Chapter 5

2790 Words
Via Elianna "Okay ka na ba talaga, Eli?" ika-singkwentang beses na nag-aalalang tanong ni Avy nang makitang nakatulala lang ako sa harap habang sapu-sapo ang ulo. Napalingon naman ako rito at ngumiti para i-assure siya na ayos lang ako. Hindi ko alam kung bakit, basta noong pagkamulat pa lang ng mga mata ko kaninang umaga, ay nawala na parang bula ang lagnat ko at nakangiting bumangon. Parang sinaniban ulit ako, charot. Kanina nga pagbangon ko, halos dalhan na ako ng wheel chair ni Akemi dahil ang OA niya kung makaalalay. Para naman akong lumpo kung isipan niya— pati na rin sila Mom, Dad at... Astrid. Tsk! Buti na lang at malapit na akong maka- move on sa naging panaginip ko noong isang araw. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung sino ang misteryosong pumasok sa k'warto ko kagabi. Akala ko magnanakaw o rapist... pero para yatang secret admirer ko na dinaan-daan lang sa gano'n ang pag-amin kasi nahihiya kung sa personal umamin. Puntahan ba naman ako sa bahay at ipaalalang ingatan ko ang sarili, dahil nag-aalala siya. Pero ang weird naman! Bakit kailangan niya pa talagang maging parang akyat-bahay? Pero... Bakit parang alam niyang may lagnat ako? Eh ang buong pamilya ko't mga kaibigan ko lang naman ang may alam? Now, I'm interested... parang gusto ko tuloy kilalanin at hanapin ang lalaking 'yon ngayon. Parang pamilyar ang kaniyang boses, parang narinig ko na somewhere at 'di ko lang maalala kung saan. Parang gusto ko tuloy halungkatin ang utak ko para makita kung sino ang nagmamay-ari sa pamilyar na boses na 'yon. "Hindi kaya..." pagkakausap ko sa sarili ko dahil parang sasabog na ang utak ko. "Via Elianna!" Nagulat na lang ako nang iharap ni Liza ang mukha ko sa kaniya. Nakalimutan kong may mga kasama pala ako. "Ha?" "Mag k'wento ka nga, anong laman ng isip mo ngayon, ha? Bakit parang lunod na lunod ka ata riyan?" mataray na tanong ni Liza. Napangiwi ako. Akala mo naman bagay. Mukha naman siyang tubol. "Oo nga naman. I-k'wento mo na, para namang 'di mo kami kaibigan. Baka, may matulong kami riyan. 'Wag mong sarilihin," ani Avy. Napabuntong-hininga muna ako bago i-k'wento sa kanila ang nangyari kagabi. Nang matapos ay pareho na silang ngumingising nang-aasar. "Hala, ha! Aba aba. May nagkakagusto pala talaga sa 'yo?" pang-aasar ni Liza, dahilan para irapan ko siya. "Bakit nagtataka ka pa? Parang 'di mo naman yata nakita ang kagandahan ng kaibigan mo." Umakto lang si Liza na animo'y nasusuka sa sinabi ko. Ang babaeng 'to talaga! "Alam niya kung nasaan ang bahay n'yo, parang alam din niyang may lagnat ka kahapon. Sino sa tingin mo ang lalaking 'yon? Wala ka naman yatang jowa, 'di ba? Baka 'di mo lang sinasabi sa amin. Pero s'yempre joke lang, wala naman talaga." Tumawa si Avy. Napanguso ako sa sinabi niya. Naisip ko rin na baka ka-close ko ang lalaking 'yon. Pero wala naman akong boy best friend na posibleng maka-close ko, at mailap din ako sa mga lalaki. Ang naka-encounter ko lang naman na medyo matagal-tagal ay si Bryle... nag-iinit na naman ang pisngi ko nang maalala ang aksidenteng pagyakap niya sa akin. s**t. Namalayan ko na lang na nakangiti na pala ako. "Mind sharing your thoughts? Parang may naisip ka na, ah." "Aba, ngiting parang in love, ah? Who's that unlucky guy?" pang-aasar ulit ni Liza. "Wala! Naalala ko lang ang mga kalokohan natin dati, ano ba kayo!" pagsisinungaling ko dahil 'di pa ako handa. Para namang 'di kumbinsido ang dalawa. "Tsk, ang galing mo magpalusot 'no? Ang galing talaga," sarkastikong saad ni Avy, dahilan para mapaiwas ako ng tingin at mapanguso. "Sabihin mo na kasi. Wala namang mawawala sa 'yo kung sasabihin mo. Kung makaasta naman 'to parang kasing ganda ko, duh!" pairap na saad naman ni Liza. Wala na akong choice kung hindi sabihin kung sino ang crush ko. "Isa siyang—" Hindi na natapos pa ang sasabihin ko nang tumunog na ang kampana, hudyat na dumating na ang pari't magsisimula na ang misa Malakas ang tunog nito, dahilan para mabaling ang atensiyon ko rito. Kahit ayaw kong lumingon dahil alam kong makikita ko siya, nahihiya pa rin kasi ako sa nangyari noong isang araw. Pero malikot nga talaga ang mga mata ko dahil saktong paglingon ko ay nagtama ang mata naming dalawa. Para namang tumigil ang mundo para sa akin. Ako rin ang umiwas ng tingin dahil hindi ko kinakayang tagalan ang titig niya dahil sa mga mata niyang bagama't istriktong tingnan... nakakahalina pa rin. "OMG! Si baby crush ko," mahinang tili ni Liza sa amin. Ah oo nga pala, crush niya pala ang abnoy na Lloyd na 'yon! Napansin ko ang nananantiyang titig ni Avy sa'kin, mapanuri rin ang mga mata nito kaya alam kong 'di ako makakalusot dito. Nginitian ko na lang siya na parang natatae para naman 'di na siya magtanong pa. Kalaunan ay nagsimula na rin ang misa. Kahit anong pagpigil kong lingunin siya, hindi pa rin ako nagtatagumpay. Nakikinig ako kay Father, pero minsan ang mga mata ko ay napupunta kay Bryle. Tinatago ko lang ang pagka-dismaya sa tuwing hindi siya nakatingin sa'kin, bagkus ay seryoso lang itong nakikinig, kaya naman hindi na muli akong tumingin pa sa kaniya. Sa kalagitnaan ng misa ay nakita kong kumindat sa akin si Lloyd at tinuro-turo ng hintuturo niya sa Bryle na sinamaan siya ng tingin. Umirap lang ako sa kaniya, abnoy talaga! Nakita ko namang parang natuod sa kinauupuan si Liza dahil akala siguro niya'y siya ang kinindatan. My poor friend. Pagkatapos ng misa, bago ako pumunta sa pamilya ko ay narinig ko pa ang bulong ni Avy na parang napaghalataan na talaga ako. "May utang ka pang paliwanag sa amin, Eli," aniya nang nakangisi. Ngumiti lang ako sa kaniya na parang natatae, at saka agad na akong sumabay sa buong pamilya ko at nagpaalam sa kanilang dalawa. Agad akong pumasok sa k'warto ko at humiga sa kama nang makarating sa bahay. Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa may sumagi sa isipan ko nang masulyapan ko ang cellphone ko sa study table. Paano kaya kung i-search ko sa f*******: ang pangalan niya? Tama! Bakit ngayon ko lang naisip 'yon? Naisipan ko munang tumingin sa friend requests ko dahil ang dami na. Iba talaga 'pag maganda. Llyod Ivan Lorios sent you a friend request. Na-curious ako sa kung sino itong Lloyd na 'to dahil parang pamilyar ang mukha niya sa profile picture niya. Pinindot ko ang name niya ni-click ang profile niya. Pagkakita ko ay... sabi ko na nga ba, si Llyod nga! At paano niya nalaman ang buong pangalan ko? Inaccept ko ito dahil kilala ko naman. Ilang sandali pa'y biglang nag-pop ang name niya sa messenger ko. Lloyd Ivan Lorios sent a photo. Ano naman kaya 'to? Baka kagaguhan? Knowing him, unang tingin pa lang, alam mo nang hari sa mga kalokohan. Pero bigla nalang akong napanganga't namula nang makitang si Bryle ang nasa picture at naka-topless pa! Mukhang kuha ito noong may swimming sila. Stolen shot ito... at 'di ko maitatangging ang hot at ang g'wapo niya sa picture na 'yon. Awkward akong napangiti nang ilang segundong sinusuri ang katawan niyang... may abs na. It's clear that he's often going to the gym dahil sa maskulado niya nang katawan despite his age. Para akong tangang nakangiti na namumula hanggang sa mag-chat ulit si Lloyd. Lord, nawa'y ilayo mo ako sa kakaibang temptasyon na ito! Lloyd: di ka makapagsalita no? speechless, kasi ang hot diba? Napanguso ako sa sinabi niya. Kahit totoo naman, ayoko paring i-reply ang totoo 'no, nakakahiya kaya. Alangan naman'g i-reply ko sa kaniya 'ang hot nga grabe, tumulo pa laway ko eh.' Kadiri kaya 'no, para akong nakatakas na higad. Dapat lowkey lang itong pagiging malandi ko. Iyon bang tipong... pasimple lang. Ako: Tigilan mo ako ha. Akala ko nga di ko pa na seen eh. Handa na ang kamao ko bukas para ipanapak sayo kung mang-asar ka pa. Napangisi naman ako sa nireply ko, pero agad ding napawi 'yon nang makita ang reply n'yang hindi man lang natinag. Gago talaga 'to. Lloyd: baka kako pinaglalawayan mo na yan dyan Ako: kadiri ka, alam mo yon? Lloyd: hindi ah, yummy na nga siguro yon para sayo Ako: leche ka! ma-block nga kita! Lloyd: Uy! wag muna, mahal na reyna! hinahanap ka ni Laxus Bryle Vilmonte! Ang tibay, full name pa. Pero ano daw? Hinahanap n'ya ako? Ako: talaga? Lloyd: charot-charot lang! sabi ko na nga ba, type mo tong masungit kong kaibigan Nanggigil akong napabitaw sa phone sa kama. Gosh! Nakakahiya ka, Via! Hindi ko na siya nireplayan dahil nagsasayang lang ako ng oras. Sana inilaan ko na lang sa pag-s-stalk kay Bryle. Kaagad na akong nag-search sa name ni Bryle. Laxus Bryle Vilmonte Napangiti ako nang makita agad ang account niya. Magkahalong puti at itim na sutana at surplice ang suot niya sa kaniyang profile picture. Nasa may altar siya ng simbahan. May caption pa siya na; Faith is to believe what you can't see. Base sa nakita ko sa timeline niya, hindi siya 'yong tipong mahilig sa mga posts, shared posts, memes, or ano pa. Kung nag-a-update naman siya ng profile picture, halos Bible verse ang caption. Halata talaga sa kaniyang mahal niya ang Diyos at committed siya sa pagiging sakristan niya. Nang wala na akong makitang laman ng timeline niya, bumalik na ako sa news feed dahil ayoko siyang i-add. Nahihiya kasi ako dahil baka i-cancel lang niya ang friend request ko. Ilang sandali pa'y nakarinig ako ng katok mula sa pinto ng k'warto ko. "Via, kakain na raw." Napatigil ako dahil sa malumanay na tawag sa akin ni Astrid. Iwinaglit ko nalang sa isip ko ang nangyari kanina at agad na naglakad papalapit sa pinto't binuksan ito. Saglit akong napatitig kay Ast na nakangiti nang kaunti sa akin. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing ngumingiti na siya ngayon, parang may kakaiba na. "Tara." Sabay kaming naglalakad patungo sa dining area, nandoon na ang lahat maliban sa amin ni Ast. Umupo na ako sa isang bakanteng upuan at nakisabay sa pagdarasal para sa pagkaing nakahain sa harap namin. "Astrid, Via, at Akemi, sino sa inyong tatlo ang may nobyo na? At nagkaroon na ng nobyo na hindi namin alam?" tanong ni Dad, napatikhim ito pagkatapos. Napansin kong natigilan si Ast sa akmang pagsubo. Ako naman ay nagpatuloy pero handa sa isasagot dahil wala naman talaga akong jowa. Si Akemi naman na nasa tabi ko ay handang-handa na rin sa isasagot. Sabagay, bawal pa siyang magka-boyfriend dahil ang bata-bata niya pa. "Wala pa po kaming boyfriend at naging boyfriend," sabay naming sagot ni Akemi, dahilan para magkatinginan kami dahil napansin naming 'di sumagot at sumabay sa amin si Astrid. "Hmm, mabuti naman—" "Hon, pwedeng-pwede na itong magka-boyfriend si Via, oh. Turning 18 na rin naman 'to hehe!" nakangiting sabat ni Mommy, dahilan para mapangiwi ako. "Wala nga'ng nanliligaw d'yan, Mommy, eh, paano magkaka-boyfriend 'yan?" Si Akemi habang tinuro-turo pa ako. Inirapan ko naman siya. "Wala nga, pero at least may nagugustuhan ako. Hindi katulad mo mapili—" hindi na natapos ang sasabihin ko sana nang magsalita si Astrid na siyang ikinagulat ko. "At sino namang nagugustuhan mo?" Napataas ang boses niya at naibagsak niya ang baso sa mesa na kanina'y hawak niya. Pansin ko ang bahid ng galit sa boses niya pero gano'n pama'y nanatiling walang reaksiyon ang mukha niya. Lahat kami ay napatingin sa kaniya gamit ang mga nagtatakang tingin. "Apo, anong nangyayari sa 'yo at napataas ang boses mo, ha?" gulat na tanong ni lola. "What's the problem, Astrid?" maawtoridad na tanong ni Daddy. Sa ganoong tono ng boses niya ay kailangan mo talagang sagutin ang tanong nito nang diretso at kumpleto, at dapat justifiable. Si Mommy din ay gano'n ang reaksiyon katulad namin. "N-Nothing, Dad... I'm sorry if napataas man ang boses ko. I'm just worried about Via, d-dahil baka sasaktan lang din ng lalaking nagugustuhan niya ang nararamdaman niya. Baka i-take advantage siya para gamitin," paliwanag ni Astrid, dahilan para mapangiti ako nang pilit dahil iba ang totoong sagot para sa 'kin. "Gano'n naman pala. I thought you're being jealous towards your sister because you're acting like one. I'm glad that you're concern to her," nakangiting ani mommy. Jealous...that word. Iwinaglit ko ulit sa isipan ang posibleng naisip ko. "Oo naman, Mom. She's my sister and I love her, I don't want her to be hurt," dagdag pa niya pero hindi ko alam kung bakit wala akong naramdamang sinsiredad. Parang nawalan ako ng gana kaya naman mabilis kong tinapos ang kunting pagkaing natira sa plato ko at uminom ng tubig. This is so sudden that I wasn't prepared. "I'm done, busog na po ako. Papasok na ako sa kwarto. Mom, Dad, lola, Akemi at... Astrid," pilit na ngiting sambit ko. "That fast, sweetie?" nagtatakang tanong ni mommy. "Opo, Mom. May kinain rin po kasi ako kanina." Sabay-sabay silang tumango kaya naman agad na akong pumasok sa k'warto. Napatitig ako sa labas ng bintana at hinayaan ang isip kong maglayag ulit. Bakit gano'n ka kung makaasta, Astrid? Bigla akong napabangon nang napaginipang may bagay raw na nawawala sa akin. Ano nga ulit 'yon? 'Di ko maalala. Basta 'yong... tama! 'Yong dilaw kong panyo. Kinalkal ko ang drawer kong nilalagyan ng mga panyo. Sapu-sapo ko ang ulo nang makitang wala ito dito. May sentiment value daw 'yon para kay lola, hindi ko nga naintindihan ang sinabi niya noon na ibinigay raw niya ito sa akin dahil ako ang susunod sa yapak niya. Ano naman kaya 'yon? Ah basta kailangan ko 'yong mahanap ngayon din! Dahil baka magalit si lola sa 'kin na pinapabayaan ko ang gamit na ibinigay niya. Matampuhin pa naman 'yon. Napre-pressure na ako dahil halos halughugin ko na ang buong k'warto, wala pa rin. Gosh, naiiyak na rin ako. Naalala ko kung kailan ko 'yon ginamit. Noong 2nd novena mass...' yong time na nagkausap kami ni Bryle sa tapat ng simbahan. Tama! Baka nahulog ko lang doon. Hindi na ako nagbihis pa dahil maayos pa naman ang suot ko. Hindi na rin ako nagpaalam dahil baka sandali lang ako roon. Agad akong nagtungo sa simbahan, dahil nga walking distance lang, nilakad-takbo ko ito dahil feel ko napakalayo pa. Nang makarating ako ay hinihingal pa akong naghanap sa bawat sulok sa labas ng sinbahan. Pinagpawisan na ako habang naghahanap dahil kahit akong hanap ko, wala talaga! Sa kakahanap ko, hindi ko napansing may kasama pala akong matandang babae. Nakaupo lang sa isa sa pinakamalapit na bench habang nakatingin nang diretso sa akin! Ewan ko ba, pero na-creepyhan ako sa titig niya. The way she stares... it's too deep like I did something to her that makes her stare at me like this. I don't know... It's unexplainable... but one thing's for sure... she's creepy. Ngumiti na lang ako ng pilit dahil naiilang ako. Pero teka... baka may nakita siyang panyo na dilaw! Matanong nga. "Hinahanap mo ba ang iyong dilaw na panyo?" biglang tanong niya, dahilan para manlaki ang nga mata ko. Paano niya nalaman? Oo, halatang nay hinahanap ako pero hindi naman siguro niya malalaman agad kung ano ang hinahanap ko, unless nasa kaniya 'yon ngayon at siya ang nakahanap. Pero paano niya naman nalaman na sa akin nga 'yon? Gosh, parang nanindig bigla ang balahibo ko. "Paano n'yo po nalaman? Nasa inyo po ba ang panyo ko?" tanong ko. Hindi nagbago ang reaksiyon niya, halatang hindi na niya sasagutin ang tanong ko pero kalauna'y nagsalita rin ito. "Wala sa akin. May darating na lalaki na siyang nakapulot sa iyong panyo, isasauli niya ito sa 'yo. Ito rin ang magpapabago sa iyong buhay, magbibigay kulay, ang dahilan na ika'y masasangkot sa peligro, at ang dahilan kung bakit may magta-traydor sa iyo," seryosong aniya. Nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. I slowly cleared my throat because I feel like I'm being choked with strangeness. "A-Ano pong ibig—" Hindi na natapos ang sasabihin ko nang may nagsalitang pamilyar na boses ang nasa likuran ko. "Via..." Shit. Kahit naninigas ako sa kinatatayuan ko ay pinilit kong iharap ang katawan ko rito. Bryle. God, his eyes again... His manipulate eyes. "Susubukin ng tadhana ang pag-iibigan niyo... at kailangang tanggapin ninyo ang nakatakda." Pareho naming gulat na naibaling ni Bryle ang paningin namin sa matanda. Pero agad din kaming nagkatitigan muli. 'Yong titig na para bang sinasabi niyang magkakatotoo ang sinabi ng matanda. Hindi ko na alintana ang dahan-dahang pagbagsak ng ulan at ang marahang hangin na biglang lumalakas dahil tuluyan na akong nalunod sa titig niya. Ang bawat hampas ng hangin sa aking balat at katawan ay mas lalong nagpapakabog nang malakas sa aking dibdib. Anong magiging papel mo sa buhay ko, Bryle?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD