Chapter 7

2972 Words
Via Elianna "Ikaw taya!" wika ng isang batang lalaki na blurred ang mukha. Gusto kong aninagin ang mukha niya, pero hindi talaga maaninag. "Tumakbo ka na!" Nagulat ako dahil sa biglaan na lang akong nagsalita kahit hindi ko naman ibinuka 'to, parang hindi ko na-control. "Habulin mo 'ko!" wika ng batang lalaki na kalaro ko habang bumungisngis. Naghabulan lang kami hanggang sa madakip ko siya. Napaharap ito sa'kin, unti-unti ko nang naaninag ang kaniyang mukha na ipinagpasalamat ko. Pero... "Ate Via! May sunog! Jusko ka, Ate! Bumangon ka na! May sunog!" Nanunuot sa tenga ko ang nakakarinding sigaw ni Akemi at saka ko lang na-realize kung ano ang isinigaw niya. Kahit na inaantok pa'y biglang nagising ang diwa ko at buong lakas na bumangon. May sunog?! OMG! "Ano?! Nasaan ang sunog, Akemi?!" gulat na gulat kong sigaw, pero ganoon nalang ang inis ko nang marinig siyang bumulalas ng tawa, ganoon na rin sila Avy at Liza na nandito na rin pala sa kwarto ko. Napaniwala ako ro'n, ah. Bwiset! "Uto-uto si ate!" sigaw ni Akemi habang nakahawak na sa tiyan niya sa kakatawa. "Eli, ang pangit mo sa part na 'yon!" si Liza habang maarteng tumatawa. Gosh! "Napanaginipan siguro 'yong crush niya at naistorbo, hala kayo!" Si Avy, diniinan pa 'yong word na 'crush'. Para bang pinapaalala 'yong utang ko sa kaniya. Napasimangot lang ako habang nakatingin sa kanilang tatlo na walang humpay pa rin sa pagtawa. Ano bang ginagawa nila rito sa kwarto ko?! "Ano bang ginagawa n'yo rito? Iniistorbo n'yo ang tulog ko!" reklamo ko, pero sabay-sabay lang silang napabuntong-hininga na para bang hindi alam kung anong gagawin nila sa'kin. "Ate, kumusta ang buhay na may amnesia?" Taka ko silang tiningnan. "Anong amnesia?! Wala akong amnesia! Naalala ko pa nga kayo, e!" histerikal kong sigaw dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Sabay-sabay naman ulit silang bumulalas ng tawa. Dahan-dahang naglalakad papalapit sa 'kin sila Liza at Avy at 'tsaka pinilit akong tumayo, inalalayan nila akong maglakad patungo sa banyo. "Teka nga lang, ano bang nangyayari?" "Hoy, kung 'di mo alam, kung nabagok man ulo mo, magske-skateboarding tayo ngayon sa daan 'no? Ikaw pa nag-request kahapon, tapos ikaw ang male-late, 'yan landi-landi pa sa panaginip!" sarkastikong ani Avy dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hala, oo nga pala! Bakit ko ba kasi nakalimutan 'yon? Letcheng panaginip kasi eh, ang tagal ipakita ng mukha ng batang lalaki na 'yon! Sino ba 'yon? Wala naman akong naalalang batang lalaking kalaro noong bata pa ako, ah. Pero, 'yong nasa picture ng album kagabi! Hindi talaga ako sure kung si Bryle ba 'yon, dahil kamukhang-kamukha niya talaga! Parang batang version ni Bryle. Pero ayaw ko namang mag-conclude agad, baka mali ako. "Kaya dalian mo nang maligo, Elianna, ha? Kanina ka pa namin ginigising pero walang epekto! Hintay lang kami mga 3 minutes, kung ayaw mong 3 minutes, mauuna na kami, ha? Hihi, time starts now!" nakangising saad ni Liza, dahilan para magbalik ako sa kasalukuyan na kumakaripas na ng takbo papunta sa banyo. Letche! Dali-dali akong naligo. Wala pang 3 minutes ay lumabas na ako sa banyo at pumasok sa closet ko, 'tsaka nagbihis ng isusuot. Isang black v-neck t-shirt ang sa itaas, sa ibaba naman ay isang white short na above the knee pero hindi masyadong maikli, isang white na sneakers naman ang sinuot ko sa paa. Pare-pareho kaming naka-shorts dahil may knee pad naman kaming pamprotekta sa tuhod. Nakahanda na rin pala sila. Agad akong nagtungo sa aparador kong nilagyan ng mga equipments para sa skating. Agad ko nang sinuot ang aking multi-sport helmet, nilagay ko na rin sa wrist ko ang wrist guard, ang elbow pad naman sa elbow ko, at ang huli ay ang dalawang knee pad sa tuhod ko. Binitbit ko na rin ang skateboard kong kulay yellow. "Tara!" excited na wika ko sa kanila. Sabay-sabay na kaming lumabas sa kwarto ko at pinuntahan namin ang kwarto ni Astrid, ako na ang kumatok. "Ast," tawag ko rito. "Bakit?" tanong niya nang binuksan niya ang pinto. Gulat pa akong napatingin sa kaniya dahil bihis na bihis na siya. Saan naman kaya ang punta nito? "Sasama ka sa aming mag-s-skateboarding?" Umiling siya. "Hindi na muna ngayon, Via. Hindi pa kasi tapos 'yung pinag-usapan namin ng friend kong binanggit ko kagabi dahil kasi gabi na rin. We'll continue it later, e. Importante lang," nanghihinayang na sabi niya, dahilan para manghinayang rin ako. "Sayang naman, Ast," malungkot na ani Liza habang naka-pout. Pare-pareho kaming nanghihinayang dahil sa bawat usapan naming ito noon ay magkakasama talaga kaming lima, ngayon lang hindi sasama si Astrid. "Don't worry. Next time sasama ako, promise!" "Aasahan namin 'yan, ah?" "Oo nga! Tumutupad naman ako ng usapan, eh." Kalaunan din ay nagpaalam na kaming apat sa kaniya. Nagpaalam na rin kami sa aming mga magulang. Nang nasa daan na kami ay nagpapaunahan na kami sa pagpapaandar at pagpapalipad ng skateboard. "Hoy! Hintayin n'yo naman ako!" Parang maiiyak na sigaw ni Liza sa amin nang mahuli ito. Para itong umiiyak na kambing. Bumulalas naman kaming tatlo ng tawa. Ako ang nauna sa kanila, ang nasa likod ko naman na nasa right side ay si Avy na tumatawa rin, sa likod naman ni Avy ay si Akemi... at ang pinakamalayo pa sa amin ay si Liza na parang first time pang maglaro nito. "Manigas ka riyan, Lizareign! 'Di mo kasi sineseryoso noon ang pagturo ni Astrid, e! Ble!" pang-aasar kong sigaw sa kaniya. By the way, Lizareign is her whole first name, nickname niya kasi ang Liza kaya 'yon ang tinawag namin sa kaniya. Ang gusto niya, reign daw itawag namin para daw mukha siyang reyna na kinoronahan pero hindi namin sinunod dahil ang kapal naman ng mukha niya. "Hoy ate! 'Wag ka ring feeling magaling diyan! Mas magaling pa ako sa'yo, 'no! Let's see!" sigaw ni Akemi. Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya naman mas binilisan ko pa ang pagpapaandar sa skateboard ko. Hanggang sa naunahan na niya ako kaya naman nagulat ako. Umahon ang inis sa akin nang hinahabol ko na siya ngayon pero hindi ko na ito malampasan. Nakakainis! "Eli!" Narinig kong tawag ni Avy sa likuran ko kaya naman lumingon ako. Gano'n nalang ang pagkabigla't pagkainis ko nang siya naman ang makauna't makalampas sa'kin. "What the hell!" I exclaimed. Nakakagigil! Ako na dapat 'yung nauna, eh! Mas lalo lang akong nainis nang marinig ang tawanan ng dalawa sa unahan ko. Mas binilisan ko nang binilisan ang pagpapaandar sa skateboard ko, gano'n din ang ginawa nila kaya naman mas lalo akong nahirapan. Pero may biglang ideyang pumasok sa isip ko. This time, mas doble na ang bilis ko, marunong din ako sa illegal over take. Una kong naunahan si Avy, ang mababasa ko sa mukha niya ay ang pagkabigla sa ginawa ko. I smirked. Wala namang masyadong mga sasakyan kaya safe kaming nakakalaro sa gitna. Ganito talaga sa probinsiya, 'di tulad sa siyudad. Dumoble pa ang bilis ko hanggang sa si Akemi na naman ang ni-over take ko. Katulad lang din sila ng reaksiyon ni Avy nang malampasan ko siya. Priceless. I smirked again. Hindi mawawala ang bilis sa pagpapaandar ko na nagawa ko nang mailipad sa ere ang skateboard kasama ang timbang ko, na siyang isa rin sa mga natutunan ko rati kay Ast. Natuto lang din si Astrid sa ganitong laro noong tinuruan siya ng aming yumaong lolo na siyang asawa ng lola ko, noong malakas pa ito. Hindi na niya kami naabutan pa ni Akemi dahil noong magkamuwang kami ay nanghina na ito dulot na rin ng katandaan. Balik sa kasalukuyan, hindi na sila nakahabol pa, kaya naman ako na ulit ang bumulalas ng malakas na tawa sa unahan, isang tawang tagumpay. Huminto ako, a sign that I'm the winner of the race. Huminto rin silang tatlo at s'yempre si Liza pa rin ang nasa hulihan. "Ang galing talaga ni Via namin!" sigaw ni Liza at umakbay pa siya sa'kin. "Plastikan, te?" tumatawang pang-aasar ni Avy dahilan para sabay namin siyang batukan ni Liza. "Pwedeng-pwede ka rin namang yumakap sa'kin nang mahigpit kong na-iinsecure ka kay Liz, Avyara Joy!" Kami naman ni Liza ngayon ang napabulalas ng tawa nang banggitin ko ang second name nito na hate na hate niya. "Don't call me that, Eli!" giit niya dahilan para mas lalo pa akong tumawa, para na akong baliw na masaya dahil nakatakas sa mental. "Joy! Bantayan mo kapatid mo, ah!" panggagaya ko sa utos ng Mama niya na narinig ko dahil magkapitbahay lang kami. Napanguso ito nang mahaba na hindi niya pa nagawa sa buong buhay niya. Nagulat na lang ako nang bigla niyang tinusok-tusok ang tagiliran ko, dahilan para makiliti ako't 'di alam ang gagawin. Nasa may damuhan na kami dito sa plaza ng Santa Dalia, oo gano'n kalayo narating namin. Mas lalo pa ako nilang kiniliti, oo nila... kasama si Akemi, punyeta. Pinagtutulungan nila ako kaya naman bigla akong napahiga sa damuhan. Wala pa namang masyadong tao rito sa plaza kaya hindi nakakahiya itong pinaggagawa namin. Sinulyapan ko si Liza, humihingi ng tulong pero tawa lang nang tawa ang gaga. "Tama na!" natatawa na naiiyak kong pakiusap dahil sa kiliting naramdaman. Bwiset talaga! Nagpapanggap akong nahimatay, kaya naman agad silang tumigil. Pinipigilan ko lang ang tawa ko nang marinig ang pag-uusap nilang tatlo. "Hala ka, Ate Joy! Este, Ate Avy! Anong ginawa mo?!" naninising tanong ni Akemi kay Avy, kahit na siya itong napasobra. "H-Hindi ko alam. Ikaw kaya 'yung napasobra ng kiliti, ah! Mahina lang 'yong akin!" nagpapanic na sagot ni Avy dahilan para halos hindi ko na mapigilan ang tawa ko, pero pinigilan ko pa rin. "Taga tawa lang ako dito, ah. 'Wag n'yo 'kong isali," kalmadong saad ni Liza, narinig ko pa siyang humikab. Tangina mo, 'di mo ako tinulungan gaga. Nang hindi ko na mapigilan ang tawa ko ay agad akong tumayo at bumulalas ng malakas na tawa. Napahawak pa ako sa aking tiyan. Nakanganga lang silang tatlo sa akin dahil hindi makapaniwala na nauto ko sila. Sa wakas, nakapaghiganti rin. Pero agad na naglaho ang ngiti ko nang may matanaw sa 'di kalayuan. Nakatitig rin ito sa'kin... may kasama siyang pamilyar na babae na naka-shades. Nagulat ito nang bigla siyang yakapin ng babae. Maybe... it was his ex. His ex-lover that he still loves. Napatayo si Bryle, gulat pa rin sa ginawa ng babae at pansin ko ang pagkabalisa ng mga mata niya habang nakatitig sa'kin. Bakit, Bryle? Napaiwas ako ng tingin at pinilit ulit na ngumiti, ngunit naging mapait na 'yon. Napansin ko ang tatlong pares ng mga mata na nanunuring napatingin sa akin, galing sa tatlo kong kasama. Hindi ko maintindihan ang biglaang pagsikip ng dibdib ko. "Is there something wrong, Eli?" nag-aalala't nanunuring tanong ni Avy nang mapansin ang mapait na ngiti ko. Ngumiti ako nang malaki sa kanila para i-assure silang ayos lang ako. "Wala, Avy," nakangiting sagot ko. Seryoso ang ekspresyon nilang tatlo kaya naman kinabahan ako. Hindi pa naman ako marunong um-acting. "Wala nga, promise! Tara kain muna tayo ng street foods do'n, oh!" Tinuro ko ang nagtitinda ng street foods. "Na-miss ko na rin kumain ng mga 'yon! Wala pa kasing pasok kaya 'di ko na nadadaanan ang mga 'yan," dagdag ko pa habang naglalakad na papunta roon. Nawala na rin ang pagka-seryoso nila kaya okay na! "Akala ko ang one and only chicharon mo lang ang favorite mo, Ate," Si Akemi habang tumatawa, hindi na seryoso. Thankful naman ako kasi bumalik ulit siya sa pagiging gano'n. Dahil na rin siguro sa gutom, dali-dali na kaming pumili at kumuha ng mga gusto namin para bilhin. Ang paborito kong kikiam ang una kong kinuha, sunod naman 'yong kwek-kwek na hinaluan ko ng suka na paborito kong sauce para dito. Umupo kami sa isa sa mga table ng kaliwang karenderya dahil wala naman silang masyadong customer, mabuti na rin at pinayagan kami. Nagkwentuhan pa rin kami, at dahil pare-pareho kaming madadaldal, natagalan tuloy ang pananatili namin do'n, hindi rin s'yempre nawala 'yong mga biruan namin kaya napuno ng tawanan ang buong mesa namin. Napapalingon din sa amin ang ibang costumers, ang iba naiirita dahil sa ingay namin, kaya sabay lang kaming napa-peace sign sa kanila at tatawa nang palihim. Ganito kami ka-walang hiya. Saglit ko ring nakalimutan ang nasaksihan ko kanina lang, ang medyo pagkadurog ng puso ko kahit wala naman akong karapatan. "Guys! Ito na 'yung chika ko hehe," mahinhin kunyaring saad ni Liza habang tumitili pa nang mahina na animo'y kilig na kilig. Alas tres pa lamang ay nakabihis na kami para sa misa mamayang alas kuwatro. Pero, hindi kami dumiretso sa simbahan, dumiretso kami rito sa tabing dagat na sa harapan lang din ng simbahan. Si Akemi ay sasabay lang daw kay Astrid mamaya. Nakaupo kaming tatlo sa may mga sementadong squares na nasa malapit ng tabing dagat na na-construct lang din ng mga construction workers last month. Mamaya pa naman magsisimula kaya dito muna kami. "Oh, ano 'yan? Dami mo pang introduction na patili-tili pa," pairap kong saad habang naghihintay sa sagot niya. "Diretsuhin mo na, kanina ka pa talaga sa daan. Wala ka pang nasimulan diyan," naiinip nang wika ni Avy habang naka-cross arm. Kanina pa talaga 'yan, inuuna ang kilig. We always have this kind of friend talaga. "Ito na nga! So, kahapon na-show ko 'yong malanding side ko kay Lloyd. 'Yan pala name ni crush ko. Oh, 'di ba Avy? Alam ko na," nakangiting paliwanag ni Liza. Alam na niya pala ang pangalan ng abnoy niyang crush? Interesado na tuloy ako kung paano sila nagkakilala. Knowing Liza, siguro hindi ito na-bwiset sa ka-abnuyan ng Lloyd na 'yon. "Paano naman kayo nagkaroon ng interaction, kung gano'n?" kunot-noong tanong ko. "Accidentally kasi nahulog pala 'yung panyo ko nang 'di ko nalalaman—" "You sure? Accidentally or intentionally?" nakangising sabat ni Avy, gano'n na rin ang naisip ko dahil kilalang-kilala na namin itong si Liza. Napanguso agad ito dahil huling-huli na siya. "Both, ano ba? Nahulog talaga 'yung panyo ko accidentally, pero nang makita ko siya sa likuran ko, hindi ko pinulot intentionally, dahil baka pulutin n'ya. Oh ayan, happy?" "Tapos, anong nangyari? Hangang assume ka lang ba?" "Sabi niya, 'Miss, sa'yo ba 'tong baduy na panyo na 'to—" Hindi na n'ya natapos ang sasabihin nang sabay kaming bumulalas ng tawa ni Avy. "Panyo pa lang 'yan, Liz, pero na-turn off na agad." Tumawa lalo ako. Umirap siya. "Patapusin n'yo kasi muna ako, duh! Napaka-epal n'yo talaga! 'Di naman kayo kasing ganda ko. So 'yon nga, pagkakita n'ya sa kagandahan ko ay napatulala siya sa 'kin, guys. OMG! Binawi niya agad 'yong pagkakasabi n'ya ng baduy sa panyo ko, hehe. 'Wag n'yo sabihing naturn-off kasi naturn-on sa ganda ko, e!" mayabang na aniya at nag-flip hair pa ang gaga. Okay. Nagkatinginan na lang kami ni Avy dahil sa kahanginan ng kaibigan naming 'to. "Oh, tapos?" sabay naming tanong ni Avy, nawalan ng gana dahil ang hangin-hangin na rito. "Tinanong niya ang maganda kong pangalan, nagpakilala rin siya. Aniya, i-take note ko raw ang pogi n'yang pangalan katulad n'ya, hehe." Animo'y ginilitan ng leeg na patuloy niya with matching patalon-talon pa ang gaga. Napabulalas ako ng tawa nang may maisip. "Alam mo, bagay kayo," nakangiti kunyaring saad ko. Nagliwanang naman ang mukha nitong napatingin sa'kin. "Talaga?" "Oo, kasi pareho kayong mahangin," sabi ko saka humagalpak ng tawa, gano'n rin si Avy. "Ang sama n'yo!" nakasimangot nitong giit habang nagmamaktol. Nagsimula na kaming tumakbo ni Avy dahil gets maming threat na sa buhay namin ngayon si Liza. Napatigil ako nang marinig na kumanta na ang psalmist hudyat na kanina pa pala nagsimula ang misa. s**t! "Hoy! Nagsisimula na pala ang misa! Ang tagal mo kasing maka-chika, Lizareign!" paninisi ko habang tinuro pa si Liza. "Hala oo nga. OMG!" "Tara, takbo!" Sabay-sabay kaming nagtakbuhan. Pero dahil mas mabagal akong tumakbo, ako ang pinakahuli. Malayo na tuloy ako sa kanilang dalawa! Sa gitna ng pagtakbo ko ay meron akong nakabangga kaya bigla akong bumagsak sa lupa at napahawak sa tapat ng aking puso dahil sa hindi normal na pagkabog nito. Naalala ko ang sinabi ni Mommy noon na mahina raw ang puso ko pero walang history sa sakit sa puso ang both sides ng parents ko. "Via, are you okay? I'm sorry." Napatingala ako sa nagmamay-ari ng pamilyar na boses na 'yon. Ang mga mata niyang nakakahalina na nag-uudyok ulit sa akin na titigan pa ito hanggang sa mamanipula ulit ako. Iniabot niya ang kaniyang kamay. Tinanggap ko ito habang nakatitig pa rin sa kaniya, gano'n din naman siya sa akin. "A-Ayos lang. Salamat at pasensiya na rin sa pagbangga," sabi ko at umiwas ng tingin dahil 'di ko kayang labanan ang titig niya. Naalala ko pa rin ang pagyakap ng babae kanina sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit ako nasaktan, eh wala naman akong karapatan. "Sige ha, pasok na ako. Nahuli na ako, e," sabi ko at ngumiti nang pilit. Hindi pa man ako nakatatlong hakbang ay hinigit na nito ang kamay ko't pinaharap ako sa seryoso niyang mukha na siyang ikinagulat ko. Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa kaniya. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang sinabi niya, "Take care of yourself, Via. Especially... your heart." Wala akong kurap na napatitig lang sa kaniya. Parang may malalim na ibig sabihin ang sinabi niya na hindi ko rin alam kung ano. My mind's too occupied containing his words. What does he mean especially my heart? May idea ba siya na medyo nasaktan ako sa nakita kanina? Paano mo nagawang sabihin ang mga salitang 'yon nang 'di naiilang at normal lang? Kasi ako, kanina pa rito natuod dahil sa presensiya't sinabi mo. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nanumbalik sa akin ang salitang binitawan ng misteryosong lalaking pumasok sa kwarto ko. "Please take care of yourself. I'm worried." O, sadyang assuming lang ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD