Chapter 2

1106 Words
"Good afternoon, ma'am and sir," bati ng crew pagkapasok nila roon. Pinaupo muna nila yung kasama nila para makapag-order sila nang maayos. Maganda ang disenyo ng cafeteria, hindi masakit sa mata ang kulay ng mga pintura nito. Wala man gaanong disenyo sa paligid, bawing bawi naman sila sa rami ng pagkaing mapagpipilian mo. May mahinang tugtog din ang maririnig, sakto lang ang lakas para hindi makaistorbo sa mga nag-uusap. Pinigilan ni Sammuel sa paglalakad si Pearl. "Sigurado ka ba rito? Kilala mo ba ‘yan? Basta basta ka na lang pumapayag sumama sa hindi mo kilala!" pagrereklamo nito sa naging desisyon ng babae. "Nandyan ka naman eh. Wala naman siguro mangyayaring masama basta may kasama akong lalaki, ‘di ba?" pagpapanatag ni Pearl sa kalooban ng nag-aalala niyang kaibigan. Hindi parin sang-ayon ang lalaki rito. "Ikaw, Pearl. Mga desisyon mo sa buhay ayusin mo ah? Kahit pa may kasama ka, kapag hindi mo kilala, ‘wag ka sasama at tignan mo ‘yan!" Tinuro nito ang nakahoodie na kasama nila. "Mukha pang holdaper!" "Sige pa, Sam! Lakasan mo pa!" Hinampas nito si Sammuel dahil sa lakas ng boses nito. Pero hindi naman ito pinansin ng kanilang kasama. "Umorder na nga lang tayo," aniya at pumunta na sa counter. "Good afternoon, what would you like to have?" tanong ng crew. Kinuha ni Pearl ang menu ng coffee para mamili. "Pa-dine in po ng isang Café au lait, isang Caffé Americano tsaka isang frappe. Pakisamahan na rin po ng isang box ng mini chocolate cookies." Tinuro turo pa nito sa menu ang bawat babanggitin niya. Aakalain mong isa siyang batang ngayon lang nakaorder sa counter dahil, bakas ang tuwa sa kaniyang mukha. "That will be 640 pesos Ma'am," sabi ng crew pagkatapos kwentahin ang lahat. Nagbayad lang si Pearl ng one-thousand bill at hindi na nanghingi pa ng sukli. Pagkarating ng order nila ay binitbit ito ni Sammuel papunta sa table na nireserba ng kasama nila at nilapag ito tsaka sila magkatabing umupo. "So, what's your motive?" tanong agad ni Sammuel habang nakataas ang kaliwang kilay. Mahinhing hinalo muna ng taong nasa harapan nila ang kaniyang kape bago sumipsip doon at nagsalita. "Gusto ko lang sana... may makatikim ng ginawa kong candy... wala na kasi ang mga anak kong mahilig sa mga pagkaing ginagawa ko," mahinang paliwanag nito. Nilabas niya sa kaniyang bulsa ang isang nakabalot sa plastic na candy tsaka inabot kay Pearl. "’Yun lang ba talaga ang kailangan mo sa akin?" paniniguro ng babae. Pinagmasdan niya ang candy na may hugis ng puso, ang kulay nito'y pulang pula katulad ng dugo at ito'y animo'y tumitibok t***k pa. Pearl shrugged her head. Iniisip niya na imahinasyon niya lamang iyon. "Kamukhang... kamukha mo kasi ang anak ko." Kinuha ni Pearl ang candy at itinanggal sa pagkakabalot. "Sugar-free ba ito?" tanong niya habang iniikot-ikot ito sa kamay niya. Tinignan niya ang kasama niya at katulad kanina, wala na naman itong mukha. Hindi na siya nagulat dahil nakita naman na niya iyon. "Hati tayo, Sam." Binigyan niya ang kaibigan niya ng kalahati nung candy. Sabay nila itong ipinasok sa bibig pero si Pearl lang ang ngumuya. Lumingon sa kabilang direksyon si Sammuel tsaka iniluwa sa tissue ang candy. "Masarap ba..?" "Okay lang, medyo maasim parang strawberry," ani Pearl habang kumukuha ng cookies. Hindi maiwasan ni Sammuel na mag-alala para sa bestfriend niya dahil hanggang ngayo'y wala parin siyang tiwala sa kasama nila. Iniisip niya na baka may pangpatulog yung candy tsaka sila nanakawan nito. "Kumusta yung candy... Sam?" tanong ng nagbigay nito, sinisiguro kung ‘yun nga ba ang pangalan ng binata. Matulis ang mga tingin ni Sammuel ng tanungin siya. "Oks lang," matipid na sagot nito. Naubos na ang binili ni Pearl na cookies at mga kape kaya nagpaalam na siyang uuwi na dahil malapit na lumubog ang araw. "I'll take you home," pang-aalok ni Sammuel na agad din namang tinanggihan ni Pearl. "Wag na, Sam." Aalis na sana siya pero may naalala siyang hindi pa niya natatanong. Pearl reached out her hand to the stranger and asked, "What's your name?" Naghihintay si Pearl na makipagkamay ito pero hindi niya ginawa. "Ako? Ako si... 6. 34. 47. 8," tumayo ang naka all-black tsaka naunang naglakad paalis. Naiwang nakatulala ang dalawa dahil sa ibinigay na numero nito pero pinag-sawalang bahala nalang nila iyon. "Oh, Pearl ano? Sabay na tayo umuwi," pamimilit ni Sammuel. Nagkibit balikat na lang ang babae tsaka nanguna lumabas ng cafeteria. Padilim nang padilim sa paligid dahil mag gagabi na. Malamig ang simoy ng hangin at para bang napupuno ang kalsada ng mga hamog. Biglang nagsipag-tahulan ang mga asong gala sa iisang direksyon. Kay Pearl. Nagtaka si Sammuel sa inaakto ng mga askal kaya hinawakan niya ang kamay ni Pearl. "Pa-sweet ka lagi Sam! Anong nakain mo?" natatawang sabi nito. Ibinalik nito ang tanong sa kaniya. "Ikaw ang dapat tanungin nyan. ANO ang nakain mo at pinagtatatahulan ka nitong mga asong to?" "Parang hindi naman tayo magkasamang kumain sa Cafeteria kung makatano—" "Pearl!" sigaw ni Sammuel nang muntikang matumba si Pearl. Biglang nahilo at nagsuka ng dugo si Pearl sa gitna ng kalsada. Natataranta si Sammuel dahil hindi siya sanay sa dugo. Kung hindi lang niya matalik na kaibigan si Pearl ay baka iniwanan na niya agad ito. Hinagod ng binata ang likod ni Pearl para mabawasan ang sakit na nararamdaman nito tuwing bubulwak ng suka. "Jusmiyo! Anong nangyayari sa ‘yo?" Mas lumakas at naging agresibo ang bawat tahol ng mga aso at unti-unting nagkakasabay. Puno na ng hamog ang daanan kaya halos wala nang makita roon. "Na..." "Wag mo muna piliting magsalita Pearl, baka mapano ka lalo!" takot na bigkas ni Sammuel. Hindi niya ito pinansin at nagsalita parin. "Nalason... yata ako nung... naka itim," dugtong nito. Bawat segundong lumilipas ay mas lalong humihina ang pangangatawan ni Pearl. Ilang sandali pa ay nabitawan na ni Sammuel ang kamay nito, dahilan ng pagkabagsak ng katawan niya sa kalsada. "Sh*t, Pearl! Pearl!! Tulong!!!" sigaw nito. Halos mangiyak-ngiyak na siya dahil sinisisi niya ang kaniyang sarili kung bakit nagkakaganito ang kaibigan niya ngayon. Sana ay hindi na lang niya pinayagan ito sumama sa hindi talaga nila kilala. Yumakap siya nang mahigpit kay Pearl at tinignan ang mukha nito. Namumutla na at nanunuyot ang labi ng babae dulot ng maraming isinukang dugo. Hindi na alam ni Sammuel kung ano pa nga ba ang magagawa niya. Walang nag-aabalang tumulong sa kanila. The eyes of all the people passing by are full of disgust. Disgust by Pearl's body filled with dark red blood, almost as if it's pure black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD