Continuation...
"Ah, 'di mo rin namalayan kanina na niyakap ka na ng babae mo 'no?" pang-aasar kunyaring ani ko pero gano'n nalang ang pagkapahiya ko nang mukhang nagtunog bitter 'yon. Gosh! I feel like a jealous girlfriend here.
Natunugan ko ang pagngisi niya kaya naman hindi ako tumingin sa gawi niya. Malokong side n'ya na naman. Ilang personality kaya meron siya? Well, realistically, lahat naman tayo may iba't-ibang personality at hindi lamang isa kaya normal lang talaga ang pabago-bago niyang personality.
"'Di mo rin namalayan that you're acting like a jealous girlfriend to her boyfriend, hmm?"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nahirapan ako sa paglunok at unti-unti ay gumapang ang ilang at hiya sa akin. Walang hiya naman ako sabi nila Liza pero bakit pagdating sa kaniya... grabe itong hiya ko?
Wait... anong jealous? Sinong nagseselos? 'Di naman kami close para inisin niya ako, ah? Bakit parang komportable siya? Tsk. Kailan nga ulit kami unang nagkalapit at nagkausap nang ganito? Ilang araw pa naman simula nang una ko siyang makita rito. I don't know how did fate bring us here. I admit that I also feel... comfortable.
"Ang kapal mo talaga. Anong nagseselos? Hindi ah!" depensa ko at agad na tinulak-tulak nang mahina ang matigas niyang dibdib. Pero huli na nang ma-realize ko ang ginawa ko. Napahakbang ako nang kaunti dahil sa kahihiyan. Matigas na dibdib? Ano 'yan, Via, ha? Napahaplos ako sa nag-iinit kong pisngi na alam kong namumula na rin. Gosh!
"Okay. Sabi mo, eh."
Hindi man ako nakaharap sa kaniya ay kita ko sa peripheral vision ko na nakangisi pa rin siya. Ano ba 'yan, Via! Kahit kaila'y napapahiya ka sa harap niya! Napapikit ako sa inis at kahihiyan saka huminga nang malalim, pinapakalma ang sarili dahil sa halos hindi makalmang kabog ng aking dibdib.
"Ahm... nasa'n nga pala ang mga kasama mo?" pag-iiba ko sa usapan dahil wala akong nakitang kasama niya. Nahihiya pa rin ako sa pagngisi niya. Hindi ko alam kung bakit ramdam kong komportable na ako sa kaniya. Saglit pa lang naman kaming magkakilala pero gumaan agad ang loob ko sa kaniya. Is there some invisible string in between of us? Have we seen each other before?
"Nasa loob pa ng kumbento. Pagkatapos kong kumain may iniutos pa si Father sa 'kin dito sa labas."
"Bakit hindi ka agad bumalik? Baka hinihintay ka na ro'n."
"I saw you here, nababasa na ng mumunting ulan kaya pinayungan muna kita. Baka magkasakit ka pa," sagot niya habang ang mga mata ay nasa ulan na patuloy pa ring bumabagsak ngayon.
Hindi ko maiwasang mapatulala sa sideview niya dahil ang tangos ng ilong niya. Pinagtuunan din ng pansin ng mga mata ko kung paano dahan-dahang kumurap ang kaniyang mga mata habang nakatingala sa kalangitang unti-unting lumuluha. The way his lashes move together with his eyes. Also the way some strands of his hair dance along with the wind's movement.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit biglang naghaharumentado ang puso ko. He just said it casually, but for me... it seems like it has a meaning. Napalunok ako dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Parang hindi ko na kinakaya ang tension sa pagitan namin.
Pero napawi lang din ang pag-asang nasa isip ko nang maalalang mabait pala siya. Tila may nabasag sa loob ko, dahilan para halos marinig ko rin ang pagkakapira-piraso ng mga ito dahil sa malalang pagkabasag. He's just kind that's why he did this, at walang meaning 'yon. Yeah, right, he's just kind.
Sa kaniya wala, pero sa 'kin meron. It made me build my hope...
Ngumiti na lang ako nang pilit. "Gano'n ba? Salamat. Pero baka hinahanap ka na nila. Maghahanap na lang ako ng masisilungan. I'm fine."
Ewan ko kung namamalikmata lang ako pero mukhang nagdilim ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Why would he? He's just kind. Wala siyang special na pakialam sa akin. Kung meron man... maybe as a concern citizen lang na ayaw akong mabasa ng ulan.
"No. Ihahatid na lang kita sa inyo. Malapit lang ang bahay n'yo, 'di ba? At... wala ka ring kasama."
Napaiwas siya ng tingin ng sabihin 'yon. I don't know but I just found myself smiling like an idiot. Concern?
"What are you smiling at?" suplado niyang tanong dahilan para mas lalo akong matawa. Hindi kasi siya makatingin sa 'kin ngayon.
"Wala. Tara na!"
"S-Saan tayo?" utal niyang tanong. Napangiwi ako bago sumagot.
"Ikaw pa nga ang nagsabi na ihahatid mo 'ko, 'di ba? Nagka-amnesia agad?"
Kumunot ang noo nito, pero kalaunan ay napatikhim. "Okay, let's go."
Tahimik kami nang magsimulang maglakad dahil wala ni isa sa amin ang bumasag sa katahimikan. Napatingin ako sa kaniya, diretso lang ang tingin nito sa daan pero halos mapalundag ako nang inilipat niya ang titig sa 'kin. s**t talaga!
"'Wag ka nang magulat. Nasanay na ako sa titig mo. Pwede mo na akong titigan ulit," nakangising pang-aasar niya, dahilan para umiwas ako ng tingin at napalunok dahil kasing pula na siguro ng kamatis ang mukha ko ngayon.
"Kapal talaga," nakanguso kong bulong pero parang narinig niya.
"Just saying the truth, Via," seryoso kunyaring aniya pero halatang pinipigilan lang niya ang kaniyang tawa.
Nag-isip ulit ako ng ibang usapan para mabaling ulit dito ang atensiyon niya. Palagi na lang kasi akong napapahiya sa harapan niya.
I cleared my throat first before asking, "Nga pala, pagkatapos ba ng novena mass dito, 'di na ba kayo magse-serve dito sa Sitio namin?" tinanong ko 'yon sa kaswal na boses pero sa loob-loob ko'y interesadong-interesado ako. I was silently hoping that I could still see him after the nine days of novena.
Umarko ang makapal niyang kilay bago ako lingunin saka sinagot, "Magpapatuloy pa rin naman. Father Robert decided na isama na kami ng dalawa kong kaibigan sa susunod tuwing may misa sa limang Sitio dito na naka-assign, isa na rito. One of the reasons is lack of altar-servers, wala pa siguro masyadong nagseseminar dito sa inyo," paliwanag niya, dahilan upang halos lumabas ang puso ko dahil sa labis na saya.
Kasuwal lamang akong tumango ako kahit ang totoo'y gusto ko nang mapalundag sa tuwa. There's an urge inside of me to jump in happiness pero pagdating na lang sa bahay. So, ibig sabihin... makikita ko pa rin siya tuwing Linggo?
I avoided my gaze to suppress my unstoppable smile. Namalayan kong malapit na ang bahay namin kaya napagdesisyonan kong ako na lang ang tatahak, tutal malapit na rin naman.
"Ah... okay na ako rito. Baka hinahanap ka na rin nila Father. Tumila na rin naman ang ulan," nakangiting saad ko. Gusto ko na kasi talagang lumundag sa saya.
"Are you sure?"
"Oo. Thank you nga pala sa pagpayong sa 'kin kanina at sa paghatid."
"No problem. I just really want to help," nakangiting saad niya dahilan para naging mapait ang ngiti ko. Yeah, right. I was right.
"Okay, lakad na ako. Bye!" huling sabi ko bago lumakad papunta sa ancestral house ni lola. By the way, ang anak pala ni lola ay si Mommy. Ang mga magulang ni Daddy ay pumanaw na, just like my grandfather on the mother's side.
Sa malaking pinto pa lang ay bumungad na sa 'kin si Astrid na nakahalukipkip habang nakatingin sa 'kin. May bahid na pag-aalala sa mga mata nito. Oo nga pala, bigla na lang akong nawala sa paningin nila kanina.
"Saan ka galing?"
"Tinanaw ko lang ang sunset kanina tapos biglang umulan. Sumilong muna ako dahil wala akong payong," pagsisinungaling ko dahil baka magalit ito kung sabihin kong hinatid ako ng isang sakristan.
Naalala ko lang 'yong mga panahong binabalaan niya akong huwag magkagusto sa isang sakristan na nilabag ko. Hindi naman kasi talaga mapipigilan ang isinisigaw ng puso.
Naningkit muna ang mga mata niya bago tumango. To be honest, ang strange niya na since the first novena started. First, 'yong pagiging balisa niya after the mass. Second, 'yong panaginip kong unti-unti ko nang nalimutan, and then, 'yong sa hapagkainan, noong nagtanong si Dad kung may boyfriend na ba kami, she acted weird and strange that time, na-feel kong bigla akong natakot sa kaniya. Pero s'yempre isinawalang-bahala ko na lang 'yon. She's my sister after all, ayaw ko siyang pag-isipan ng kung ano.
"Gano'n ba? Pasok ka na," aniya.
Sumunod naman ako sa kaniya papasok. Nagtaka ako dahil tahimik ang buong bahay, animo'y kami lang dalawa ni Astrid ang tao.
"Ast, bakit ang tahimik? Nasa'n sila?"
Nakita kong lumungkot ang reaksiyon nito, dahilan para kabahan ako.
"Inatake sa puso kanina si lola, dinala agad nila Mommy at Daddy sa hospital kasama si Akemi. Bilin nila, tayo raw muna rito sa bahay, walang kasama si manang magbantay."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"Ano?! 'Di talaga tayo papupuntahin doon? Gusto kong pumunta, Ast!" reklamo ko.
Napabuntong-hininga ito. "I feel you. Pero wala raw kasama si manang magbantay rito kung sasama tayo. Ang ibang maids ay umuwi muna sa kani-kanilang pamilya dahil weekend ngayon. Si manang, alam mo namang nag-iisa na sa buhay, kaya walang mauwian."
Gusto ko talaga malaman kung maayos na ba si lola ngayon din! Pero... wala nga 'ata akong magagawa kaya matunog na lang akong napabuntong-hininga.
"Gano'n ba? Bukas, pwede na?"
"Oo, papauwiin nila si Akemi bukas ng umaga para sabay daw tayong makapagsimba. Sila Dad, babantayan daw muna nila si lola sa hospital, ipinasa n'ya muna sa kanang kamay niya ang trabaho sa negosyo para bukas. Pagkatapos naman ng misa, pupunta na tayo roon."
"Okay," sagot ko at nagpaalam na kakain muna dahil tapos na itong kumain. Pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa taas para magbihis na alas syete nang bumaba ulit ako dahil sa ingay.
"Oh, nandito na si Via," rinig kong wika ni Astrid.
Nakita ko ang mga kaibigan kong nakaupo sa couch na parang mga reyna. Feel at home lang ang mga walang hiya.
"Ba't nandito kayo?" walang gana kong tanong dahil nag-aalala pa rin ako sa kalagayan ni lola ngayon.
"Avy, parang hindi niya 'ata gustong nandito tayo, kaya uwi na lang tayo, uy!" rinig kong sabi ni Liza, kunyaring nalungkot.
"Yeah," malungkot din kunyaring ani Avy. Mga gaga, hindi bagay.
Aalis na sana sila pero isa-isa ko silang binato ng mga maliit na libro na nasa small table sa sala. Napahawak sila sa mga batok nila dahil sa pagkakabato ko ay inis nila akong nilingon.
"Mga gaga! 'Di bagay sa inyo ang mag-drama, uy!" nakangiwing sabi ko at bumulalas ng tawa. Nakita ko si Astrid na natawa rin bago tumungo sa kwarto niya.
"Try lang 'yon, Elianna!"
"Psh! Seryoso, anong sadya n'yo rito?" tanong ko. Ngayon ko lang din napansin na may dalang makapal na libro si Avy, parang novel 'ata.
"Ginawa nang movie 'yung favorite novel namin ni Avy! Movie marathon naman tayo sa kwarto mo oh! 'Di ka pa kasi nakakabasa 'ata nito," excited na saad ni Liza habang kinukuha kay Avy ang libro at ibinigay sa'kin.
Kinuha ko ito, sa unang basa pa lang ng title ay alam ko na ang genre. Playful Fate, basa ko.
"Kaso nga lang, kailangan natin ng maraming tissues kasi malungkot 'yung kahihinatnan."
Bumalatay agad sa 'kin ang kalungkutan kahit 'di ko pa man napapanood.
"'Wag na lang nating panoorin! Ayoko ng tragic endings!" giit ko. Napanguso si Liza, si Avy naman ay napabuntong-hininga na parang 'di alam ang gagawin sa'kin.
Napangiwi ako. "Ano?!"
"Ang KJ mo naman, Eli. Maganda pa rin naman 'yong kwento eh!"
"Yeah, sige na!"
Wala na akong nagawa pa kun'di pumunta na sa kwarto ko, sumunod naman sila. Pero bago pa ako makapasok sa kwarto ay aksidente kong natingnan ang likod ng book cover ng libro... isang quote na kasabihan ang nabasa ko.
Kahit gaano pa kaganda ang tinatanaw mo, may mga bagay talagang darating na siyang ikasisira sa gandang tinatanaw mo.
-Lorenzo V.
Pagkabasa ko pa lang nito ay hindi ko alam kung bakit ramdam kong biglang nadurog ang puso ko. Hindi ko pa man napapanood ay parang nasasaktan na ako.
Pero wait... pamilyar ang kasabihang ito... parang may nagsabi sa akin kanina lang, pero 'di ko maalala.
Si Bryle pala.