Chapter 12.1

1596 Words
Via Elianna Walang kurap akong nakatingin kay lola dahil sa sinabi niya. Ano ulit 'yong narinig ko? Totoo ba 'yon? 'Di ako makapaniwala sa narinig ko. Kaya pala... ganoon na lang siya ka-emosyonal! At 'di ko man lang napansin na ang pangalan ng babae sa kwento ay Veralyn, iniba lang ang apelyido. "T-Talaga po?" gulat kong tanong nang makabawi sa pagkakabigla. Tumango siya at ngumiti nang mapait. Ngayon ko lang nalaman na may malungkot na nakaraang kwento pala ang lola ko. Sa kabila ng mga ngiti't tawa niya ay may nakakubli pa lang malungkot na nakaraan. "Oo, apo. First love ko si Lorenzo, gaya ng pangalan sa kwento. Hindi siya ang naging lolo niyo. Pero kung hindi naman ako nakapag-asawa ng iba ay wala kayo. Kaya may advantage pa rin ang paghihiwalay naming dalawa," nakangiting aniya pero ramdam ko pa rin na nasasaktan siya. "Oo nga po, la... pero sayang po kayo, ikaw ang pinili niya kaysa matagal na niyang pangarap. Happy ending na sana 'yon," malungkot na usal ko. Hanggang ngayo'y hindi pa rin ako makapaniwala na ang kwentong napanood ko kagabi ay ang malungkot na karanasan pala ni lola. Nangilid na naman ang luha sa mga mata niya kaya agad akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Humihikbi siya sa balikat ko kaya ako rin ay napahikbi. Nahawa ako sa kalungkutan niya... nakakahawa. It seems like my heart is shattered into pieces. "A-Ang sakit pa rin, apo... Kahit matagal na, hindi pa rin naghihilom ang sugat sa puso ko." "Hush... ayos lang 'yan, la. Makaka-get-over ka rin. 'Wag ka na po masyadong umiyak dahil baka makaka-apekto na naman po sa puso niyo," pag-alo ko sa kaniya nabang hinimas-himas ang kaniyang likuran. Ilang sandali lang ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap at kumalma na ang itsura niya. "Salamat, apo. Kahit papaano'y gumaan ang pakiramdam ko. Alam mo bang ikaw lang ang nakakaalam sa kwento ko bukod sa Mommy mo?" aniya na ikinagulat ko. "Talaga po? Kahit kay lolo hindi mo kinuwento?" Umiling siya. "Hindi. Ayaw kong masaktan siya kung malaman man niyang mahal ko pa rin si Lorenzo." Nalungkot naman ako sa isiping 'yon. So, after all, iba talaga ang mahal ni lola habang kasama si lolo? "Pero mabuti na rin po sana kung nasabi niyo para malaman niya man lang ang nakaraan mo. Mabait naman po si lolo, alam kong maiintindihan niya 'yon," ani ko, pero bahagyang nalungkot nang maalalang matagal nang pumanaw si lolo... Hindi man lang niya nalaman ang kwentong 'to ni lola. "Hindi na, apo. Matagal na rin 'yon. Minahal ko rin naman kahit papaano ang lolo mo." Napangiti ako. "At... nakaraan na 'yon. 'Wag na nating balikan." Bahagya siyang natawa sa sinabi kaya nahawa na rin ako. Nakakahawa talaga ang mga ngiti ni lola. "Oo nga naman ho, la! Past is past!" Natawa siya sa sinabi ko. Kahit matanda na siya'y lumilitaw pa rin ang kaniyang ganda. Nakita ko rin ang mga pictures niya noong dalaga pa siya. Almond ang mga mata niya katulad ko, mahahaba ang pilik mata at makapal ang kilay, matangos ang ilong at manipis ang labi. Ganoon kaganda si lola katulad ng artistang gumanap sa role bilang siya sa movie. "Alam mo, apo. Naaalala ko ang sarili ko sa'yo noong ganiyang edad pa lang ako... may naging crush na sakristan." Bumungisngis siya. Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Ganoon ba talaga ako kahalata? "Alam mo rin pala, la?" nakangusong tanong ko. "Oo naman, apo! Unang novena pa lang, nahahalata na kita. Pero 'wag kang mag-aalala, ganiyan din naman ako rati," aniya, dahilan para sabay kaming matawa. Parang gumaan ang loob ko at hindi ko na inalala kung gaano kasakit ang mga sinabi ni Bryle kanina... "Alam niyo rin po ba kung sino?" "Oo, 'yong chinito ba 'yon," aniya habang sinisingkit ang mga mata niya. Natawa naman ako, mana nga talaga ako sa kaniya! Hindi na natuloy ang pag-uusap namin ni lola nang biglang pumasok sa room sila Mommy. Tapos na sigurong mag-usap. "Mama, pwede ka na raw lumabas ng hospital. Hindi naman po masyadong naapektuhan ang puso mo. But you still need a proper rest at kailangang ingatan. 'Wag masyadong maging masaya at malungkot, Ma," ani Mommy. Palihim pa akong napasulyap kay lola na nakatingin din sa'kin. Kanina lang sobrang lungkot niya at grabe pa'ng napaiyak. Naghanda na kami para umalis. Si Dad ang nagtutulak ng wheel chair ni lola. Nasa unahan sila, habang kaming apat ni Mommy at mga kapatid ko ay nasa hulihan. Naglalakad na kami ngayon sa pasilyo. May na-hire na si Dad na maging driver sa dalawang kotseng binili niya. The reason why he didn't hire us a driver dahil 'di naman ito namin nagagamit, malapit lang ang school at simbahan na siyang maari naming puntahan. Pwede lang lakarin. "Via, anak... i-su-surprise ka na lang sana namin sa darating na birthday mo pero mahihirapan ka kung ganoon. Your dad want a grand debut party for you. Marami pa lang ganap sa debut," nanghihinayang na wika ni mommy dahilan para matawa ako. Failed plan? "Kaya po ba lumabas kayong lahat kanina?" natatawa kong tanong. Tumango siya. Nakakabit ang braso ni Akemi sa braso ko. Si Astrid naman ay distant sa akin ngayon kaya kinalabit ko siya. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagiging guilty. "Ast, sorry sa kanina, ha?" bulong ko sa kaniya. Nagulat ako nang ngumiti siya. "Sorry din, dami ko kasing tanong. Nagalit pa, pero ayos na 'yon! Kalimutan na natin," aniya at kinabit din ang braso niya sa kaliwang braso ko. Ako talaga ang palaging nasa gitna kapag kaming tatlo ang magkakasama o maglalakad nang sabay, gano'n din naman sa pictorial. Binibiro pa nga ako ni Akemi na baka ako mamatay kasi ako 'yong nasa gitna palagi ng picture. Sabi-sabi rin kasi na kung tatlo raw kayo sa isang larawan, kung sino 'yong gitna ay mamamatay. Pero siyempre ginawang biro lang namin 'yon kasi hindi kami naniniwala. "So, what's your favorite color, 'nak? Gawin nating theme sa birthday mo," Mommy asked. Sinabi ko naman sa kaniya na yellow pero gusto kong may halong blue rin, gano'n kasi ang gusto kong mixture ng color. Nagsimula na rin kaming mag-plano, sa small details muna hanggang sa pinakahuli. Sumali na rin si Dad. Sa mansion lang ang venue. Malaki naman ang bahay namin, nag-plano na rin kami kung ilan ang magiging guests, nasa 50-60. Nang magtanghalian ay iyon din ang usapan namin. "Dad, Mom, pupunta rin po ba mga pinsan namin?" tanong ko. May mga pinsan kami both sides sa parents namin pero mas close namin ang father side na mga pinsan na nasa Cebu ngayon. Ang mga cousins ko naman sa mother side ay nasa Maynila, ewan ko lang kung makakapunta. Dalawang araw na lang kasi bago ang birthday ko. "Yes. They were excited nang tawagan ko sila, specially your Altarejos' cousins," sagot ni dad. We planned everything that lunch time. Nandito ako ngayon sa balkonahe namin, dinadama ang preskong hangin. Nagpapahinga pa rin si lola ngayon sa kwarto niya gaya ng sabi ng doctor. Sila Akemi at Astrid naman ay nagpapahinga sa kanilang kwarto, si Dad naman, as usual balik ulit sa trabaho. May tumapik sa balikat ko kaya naman napalingon ako rito. Si Mommy pala. "Is there something bothering you, Anak?" tanong niya. Bumabagabag pa rin kasi sa 'kin ang naging usapan namin ni lola kanina. Parang kahapon lang ay pinanood at iniyakan ko 'yong kwento na 'yon, ngayon nalaman ko na lang na kwento pala ni lola 'yon. What a jaw dropping twist. "Yes, Mom." "May I know?" nakangiti pa ring tanong niya pero kita ko ang bahid ng pag-aalala. "Alam n'yo po ang kwento ng mapait na nakaraan ni lola?" tanong ko kahit na alam kong may alam siya gaya na rin ng sabi ni lola. Natigilan siya saglit bago mapatingin sa'kin. "Alam mo na rin pala? Kinuwento ba ni Mama?" Tumango ako. "Hindi po kasi ako makapaniwala dahil kahapon lang ay pinanood ko pa ang kwentong 'yon. Tapos malalaman ko nalang na totoong kwento pala 'yon... at kay lola pa." Biglang lumungkot ang itsura niya. "Yeah. I witness every death anniversary of her first love on how devastated and sad she is. Hindi niya pinapaalam kay Papa kung saan siya pupunta kung sasapit ang araw na 'yon. Pupunta siya sa sementeryo para dalhan ng mga preskong bulaklak ang puntod nito." Nagulat nalang ako bigla nang nangilid ang luha sa mga mata niya. Mabilis akong mahawa kaya naman agad din akong pinangiliran ng luha. Wala na sigurong katapusan ang luha ko ngayong araw dahil sa nalaman ko... pati na rin sa masakit na salitang natanggap ko kanina. Hindi ako nagsalita. "Gano'n po ba?" 'Yon nalang ang nasabi ko dahil wala na akong ibang matanong pa, nakita ko na lahat sa movie. Tumango siya. Magsasalita na sana siya pero biglang tumunog ang cellphone niya. Someone's calling her kaya sinagot niya muna ito pagkatapos ay sumenyas sa akin. "Okay, mahal. I'll be there in 5 minutes." Napatingin ako sa kaniya. Si Dad siguro ang tumawag dahil tinawag niyang mahal. Napangiti na lang ako dahil hanggang ngayo'y ramdam ko pa rin ang sweetness nila sa isa't-isa. Walang kupas. "Via, maiwan na muna kita rito, ha? Your Dad needs me now kaya siya tumawag," aniya habang hinihimas ang pisnge ko. "I'll go now." "Take care, Mom." By that, she turned her back until her figure vanished from my sight. Bigla na lang napawi ang ngiti ko nang maalala ulit ang nangyari kanina. Kahit 'di man sabihin ni Bryle, alam kong iniisip niyang isa akong masamang impluwensiya. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD