Chapter 10.2

1596 Words
Continuation... Matakaw din pala 'to. Wait, 17 din si Bryle, katulad ko? So, magka-edad lang kami? Woah meant to be na may kasamang charot. Tumango lang ako sa kaniya habang nakangiti na parang timang. "Ate?" tawag niya ulit sa'kin. Nilingon ko ulit ito. "Bakit, xine?" "Hindi mo po ba talaga boyfriend si kuya Lax?" nakangusong tanong niya. Ang kulit talaga, yet still cute. I pinched her cheeks. "Hindi. Don't think about that again, okay? Sundin mo kuya mo baka magalit pa 'yon sa 'yo," paalala ko sa kaniya. Napatango na lang siya. Pinagpipilitan mo pa rin talaga ang mga bagay na hindi naman talaga totoo... Napatulala lang ako sa harapan nang maisip na bakit sa 'kin agad lumapit ang batang ito? Kilala o nakita niya na ba ako? Ako, it's my first time to see her... pero, 'di ko maitatangging magaan agad ang loob ko sa kaniya lalo na kung ngingiti siya. Baka nga siguro, kapatid ko siya sa past life ko. "Aray naman!" giit ko nang may bumatok sa akin. Batukan ba naman ako agad. Si Akemi pala, letche. "Ate, parang hindi mo na kami kapatid, ah. Si Laxine na pinagtutuunan ng pansin ngayon," OA na kunyaring nasasaktan niyang pagda-drama. Napangiwi ako dahil sa inakto niya. "Ang OA mo, Akemi Elyse! Pinagtuonan ko ng pansin si Laxine dahil baka umalis. Ibinilin pa naman sa 'kin ito ng kuya niya kasi gustong sumama sa 'kin," saad ko habang nakatingin kay Laxine na ngumingiti sa 'kin matapos kong banggitin ang word na 'kuya'. "Hep! Hep! 'Di mo pa pala nasabi sa amin kung saan galing ang batang 'to, Ate, ah!" aniya dahilan para matigilan ako. Sasabihin ko ba? "S'yempre sa tiyan ng Mama niya, right, Laxine?" pilosopong ani ko habang naghihintay ng sagot dito. Napa-thumbs up ito. Good girl. "Tama nga po si ate Via, kay Mommy naman talaga ako galing," inosenteng anito dahilan para mapasapo sa noo silang tatlo... si Astrid nakatitig lang sa kawalan. Ano na naman kaya ang iniisip nito? "'Wag mo ngang turuan ng pagiging pilosopo ang bata, Eli," pangaral ni Avy. "Okay, hindi na nga." "Seryoso, kanino nga at sa'n galing 'yan?" tanong ni Liza, nasa bata ang paningin. Kinuwento ko sa kanila ang lahat ng nangyari kaninang papasok pa lang ako rito sa simbahan. Pati na rin ang pagiging kuya ni Bryle kay Laxine... pero s'yempre 'Laxus' lang sinabi ko dahil baka mahalata ni Akemi na ito 'yong tinutukoy kong Bryle... at hindi ko rin sinali ang convo namin kanina. "At kailan pa kayo naging close sa sakristang tinutukoy mo, Via?" Natigilan ako nang marinig ang seryosong tanong ni Astrid. Napakapit pa ako nang mahigpit sa dulo ng dress mo. Another Astrid na naman ba 'to? "We're not that close, but-" "So, you're still close, huh?" putol niya sa sasabihin ko, dahilan ng pagkabigla ko. What's the matter? "What's the matter, Ast? It's like you're controlling me to be close with someone. Anong mali ro'n?" Dala ng pagkairita na ay hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin 'yon. Since the novena mass started, parang nagbago na siya. Parang hate na hate na niya ako. Her brows furrowed a bit. "I'm not. And there's nothing wrong with that. Don't think about it again, I quit." Kumuyom ang kamao ko. "Tss," angil ko. Ano na naman ba ang ibig sabihin sa iniakto niyang ito? "Hey, hey. Tama na 'yan! Bakit ba kayo nagkainisan, ha? Nasa simbahan tayo. Don't make small things turn into a big deal," seryosong saad ni Avy sa aming dalawa nang pareho kami ni Astrid na nagkapalitan ng mga maririin na titig. Ako ang unang napaiwas ng tingin. I'm trying to calm myself. Napatingin rin sa amin ang ibang tao dahil medyo napalakas ang boses ni Avy. "Kaloka kayong mag-ate, ah!" Si Liza. "Ano ba kayo?! Kayong dalawa ang mga ate ko rito, kayo ang mas nakakatanda pero hindi n'yo man lang naisip na nasa simbahan tayo. Nasaan ang respeto n'yo?" naiinis na sabat ni Akemi habang nilipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa. Pareho kaming natigilan ni Astrid sa sinabi ni Akemi. She's right. Kami ang mas matanda pero pareho kaming nagpapataasan ng pride. Eh, sa nakakainis, e! Pang-ilan na talaga 'to. Kinalma ko na lang ang sarili ko habang nagkakasalubong ang mga kilay. "Okay ka lang, Ate?" rinig kong pabulong na tanong ni Laxine sa akin. Nilingon ko ito at nginitian. I know that she heard our argument. She's still young but I can sense that she has a wide knowledge, at parang mature na nga rin despite her age. "I'm fine, xine. Don't worry," pilit na ngiting sabi ko habang hinahaplos nang marahan ang buhok niya. "Ate Astrid was just over-reacting po. Ano namang meron kung close kayo ni kuya? I hate her po," naiinis na aniya dahilan para mabigla ako. Attitude. But I need to do or say something para hindi niya ulit maisip 'yon. Baka kung ano pang isipin ni Bryle sa akin, baka isipin niyang masamang impluwensiya ako sa pagpapakita't pagsasabi ng mga hindi magandang asal. "Laxine, listen," panimula ko. Inosente naman itong napatingin sa'kin. "Don't hate your ate Astrid, okay? She's kind. Nadala lang 'ata siya sa emosyon niya kanina. Please, listen to me. 'Wag mo ulit sabihin 'yon." Napanguso muna ito bago sumagot. "I'll try po," tipid na aniya dahilan para bumuntong-hininga ako pero kalaunan ay ngumiti nang pilit. Wala na kaming kibuang anim. Nararamdaman ko pa rin ang tensiyon taliwas sa kanina. Pare-parehong seryoso ang mga mukha nila, gano'n din naman ako. Bakit ba kasi biglang nagka-gano'n? Nag-kwento lang naman ako tapos bigla siyang sumingit na parang galit. What's wrong with my narration? Nakinig na lang ako kay Father nang mag-umpisa ang misa. Hindi ko na iniisip pa ang tungkol sa nangyari kanina lang, between me and Astrid, kasi hindi ako makaka-concentrate sa pakikinig. Napatingin ako kay Bryle. Nagulat pa ako nang makitang nakatingin din ito sa akin. Nakakunot ang noo, his lips are in a grim line na para bang may nagawa akong mali sa kaniya. He seems angry with me now. Why? What did I do? "Saang hospital nga ulit naka-confine si lola ngayon?" tanong ko kay Akemi matapos ang misa. I distanced myself from Astrid. Ayoko munang makausap siya ngayon. Magpapalamig muna ako ng ulo. Nakaka-konsensiya tuloy dahil nasa simbahan pa naman kami. I'm sorry, Lord. "Sa Sandoval Hospital, ate. Mag-je-jeep muna tayo ni Ate dahil wala pang ini-assign si Dad na driver sa mga kotse," malamig na sagot niya. Parang naiinis pa rin siya sa amin. "Ahm... mauna na muna kayo. Susunod lang ako," saad ko. Ihahatid ko pa kasi ang nakahawak kamay kong si Laxine sa kuya niyang parang galit 'ata. Pinaka-ayaw ko kasi ay ang hinihintay ako. "Bakit?" "Ihahatid ko muna si Laxine sa kuya niya." Napakunot muna ang noo nito bago sumagot. Naninibago ako sa kaniya. "Okay. Ate Ast, tara na. Susunod lang daw si ate Via. Una na kami, Ate," rinig kong paalam niya bago sila naglaho sa paningin ko. Napabuntong-hininga na lang ako. "Sasamahan ka na namin, Eli," wika ni Liza nang naka-isang hakbang pa lang ako papunta kay Bryle sa labas. Parang naghihintay na siya sa amin habang nakapamulsa. "Okay," sagot ko na lamang. Hawak-hawak ang kamay ni Laxine, naglalakad kami patungo sa kuya nito na tinitigan lang kami gamit ang mga matang walang reaksiyon na kahit ano. Mag-isa lang ito sa labas kaya baka susunod lang siya sa kumbento. "Laxine, susunduin ka na ng kuya mo. Good bye," nakangiting ani ko sa kaniya habang nilalagay ang takas na buhok sa kaniyang tenga. Napangiti rin ito. "Okay po, ate ganda. Thank you!" "Wel—" "Laxine, let's go." Natigilan ako dahil sa seryosong boses ni Bryle na pumutol sa sasabihin ko sana. Bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa iniasta niya. "Okay po. Bukas magsisimba ulit ako, tatabi ulit ako kay ate Via!" nakangiting wika ng kapatid niya dahilan para mapangiti ulit ako, pero agad ding napawi 'yon nang marinig ang sagot ni Bryle sa kapatid. "No. 'Wag na, Laxine. I heard how they argued with her sister earlier. Ayaw kong makarinig ka ng mga nag-aaway, baka kung ano pang matutunan mo." Napayuko ako nang marinig 'yon. Totoo naman... pero bakit nasasaktan ako kung sa kaniya galing ang mga salitang 'yon? "Sorry," nasasaktang usal ko. Kaya pala parang may galit siya kung makatingin sa 'kin kanina kasi narinig niya pala 'yon. Pero... bakit sa 'kin lang siya ganoon? I mean, kaming dalawa naman ni Astrid 'yon, ah, at 'di rin ako ang nagsimula. Pero kung sasabihin ko 'yan sa kaniya, it's a childish act naman, kaya sige tatanggapin ko. He looked at me coldly. "No need to. Narinig ko ring parang tinuruan mo siyang maging pilosopo kanina. Ayaw ko ng ganoon. I regretted kung bakit sa'yo ko pa binilin ang kapatid ko. Hindi ko pa kasi alam kanina na hindi ka pala magandang impluwensiya." Nangilid ang luha sa mga mata ko pero pinigilan kong tumulo 'yon. What's the matter, Via? You deserved these words. It's your fault. "We have to go now. Let's go, Laxine," huling aniya bago sila nawala sa paningin ko. Naramdaman ko ang paghawak nila Avy at Liza sa balikat at likuran ko. Alam kong alam nila ang nararamdaman ko ngayon kaya hindi na sila nagtanong pa. I can't accept it. Hindi 'yon first time na may naging malamig ang pakikitungo sa 'kin, pero dahil siya... it feels like one. Pakiramdam ko, nawala bigla ang dignidad ko. The one who caught my attention Ang lalaking na-admit kong nagugustuhan ko na. I can say, that he's my weakness too.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD