Chapter 11.1

1376 Words
Laxus Bryle [Before the mass] "Kuya! Ready na po ako! Tara na!" narinig kong sigaw ng kapatid ko mula sa labas. Kumakatok na rin ito sa pinto. "Lalabas na," mahina kong sagot habang pinipihit ang doorknob ng pinto sa kwarto ko. Even if I refused na isama si Laxine sa simbahan kasi baka kung saan-saan mapadpad, pinilit niya pa rin ako kasi tatabi naman daw siya kay ate 'ganda' niya, referring to Via. She said that she will confirm if we're not really in a relationship. "Excited na ulit akong makita si ate ganda, kuya!" nakangiting aniya. My sister was wearing a formal black dress na hanggang tuhod and black flat sandals that really suit her. She's now growing, really that fast. Kung kailan lang, buhat-buhat ko pa siya sa bisig ko noong sanggol pa ito. Ang bilis talaga ng panahon. "Don't worry, you're going to see her later, baby. She doesn't know you yet kaya magpakilala ka, okay?" I reminded her. She nodded. Na-i-imagine ko sa isip ko ang pagkunot ng noo ni Via kung sakaling bigla na lang susulpot ang kapatid ko sa tabi niya. At hindi ko alam kung bakit napapangiti na naman ako. Hindi pa makakasama sa amin sina Mommy at Daddy. Bago pa lang kasi gumaling si Mom kaya pinapahinga muna siya ni Dad kasi baka mabinat. Nagpaalam na rin ako kay Father na uuna na ako sa simbahan at 'di na sasabay sa kanila dahil halos walang nag-aayos na mga sakristan sa mga dapat ayusin sa umaga bago ang misa. Kasama ko nga dapat si Lloyd pero tulog mantika nang tawagan ko, hindi sumasagot kahit ilang ring na. Nandito na kami sa garahe ng mga kotse. Pinauna ko muna si Laxine sa front seat bago ako lumiko para pumunta sa driver seat. I started the engine and pinaandar agad ito. Malapit na rin naman ang birthday ko para mag-18 kaya pwede na akong mag-drive, may lisensiya na rin naman. Last birthday of mine, my Dad gifted me a car, this one that I am using now. We're not rich, our ancestors were. May negosyo lang sila Mommy ngayon na sakto lang para mamuhay kami nang maayos at may kaya. Isa rin naman sa mga kilalang pamilya ang apelyido naming Vilmonte sa buong Santa Dalia. "Kuya, baka po i-snob lang ako ni ate ganda!" parang kinakabahang ani Laxine. Napangiti ako. She's really excited, huh? "Hindi, baby. She's not like that." Hindi ko alam kung bakit napangiti ako nang sabihin 'yon. "Gano'n po ba kayo ka-close ni ate, Kuya? Bakit parang alam mo po? Hehe," nakangising aniya dahilan para kumunot ang noo ko. Your smile is evident, Lax. "Of course, not... Nahahalata ko lang," depensa ko. But I acted like a very defensive man. Hindi 'ata kumbinsido ang kapatid ko. She's very observant. Parang... si Via ang kausap ko ngayon. Bakit ba palaging siya ang naiisip ko ngayon? "You're too defensive, Kuya Lax. But, okay lang po na hindi mo aaminin. Tatanungin ko nalang po si ate." Bumungisngis siya. I don't know why I felt tense nang makitang malapit na ang simbahan sa Sitio nila. Knowing na makikita ko na naman siya... wait, what? Bakit naman ako ma-te-tense? Ganito rin naman ako minsan kahit walang dahilan. Okay, that's it. "What's wrong, Kuya? Bakit po parang balisa?" inosenteng tanong niya. She's really observant. Everytime she notices suspicious expression of mine, she would ask right away, mana kay Mommy. I shook my head. "Nothing, baby." Nang makarating ay agad na lumabas si Laxine at parang may patutunguhan agad. Patungo ito sa babaeng nakatalikod sa amin na katulad ng kapatid ko'y naka-black-dress rin. Is that Via? I fixed myself bago lumabas sa kotse. Nang makita niya ako ay ayan na naman ang mga nagbibilugan niyang mga mata. Napatawa ako nang palihim. I wanna know if what's my effect to her? Para akong isang kriminal na nakatakas kung sa tuwing nakikita ko ang gulat sa mga mata niya. An image of a young girl widening her eyes at me suddenly flashed on my mind. I just shook my head. Iyon kasi ang nasa panaginip ko. Nang makita ko ang kabuoan niya ay napatingin din ako sa kabuoan ni Laxine. Definitely the same. Napatulala lang ako saglit sa kanila dahil parang magkapatid sila kung tingnan because of their outfits. "Pero gusto ko po siya katabi!" giit ni Laxine nang marinig na 'di ako pumayag. Baka kasi makaabala. "Okay lang naman, Bryle, na katabi kami ng kapatid mo." My lips rose for a smirk nang marinig ang sinabi niya. But it suddenly vanished in a while nang parang may taong tumawag sa'kin nun dati na 'di ko matandaan kung sino. Seems familiar. "Bryle? Hmm, 'yon pala tawag mo sa 'kin sa isip mo?" gulat kunyaring tanong ko. I just want to tease her, I want to see her blushing because of embarrassment right in front of me. I don't know, I just find myself feeling comfortable teasing her sometimes. "A-Ang kapal mo! 'Yon lang tinawag ko sa 'yo dahil mas bet ko ang second names, okay?" I almost chuckled when she stuttered. Doon ko lang din namalayan ang sarili ko na lumapit na sa kaniya. I ended up avoiding my gaze at her dahil 'di ko man lang akalaing magagawa ko 'yon. Parang kasing pula na ng kamatis ang kaniyang mukha. Kalaunan ay pumayag na lang ako na kay Via muna ihabilin ang kapatid ko dahil nagpupumilit talaga. Mukhang nasa mabuting mga kamay naman siya kung sa kaniya ko muna ihabilin. Para nga'ng tuwang-tuwa pa siya habang hawak-hawak ang kamay ng kapatid ko. I smiled. But... when I heard how Via and her sister argued right inside of the church and my litte sister is listening, how she taught my sister a sarcasm, parang biglang tumaas ang dugo ko. Really? Anong matututunan ni Laxine sa kaniya? Kahit na nakisabay si Laxine, it's still wrong for me. "Uy, dude, bakit katabi ni Via kapatid mo? Bakit 'di mo rito pinaupo?" tanong ni Lloyd nang makarating siya sa simbahan, ibig niyang sabihin na sa upuan ng mga sakristan. Kahit kumukulo na ang dugo ko'y pilit kong pinakalma ang sarili ko. "Sumama sa kaniya. She likes to sit beside her. Ayaw ko naman sana pero masiyadong mapilit si Laxine," tiim-bagang na sagot ko. "Oh? Bakit naman daw? Gusto na ba maka-close ni Laxine ang future sister-in-law niya?" Sinamaan ko siya ng tingin. "What?" Future sister-in-law his ass! As if. "Ay, bingi ka, dude? Sarap mo tapunan ng cotton buds." I throw a death glare at him dahilan para matahimik ito. Nang magsimula ang misa ay 'di ko maiwasang tingnan nang walang reaksiyon si Via na nakatitig din sa'kin, namimilog na naman ang mga mata niya dahilan para halos matawa ako pero nakalimutan kong naiinis pala ako sa kaniya. Don't you ever let out your smile, Laxus. "Ayos ka lang ba?" Napalingon ako dahil sa bulong ni Klein mula sa likod. "I'm fine." Tumango lang siya pero alam kong 'di siya kumbinsido. "Sorry," parang napapahiya't nasasaktang usal ni Via nang marinig ang sinabi ko. Tapos na ang misa kaya expected nang isasauli na niya ang kapatid ko. Gusto ko rin kasi siyang pagsabihan... but somehow, I felt... guilty? I can see her tears at the edge of her eyes now but she's just stopping them to fall. Damn it. "No need to. Narinig ko ring parang tinuruan mo siyang maging pilosopo kanina. Ayaw ko ng ganoon. I regretted kung bakit sa'yo ko pa binilin ang kapatid ko. Hindi ko pa kasi alam kanina na hindi ka pala magandang impluwensiya." Sinabi ko ang mga salitang iyon na parang hindi iyon ang gusto kong sabihin. Napaiwas ako ng tingin at umiigting ang mga panga dahil hindi nagustuhan ang sariling mga salita. She bit her lower lip. "We have to go now. Let's go, Laxine," I said and forcefully grabbed Laxine's hand dahil parang ayaw niya pang umuwi. Dumiretso agad ako sa kotse ko dahil ayaw ko nang kumain sa kumbento dahil parang nawalan na ako ng gana. Nang nasa kotse na kami ay doon ko lang napansin na umiiyak at sumisinghot nang palihim ang kapatid ko. "Baby, what's wrong?" I asked. "Sinaktan mo sa mga salita mo si ate Via, Kuya!" To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD