bumalik ang ka-awkward-dan nila. "Salamat." Nakaiwas pa rin na tingin ni Ari kay Kai. "Mhm." Tangngo ni Kai. "Basta mag-iingat ka sa pag-akyat mo." Turo ni Kai na may kasamang lingon sa mga building. Tatalikod na sana si Kai para sumunod na kay Mr. Pool pero biglang nagsalita si Ari. "Wait-" Patigil ni Ari kay Kai. Napaharap ulit si Kai kay Ari pero bigla na namang may huminto sa gilid nila na sasakyan. Lumingon silang parehas dito at nakita nila ang isang babae na naka-cap. Hindi pa nila mamukhaan ito dahil nakatalikod at nilalabas niya rin ang mga gamit niya pero hindi na nito mukhang kailangan ng tulong, dahil kayang kaya niyang buhatin papalabas ng sasakyan ang mga gamit niya, hanggang sa humarap na nga ito at doon nila mamukhaan. Mas na gulat si Kai ng makita niya si Diana na nasa harapan niya dahil ito pa naman ang high school crush niya. Samantala habang hindi makagalaw si Kai sa pwesto niya, wala namang pake si Ari kay Diana. Alam kasi ni Ari na dito rin napili ni Diana mag-aral. Mabilis lang naman ang pangyayari dahil dinaanan lang silang dalawa ni Diana na parang hindi na mukhaan hanggang sa sumunod na rin si Ari na pumasok sa gate ng dorm dahil nawala na rin ang gana niya ng makita niya ang reaksyon ni Kai kay Diana. Natauhan si Kai at don niya lang napansin na pati si Ari ay umalis na sa kanyang harapan. Hindi na ni Kai tinanong o hinabol pa kung bakit siya pinahinto ni Ari kanina na parang may gusto itong sabihin sa kanya dahil nakalayo na rin ito, kaya sumunod na lang ulit siya kay Mr. Pool na nasa loob na ng paaralan. Pagliko niya sa harapang pinto ng paaralan nakita si Mr. Pool na wala pa sa loob, inaantay siya nito sa labas. Lumapit si Kai kay Mr. Pool at tinanong. "Bakit pa po nasa labas kayo?" Nilabas ni Mr. Pool ang teachers I.D niya at pinakita ito kay Kai. "Bukas pa kayo magkakaganito, kaya hindi pa kayo makakapasok sa paaralan basta-basta." Humarap si Mr. Pool sa salamin na pinto at inilagay nito ang I.D niya sa katabi nitong hugis kahon na bakal. Akala ni Kai ay isang display lang ito dahil meron rin ito sa kabila pero nang ipatong ni Mr. Pool ang I.D niya at iwan ito sa gitna ay biglang bumaliktad ito at nawala ang I.D ni Mr. Pool sa gitna. "Nawala po ang I.D niyo." Turo ni Kai habang nakasunod kay Mr. Pool dahil nakita niya itong pinagbuksan na ng salamin na pinto. Pagpasok nila Kai sa paaralan nakita niya pa ulit ang dalawang hugis kahon na bakal sa magkabilaang side ulit ng daan at biglang bumukas ang konting ilaw sa hallway ng paaralan papunta sa iba't ibang kwarto. Dito rin nakita ni Kai ang I.D ni Mr. Pool na bumalik pero galing na sa loob na scanner ng paaralan. Hindi kinuha ni Mr. Pool ang I.D niya sa ibabaw ng scanner at dinaanan niya lang ito. "Ikaw ang kumuha ng I.D ko Mr. Loreto," ani Mr. Pool. "At tingnan mo." Utos ni Mr. Pool kay Kai habang naglalakad sila. Pinagmasdan ng mabuti ni Kai ang I.D ni Mr. Pool pero parang normal lang naman ito. "Wala naman-" Napahinto niyang sabi ng makita niya ang dahan-dahan na lumalabas sa gilid ng picture ni Mr. Pool. "Pass plus visitor?" Basa ni Kai sa salita na lumilitaw pa sa I.D ni Mr. Pool. "Iyan ang paraan nila para malaman kung pumasok ka ba sa paaralan o hindi," paliwanag ni Mr. Pool. "Kung lalabas ka naman dahil tapos na ang mga klase mo o may kailangan ka lang balikan sa dorm para kunin ay mapapalitan 'yan ng leave." Tuloy na paliwanag ni Mr. Pool. "Eh paano po kung papasok lang sa paaralan pero hindi naman papasok sa mga klase nila?" Nakatingin pa rin ni Kai sa I.D ni Mr. Pool hanggang sa mabangga niya si Mr. Pool dahil hindi niya alam na huminto ito sa harapan niya. "Aw," ani Kai at napatingin sa harapan. "Sorry po." Yuko niya kaagad kay Mr. Pool. Humarap si Mr. Pool sa kanya at nagsalita. "Hindi sila makakalabas o makakapasok kung hindi nila ilalagay ang I.D nila sa scanner," sagot ni Mr. Pool sa tanong ni Kai. "Hindi po." Hawi ng kamay ni Kai sa harapan nila ni Mr. Pool dahil mukhang hindi nakuha ni Mr. Pool ang ibig sabihin ni Kai. "Malaki po kasi ang lugar na ito at pwede pong pag tambayan lang ng mga estudyante," paliwanag ni Kai sa sinabi niya. Tumalikod si Mr. Pool at sinagot ang sinabi niya. "Paaralan ito ng mga kolehiyo Mr. Loreto, hindi ng mga bata." Lakad ulit ni Mr. Pool paharap. Biglaan niyang naisip ang ibig sabihin ng sinabi ni Mr. Pool, nailang siya at napatingin sa baba habang nakahinto sa pwesto. "Pasensya na po." Tingin niya ulit kay Mr. Pool na naglalakad na papalayo. "Marami po kasing ganun sa high school, kaya medyo nasanay na." Sunod niya nang lakad kay Mr. Pool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD