Via Elianna
"Hoy, bakit ang tagal mo?" pambungad na tanong ni Avy nang makapasok ako sa simbahan. Nahihiya pa akong naglakad papasok kanina kasi ang dami pa lang tao at pinagtitinginan pa ako, at nagsimula na nga ang misa.
Letche, first time kong ma-late sa simbahan. Iniwan kasi nila ako Avy at Liza, eh. Nakakahiya kaya na parang center of attention ka kapag ikaw na lang ang nakatayo na papasok sa simbahan, tapos ang dami pang tao. My God! Feeling ko tuloy, para akong kriminal na naglalakad sa gitna ng dalawang panig sa court room. Tapos kulang na lang, batuhin na ako ng kung anu-ano dahil sa krimeng nagawa ko.
"Iniwan n'yo 'ko, e," pabulong kong reklamo dahil nagsasalita na si Father sa harap.
Hindi ko rin sinabi sa kaniya ang totoo na nag-usap pa kami ni Bryle kanina kasi maghihinala ulit ito. Sasabihin ko rin naman balang araw.
Hindi na ito nagsalita pa dahil naka-focus na ito sa harap, gano'n din ang ginawa ko dahil baka sitahin ako sa kadaldalan ko.
Bumabagabag pa rin sa 'kin kung bakit bigla nalang pumasok sa isipan ko ang sinabi ng misteryosong lalaking pumasok sa kwarto ko, kanina habang sinasabi ni Bryle ang mga katagang 'yon . I won't assume, of course, na iisa lang sila. Like, hey, that's impossible. Para lang akong naghihintay na pumuti ang uwak.
"Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It is not rude, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record or wrongs. Love does not delight in evil but rejoices with the truth," wika ni Father, dahilan para mapaangat ang ulo ko sa pagkakatungo, at saktong pag-angat ko'y nagkatitigan kami ni Bryle... walang emosyon ang mukha niya pero parang may nakita akong paghanga sa mga mata niya... o assuming lang talaga ako.
Hanggang assume na lang ba talaga ako?
Agad din akong nag-iwas ng tingin at napaisip ulit sa sinabi n'ya kanina. 'Di naman kami close para sabihan n'ya ako ng gano'n, ah? Pero... baka sinabi n'ya lang 'yon dahil mabait siya, at walang meaning 'yon. Ano ka ba! Duh, I was born a Queen kaya dapat hindi ako magpapa-alipin sa isiping assumera lang ako.
Sa time na ng communion ay sabay-sabay kami nila Avy at Liza na nag-linya sa gitna na kung saan si Father ang mag-bibigay ng ostiya. Komportable pa akong nakalinya noong una pero naputol din 'yon nang makita ko kung sino ang isa sa mga sakristan ang mag-ga-guide sa amin habang tinatanggap ang ostiya gamit ang communion plate.
Si Bryle.
Sunod-sunod ang naging paglunok ko dahil si Avy na ang nasa unahan ko at susunod na ako! Sa linya pa talaga naming nasa kanan si Bryle nakatayo't mag-ga-guide!
Huminga muna ako nang malalim nang makita si Avy na tapos na. Gosh, ako na ang susunod!
"Katawan ni Kristo," sambit ni Father bago ko inawang ang labi ko't tinanggap ang ostiya, siya ring pag-guide ni Bryle bago mapasa sa bibig ko 'yon.
Napasulyap pa ako sa kaniya saglit at nakita ko itong nakangisi nang kaunti na siyang ikinatutulala ko saglit. Kung 'di niya lang ako sinenyasan na tapos na ay nanatili pa rin akong nakatitig sa kaniya. s**t! Nakakahiya ka, Via! Pakiramdam ko tuloy, kinain ako nang buo ng lupa dahil sa kahihiyan.
Ipinanganak lang ba talaga ako para makaramdam ng kahihiyan sa katawan?
Dali-dali akong tumalikod dahil sa naramdamang hiya. Nang makarating ako sa inupuan namin ni Avy at Liza kanina ay agad akong lumuhod at nag-sign of the Cross para sa idadasal ko. Nang matapos ay napasulyap ulit ako kay Bryle na 'di pa rin matanggal ang kunting ngisi sa'kin, pero nakakahangang halatang naka-focus pa rin siya sa ginagawa habang nakatitig sa'kin.
Patawarin nawa ako sa aking kasalanan.
Napakunot ang noo ko't nag-iwas ng tingin dahil sa puso kong naghaharumentado na ngayon. Na-diretso ang tingin ko kay Avy na nakangisi na rin sa 'kin ngayon— 'yong ngising parang sinasabi n'yang 'you got caught'.
Napalunok tuloy ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. s**t naman, oh. Nahalata na tuloy! Bakit ba uso sa kanila ngayon ang ngisi? Uso rin sa 'kin ngayon ang pag-iwas ng tingin. Gosh!
"So, siya pala, hmm," biglang bulong sa 'kin ni Avy, dahilan para manlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Napalunok ulit ako.
"A-Ano bang sinasabi mo?"
"Maang-maangan pa. Alam ko na uy, halata ka kasi."
Napalingon siya sa tabi niya't parang ibinulong kay Liza. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize na sinabi n'ya rin ito kay Liza na mukhang malapit nang maka-close ni Lloyd! Baka masabi n'ya ito sa kaniya dahil madaldal din ito!
Umakto na lang akong normal. Wala rin namang kaso sa akin 'yon kasi kaibigan ko naman sila. Pero ang ikinababahala ko ay baka masabi 'yon ni Liza kay Lloyd, kung sakaling makapag-usap ulit sila! Ayaw ko pa namang maasar.
Kailangan ko na 'tong panindigan. Kung malaman man ni Bryle aba, pakialam ba niya? Ano ba'ng paki niya kung gusto ko nga siya? Like... is it really a big deal? Paghanga lang ito, duh. Not really deep love. Yeah, I once considered this a love at first sight but this is just a shallow love. Hindi malalim, at ayaw ko na ring palalimin dahil baka masaktan lang ako sa dulo.
Inanunsiyo ng commentator na alas otso na sa umaga ang misa bukas para sa 6th novena mass. May 13 na pala ngayon, ang dali-dali naman ng panahon! Matatapos na din ang novena mass sa May 18, which is the exact day ng fiesta rito. That means... hindi ko na siya makikita ulit.
Kasalukuyan nang umaawit ngayon para sa last song ng misa. Napalingon ako sa b****a ng simbahan dahil kitang-kita ang papalubog ng araw. Namamangha ko itong tinatanaw dahil iyon talaga ang paborito kong tanawin everytime na papatak ang hapon. Alas singko y media na ngayon kaya makapal na kulay kahel na ang naka-plastar.
Sa pagkamangha ay dali-dali na akong sumabay sa paglalakad sa dagat ng mga tao matapos ang huling kanta. Hindi ko na naririnig pa ang mga tumatawag sa 'kin. My eyes can't just fix to anything else, naka-focus lang ako rito.
Nakaupo ulit ako sa pa-square na gawa sa semento na siyang inupuan namin ng mga kaibigan ko kanina, dito na kitang-kita ang kagandahan ng sunset.
"How I wish, ganito rin kaganda ang magiging katapusan ng buhay ko." Hindi ko namalayang naisabi ko pala ang mga salitang 'yon. Pero nagulat ako nang biglang pumatak ang mumunting ulan, seems my words just poisoned the sky above me. Agad din namang bumalik sa normal kaya nakahinga ako nang maluwag. Wala pa naman akong dalang payong.
"Kaya mag-iingat ka, hindi ang lahat ng nais mo ay matutupad... Via," biglang wika ng nasa tabi ko, dahilan para manlaki ang mga mata kong napatingin rito.
Ito 'yung matandang babaeng nakita't nagsabi ng weird words sa'kin kahapon sa simbahan! Another weird words na naman ang sinabi niya na naging palaisipan ko na naman. Napalunok ako nang paulit-ulit.
Bakit bigla na lang itong sumusulpot sa tabi ko nang 'di ko namamalayan! Nagtataka pa rin akong napatingin dito.
"Katulad lang din ng nararamdaman mong 'di mo namamalayan," aniya at tumingin ng diretso sa akin. Bakit parang nababasa niya ang isip ko?
"A-Ah lola, hindi naman po siguro totoo ang mga sinasabi n'yo pati na rin 'yung kahapon po," parang nahihiya kong wika dahil napaka-seryoso ng mukha niya. Kinakabahan na naman ako.
Agaran din naman itong umalis nang 'di ko ulit namamalayan habang nakataklob ang kulay itim na balabal.
Napabuntong-hininga ako dahil sa sinabi ng matanda. Ibang palaisipan na naman. Pero, tulad nga ng sabi Bryle, baka fortune teller lamang 'yon na random kung manghula. Teka, may fortune teller bang nakakabasa ng isip?
Napapikit na lamang ako dahil sa sariwang hangin, kinakalma na lamang ang sarili. Maganda talaga manirahan sa probinsiya dahil malalasap mo talaga ang tunay na sariwang hangin. Dati, sa Maynila kami nakatira, may munting company kasi sila ni Daddy dati noon, hindi man well-known tulad ng iba, pero may nag-a-apply pa rin naman na empleyado dahil sa ganda ng pamamalakad ni Dad.
Pero nakakalungkot lang, bumagsak din ito dahil sa rami ng debts ni Dad, umalis na rin ang ibang stock holders dahil ang dating progression ng company ay nawala na parang bula. I was 8 that time nang napagdesisyonan nila Dad na i-close na ang company dahil wala na silang ibang paraan pa.
Ibinenta na rin nila ang mansion namin sa Maynila at ginamit ang pera para manirahan nalang dito sa probinsiya, dito sa Santa Dalia kung saan ay narito rin ang ancestral mansion nila lolo at lola na nalagyan na halos ng mga modernong gamit namin ngayon.
Ilang taon pa bago nila napag-desisyonang bumangon muli. Nagtayo sila ng negosyo pero dito na sa probinsiya. Hindi masyadong marangya pero isa sa kilalang apelyido ang Altarejos sa buong Santa Dalia.
"Hey."
Biglang napamulat ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon. Napalingon ako sa kaliwang banda ko at nagulat ako nang makita si Bryle na may dalang itim na payong at kasalukuyan akong pinapayungan ngayon. Eh?!
"Anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong.
Bigla siyang tumawa, dahilan para kumunot ang noo ko. Mukhang nahawaan na din 'to sa pagiging abnoy ng kaibigan niya. Minsan din nag-iiba-iba ang mood nito, mabait- palatawa- seryoso at iba pa. Ewan ko na lang!
"Pinapayungan ka. Nakita kita kaninang nagpaulan, ayaw ko namang makonsensiya dahil pinabayaan lang kita."
Napatingin ako sa dulo ng dagat at na-realize na kanina pa pala lumubog ang araw! It means gabi na? s**t, ang mga kasama ko? Sila Avy?
Pero gano'n nalang din ang panlalaki ng mga mata ko nang ma-realize na tinawag pala nila ako kanina sa loob ng simbahan pero wala akong narinig dabil parang na-hipnotismo ako sa kagandahan ng sunset.
"Akala ko kasi 'di uulan dahil sa ganda ng sunset," wika ko. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya, pero hindi ako lumingon.
"Kahit gaano pa kaganda ang tinatanaw mo, may mga bagay talagang darating na siyang ikasisira sa gandang tinatanaw ko, nang 'di mo namamalayan," diretsong aniya dahilan para lingunin ko ang seryoso niyang mukha.
Agad na tumatak sa isipan ko ang sinabi niya dahil parang magkakatulad lang din ang sinasabi nila ng matanda. Ang seseryoso naman nila, 'di tuloy ako maka-relate. Para kasing pinanganak lang ako para maghasik ng kabaliwan.
Nang matitigan ko ulit ang kaniyang mukha ay natulala ulit ako dahil mas gwapo pala siya sa malapitan. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya nag-iwas ako ng tingin... pero naalala ko sa mukha niya ang pagyakap ng babaeng 'yon kanina doon sa isa sa mga mesa ng nagtitinda ng street foods.
Napanguso na lang ako sa kawalan at 'di na naisip na nandito siya.
To be Continued...