Chapter 10.1

1580 Words
Via Elianna "Magkapatid kayo?!" gulat kong tanong sa kanilang dalawa nang makabawi sa pagkabigla. Napatawa si Bryle. Anong nakakatawa sa tanong ko? I raised one of my brows at him. Wala pang masyadong tao rito sa simbahan kaya walang masyadong nakapansin sa amin dahil sa may gilid lang naman kami, na kung saan nakalagay ang sindihan ng kandila. "Hindi ba halata sa pangalan? Alam mo na ang pangalan ko, 'di ba?" nakangiting saad niya dahilan para taasan ko siya ng kilay dahil alam kong ang tinutukoy niya ay ang pagsulyap ko sa bandang kamay niya na may pangalan. Ang yabang, ah! "Halata naman. Nabigla lang, eh. Dinamay pa 'yong pagkaalam ko sa pangalan mo," mataray kong sagot. Nagulat ako sa sinabi ko. Hala! Baka mag-a-assume 'tong sakristang 'to na inalala ko ang pagka-interesado ko raw sa kaniya! Napangisi ito dahilan para kumunot ang noo ko. "Yeah, of course. Interesado ka, eh." "Nge, ang hangin naman dito!" "Mahangin naman talaga. Feel the air sa labas," pilosopong aniya. Napataas na naman ang isang kilay ko. "Okay," tipid kong sagot dahil 'di ko na alam ang isasagot sa pilosopo niyang sagot. Pero... kahit ganoo'y napangiti ako nang palihim nang makita ulit siya, at parang close ko nang nakakausap. It's comfortable having a conversation with him like it's been a decade since we have known each other before. It really felt like we've already known each other before, but I just couldn't remember if it really happened. "Ayieee!" parang kinikilig na pang-aasar ni Laxine. Oh, shems! Nakalimutan kong nandito pala sa gitna 'tong kapatid niya na parang shiniship kami! Sa tuwing nagkakausap talaga kami, parang siya lang ang nakikita kong tao sa paligid ko. Ganoon din kaya ang nararamdaman niya sa tuwing kausap ako? Parang... mahal niya pa rin talaga ang ex niya kaya hindi na ako aasa. Katulad din ng sinabi ni Astrid, baka masasaktan lang ako 'pag nagkagusto o nagmahal ako ng isang tulad ni Bryle. Napabuntong-hininga na lang ako. "Sige, uhm... mauuna na ako sa loob, ha?" paalam ko sa kanilang dalawa. Hindi pa ako nakaisang hakbang ay may naramdaman akong humigit sa braso ko. Si Laxine, parang nagpapaawa ang mukha nito. "Ate ganda, tabi po tayo." "Baby, tabi lang tayo. Baka maabala si ate Via mo," mahinahong pagpigil ni Bryle sa kapatid. Napanguso ako. Ang assuming ko, akala ko ako ang sinabihan ng baby. Mahaba na ang nguso ni Laxine ngayon kaya naman napagdesisyunan kong pagbigyan na lang ito. Mahilig din kasi ako sa mga bata. "Pero, gusto ko po siya katabi!" giit nito. Kaya naman hinawakan ko rin ang maliit na kamay nito. "Okay lang naman, Bryle, na katabi kami ng kapatid mo," nakangiting sabi ko... pero kalaunan ay nanlaki ang mga mata ko nang mabanggit ko ang second name niyang bet kong itawag sa kaniya! Umiwas ako ng tingin nang matunugan ko ang pagngisi niya. Napalunok ako. Gosh, bakit ko ba 'yon nabanggit? "Bryle? Hmm, 'yon pala tawag mo sa'kin sa isip mo?" nagugulat kunyaring tanong niya habang nakapamulsa at hinihipan ng hangin ang buhok niyang tumatakip sa mga makakapal niyang kilay. Mas lalo akong namula dahil sa hiya. "A-Ang kapal mo! 'Yon lang tinawag ko sa'yo dahil mas bet ko ang second names, okay?" Napatingin ito sa 'kin, kaya naman halos mapalundag ako dahil diretso agad ang titig niya sa mga mata ko. Napaatras ako nang magsimula itong humakbang papalapit sa'kin, pati ang ngumingising si Laxine ay napaatras dahil hawak-hawak ko siya. Anong gagawin niya? "I'm just saying again the truth, Via. I'll let you call me that basta ikaw lang ang tatawag sa'kin no'n," bulong niya sa tenga ko dahilan, para manlaki ang mga mata ko nang makitang ang lapit-lapit n'ya na sa 'kin! I felt my heart skipped a beat by his sudden movement. Parang may pumigil sa'king huminga. Dumoble pa ang init ng pisngi ko. Letche ka, Bryle! Ba't ka gan'yan?! At... ano raw? Ako lang dapat ang tatawag sa kaniya no'n? Kung may mga tao lang na nandito sa paligid ko, baka ma-issue agad. But, thankfully dahil wala, nasa loob ang lahat, hindi pa marami. Pareho na lang kaming nagulat nang biglang pumagitna si Laxine sa aming dalawa habang tinatakpan ang mga mata. Eh?! What is she doing? "'Wag po kayo dito mag-kiss! It's bawal for the kids na makita 'yan!" Napanganga ako dahil sa sinabi niya. What the— Napalayo si Bryle sa 'kin dahil sa sinabi ni Laxine. Napaiwas din ito ng tingin sa'kin. Ano bang sinasabi ng kapatid nito? Nag-squat ako sa harapan nito at mahinang tinanggal ang mga kamay niyang nakatakip sa mata nito. "Listen, Laxine. Hindi gano'n 'yon, okay? Lumalapit lang ang kuya mo... at wala siyang planong... uhm..." I can't say it, nakakahiya. "—like what you said," sabi ko na lamang. "Bakit wala kang plano, Kuya?" inosenteng tanong ni Laxine sa kapatid. Hala! Bata ba talaga 'to? Bryle's lips are in grim line now, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng kapatid pero tila mas lamang ang pagkapahiya. Nag-squat din siya sa harap ng kapatid. "Stop it, okay? We're not in a relationship like what you think. At 'wag mo na ulit babanggitin ang bagay na 'yon, you're still a kid. I'm wondering if how did you know that word. Listen to your brother," mahinahong aniya sa kapatid pero may awtoridad ang boses. Napanguso ito. "Okay." Nagsimula nang mag-novena ang mga senior citizens sa loob na naka-assign ngayong araw. Nais kong makasali rito kaya naman gusto ko nang makapasok. "Via, ayos lang ba talaga sa 'yo na ikaw muna ang bahala sa kapatid ko? She's so hardheaded." "Oo naman," sagot ko saka hinawakan ulit ang kamay ni Laxine. Pagkatapos noon ay nagpaalam na rin siya na papasok na sa loob ng simbahan dahil may aayusin pa raw siya. "Ate! 'Di mo sinabing may anak ka na pala!" Gulat akong napalingon sa likuran ko nang marinig ang malakas na boses ni Akemi. Kasama niya rin sina Astrid, Avy at Liza na pare-parehong tumatawa sa sinabi ni Akemi. "Anong anak sinasabi mo riyan?" "Ninang ako, Eli!" sabay na sabi ng mga kaibigan ko, dahilan para mapangiwi ako. Mga abnoy rin. Napatingin ako kay Astrid na nakatitig lang kay Laxine na parang kinikilatis ang buong mukha niyo. "Ate ganda, sino sila?" tanong ni Laxine habang nakahawak sa dulo ng bestida ko. "Mga kaibigan at mga kapatid ko. Say hi to your mga ate also!" nakangiting ani ko. Ngumiti na rin ito nang malaki sa kanila. "Hi, mga ate ganda rin!" Napangiti lang din silang apat sa ka-cute-tan nito. "Ang ganda ko raw! Ako lang!" saad ni Liza habang nakaturo sa sarili niya. "Hi, baby! Ang cute-cute mo!" Ang hangin talaga nito. "Kaninong bata 'to, Via? Bakit parang kamukha mo nang kaunti? Don't tell me, tinatagong anak mo 'yan?" Naniningkit ang mga mata ni Ast habang tinatanong 'yon. Mas lalo akong napatawa sa tanong niya. What? Bakit ba napagkakamalang anak ko itong batang 'to? "Oo nga, ate! Umamin ka na kasi!" Mas lalo pa akong natawa hanggang sa umabot sa puntong napahawak na ako sa tiyan ko. "What are you laughing at? I'm serious, Via," seryosong ani Astrid dahilan para tumigil ako at mapawi ang ngiti sa labi ko nang parang may kakaiba ulit sa seryoso niyang mukha. "Of course, not! Wala nga akong boyfriend tapos magkakaanak? Honestly, hindi ko nga rin alam kung bakit lumapit sa akin si Laxine." "Laxine?!" gulat na tanong ni Astrid, dahilan para magtaka ako sa reaksiyon niya. "Ano pong meron sa name ko, bakit gulat na gulat po kayo?" inosenteng tanong nitong batang katabi ko, pero parang binahiran niya 'yon ng pagiging mataray. Umiling si Astrid. "Nothing... Laxine." "Wusho!Tara na nga sa loob! Dami pang daldalan moments dito, eh!" singit ni Akemi habang nakataas ang dalawang kamay. Oo nga pala, nasa labas pa kami. Ako ang naunang pumasok para 'di na humaba pa ang usapan namin. Pumwesto kami sa pinakagitnang column. Na-conscious tuloy ako nang pinagtitinginan kaming dalawa ni Laxine ng mga tao. Paano ba naman kasi, same outfit kaming dalawa. Noong nakaupo na kami ay ramdam ko ang titig ni Laxine sa'kin, kanina niya pa hindi nilulubayan ang titig sa 'kin. Hindi tuloy ako makasali sa palihim na kabaliwan ng mga kaibiga't kapatid ko. Nilingon ko ito at nginitian nang marahan. "Okay ka lang, xine? Hmm, pwede ko bang itawag sa'yo ay xine? Masyadong mahaba na kasi 'yong Laxine." Napangiti rin ito. Halos matawa tuloy ako nang makitang bungi ang isa pa niyang ngipin. "Of course, ate Via." "Hmm, ilang taon ka na? Ang kuya mo rin, ilang taon na?" Kuryuso kong tanong, pero parang ang hatid no'n ay tila interesado ako sa kuya niya. Buti na lang at inosente siya at 'di nahalata. "7 po ako," aniya habang itinaas ang mga daliri niya na nakataas ang pito. "—at... wait po, interesado po kayo kay kuya Lax?" Ang mga kamay niya ay nakatakip sa bibig at namilog ang mga mata. Akala ko hindi niya nahalata! "Hindi, xine! N-Nagtatanong lang, hehe," kunwaring sagot ko. Baka ipagsabi niya sa sa kuya niyang feeling din. "Sure po kayo? Oh, sige na nga po. Baka magmaktol ka pa d'yan. Hehe." Natigilan ako sandali dahil sa sinabi niya. Line ko 'yon, ah. Kailan pa niya ako naging idol? Chos. "Ano?" 'di makapaghintay na tanong ko. "He's 17 po, pero malapit nang mag-18 kasi lapit na po ang birthday niya. Madami na namang pagkain." Bumungisngis siya kaya naman napapisil ako sa pisngi niyang mataba. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD