Chapter 4

3083 Words
THIRD PERSON'S POV Wearing an all black suit, she's preparing her plan as she saw the two of them... getting close to each other. 'Tingnan lang natin kung makakalapit ka pa sa kaniya, babae ka,' usal niya sa kaniyang isipan. Matalim ang kaniyang titig habang naglalakad sa kaniyang patutunguhan. Sa itaas ng simbahan at sa mismong direksiyon na kinatatayuan ng babae. Inihanda niya ang kaniyang ihuhulog habang nilalamon ng kaniyang galit. Napangisi naman ito na parang baliw nang makitang naka-focus lang sa pinag-uusapan ang dalawa at hindi napansin ang kaniyang pagdating. 'Hindi mo namamalayan na parating na ang trahedya sa'yo, babae...' Nang inihulog na niya ang balak niyang ihulog patungo sa babae ay mas lalo lamang siyang nagalit nang biglang hapitin ng lalaking 'yon ang bewang ng babaeng kinasusuklaman niya na sa ngalan ng pag-ibig. Namumula na ito sa galit habang tinatanaw ang dalawa na magkayakap na ngayon. "Humanda ka... may susunod pa.." Umalis ito sa lugar na 'yun dala-dala ang malaking galit sa puso dahil sa nasaksihan. **** Via Elianna "Oh, tapos ka na?" tanong ni Astrid nang tumayo na ako sa hapagkainan. "Oo, busog pa kasi ako mula noong kumain tayo." "Ayan, kumain kasi kanina ng halos benteng chicharon!" sabat ni Akemi. Totoo naman, paborito ko kasi talaga 'yon. Masama ba 'yon? "Paborito ko, e!" "Via, Anak, huwag mong ugaliing kumain n'yan palagi kahit paborito mo pa 'yan. Nakakasama rin 'yan sa kasulugan," paalala ni Daddy. "Tama ang Daddy mo, sweetie," sang-ayon naman ni Mommy. "Opo, noted! Sige na, Mom, Dad, papasok na po ako sa k'warto! Good night." Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang nangyari, kaninang umaga lang. I don't know why I am acting like this, wala na rin akong balak alamin pa dahil alam kong magkukusa lang. Maybe it's because this is the first time that I feel this kind of peculiar feeling. I don't know how to call this but one thing is for sure, cupid's arrow hit me... accidentally. Inalala ko na naman ang pag-uusap namin kanina after he saved me from that disaster. Flashback... Hindi ko alam kung bakit bigla na lang niyang hinapit ang bewang ko at niyakap ako pagkatapos. Wala rin akong lakas para magtanong dahil nanghihina ako sa kaniyang titig. It feels like, it's the only two of us who are here right now. We stared at each other like there's something... that I can't understand how to explain. Sabay rin kaming nahimasmasan, sabay na napaiwas ng tingin at sabay na lumayo sa isa't-isa dahil sa kahihiyan. Nag-iinit ang pisngi ko dahil sa hiya. Para na yata akong kamatis sa kapulahan ng mukha. "B-Bakit mo 'yon ginawa?" nauutal kong tanong. s**t, why I am stuttering? Umayos ka, Via! "M-Muntik ka nang mahulugan sa b-bagay na 'yon. It's like... someone wanted to hit you intentionally, patungo talaga sa 'yo. Or maybe... just a mere accident. Tinuro niya ang bagay na mababagsak dapat sana sa 'kin. Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang manginig ang sistema nang dahil sa sinabi n'ya. Shit... kung hindi n'ya naiwas roon ay posibleng nasa hospital na ako ngayon? "W-What..." 'di makapaniwalang ani ko, napatingin muli ako sa kaniya. Napalunok ako nang makita ang hitsura niya. Sa kabila ng kaba sa aking dibdib, hindi ko pa rin mapigilang suriin ang sitwasyon niya. He was... blushing. His face was covered with red. Ang cute. May gana pa akong sabihin ito gayong muntik na akong dalhin sa hospital? "Yeah, that's why I snaked my arm on your waist earlier. I'm sorry if nabigla man kita," aniya pero napaiwas lang din ng tingin pagkatapos nang makitang nakatingin ako sa kaniya. "No, you don't need to say sorry. Ako nga ang may utang na loob sa 'yo at dapat na magpasalamat dahil naligtas mo 'ko. Thank you," sinserong wika ko habang nakatingin sa dalawang kamay kong magkahawak na dahil sa panginginig. "No problem, Miss. End of flashback. Habang iniisip 'yon, hindi ko pa rin maiwasang kiligin. At the same time, I'm scared for my dear life. Pakiramdam ko talaga, sinadya 'yon. Pero sino namang magtatangka sa buhay ko? Napakabait ko naman para pagtangkaan. I don't also remember having unclosed feud with someone before. Did I do something wrong to someone without my knowledge? Gosh, na-realize kong hindi ko dapat unahin ang kilig ko dahil naligtas ako ni Bryle. Kailangan ko pa lang pag-isipan kung bakit ba nangyari sa 'kin 'yon. It was probably the first time na may bagay na basta na lang nahuhulog from the roof of the church. Ano 'yon, magic? Ewan ko na lang talaga. Pinikit ko na lang ang mga mata hanggang sa nakatulog na. Nagtataka kong inilibot ang paningin ko sa madilim na lugar na aking kinatatayuan. Bakit ako nandito? 'Di ba nasa kama na ako? Ang ipinagtataka ko pa ay humahangos ako habang nakahawak sa tapat ng aking puso na animo'y may humahabol sa akin. Nakarinig ako ng tila yabag ng tao sa likuran ko, dahilan para magsimulang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Inipon ko muna ang lakas ko bago harapin ito. Kahit madilim man ay naaninag ko ang kaniyang mukha. Nakangisi ito nang nakakatakot habang dala-dala sa kaliwang kamay ang kutsilyo. Si Astrid. "A-Astrid!? Bakit may dala kang kutsilyo?" kinakabahan kong tanong dahil diretso pa rin itong nakatitig sa akin. "I wanna bury this knife into your chest and watch you dying," aniya at tumawa nang mala-demonyo. Nanlaki ang mga mata ko. I felt my hand shaking because of fear. Is this really Astrid? She's not like this. She can't do this to me. What if someone's demonic soul possessed to her body, that's why she's acting like this? s**t, I don't even know if that's possible. Pakiramdam ko, binabangungot ako. Napaatras ako dahil sa kaba nang magsimula uli itong humakbang papalapit sa akin, still wearing her creepy smirk na nagpadagdag pa lalo ng kilabot sa akin. "Astrid... is this some kind of prank? Because I know that you can't do that to me, right?" Pinilit kong tumawa ngunit tinraydor ako ng sariling boses dahil sa kabang naramdaman. "Do I look like a joker? I'm not joking. You stole everything from me! You're a thief. You deserve to die, para naman wala na akong kaagaw pa sa lahat!" sigaw niyang puno ng hinanakit dahilan para mangunot ang noo ko. "A-Anong sinasabi mo, Ast? Anong ginawa ko sa 'yo ang lahat? Kailan? Pantay-pantay naman tayong inaalagaan nina Mommy at Dadsy!" Although, I'm calm while saying those words, sa loob-loob ko'y parang nabalutan na ng kaba nang hindi man lang nagbago ang reaksiyon niyang nakangisi pero halata rito ang hinanakit. "'Wag ka nang magmaang-maangan pa Via. Now, run for your life." Dahan-dahan akong napaatras at kalaunan ay tumalikod na dahil sa sinabi niyang walang halong biro. She's serious and intimidating at this time. I don't know what happened. I can feel that the world is spinning figuratively. Hindi ko namalayan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha sa mga mata ko habang humahangos pa rin sa pagtakbo sa walang hanggang kadiliman. Kahit na nanginginig ang tuhod ko dahil sa takot, nagagawa ko pa rin itong ihakbang para sa aking buhay. Hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito. Ang isa sa pinagkakatiwalaan at minamahal kong kapatid na si Astrid ay kailanma'y hindi ko inaakalang magagawa niya ito sa 'kin. Gulong-gulo pa rin ako. She didn't enlighten me if who's that guy that she's pertaining, na umabot sa sitwasyong nais na niya akong patayin... na buo niyang kapatid. I was sweating bullets and both of my knees trembled even more, but it won't stop me from running... for my life. "Just run for your life, Via! I'm stronger than you. The fact that I have a goal and that is this bury this knife into your chest, I am sure that I'll win!" I heard my sister's shout and laughs like she has already sold her soul to the devil. Oh God, she's already near! "Astrid, please let's just stop it here. Why are you doing this to me?!" histerikal ko nang sigaw pabalik habang sinasalubong pa rin ang kadiliman. Hindi ko na kaya! Matapang ko itong hinarap na talaga namang malapit na talaga sa akin, hindi alintana ang nanginginig kong katawan. "Mas pinapadali mo ang gusto ko," aniya habang nakangisi pa rin. Umatras ako nang umatras hanggang sa ma-corner na ako, wala na akong takas! Napapikit na lang ako ng mariin nang dahan-dahan na niyang iniangat ang kutsilyo papunta sa'kin, naghihintay sa pagsundo ni kamatayan. But minutes had passed, I feel nothing. Pain is not within me. I slowly opened my eyes. Nagulat ako nang may nakaharang na sa harapan ko, trying to protect me. Hindi ko lang nakita ang kaniyang mukha dahil nga nakatalikod siya sa'kin. "Astrid, what the hell?!" A familiar voice that came from this guy in front of me. I'm trying to figure out if where the hell did I hear his voice from somewhere, but my mind is just occupied and tired to think about it. "Why? Mahal mo rin ba ang babaeng 'yan ha?!" galit na asik ni Astrid. Ano bang sinasabi niya? "Yes, I love her! And I will do everything just to save her! I'll sacrifice, even my life. I will risk," wika ng lalaking nasa harapan ko. Shock is written all over my face. Sino ba 'to? Bago ako makapagsalita ay nagulat na lamang ulit ako nang bumulagta na ito sa harapan ko, tarak ang kutsilyo sa kaniyang tiyan. "No!" sigaw ko nang magising sa isang panaginip na tila isang bangungot para sa'kin. Tagaktak ang pawis, nanginginig ang mga tuhod at kamay at ang kaba sa dibdib ay patuloy pa ring bumabalatay. Napahawak ako sa tapat ng aking puso nang sumikip ito. Bakit gano'n ang naging panaginip ko? Bago pa man ako magising sa panaginip na 'yun ay naaninag ko pa ang nasasaktang mukha ng lalaki na blurred ang mukha dulot ng pagsaksak ni Astrid. Who was that? God, sariwa pa ang lahat kaya hindi ko kakayaning makaharap si Astrid ngayon. One question popped in my mind. 'Posible kayang magawa niya sa 'kin 'yon sa reyalidad?' I shouted in frustration and fear. Bakit kasi gano'n ang naging panaginip ko? 'Di ba p'wedeng si Bryle na lang? Hindi ba pwedeng kaming dalawa na lang?! Sabi nila, para daw maganda ang magiging panaginip mo, isipin mo raw ang mga bagay o tao na nagpapasaya sa 'yo. Well, inisip ko naman si Bryle bago ako matulog, ah. Bakit hindi ako pinagbigyan ng tadhana? Bigla akong napalundag at napatili nang biglang bumukas ang pinto sa k'warto ko at lulan no'n si Astrid. Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya nang makita ang suot niya na suot niya rin sa panaginip ko. De javu. Napaatras ako nang maalala kung gaano siya ka-desididong patayin ako sa panaginip. "Ayos ka lang, Via? Bakit parang natatakot ka? May nangyari ba?" nag-aalala niyang sunod-sunod na tanong. Oo Ast, may nangyari. Muntik mo na akong patayin sa panaginip ko. Pero s'yempre, 'di ko 'yon sinabi. Hindi ako sumagot dahil natatakot pa rin akong napatitig sa kaniya. Baka tinatago niya lang sa bulsa 'yong kutsilyo at maya maya'y itutuloy ang plano sa akin. Jusko naman, Via, panaginip lang 'yon, okay? 'Wag mong pag-isipan ng masama ang kapatid mo! Kahit naman minsan nag-aaway kayo, hindi niya 'yon magagawa sa 'yo, ano ba? "A-Ah... w-walang nangyari. A-Ayos lang ako." Pinilit kong ngumiti, napangiti rin siya nang kaunti, dahilan para manumbalik sa'kin ang nakakatakot niyang ngisi. Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil pumipintig ito nang mabilis sa sakit. Damn it. "Ayos ka lang ba talaga? Sasabay na sana ako sa 'yo magsimba." Hindi ako okay, please lang. Kung alam mo lang, Ate. Tinotoo mo naman 'yong sinabi ko sa 'yo rati nang pabiro na mukhang bangungot ang pagmumukha mo. "O-Oo. Hindi na muna ako sasama. Sobrang sakit ng ulo ko, eh. Ngayon ko lang din napansin na mainit pala ako. Lalagnatin yata ako," nakangiwing sagot ko habang hinimas-himas ang ulo ko. Totoo 'yon, walang halong biro. Pero mas lamang ang dahilan kong ayaw ko muna siyang makita ngayong araw dahil sariwa pa rin sa isipan ko ang mukha niya sa panaginip ko... kahit panaginip lang 'yon. OA man kung tawagin pero 'yon ang nararamdaman ko. Halata ang pag-aalala sa mukha nito. "Gano'n ba? Sige magpahinga ka na lang d'yan. Ipapatawag ko na lang si manang para hatiran ka ng pagkain at gamot kung 'di mo kayang tumayo. Magpagaling ka, okay?" Tumango lang ako at ngumiti ng pilit. Sinsero naman ang hatid sa 'kin ng sinabi niya, pero ang nagawa kong isipin ay natutuwa siya sa kalagayan ko. Nang umalis na siya sa k'warto ay siyang pagsulpot ni Akemi. Nag-aalala rin ang reaksiyon nito nang makita ako dahil marahil ay sinabihan na ito ni Astrid. Lumapit ito sa akin at tinapat ang likod ng kaniyang kamay sa noo ko. "Hala, Ate, napakainit mo nga! Gusto sana kitang alagaan pero malapit na ang misa, eh, tsaka nag-promise din kasi ako kay lola na magsisimba na ako ngayon. Kaya ayos lang ba sa'yo na si manang na muna ang bahala sa 'yo habang wala pa kami? T-in-ext ko si Mom na nasa Cebu ngayon dahil sa business about sa kalagayan mo. Gusto niyang umuwi para alagaan ka pero kakailanganin talaga siya do'n," nag-aalalang sabi ni Akemi. Ganito talaga kaming magkakapatid, minsan nag-aasaran o nag-aaway man, mahal pa rin namin ang isa't-isa. "Oo naman. Ayos lang ako rito," ani ko at ngumiti nang pilit. "Oh siya sige, aalis na kami. Magpagaling ka ha? Hayaan mo, didiretso naman ako rito mamaya pag-uwi ko." "Sige. Salamat Akemi, ang cute mo ngayon ngayon lang," pambobola ko. "Tse!" Umalis na rin siya pagkatapos no'n. Maya-maya pa'y pumasok si manang dala-dala ang agahan ko at gamot na rin. "Oh, Via, halika't kumain ka muna. Kaya mo bang maglakad patungo rito sa maliit mong mesa? Hahatiran nalang kita d'yan sa higaan mo dahil tila hindi mo kaya," wika ni manang at naglakad papalapit sa akin. "Sige po, manang," nakangiti kong sagot. Nang maihatid na sa harapan ko ay nagsimula na akong kumain. Pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot ay umalis na rin si manang sa kwarto ko at pinaalahanan akong magpahinga lang at hindi gumawa ng kung anu-ano, especially ang paghawak sa phone. Habang nakatingala sa kisame, hindi ko pa rin maiwasang isipin muli ang naging panaginip ko na tila isang masamang bangungot para sa akin. "Ate, kuwentuhan mo naman ako bakit parang takot na takot ka kay ate Ast, ha?" pambungad na tanong ni Akemi nang pumasok ito sa kwarto ko, dala-dala ang meryenda para sa hapon. Napasulyap ako sa orasan at nakitang alas tres na pala. Hindi ko man lang namalayan dahil sa malalim na pag-iisip. Mabuti na lang at bumaba na nang kaunti ang lagnat ko sa tulong ng gamot at pahinga buong araw. Hindi rin ako lumalabas ng kwarto dahil lunod na lunod ako sa pag-iisip. Ramdam ko pa rin ang takot kahit panaginip lang 'yon. Hindi ko alam ang gagawin kung magiging totoo 'yon. Ewan ko lang kung anong maramdaman kung mismong kapatid ko talaga ang magiging dahilan ng kamatayan ko. Pilit kong iwinaglit sa isipan 'yon pero bumabalik talaga. "Hoy, Ate!" Nagulat na lang ako nang inilapit na ni Akemi ang mukha niya sa akin at ang lakas-lakas pa ng boses niya kaya napaatras ako at napatili dahil parang mukha ni Astrid ang nakita ko. Magkamukhang-magkamukha kasi talaga silang dalawa. Para silang kambal, pero nahuli lang si Akemi sa paglabas. "H-Ha? Bakit ba?" utal kong tanong. "Kuwentuhan mo kako ako, kung bakit ka takot na takot kay ate Ast kanina." Napatigil ako sa sinabi niya. Kung kailan iniiwasan ko na ang tungkol doon, magtatanong naman siya. Napabuntong-hininga muna ako bago mag k'wento. Besides, wala namang mangyayari kung ike-kuwento ko. Unless, pupunta rito ang disguise ni Astrid na demonyita. Kinuwento ko sa kaniya ang buong panaginip ko, walang labis, walang kulang. Mangiyak-ngiyak pa ako habang nagke-kwento dahil parang totoo talaga. "Hala shems, Ate! Ang scary naman. Pero panaginip lang naman 'yon... at 'di mangyayari 'yun, I swear. Hindi naman gano'n si ate 'di ba? At wala rin siyang dahilan para patayin ka." "Oo nga, pero s'yempre sariwa pa 'yon pagkabangon ko pa lang at siya ang bumungad sa akin," nakanguso kong saad. Nagulat ako nang bigla siyang napangisi nang nakakaloko. "What?" "Ikaw, Ate, ha! Sino 'yung Bryle? Sinabi mo 'di ba na sana siya na lang napanaginipan mo?" OMG! Nasali ko pala 'yon! Nakaawang ang labi kong napatingin sa kaniya. "W-Wala 'yon... basta l-lang na s-sumulpot ang pangalan niya talaga sa isip ko," pagsisinungaling ko dahil 'di pa ako handa sa mga pang-aasar niya. Tse, palusot pa eh halata ka na, Via Elianna! "Weh? Hayaan mo, Ate, hihintayin ko naman ang araw na sasabihin mo na sa akin." Nag-ngising-aso siya. "Tsaka sana 'yong shiniship ko sa 'yo sa isip ko ang lalaking 'yan!" Sino naman yatang shiniship ng batang 'to? Hindi pa rin ito tumigil sa pang-aasar sa akin. Umalis lang ito nang sinabi ko na gusto ko nang magpahinga dahil baka mahuli ako nito. Pero s'yempre 'di ko sinabi. Masakit pa ang ulo ko kaya naman nakatulugan ko na agad ito. Bago ako matulog ay kinain ko muna ang pagkaing hinatid ni manang at ininom ang gamot. Naalimputangan na lang ako nang maramdaman kong may biglang pumasok sa kwarto ko... parang sa bintana. Nagpapanggap akong natutulog dahil kinakabahan ako. Baka magnanakaw 'to, at papatayin ako kung gagawa ako ng ingay! Mas lalo akong kinabahan nang maglakad ito papalapit sa akin! Ibinuka ko nang kaunti ang mga mata ko, hindi ko maaninag ang mukha nito dahil naka-hoodie ito na itim. Nagulat ako nang umuga ang kama! Marahil ay umupo ito sa kama. OMG! Baka r****t 'to! Parang ako ang puntirya eh! I can't tell na magnanakaw ito. Ramdam ko ang paggapang ng labis na kaba sa akin. Tila tumigil din saglit ang paghinga ko. Pero napawi ang kaba ko nang wala itong ginawang kagimbal-gimbal kaya ng mga napapanuod ko. He just whispered... "Please take care of yourself. I'm worried." Nanigas ako sa kinahihigaan ko nang marinig ang bulong na 'yon. Hindi niya ako hinawakan pero sapat na ang bulong na iyon para manginig ang buong sistema ko. Gosh, sino 'to? "I think I like you. Goodbye for now, see you soon." Pagkatapos ay nakita ko ang dali-daling pag-alis nito. Sino 'yon? Kahit bulong 'yon... hindi ko maiwasang isipin na pamilyar ang boses niya. May isang taong pumasok sa isipan ko pero alam kong imposible.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD