bc

World of Differences: Pearl Miranda

book_age16+
449
FOLLOW
1.3K
READ
murder
curse
kickass heroine
tragedy
female lead
sword-and-sorcery
magical world
another world
disappearance
reckless
like
intro-logo
Blurb

Si Pearl Miranda ay tinaguriang pinakamatalinong estudyante sa kanilang unibersidad, ang Majistia University. Isang unibersidad para sa mga gustong matuto ng mga siyantipikong pag-aaral. Karamihan sa mga nakakapasa sa unibersidad ay puro kalalakihan na talaga namang may nakikitang potensyal para matuto ng husto— kaya't tunay na nakakabilib ang taglay na kagalingan ni Pearl nang siya'y nakapasa.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay napadpad si Pearl sa hindi kilalang lugar sa mundo...

Matalino si Pearl, oo. Ngunit nang mapunta siya sa Muujan ay tila ba'y naging isang sanggol siyang mangmang pa sa kapaligiran.

Matatanong niya nalang ang kaniyang sarili kung...

"Nasa mundo pa ba ako ng mga tao?"

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Is everyone here now? I don't tolerate latecomers, and also remember that the class you're attending now will not change until the day of your graduation, aight?" Pagklaro ng propesor ng Physiology Class A. "To start off with our review, can anyone here define Physiology and how important it is to ourselves?" Ilang minuto na ang nakalipas ay wala pa rin nakakasagot ng simpleng katanungan na iyon. Tumikhim ang propesor at nagsimulang paikutin ang maliit na bola sa kanyang kamay. "Kung sino sa inyong matamaan ng bola na 'to, will answer my question ah," pananakot nito. Ang kaninang tahimik na mga estudyante ay naging aligaga. Bulungan dito, bulungan doon, nagtatanungan kung ano ang sagot. Handa nang ibato nito ang bola pero hindi ito natuloy nang bumukas nang malakas ang pintuan sa likuran ng kanilang classroom. Pumasok mula roon ang isang matangkad na maputing babae, nakakaakit ang kanyang kagandahan at mapulang buhok na nakalaylay hanggang sa kaniyang bewang. Sa lahat ng estudyante sa Majistia University, paniguradong siya ang heartthrob sa buong kababaihan! Bumagay pa sa kaniya ang suot na uniporme dahil napaka-fit nito at bakas ang kurba sa kanyang bewang. "Sorry I'm late…" panimula ng babaeng pawis na pawis. Naglakad na siya papasok ng pinto nang bigla siyang binato ng bola ng propesor. "Aray!" Tinignan niya ng masama isa isa ang mga kaklase niya pero lahat ay nakatuon ang atensyon sa harapan. Dumaan ang tingin ng babae sa propesor at nawala ang masamang tingin sa kaniyang mukha nang matanto nitong sinadya siyang batuhin nito. Galit na hinampas ng propesor ang lamesa sa harapan niya. "Get out! I don't accept latecomers in my class," mariing sinabi nito sa babae. Nanlaki ang mga mata nito nang balewalain ng estudyante ang kaniyang pagbulyaw dahil umupo lang ito sa tabi ng isang lalaki at tila ba'y nakikipagkwentuhan ng normal. Sinulyapan ng babae ang propesor at nginisian tsaka nagsalita. "What'cha expect me to do? Skip class just because I'm 2 minutes late? Give me all the questions you've got at sasagutin ko lahat para naman hindi ka mapahiya, pro-fes-sor," pang-aasar nito. "W-what is P-physiology and its importance to our l-life," nauutal na tanong ng propesor. 'Yun lang?' sabi sa isip ng babae tsaka bumuntong hininga bago sumagot. "Physiology is simply a branch of biology that deals with the functions and activities of living creatures. It's kinda important to us since, as we study both Physiology and Anatomical lectures, we'll be able to understand the depths of a normal body function." Kumalma ang propesor nang makasagot ito ng diretso at tama. "Who introduced the term Physiology?" sunod na tanong nito. "From Ancient Greek, a French Physician introduced the term Physiology which means, 'the study of nature'. He is known as Jean Fernel," tinatamad na sagot nito. Naagaw ang atensyon ng mga kaninang seryoso niyang mga kaklase nang masagot niya ito. Maski ang propesor ay napaawang ang labi dahil nasa isip nito na babae lamang iyon. 