Laxus Bryle
Dala-dala ang ngiti na hindi ko alam kung saan nagmula, pumasok ako sa bahay namin. Laxine with her usual jolly face, faced me... dahilan para lapitan ko agad ang bunsong kapatid. I pinched her cheeks.
I don't know... but her smile really reminds me of someone.
"Baby, where are Mom and Dad?" I asked. She pouted.
"Mom is sick that's why, Dad is taking care of her right now," malungkot na aniya, dahilan para mag-alala agad ako sa kalagayan ng ina.
"I'll just go upstairs, baby, or you want to come with me?" tanong ko. She grabbed the end of my shirt using her small hands, refusing me to walk, first. She always has this habit as if scared that I'll leave her and never come back. Iyan din ang palagi niyang sinasabi sa akin noon pa man. I find it really funny and cute.
"Is there something wrong?" nag-aalala kong tanong sa kaniya, pero nang ngumiti siya ay naglaho agad ang pag-aalala ko.
"Your girlfriend is so pretty, kuya Lax!" nakangiting aniya, dahilan para malaglag ang panga ko. Ilang beses akong kumurap-kurap hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong tumawa.
What? Girlfriend? Meron ba ako no'n? Bakit hindi ko alam?
"Huh? Your kuya doesn't have a girlfriend, baby," assure ko sa kaniya. Saan niya naman kaya napulot 'yan? Baka si Elaina tinutukoy niya? Pero hindi niya naman ito kilala. And we didn't even meet earlier.
Yeah, my relationship with Elaina was very secret. Well, except from my own parents. Alam na alam nila ang naging relasyon namin noon.
"'Yung pinayungan mo po kanina, hehehe. Nagsimba rin kami nila Mommy kanina, eh. Ang cute at ang ganda niya po, katulad ko!" masiglang aniya dahilan para mas lalo akong matigilan.
Si Via pala ang ibig niyang sabihin. Bigla na lamang akong napatawa nang maalala ang pag-uusap naming dalawa kanina ng babae. I just started to find her really cute especially when she widens her eyes.
"In love si kuya!" pang-aasar niya pa. She even clapped her hands and jumped her feet as if really happy for her brother.
I tried to make my face stern. "She's not my girlfriend, okay? 'Wag mo na ulit isipin 'yon, Laxine Brianna. Hindi na ako magkaka-girlfriend," seryosong sabi ko, pero hindi siya natinag at ngumiti lang nang malaki sa akin na parang hindi kumbinsido.
"Bakit hindi n'yo po siya girlfriend? Ang ganda niya kaya, kuya!" giit niya pa at niyugyog nang mahina ang balikat ko. Nginitian ko na lang siya nang pilit. Kapag maganda pala... required na girlfriend na agad?
"Baby... 'wag na nating pag-usapan ang tungkol diyan, okay? Hindi na magkaka-girlfriend ang kuya mo," mahinahon kong paliwanag. That's the truth.
Ayaw ko nang magka-girlfriend dahil ayaw ko nang ma-attach hangga't maaga pa. Pero... bakit parang nanghihinayang yata ako? Napapikit ako sa inis sa sarili. I need to control myself from falling in love again. It's like... being forbidden to fall in love because of my dream and the promise that I have promised years ago.
Tumango na lang si Laxine pero nakangiti pa rin.
"Pupunta na ako sa taas, ha? Sasama ka?" tanong ko rito. She nodded kaya hinawakan ko ang maliit niyang kamay at sabay kaming pumunta sa kwarto ng parents namin. Bukas ito kaya dire-diretso ang lakad namin.
"Dad?" pagtawag ko sa ama ko na nakatalikod sa 'kin habang nakaupo sa upuan na tabi lang sa kama nila. Napalingon ito sa 'kin.
"Nandito ka na pala, Anak," aniya.
"How's Mom? Bakit po siya nagkaroon ng lagnat?" nag-aalala kong tanong.
"Bumaba na rin nang kaunti ang lagnat niya kahit papaano. Naulanan kasi siya kanina pagkatapos ng misa," sagot ni Dad habang tinitingnan ang tulog na si Mommy. Napatingin rin ako rito, namumutla ito't nilalamig. May nakabalot ding makapal na kumot dito. Hinawakan ko ang nilalamig na kamay nito.
Magpagaling ka, Mom.
Tumango lang ako sa kaniya. While looking at Mom's face, naalala ko na naman ang sinabi niya na mabuti lang na naghiwalay kami ni Elaina. Sila Dad ang nag-uusap no'n kaya naman napagdesisyonan kong tanungin si Daddy kung ano ang iba pang dahilan.
"Uhm... Dad, may itatanong lang ho sana ako," panimula ko saka tumikhim.
"Go ahead, son."
Napabuntong-hininga muna ako bago sumagot, "Noong narinig ko po kayong nag-uusap ni Mommy sa office n'yo, aniya'y mabuti lang na nagkahiwalay kami ni Elaina, I concluded that time na aside sa gusto kong maging pari, I know that there's something else. And perhaps... it was more serious, the reason why Laxine said you two were fighting. Alam n'yo po ba?"
Nakita kong saglit siyang natigilan, like processing and still absorbing my question. I patienty waited. Please, Dad.
He sighed heavily.
"Malalaman mo rin balang araw..." pabitin na aniya habang nakatitig nang diretso sa'kin.
I almost let him see how I gritted my teeth in the insides of my mouth. Palihim ko ring kinuyom ang mga kamao dahil sa umahong frustration sa akin. Huminga ako nang malalim upang pakalmahin ang sarili dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili na mataasan ng boses si Dad. I don't want that to happen because I'd rather die. Malaki ang respeto ko para sa kanila.
Ano ba talaga ang dahilan at kailangang balang araw ko pa malaman? Ngayon lang yata ako napaglihiman ng sagot na kailangang ang mga magulang ko dapat ang sumagot pero wala naman silang balak.
"Bakit po hindi na ngayon-" Hindi na natapos ang sasabihin ko nang may marinig akong katok mula sa pintuan. Istorbo!
Inis akong tumayo. Nakita ko naman na nagpapigil ng tawa si Dad, dahilan para pagkunutan ko siya ng noo. Hindi ko na talaga napigilan pang ipakita sa kaniya ang reaksyon ko dahil nakakainis. Salubong na salubong ang kilay ko habang pinipihit ang doorknob ng pinto.
"Wushooo! Para yatang may dalaw 'tong kaibigan natin, dude!" Boses agad ni Lloyd ang nangibabaw. Silang dalawa ni Klein ang bumungad sa akin. Parehong nakangisi ang mga mukha. Annoying shits!
"Baka 'di nabilhan ng napkin, dude!" natatawang sabi ni Klein, dahilan para sabay silang bumulalas ng tawa ni Lloyd. Mga loko talaga. Napailing na lang ako. Because of too much annoyance, I can imagine them drowning in fear because I chased them with a knife.
"Shut up. What are you two doing here?" I asked with brows furrowed, getting annoyed.
Madalang lang kasi silang dalawa na pumunta rito sa amin, at sa mga araw na pupunta sila rito, may tatanungin sa akin o may dapat akong i-kwento sa kanila. Kalalaking tao, mga chismoso.
"Makiki-chismis, dude, ano pa bang bago?" malokong saad ni Lloyd na para bang sinasabing dapat alam ko na 'yon.
Sabi ko na nga ba. Si Lloyd talaga ang pinakamaloko sa aming tatlo, nahawa lang talaga 'tong si Klein, at ako? Never. I'd rather die.
"Ano ba gusto niyong i-kwento ko, mga chismoso?" tanong ko. Bahagya naman akong natawa sa itinawag ko sa kanila.
"Chismoso, your ass!" Si Klein, pakunwari pa 'to.
"Dapat, dude, kung mag-kwentuhan tayo, kailangang may inumin tayo. Tara sa baba!" sabi ni Lloyd. Feel at home din ang loko. Magkano kaya ang dapat kong sisingilin sa kaniya para sa bayarin ng bahay?
"Tara sa kusina, mag-tubig tayo. Gusto niyong may inumin, 'di ba?" sarkastikong wika ko habang naglalakad papuntang kusina kahit alam ko na ang ibig niyang sabihin. I'm just really annoyed.
"Ay, ang slow mo, dude. 'Kala pa naman namin matalino ka," biro ni Klein habang nakaakbay sa 'kin.
"I know. I'm using my common sense. Sunod na lang kayo, mga chismoso."
Nagsimula na akong maglakad pababa patungo sa kitchen island bar. Para naman silang mga siga kung maglakad pasunod sa 'kin. Daig pa ang may-ari ng bahay. Tsk.
Nang makarating ay agad akong kumuha ng isang bote ng whiskey at isang baso. Kaniya-kaniya kaming umupo sa mga upuan. Nagsalin naman ako ng whiskey sa isang baso at agad itong ibinigay kay Lloyd. Kailangan daw 'lagi siyang nauuna. Parang tanga lang.
"Oh, ano nga ang itatanong n'yo?" Ang tagal kasing diretsohin, eh. Nakakairita.
"'Di ba sabi mo, nakipagbalikan si Elaina sa'yo? Anong sagot mo?" Si Klein na ang unang nagtanong dahil busy pa sa pagtungga ng alak si Lloyd, ang first honor na lasingero.
"Iba ka, dude. Parang ikaw naman nililigawan ngayon, ah," biro ni Lloyd, dahilan para batukan ko siya, loko. Para yatang walang usapan na sineryoso ang isang 'to.
"Sinabihan ko siya na hindi ko na binabalikan ang mga taong nang-iwan, aside from that, parang 'di na katulad ng dati ang nararamdaman ko sa kaniya... I don't know, but that's what I'm feeling and I also told her that, no further reasons kung bakit nagbago ang nararamdaman ko," seryosong saad ko habang nagsasalin ng whiskey, para sa 'kin naman ngayon.
"Oh? You sure?" nakangising ani Klein.
Ngumisi lang ako nang sarkastiko. Sa tingin ba nila, sasabihin ko 'to kung hindi ako sigurado? Hindi rin ako marupok... and I didn't consider that as an opportunity for me.
Pareho silang bumulalas ng tawa.
"End of the world na yata 'to, dude," biro ni Lloyd habang hinihigit kunyari ang kamay ni Klein para makaalis na raw sila. Mga loko. Binatukan ko naman siya, dahilan para mapa 'aray' ito sa sakit. The side of lips also raised for a smirk while holding a glass of wine.
"Pero seryoso, bakit nagbago? Eh, 'lagi mong bukambibig 'yan, eh," tanong ni Klein habang naka-cross arm. Naging seryoso na ang mukha nito ngayon.
Napabuntong hininga muna ako.
"Everyday, people's feelings change. Just like a novel, the events in its single chapter are not the same compared to the events of the next chapter anymore. It's dynamic. Comparable to my feelings for her. If yesterday, you witnessed crazy I was because of her, hindi na ngayon. It's different," I said, trying to make them understand because I admitted a year ago that it will be hard to make them believe that I don't love Elaina anymore when the time comes because of how much they witnessed me being crazy on her.
Sabay naman silang tumango, at tila tumino na ang mga mukha. I'm glad about that.
"Mabuti naman at nakamove-on ka na, dude. Para ka kasing bakla kung umiyak." Lloyd loudly chuckled.
I thought he would say something with sense because it's obvious on his first word, but... Lloyd will always be Lloyd. Hindi ko nga alam kung kailan ba ang huling beses na nagseryoso ang isang 'to. Kaya nga sa tuwing nakaririnig ako ng mga babaeng pinag-uusapan kaming tatlo, palagi kong naririnig na mukhang playboy raw si Lloyd na hindi kayang mag-seryoso dahil sa pagiging maloko nito. In fact, he never had a girlfriend. Torpe kasi ang isang 'to.
"So, ano na, dude? Sure na talaga 'yan? 'Di ba nagkausap kayo kanina?"
Oo nga pala.
"Oo. Inulit ko lang din ang sinabi ko sa kaniya noong gabing nakipagbalikan siya, to prove her that I'm not changing mind," sagot ko.
To be Continued...