bc

Beautiful Pain

book_age16+
337
FOLLOW
1.4K
READ
love-triangle
dare to love and hate
drama
sweet
bxg
female lead
highschool
first love
friendship
school
like
intro-logo
Blurb

Sa loob ng Year 4 - Class A ng Winters Academy ay mayroong napakagandang babae na kinikilala bilang si Charmaine Tan. Dahil sa katotohanang iyon ay maraming humahanga sa kanya kahit pa mahirap lang siya at wala gaanong utak. Subalit, sa kabila ng lahat ng lalaking nagkagusto sa kanya, wala siyang natipuhan sa mga iyon maski isa. Not until she met Caleb Rhys, ang kaisa-isahang lalaking nakapagpatibok muli ng kanyang puso. Pero, paano niya ito maipaparamdam sa lalaki kung ang kanyang malapit na kaibigan na si Yvonne Castro ay humahadlang sa kanila?

Charmaine likes Caleb.

Yvonne likes Caleb.

Caleb likes Charmaine.

Paano kaya tatakbo ang kanilang istorya ng pagmamahalan sa magandang pamamaraan at walang nasasaktan? Magagawa kaya nila ito?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHARMAINE Isang panibagong araw na naman ngunit walang pagbabago sa estado ng aking pamumuhay, isa pa rin akong ordinaryong mag-aaral na walang ibang inaatupag kundi ang matuto. Kasalukuyan akong naglalakad sa damuhan ng aming eskuwelahan kung saan maaaring magpalipas ng oras ang kahit na sino, basta't 'wag lang sa oras ng klase. Ramdam na ramdam ko ang matatalim na titig ng mga nasa paligid ko kaya nadarama ko na rin ang pagka-ilang, na para bang gusto ko na lang maglaho bigla sa gitna nitong damuhan na ito. Hindi na bago sa akin ang ganitong kaganapan sa tuwing maglalakad ako sa kahit saan ako magtungo, ngunit ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit nila kailangan gawin iyon sa bawat araw. Wala na ba silang ibang matingnan kundi ang kagandahan ko? Bigla na lamang akong napangisi nang hindi ko namamalayan dahil sa naisip kong iyon kaya agad kong iniyuko ang aking ulo para hindi na ako makita pa ng ibang estudyante, at upang hindi ko rin sila masilayan. Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na rin ako sa ikatlong palapag ng aming paaralan kung nasaan naroroon ang aking silid. Katulad ng nakasanayan, nagkakagulo ang mga kaklase ko dahil wala pa naman ang guro namin. "Charmaine!" Dali-dali kong nilingon ang tumawag sa pangalan ko ng pasigaw at napagtantong isa lang iyon sa mga malilikot na lalaki. Katatapak ko pa lang sa daanan papasok ng kwartong iyon ay ako na agad ang umagaw ng kanilang pansin, na siyang hindi ko naman hinihiling. "Ganda mo pa rin ngayong taon ah! Kailan ka ba magkakaroon ng gusto sa akin?" mapagbirong tanong niya at kasunod niyon ay ang walang tigil na pagtawa niya na sinabayan naman ng kanyang mga kasamahan. Inirapan ko na lang ang lalaki na si Jayden saka ko napagpasyahang umupo na sa upuan ko; nakapwesto ako sa unang hilera ng mga upuan sa harapan kung saan malapit ang teacher's table. Isinabit ko ang bag ko sa pako na nakabaon sa gilid ng upuan ko saka ko isinandal ang magkabilang braso ko sa likuran ng aking upuan. "Akala mo naman kung sino kung makaasta..." Rinig kong bulong mula sa isang babae na medyo malayo ang distansya sa akin. "Puro lang naman pagpapaganda ang alam niyan, wala namang laman ang utak niyan..." dugtong pa nito sa panglalait niya sa akin. Bumuntong hininga ako at kumurap muna ako ng ilang ulit bago ako nagsalita. "Alam niyo ba? May bago akong natutuhan..." bitin na sambit ko na siyang nakapagpatahimik sa maiingay na daldalan ng mga lalaki sa kabilang gilid, pati na rin ang ilan pang nag-uusap at naglalaro sa sulok. "'Pag inggit, pikit," nakangisi kong sabi kahit pa alam ko namang hindi ako nakikita ng mga nang-iinsulto sa akin. "Payag ka nun, Alessandra? Kung ako 'yan, pinatulan ko na 'yan kahit pa gaano kaganda 'yan." Imbis na pigilan niya ang kanyang kaibigan, kung magkaibigan man sila, ay mas lalo pa niya itong kinunsinting ipagpatuloy lang ang ginagawa nito na para bang wala namang mali roon. "Mukhang wala naman siyang binatbat sa atin. Tulad nga ng sabi mo, puro lang siguro 'to pagpapaganda. Gusto yata makuha niya ang lahat ng lalaki sa mundo," natatawang wika nito. Nang akma na akong tatalikod para sana tingnan kung sino ang panibagong nagsalita dahil hindi ko siya mabosesan ay bigla na lang akong tumalsik sa aking kinauupuan. Hindi naman ako tuluyang bumagsak dahil nagawa ko pa ring ibalanse ang aking sarili sa aking tinatapakan. Umakyat ang aking tingin sa isang babaeng nakangiti ng nakaloloko. Sa palagay ko ay ngayon ko lang siya nakita, marahil ay isa siyang transferee o sadyang napabilang lang siya sa aming klase. Sisipain pa sana nung babae 'yung upuan ko para bumagsak ito sa harapan ko ngunit pinagpala naman ako sa bilis kong kumilos. Nakapunta agad ako sa mismong harapan nung babae at hinawakan ng mahigpit ang kanyang magkabilang braso. Nagbabanggaan na ang kanyang mga ngipin at dinig na dinig ko iyon, isang hudyat na gusto niyang lumaban pero wala siyang lakas para gawin iyon. Nakita ko naman sa gilid ng aking mga mata ang marahang paglapit ng kanyang kaibigan na si Alessandra. "Tama na 'yan, Cassie." Nagkatinginan kami ng ilang segundo pero agad din naman niyang inalis ang kanyang tingin, siguro ay natakot sa matatalim kong titig. "Wala kang magagawa laban sa kanya. Awat na 'yan, tara," pag-uulit niya habang pilit na hinahatak ang uniporme ng babaeng tinawag niyang Cassie. Mas lalong sumama ang mga mata ni Cassie nang tingnan niya ako sa huling pagkakataon at madaling pumiglas sa pagkakahawak ko sa kanya. Yumuko sa harapan ko si Alessandra matapos umalis ni Cassie sa aming pagitan at bumalik sa kanyang sariling upuan. "Sorry sa mga sinabi ko. Kinain lang ako ng labis na pagka-insecure sa aking sarili. Pasensya na uli, hindi na mauulit 'to," sambit niya at sinundan na niya si Cassie pabalik. Huminga ako nang malalim at pumalakpak ng tatlong beses para mabalik sa huwisyo ang mga kaklase kong natulala na lang sa kapapanood sa amin. "Tapos na ang palabas, bumalk na kayo sa mga inaatupag niyo." "Charmaine!" "Charmaine!" "Charmaine!" Sunod-sunod na hiyaw ng mga kaklase ko sa pangalan ko na may kasama pang paghampas sa kani-kanilang mga lamesa. Hindi ko na sila pinansin at inayos ko na lang uli ang pag-upo ko. Ilang saglit pa ay dumating na ang aming guro para sa taong ito, siya pa rin naman iyon at apat na taon na namin siyang nakakasama kaya kilala na namin ang bawat isa, hindi na mahirap sa kanya ang tuntunin kung sinu-sino ang mga nahihirapan sumunod sa kanyang mga tinatalakay at agad din niya itong nasusulusyonan. "Good morning!" Bati niya sa amin na may kasamang ngiti, ipinatong na muna niya ang kanyang laptop at bag sa lamesa bago niya pinagsiklop ang kanyang sariling mga kamay. "Good morning po, Ma'am!" Simpleng pagbati lamang pabalik sa aming guro ay nagsipagtawanan na ang kalalakihan sa likod dahil sa pamamaraan nila ng pagigkas ng katagang iyon, na tila ba'y nasa elementarya pa rin sila. "I would be introducing a transfer student and magiging masaya ako kung tatanggapin niyo siya katulad ng pagtanggap ko sa inyong lahat," sabi ni Ma'am Ariela at saka siya lumingon sa pinto na sa palagay ko ay naghihintay roon ang sinasabi niyang transferee. Please lang Lord, biyayaan niyo naman ang seksyong ito ng isang matipunong lalaki!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

WHAT IF IT'S ME

read
66.8K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
95.1K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.8M
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
238.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook