Chapter 3

1052 Words
Unti-unting naglalaho ang presensya ni Pearl, pisikal man o sa memorya ng mga tao. Ang kaninang mahigpit na yakap ni Sammuel sa babae ay kumakalas na. "Bakit ako nandito?" tanong niya sa kaniyang sarili. Tinignan niya ang hawak niya tsaka siya napatayo at umatras. "Susme, nangrape ba ako ng babae?!" Walang bakas ng dugo ang naiwan sa kalsada at mga braso ng lalake. Parang wala lang nangyari. Iniwanan niya ang katawan ng babaeng nakalupasay tsaka siya nagtungo sa sarili niyang bahay. Everyone's memory regarding Pearl had vanished. In just a minute, her body also disappeared completely. Ang pagdaan ng araw sa Majistia University ay ganoon parin. Normal ang lahat, walang naghanap kahit isa kay Pearl Miranda. "Is everyone really already here?" tanong ng propesor ng Physiology Class A. Tumango lang ang karamihan sa mga estudyante kaya't nagsimula na ang klase. May iba ring nararamdaman at naiisip si Sammuel na para bang meron ngang kulang. Hindi niya lubusang maisip kung ano, sino at bakit niya naiisip 'yun. Wala naman siyang mapapala kung iisipin niya pa ‘yun nang iisipin kaya't hinayaan na lang niya ang sarili niyang makinig sa lektura. Sa kabilang dako, si Pearl ay kasalukuyang nakahiga sa isang bedroom ng dormitoryo. Mayroong marble design ang kwartong iyon na sinamahan ng iba't ibang disenyo gamit ang kahoy. Maliwanag ang paligid dahil nakabukas ang terrace nito. Naalimpungatan si Pearl at nag-unat. Pagkadilat niya palang ay nagtatanong na siya sa isipan kung nasaan siya ngayon. Kahit pa maliwanag sa kwartong iyon ay tila ba nakakaramdam siya ng pagkakulong sa madilim na kwartong walang daluyan ng hangin. Para bang sobrang init sa paligid, naisip na lang ni Pearl na baka namatay na siya at sa impyerno napunta imbis na sa langit. "Gising na po ba kayo?" tanong ng isang babaeng mukhang nasa 20s. Naka braid ang kaniyang mahabang maitim na buhok sa magkabilang gilid, nakasuot siya ng simpleng maid outfit na kulay puti at itim. Mayroon din siyang ribbon sa gitna ng kaniyang suot. Bumangon ang dalagita at umupo nang maayos sa gilid ng kama, paharap sa nagtanong sa kaniya. "Where am I?" tanong nito. "Who... am I?" Hindi na nagulat ang bumisita kay Pearl. "You currently don't have a name, dear," sinarado niya ang pinto tsaka lumapit para tumabi kay Pearl. "Bago ka lang dito sa Muujan?" usisa nito. "Muujan?" Balik na tanong ni Pearl. "Pasensya na kayo pero wala akong maalala. Parang ngayong lang ako pinanganak, maniwala man kayo sa akin o hindi," dugtong nito. "Ganun ba? Sige, eat your breakfast muna sa dining hall, dear. I'll accompany you sa RF later pagkatapos mo. You can call me Rena, yung isang maid dito ay si Casy." Inilahad nito ang kaniyang kanang kamay na siya namang inabot agad ni Pearl. Umalis na si Rena pagkatapos magpakilala. Hindi maproseso ni Pearl ang nangyayari ngayon. Tumayo na siya at pumunta sa banyo ng kwarto niya. Malawak iyon. Simple lang dahil kulay puti lang ang paligid. Malaki ang bath tub, nasa kabilang pintuan naman ang toilet. Hinubad niya ang kaniyang pajamas at inilagay sa basket sa gilid tsaka niya pinihit ang shower. Nang matapos siyang maligo ay namili na siya ng damit niya sa closet. Nagsuot siya ng pink na sweatshirt na abot hanggang sa ibabaw ng tuhod niya at kulay itim na cycling shorts. Pagkalabas niya ng kaniyang kwarto ay napatigil agad siya dahil sa nakita niya. Isang napakalawak na hallway at maraming kwarto. Bawat kwarto ay may katapat na chandelier sa kisame kaya maliwanag pero hindi masakit sa mata dahil kulay dilaw ito. Maingay ang paligid dahil sa rami ng tao sa reception area. Pagkababa palang ng hagdan ni Pearl ay may sumalubong na sa kaniya. "You look so attractive even with just that sweatshirt you're wearing girl," sabi ng isang babae na mas maliit kumpara kay Pearl. Kulay itim ang may pagkakulot na buhok, malapad ang noo, at may pagkamataray na kilay. Tinabihan siya nito at nagpakilala. "I'm Jane, what's your name and ability?" Nilahad niya ang kaniyang kamay. "Name? Ability? I don't have both but nice to meet you Jane," anito at nakipagkamay. Namilog ang bibig ni Jane at tinakpan niya ito na akala mo'y nagulat. "You're the newcomer? Samahan na kita sa RF natin." Sumama si Pearl kay Jane patungo sa RF o mas kilala sa Muujan bilang ang Registration Facility. Dito unang pumupunta ang lahat ng mga bagong dating na estudyante ng Majikaru High— isang paaralan para sa may mga abilidad na hindi karaniwan sa mga normal na tao. Pinagmasdan ni Pearl ang kapaligiran ng pasilidad, maraming nag-eensayo ng kani-kanilang kakayahan. Lahat ng tinitignan niya ay natutuwa dahil nagagawa nilang mailabas ang kapangyarihan nila. Bakas sa mukha nila ang kagalakan sa kanilang ginagawa. Hindi niya mapigilang mag-isip kung nasa mundo pa ba siya ng mga tao. Masyadong magulo. Kumpol-kumpol ang mga tao. Tumigil sila sa harap ng isang malaking estruktura na kulay gintong kumikinang. Sa gitna nito ay mayroong salaming transparent. "Dito ka mag register girl." Tinuro niya iyon. Sinunod naman ito ni Pearl at kumatok sa salamin. "How do I register?" maikling tanong nito. Bumungad naman sa salamin ang isang lalaki na nakabalot ng itim mula ulo hanggang paa. Isang mahabang black coated nylon zip front puffer vest, black plain t-s**t at itim na sumbrero ang kaniyang suot na siyang nakikita ni Pearl. Nakasuot din siya ng face mask kaya hindi mo maaaninag ang kaniyang tunay na itsura. Pumindot yung lalaki sa salamin at may lumabas na hologram. Kulay pula ito at korteng tao. Isang babae. "I'm Mist. As you can see, this is your aura, which is color red— a sign for flame. Learn how to properly use your ability in Majikaru High. Come back here once you've caught a grasp on your power." Tila ba'y naestatwa si Pearl sa nakikita. Tinititigan niya lang ang hologram pero, agad din namang nakabalik sa huwisyo nang tanggalin ito ni Mist. "Okay. What's my name?" tanong ng babae. Tumawa ito nang mahina. "It's up to you how you'll find your own name," sagot nito kasabay ng kaniyang pag-alis. "Wow girl," sabi ni Jane. Nilapitan niya si Pearl at hinawakan ang magkabilang balikat, "bihira lang mga nagkakaroon ng flame ability o fire. Let's go eat and train hard girl!" Inakbayan niya ito at nagsimulang maglakad paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD