Chapter 9.2

1580 Words
Continuation... Habang nag-uusap kami ni Elaina kanina doon sa isang mesa ng nagtitinda ng mga street foods— our usual spot before. Nabigla na lang ako nang bigla niya akong yakapin, sakto ring nagtama ang paningin namin ni Via dahil nandoon din pala sila sa plaza kasama ang mga kaibigan niya. I don't know why, but I sudden felt guilty seeing her jolly face became gloomy after she saw me. At bakit ko naman mararamdaman 'yon? Saglit pa kaming magkakilala, we're both strangers noong nag-cross ang aming landas... why would I feel such things? Pero... hindi ko naiwasan kaninang suriin ang kabuoan niya. She wore a v-neck black t-shirt at isang white short, at nakasuot din siya ng mga skate boarding equipments as well as her friends. Marunong din pala siya... Hindi ko alam kung bakit napangiti ako sa isiping iyon. I don't know why I'm suddenly imagining about us... doing skateboarding together "Okay na kayo? I already answered your questions," sabi ko nang makabalik sa kasalukuyan. Napalunok ako at napatikhim dahil bigla na lang talaga siyang sumagi sa isipan ko. God, what magic does she hold to make me feel this? "Sure kang hindi ka na magkaka-girlfriend?" nakangising tanong ni Lloyd. I made a face. "Yeah. Ayoko nang ma-attach." "Sure ka talaga?" "Oo nga!" iritado nang wika ko. Ang kulit. "Hindi mo liligawan si Via?" "Of course, I will—" What the hell!? Nagulat na lang ako nang bumulalas ng malalakas na tawa ang dalawa. Damn! What the hell was I thinking?! f**k. Napahawak ako sa sentido sa labis na taranta at kahihiyan. Did I space out too much? This is embarrassing! Bakit ko ba 'yon naisagot? "O-Of-course, not! H-Hindi ko 'yon gusto, okay?" pagpapaintindi ko sa kanila pero 'di ko alam kung bakit nautal ako. s**t, this ain't really good. Resulta lang talaga siguro 'to sa bigla-biglang pagsulpot niya sa isipan ko. "Scam 'to, dude!" ani Lloyd kay Klein na ngayon ay nakahawak pa rin sa tiyan kakatawa. Jerk. "Manahimik kayo!" inis kong sigaw sa kanila. I pulled my hair in frustration nang nagpatuloy pa rin sila sa pagtawa. Hindi man lang natinag ang mga loko. Damn it. What's up with her? Bakit nila ako inaasar sa kaniya? She's... She's not even my ideal girl! I like girls like Elaina! At magkaiba sila. Bakit ko naman sila pinagkukumpara? "Oh, Klein, sino ba talaga 'yang girlfriend mo? Aba, mag-iisang taon na kayo't hindi mo pa rin pinapakilala sa amin. Takot ka bang agawin namin, ha?" tanong ni Lloyd matapos tumawa. I thank him for changing the topic. He's right. Until now, hindi pa rin namin kilala ang girlfriend ni Klein. Hindi niya kami pinaalam, at hindi ko alam kung bakit. "Gago, s'yempre hindi. Maghintay lang kayo, ipapakilala ko rin." "Pang-ilan mo na ba 'yang nasabi ang mga salitang 'yan, dude? Bilang ko ngayon, ika nobenta na!" parang naiinis na saad ni Lloyd. Natawa ako. "Tsk, be patient. Makikilala n'yo rin." Inubos pa namin ang isang bote ng whiskey. Noong tipsy na ay nagdesisyon na silang umuwi. Ngunit bago iyon ay agpaalam muna sila. Ako nama'y nagbihis pagkatapos dahil naalala kong hindi pa ako nakapagbihis mula kanina, pawisan na rin ako. Dumiretso agad ako sa kwarto ni Mommy pagkatapos para bantaya't alagaan ito dahil nakatulog na si Daddy. Via Elianna's POV May 14, 2020/ 6:30 AM Pagtingin ko ng mukha ko sa salamin ay napasimangot ako nang makitang namumugto pa rin ang mga mata ko at nagkaroon ng eyebags dulot ng movie marathon namin ng mga kaibigan ko kagabi. May tumulo na namang luha sa left side ng mata ko nang maalala kung gaano kasakit ang ending ng novel/movie. It was a love story between an ordinary girl and an altar-server. They fell in love with each other. At first, tawa nang tawa pa kami dahil sa mga kahihiyang nagawa ng babae sa harap ng lalaki, naroon din 'yung kilig everytime may sweet moments ang dalawa. Pero, natigil din ang masayang mode namin nang umabot kami sa scene na kailangan na ng lalaki na pumili, it's between her and his dream and passion to become a priest. That altar-server loves the both of them. Nagpaalam ang lalaki na aalis daw muna patungong ibang bansa. He said that if he will come back, that means na pinili niya ito, at kung hindi... pinili nito ang pagiging pari. But then... that time na umuwi na siya, which means na pinili niya ito, naaksidente ang sinasakyan niya. He was about to choose her but the playful fate played a nasty trick and never let them to be together. Napaiyak ulit ako maalala ulit ang ending. Na-imagine kong ako ang nasa sitwasyon... ano kayang mararamdaman ko? S'yempre sobrang sakit, mas masakit pa sa nararamdaman ko ngayon na taga-nood lang. Gosh, sana talaga pinalayas ko na lang sila Avy at Liza kagabi para sana hindi ko napanuod 'yon. Sakto namang may nag-play ng masakit na kanta sa isa sa mga kapitbahay namin kaya mas lalo akong naiyak. In another life I would be your girl, We keep all our promises, Be us, against the world... Paano kaya kung gano'n ang mangyayari sa love story namin ni Bryle? Charot, napaka-assuming ko talaga. Naalala kong ako lang pala ang nagkakagusto. Hayst. Oh, ano? Luha na naman? Enough crying, Via. Para kang tanga. Sinuklayan ko na ang sabog at mahaba kong buhok. Nakita kong namumutla ako sa salamin. Agad na rin akong pumasok sa banyo saka naligo. Mabuti nang maagang makapunta sa simbahan, hindi rin naman ako always late 'no. Nang maalala ko kung ano ang kalagayan ni lola ngayon ay bigla akong napatigil sa pagsasabon ng katawan. Ayos na kaya ang kalagayan ni lola? Hindi ko na naman mapigilang mag-alala. Parang gusto ko tuloy pumunta agad ngayon sa hospital at 'wag nang magsimba, pero naalala kong linggo pala ngayon! Baka maputol ang komunyon ko. Posibleng pagsasabihan ako ni lola kung magiging matigas ang ulo ko. Matapos maligo ay pumunta ako sa closet. At dahil malungkot ako ngayon, pinili kong suotin ang isang black cocktail dress na sakto lang sa tuhod ang haba. Isang black dressy flat sandals naman sa baba. Trip ko lang talaga eh, walang may paki. Nilugay ko lang ang maitim at mahaba kong buhok. Naglagay rin ako ng concealer sa ilalim ng mga mata ko dahil medyo maitim. Alas dose na kasi namin natapos ang movie kagabi. Pumunta ako sa mga kwarto ng dalawa kong kapatid. Tulog pa ang dalawa. Siguro, pagkarating ni Akemi kanina ay natulog agad ito. "Oh, Via? Ba't puro itim yata ang iyong kasuotan?" nagtatakang tanong ni manang nang makababa ako't pumunta sa lamesa para kumain. "Trip ko lang po, hehe," sagot ko na lamang. Ayaw ko ring sabihing malungkot lang ako dahil sa napanood na movie dahil baka ma-OA-han lang si manang sa 'kin. "Gano'n ba? Oh, sige kumain ka na riyan," aniya bago nagtungo sa niluluto. Kumain na rin ako. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay manang na pupunta na sa simbahan at sabihan na lang ang dalawa kong kapatid na umuna na ako. 7:05 na rin naman. Sila na lang magsabay. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng bahay. Napagdesisyonan ko ring puntahan ang bahay ng mga kaibigan ko. Nang makapunta ay sinabi nilang mauna na raw ako, susunod lang daw sila. Ang ending, lonely girl na naman ako! Pero ayos lang din naman. Sariwa naman ang hanging nalalanghap ko habang naglalakad, hindi nakakairita. Bigla kong naalala ang sinabi ni Bryle kahapon kaya naman nakangiti ako habang nakapikit. Ibig sabihin... makikita ko pa rin siya tuwing Linggo? Malapit na ako sa simbahan nang may maaninag na itim na kotse na naka-park sa parking lot. Ngayon ko pa lang ito nakita kaya curious ako kung kanino 'to. Ah, baka bago lang. Naglalakad na ako papalapit sa simbahan nang may batang babaeng nakangiting lumapit sa akin. Hula ko, nasa 6 or 7 years old lang 'to. Kumunot ang noo ko nang makitang naka-dress din ito ng kulay itim at isang kulay itim din na sandals. In fairness, ah. Same outfit kami. Ang cute! Napatulala ako nang makita ang mukha niya sa malapitan. Mahahabang pilik-mata, magagandang bilugang mga mata, matangos ang maliit na ilong at manipis na labi. Grabe, ang cute! "Hi, ate ganda!" nakangiting sabi nito, dahilan para sumilay rin ang ngiti sa labi ko dahil ang cute niya tingnan. Kahit 'di ko kilala 'to at 'di ko alam ang dahilan kung bakit ito lumapit sa akin ay nag-squat pa rin ako sa harapan niya para pisilin ang pisngi niyang mataba. "Hello!" Mas lalong tumaba ang pisngi nito dahil sa malaking ngiti. Hindi ko alam pero parang gumaan agad ang loob ko sa kaniya. "May boypren ka po?" nakanguso nang tanong niya. Natawa ako at hinawakan ang magkabilang gilid ng labi niya't pinorma ito ng isang malaking ngiti. "Wala, baby. Pero may tao akong gusto." Nanlaki ang mga mata nito. Ang cute! "Sino po? Sana si kuya 'yan! Hehehe." Lumalaki ang mga bilugan niyang mga mata nang sinabi 'yon. Sinong kuya naman kaya 'yon? "Ahm... sino-" hindi na natapos ang itatanong ko sana nang may magsalita sa likuran ng bata. Nagtataka pa akong napatingin dito. "Laxine Brianna," tawag ni Bryle rito. Laxine ang pangalan nito? Napalingon si Laxine rito at tulad kanina'y nakangiti pa rin ito. "Kuya! Say hi to ate ganda!" nakangising saad nito kay Bryle dahilan para gulat akong napatingin dito. Magkapatid sila!? Si Bryle ang tunutukoy niyang kuya? Laxus Bryle, Laxine Brianna.... Oo nga!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD