Story By Reicheru
author-avatar

Reicheru

ABOUTquote
20
bc
Upside Down
Updated at Mar 29, 2022, 17:06
Upside Down. Tungkol ito sa parallel world na papasukin ni Kai Loreto kahit anong mangyari dahil sa magulang niya. Pero, paano kung madiskubre niya na napaka-iba ng mundo na ito kaysa sa mundo nila? Sa kadahilanang isa itong mundo na kung saan ang mga tao ay may kapangyarihan, katulad na lang ng kaparehas niyang mukha na si Namuh Elpmis. Ano kaya ang magiging reaksyon nila sa isa’t isa pag nagkita? Magiging kaibigan ba o magiging magkaaway? Matutulungan ba ni Namuh si Kai sa gusto niyang malaman kung bakit siya pumunta talaga sa parallel world? Paano niya naman matutulungan si Namuh sa oras na ito naman ang manganib ang buhay, dahil may masasamang tao pa rin naman sa mundo nila?
like
bc
World of Differences: Colt Trevoir
Updated at Jan 17, 2022, 23:03
Pagkaraan ng kahina-hinagpis na sinapit ng mga nakapaloob sa Muujan ay may panibago na namang kahaharapin ang prinsipe mula roon. Si Colt Trevoir ay nagtataglay ng kapangyarihang may kinalaman sa tubig, isang kasindak-sindak na prinsipe ngunit, nang makabalik siya sa mundo ng mga tao ay nawala ang lahat ng iyon sa kanya. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan niya ay naging maginhawa ang buhay niya sa mundo subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang siyang napadpad sa loob ng kanyang paboritong laro; ang Death Tournament. Makakaligtas pa ba muli si Colt kung ang pangunahing layunin ng laro na ito ay magpatayan?
like
bc
Beautiful Pain
Updated at Nov 29, 2021, 18:36
Sa loob ng Year 4 - Class A ng Winters Academy ay mayroong napakagandang babae na kinikilala bilang si Charmaine Tan. Dahil sa katotohanang iyon ay maraming humahanga sa kanya kahit pa mahirap lang siya at wala gaanong utak. Subalit, sa kabila ng lahat ng lalaking nagkagusto sa kanya, wala siyang natipuhan sa mga iyon maski isa. Not until she met Caleb Rhys, ang kaisa-isahang lalaking nakapagpatibok muli ng kanyang puso. Pero, paano niya ito maipaparamdam sa lalaki kung ang kanyang malapit na kaibigan na si Yvonne Castro ay humahadlang sa kanila? Charmaine likes Caleb. Yvonne likes Caleb. Caleb likes Charmaine. Paano kaya tatakbo ang kanilang istorya ng pagmamahalan sa magandang pamamaraan at walang nasasaktan? Magagawa kaya nila ito?
like
bc
Taken by the Wind
Updated at Jul 29, 2021, 08:59
TAGALOG | TEEN FICTION Tunghayan kung paano tumakbo ang kwento ng isang babaeng pinagtaksilan ng kanyang kinikilalang kaibigan, habang nariyan ang lalaking nakahandang ipagtanggol siya kahit kanino.
like
bc
World of Differences: Pearl Miranda
Updated at Mar 21, 2021, 22:59
Si Pearl Miranda ay tinaguriang pinakamatalinong estudyante sa kanilang unibersidad, ang Majistia University. Isang unibersidad para sa mga gustong matuto ng mga siyantipikong pag-aaral. Karamihan sa mga nakakapasa sa unibersidad ay puro kalalakihan na talaga namang may nakikitang potensyal para matuto ng husto— kaya't tunay na nakakabilib ang taglay na kagalingan ni Pearl nang siya'y nakapasa. Sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Pearl sa hindi kilalang lugar sa mundo... Matalino si Pearl, oo. Ngunit nang mapunta siya sa Muujan ay tila ba'y naging isang sanggol siyang mangmang pa sa kapaligiran. Matatanong niya nalang ang kaniyang sarili kung... "Nasa mundo pa ba ako ng mga tao?"
like