'Siya ba?' tanong ng propesor sa kanyang isipan. "Pearl Miranda of Physiology Class A!" Nagtinginan ang lahat sa speaker ng classroom nang may biglang nagsalita roon. "Go to the Principal's Office after you're done with your class." "Sino yung nag-announce?" "Hindi naman ganun boses ni Sir MC, ‘di ba?" Nagsimulang magtanungan ang mga magkakaklase nang dahil sa pagtataka kung bakit tila ba'y hindi taga-Majistia ang nagsalita kani-kanina lamang. Kilala ang Majistia University sa napakahigpit na seguridad nito sa bawat pasilyo ng paaralan. Bukod pa roon, malawak ito kahit hindi karamihan ang nakakapag-aral dito; dahil sa mahal na tuition fee at taas ng lebel ng pagsusulit na kailangang maipasa. Hinampas muli ng propesora ang lamesa para patahimikin ang lahat. Sandaling katahimikan ang naganap at napasinghap ang propesor sa kaniyang napagtanto. "Ikaw si Pearl Miranda? Ang kaisa-isahang babaeng nakapasa sa Majistia na nakaperfect ng entrance at physical exam!?" gulat na tanong nito habang tinuturo ang babaeng kumikinang ang buhok dahil sa sinag ng araw. Tumayo ang babae at nagpakilala. "Good day everyone, I'm Pearl Miranda and I'll be staying with you until graduation. Bear with me," aniya habang nakangiti. Pagkalipas ng ilang oras ay natapos na ang klase para sa araw na ito. Karamihan sa estudyante ay nakaalis na, at hindi kabilang doon ang babaeng nagpakilala bilang si Pearl Miranda. Inayos na niya ang mga kagamitan niya sa kaniyang locker tsaka napagpasiyahan pumunta na sa Principal's Office. "Saan ka pupunta, Pearl?" tanong ng lalaking katabi niya kanina sa classroom. Hindi ito tinignan ng babae nang sumagot ito ng, "sa office," habang patuloy sa paglalakad. Matagal nang magkakilala si Pearl at ang lalaki na si Sammuel Ruiz. Magkasingtangkad lang sila ni Pearl, payat ang pangagatawan at moreno. Animo'y bituin ang kaniyang mga mata dahil kumikislap-kislap ito, habang ang kaniyang buhok naman ay nakatayo o tinatawag nilang 'spiky hair'. Pinagtitinginan ang dalawa ng ibang estudyanteng hindi pa nakakauwi habang papunta sila sa Principal's Office. Nagmumukha silang magkarelasyon dahil sa lapit ng distansya nila sa isa't isa kaya hindi mapigilan ng ibang lalaki na makaramdam ng inggit kay Sammuel. Sino nga ba naman ang hindi maghahangad na makatabi man lang si Pearl na halos perpektong tao na? "Pearl... Miranda?" tawag ng kumalabit sa kanyang nakabalot ng itim na hoodie ang katawan at ulo. Pati ang pantalon at sapatos nito'y purong kulay itim. Hindi nila makita ang kaniyang itsura. Hindi rin makilala ang boses dahil napakagaralgal nito. Nilingon at hinarap ito ng babae. "Who y—," hindi natapos ni Pearl ang itatanong niya nang mapansing walang mukha ang lumapit sa kaniya. Kinabahan siya saglit pero kumalma rin agad dahil hinawakan ni Sammuel ang kaniyang pulsuhan para hatakin paalis doon. Sumulyap pa sila sa likod habang naglalakad pero laking pagtataka nila nang mawala ito roon. 'Weird' ang nasa isipan nila pareho. Nagpatuloy na sila Pearl at Sammuel sa kanilang pagpunta patungo sa Principal's Office ngunit bigo sila. "Layo layo ng office na 'to tapos sarado?" nairitang tanong ni Pearl. "Pinagtripan lang ata ako nung nag anunsyo kanina eh," dugtong pa nito. "Baka naman umalis lang saglit yung tao sa loob?" Sinusubukan ni Sammuel pagaanin ang loob ni Pearl. Ilang minuto pa ang lumipas ay napagdesisyunan na nilang umalis nalang. Papunta na sila sa gate ng paaralan nang bigla ay hinarang sila nung kaninang tumawag kay Pearl. "Pwede ko ba... kayong maimbitahan kumain sa... cafeteria...?" mahinang tanong nito. Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot. "Wala naman na rin tayong gagawin sa ngayon. Sumama na lang tayo Sam," pag-aaya nito sa kaibigan niya. Nagdadalawang isip pa ang binatilyo pero wala na rin siyang nagawa nang hatakin na siya ni Pearl papunta sa cafeteriang katabi ng school nila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
312.0K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Just A Taste (SPG)

read
894.3K
bc

THE RING_MAFIA LORD_SERIES 7

read
273.0K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Their Desire (Super SPG)

read
965.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook