Continuation...
Natigilan ako sa sinabi niya. Yes, I felt it too. Hindi naman ako manhid para 'di maramdaman 'yon, pero 'di ko akalaing pati ang kapatid ko ay nasasaktan din para sa kaniya. s**t.
"Dahil mali 'yong ginawa niya kanina. Ano na lang ang natutunan mo sa pag-aaway nila ng kapatid niya sa loob ng simbahan? Tinuruan ka pa niyang maging pilosopo," paliwanag ko.
"Ate Via was not the one who started the argument po! Si ate Astrid po 'yon. And that sarcastic thing, that was just a joke, normal ko na ring ugali 'yon, Kuya!"
Mas lalo akong natigilan sa sinabi niya ngayon. Parang gusto ko tuloy humingi agad ng tawad kay Via ngayon at lumuhod sa harapan niya dahil sa ginawa ko. Damn it, I judged her right away.
"I'm sorry, baby, okay? I didn't know that." I shook my head when I said those words. Guilt is creeping inside me.
Hindi tuloy ako maka-focus sa pag-da-drive dahil nilalamon ako ng konsensiya ko.
"You're forgiven, Kuya. Say sorry to ate Via," aniya bago lumabas sa kotse nang makarating kami sa bahay. Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa frustration at guilt. I am blaming myself right now! I still can see Via's emotional face... nakaka-konsensiya.
Ilang sandali pa'y pumasok na ako sa bahay. Nang dumating ang tanghalian ay agad na akong bumaba para dumiretso sa dining area, dala-dala pa rin ang nagsisising mukha. Mom seems so fine now, ngumingiti na ulit siya nang hindi nahihirapan.
I sat on my usual chair at nakisabay sa dasal bago kumain. Laxine's face is still sad kaya naman nginitian ko siya nang marahan, pero hindi siya gumanti at nag-iwas lang ng tingin.
"Son, your birthday is approaching na pala," my Dad spoke nang magsimula kaming kumain. Napatigil ako, oo nga pala.
"Yes, Dad."
"We talked with my best friend, Astraea, na sa mismong birthday mo, magiging escort ka sa anak niyang kasabay mong mag-birthday, she'll be eighteen also like you."
Taka akong napatingin sa kaniya.
"We're not going to celebrate my own birthday, Mom?"
Five years old daw ako nang lumipat kami rito sa probinsiya galing sa Maynila kasi wala nang mag-aalaga sa mansion ng lolo kong pumanaw na. Wala na akong masiyadong naalala sa mga nangyari noon kaya hindi ko matandaan kung nakilala ko na ba ang best friend niya o ang anak niya.
"Of course we will! We're gonna celebrate it in the morning. Gabi kasi ang magiging party daw sa kanila, they are also invited."
I nodded at her.
I know the time for the mass on my exact birthday, it will be 2 PM, so saktong umaga.
"You know, son, that girl, Astraea's daughter was your childhood friend in a short period of time. Nagkakilala kayo noong maliit pa sa Manila. But unfortunately, dalawang beses lang kayo nagkita at nagkalaro kaya siguro hindi mo na maalala," nakangiting ani Dad.
Natigilan ako. I had a childhood friend? Wala akong maalala. Pero... gusto ko siyang makita para baka sakaling maalala ko.
"Really, Dad? Wala po talaga akong maalala. Can I know her name?"
"Hintayin mo lang ang bukas.. makikilala mo rin siya. Bukas may practice para sa cotillion for her debut," nakangiting wika ni mommy
I really want to know at least her name for now, but it can wait. I'm still guilty sa nasabi ko kay Via kanina. I forgot to remind myself that words cut too deeply more than a physical pain could do.
Gusto kong humingi ng tawad ngayon din but it can wait too. Napabuntong hininga na lang ako at tinapos ang kinakain. Napagnilayan kong magplano kung paano humingi ng tawad.
Via Elianna's POV
Umuwi muna ako sa bahay para magbihis dahil pinagpawisan na rin ako sa suot kong black dress. In exchange, black din na t-shirt ang sinuot ko dahil nasasaktan pa rin ako ngayon. I admit that I was just overacting, but you can't blame me, kahit totoo ay masakit pa rin ang sinabi ni Bryle. But, he judged me right away.
Pagkatapos magbihis ay bumaba na ako para sumakay ng jeep. Commute muna sa ngayon kasi wala pang na-i-assign na driver si daddy.
Nang makasakay ay pinagtitinginan ako ng mga tao, lalo na ang suot ko. Insecure kayo sa suot ko, mga bhie? Judger kayo! Broken ako 'no, kaya wala kayong paki. Napairap na lang ako sa kawalan.
"Ang bitter ni ate, ah, namumugto rin ang mga mata, baka hiniwalayan ng jowa niya."
"Oo nga, besh."
Napataas ang isang kilay ko nang marinig ang bulungan sa tabi ko. Ay, 'di pala bulungan, naririnig ko nga, eh. Sarap punitin ng mga labi. Aba, ma-issue talaga ang mga tao ngayon, kunting bagay ini-issue agad. Ganito pala ka-stressful mag-commute! Sana naman mapadali na ang pag-assign ni Dad ng driver. May mga tao kasi talagang pinag-uusapan ang buhay ng may buhay. My God!
Hinayaan ko na lang 'yon hanggang sa makarating ako sa Sandoval Hospital. Ang nag-iisa at pinaka-sentrong Hospital dito sa Santa Dalia. Hanggang apat na palapag ito.
Lakad takbo ang ginawa ko bago ako makarating sa isang nurse na naka-assign sa paglilista ng mga pasyente sa isang logbook.
Jona Chua, basa ko sa name plate niya.
"Good morning po. Anong room number po ni Veralyn Costillano?" tanong ko, referring to my grandmother's name. She checked the logbook.
Napatitig pa ito saglit sa'kin bago sumagot, "Room 181 ma'am."
"Thank you po."
Agad na akong nagtungo sa sinabing room ng nurse. Pinihit ko ang doorknob ng pinto. Nang makita ko sila'y para silang nakakita ng multo nang makita ako. Mukha ba akong multo sa suot ko? Pwede na rin, pang black lady. Chos.
"What's wrong?" tanong ko.
"Ahm... kanina ka pa riyan, Anak?" parang kinabahang tanong ni Dad. Nagtataka tuloy akong napatingin sa kanila dahil halos katulad lang ng ekspresiyon ang lahat... maliban kay Astrid na walang reaksiyon.
"Hindi po, kakapasok lang. Bakit po?"
"Nothing... ahm, kanina ka pa hinahanap ng lola mo," aniya pero parang iniba niya lang ang usapan. Binalewala ko na lang 'yon. Lumapit na lang ako kay lola na nakangiting tiningnan ako. Nahawa ako sa ngiti niya.
"Via, can we go outside for a minute?" tanong ni Mom habang nakaturo Dad at sa dalawa kong kapatid.
"Bakit po?" I asked with brows furrowed. They're acting strange kanina pa.
"Gusto lang namin kayong makapag-usap ng lola mo na kayong dalawa lang."
"Pwede naman ho sigurong nandito kayo-"
Biglang hinawakan ni lola ang kamay ko dahilan para mapalingon ako rito.
"Ayaw mo bang kasama mag-isa ang lola mo, apo?" Na-guilty naman ako dahil sa inasal ko kaya nginitian ko siya.
"Hindi naman po sa ganoon. Sige, Mom, kami muna rito," saad ko. Lumabas na rin sila pagkatapos.
Nakita kong may kinuhang libro si lola sa table katabi ng hospital bed. Makapal ang libro at ang ganda ng book cover kahit ang likod pa lang ang nakikita ko, pero biglang nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ang title nito!
PLAYFUL FATE
Ito 'yong kwentong napanuod namin kagabi nila Avy at Liza! Pero bakit may libro si lola nito? Mahilig pala siyang magbasa ng mga ganito?
"Lola, mahilig ka rin po palang magbasa ng mga novel?"
Napangiti naman ito nang kaunti. "Oo, apo."
"Tapos niyo na po bang basahin 'yan? Ako kasi sa movie lang ako nakapanood sa kwentong 'yan."
"Oo, tapos ko na rin itong basahin. Napanood mo na rin, apo?"
"Oo po, ang saya at kinikilig pa ako sa simula, pero ang lungkot po ng wakas," malungkot na ani ko at nangilid ulit ang luha sa mga mata ko. Pero nagulat ako nang makitang lumuluha na rin pala si lola! Iba pala talaga ang epekto ng kwento sa kaniya? Bakit parang sobrang lungkot niya?
"Alam mo, apo, ang kasiyahan talaga ay may kapalit na kalungkutan."
Nag-aalala akong napatingin sa kaniya dahil patuloy lang ang pagluha niya. Nilapitan ko siya at pinunasan ng dalang panyo ko ang luha niya. Kumuha ako ng isang bottled mineral water na nasa table at agad ko itong ipinainom sa kaniya.
Shocks! Sana 'di ko na lang in-open up! Ganito pala ang epekto sa kaniya.
"Lola, itatanong ko lang po sana. Bakit po ganoon na lang kayo ka-emosyonal?" tanong ko nang matapos na rin siyang uminom sa tubig na binigay ko.
Tumitig siya nang diretso sa 'kin bago sumagot, ang mas lalong ikinagulat ko ang sinabi niya.
"Dahil... ako talaga ang babae sa kwentong 'yon. It was based on true story, sa akin ang kwentong 'yon, apo. Ipinasulat ko sa kaibigan kong manunulat."