Continuation...
Dahil do'n, biglang lumabasa ang pagka-bitchy na attitude ko. You may witnessed na para lang akong soft person, palangiti, minsan maloko... pero pagdating sa ganitong bagay ay parang ayaw ko magpapatalo kahit sa isip ko lang sinasabi.
Kung magalit siya, edi go! I don't care. Kahit naman tama ang sinabi niya, hindi pa rin basehan 'yon para ipamukha sa'kin na isa akong masamang impluwensiya para ipalayo kay Laxine na animo'y infected ako sa ng isang virus. I can explain my side, yes, but it seems like his anger can't maybe accept every word that will come out of my mouth.
Tumayo ako sa pagkakaupo sa balcony at agad na pumunta sa kwarto. Nagbihis ako ng isang faded maong na pantalon at isang yellow over-sized t-shirt. Agad kong kinuha ang skateboard kong kulay yellow rin. Indeed, it's my favorite color.
Skateboarding is my stress reliever. Gusto kong aliwin muna ang sarili para 'di ko maisip ulit 'yon. Naiinis ako na naluluha.
Tinali ko lang ng ponytail ang mahaba kong buhok. Habang nakatingin sa salamin ay nakasimangot ang mukha ko. Hindi na ako nag-apply ng mga skateboarding equipments dahil tinatamad ako saka safe naman kahit wala ang mga 'yon.
Hindi ako nagpaalam kanino man dahil ayaw kong mang-istorbo. Nang nasa daan na ako ay agad ko na itong sinakyan at pinaandar nang mabilis. Walang masiyadong sasakyang dumadaan kaya mabuti na, makakapagyabang ako mag-isa.
Inilipad ko sa ere ang skateboard dala-dala ang timbang ko. S'yempre, alangan namang inihagis ko lang sa ere ang skateboard ko 'di ba? Eh, tanga ako. Oo nga, tanga ka, Via, bakit ka pa kasi pumayag na ikaw ang magbantay sa kapatid niya, ha? Tangina mo rin... sana okay lang kayo ngayon, pero mabait ako, eh kaya ayon.
'Di ko namalayang napaluha ulit ako kaya naman napagdesisyonan kong tumigil muna at magpahinga sa isang bench sa malapit. Bilang lang ang taong nandito sa malaking plaza ng Santa Dalia kaya 'di nila nahahalata ang luha ko. Malayo rin sila sa akin kaya mabuti na lang.
Habang pinapalis ko ang luha sa mga mata ay may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Kasya ng tatlong tao ang bench kaya siguro nakikiupo. Tiningala ko ito at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang isa ito sa mga classmate kong lalaki sa Grade 11 last year. Si Khalil.
He was one of my suitors before that got rejected dahil hindi pa ako ready sa mga relationship. But we're fine... I just don't feel comfortable.
"Okay ka lang, Via? Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong niya.
I appreciate how he shows his concern to me, but... I don't know why I feel uncomfortable. Hindi talaga ako sanay makipaghalubilo sa mga lalaki kaya feel ko sa tuwing makaka-encounter ko sila... parang naiisip kong something wrong on their movements. Hindi ko nga alam kung bakit iba sila Bryle at Lloyd, naka-encounter ko naman na sila but I didn't feel this.
Kinuha ko agad ang panyong dala ko at ipinunas sa mga luha ko. I smiled. "Yes, I'm fine. Napuwing lang."
"Sure ka?" Mas lalo pa siyang dumikit sa'kin, as if taking advantage the situation.
"Oo nga." Ngumiti ulit ako.
Lumayo naman ulit siya kaya naman nakahinga ako nang maluwag. Nakonsensiya tuloy ako dahil pinag-iisipan ko siya ng masama kanina, eh concern lang naman siya.
"Kumusta ka na pala?" He shot a glance at me.
"Doing good. Ikaw ba?"
He then stared at me making me uncomfortable again. "Ayos naman, pero ayos din sana kung naging girlfriend lang kita."
Nagulat ako sa sinabi niya. Napalunok ako dahil parang na-creepy-han ako sa sinabi niya. Ngumiti na lang ako sa kaniya nang pilit dahil sa naramdamang kakaiba.
"Alam mo naman ang rason ko noon, 'di ba? I'm not yet ready to enter a relationship," I said.
Napabuntong-hininga siya. "I know. Pero I'm still wondering kung may gusto ka ba? Kasi napapansin ko sa 'yo, you're distant from boys. I mean, s'yempre madaling magustuhan if malapit sa 'yo."
"Wala akong nagugustuhan, Khalil." Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko nang sabihin 'yon. I'm just bluffing. "Wala akong nakitang type ko."
It's a lie. To be honest, si Bryle pa lang ang unang nakaagaw ng atensiyon ko. Siya rin ang unang crush ko... feeling ko mula noon, tsk... hindi naman kami magkababata. I just feel like I'm safe when I'm with him.
Manahimik ka, Via! Nakakalimutan mo na namang nasaktan ka sa mga sinabi niya.
Nagkibit-balikat siya. "Halata naman sa 'yo."
Hindi na ako kumibo. Ano namang isasagot ko?
"Naalala mo pa 'yong manliligaw mo rati noong grade 10?"
Napatingin ulit ako sa kaniya. I touched my chin, trying to remember the one that he mentioned. That guy.
"Oo, bakit?"
Napatakip siya sa kaniyang bibig, trying to suppress his laughter. Nagtataka pa akong napatingin noong una pero bigla na lang akong bumulalas ng tawa nang may ma-realize.
"Noong tinanong mo siya kung ano ang dahilan niya kung bakit nanligaw siya sa 'yo, he was like sweating bullets like parang hindi alam ang isasagot. Then, by that, bigla na lang niya sinabing 'Ay 'wag na lang pala, bye!' Grabe talaga tawa ko ro'n'."
Patuloy lang kaming nagtawanan nang maalala ko ang pangyayaring 'yon. Kahit matanggap ko man ang sagot ni Ryle sa tanong kong 'yon, hindi ko pa rin siya sasagutin. The same reason.
Pero, teka... paano nalaman ni Khalil 'yon? Eh, ang natatandaan ko, kaming dalawa lang ang nag-uusap sa may locker noon... walang ibang tao, kundi kaming dalawa lang. Bigla na lang akong kinilabutan at nabura din ang ngiti sa labi ko.
"How did you know that, Khalil? Kami lang naman ni Ryle ang nandoo sa locker room noon?" seryoso nang tanong ko.
Napalunok ako nang makita siyang titig na titig sa akin, 'yong tipong parang hinuhukay ang buong pagkatao ko. Kumabog nang malakas ang dibdib ko dahil sa kaba.
"I was with you all the time. I'm stalking you every day... still knowing everything about you, because I'm so f*****g in love with you."
Kinilabutan ako nang inilapit niya ang kaniyang bibig sa aking tenga at ibinulong ang mga salitang iyon. Inilayo ko agad ang sarili ko sa kaniya at agad na tumayo.
"U-Uh... I have to go. Baka hinahanap na ako nila Mommy," kinakabahang paalam ko at hindi na hinintay ang sagot niya.
Fucking stalker. Ang creepy.
Jusko, nag-e-emote ako kanina tapos biglang susulpot ang creepy kong manliligaw noon.
Was he really crazy over me that much? Ang hirap maging maganda, grabe.
Laxus Bryle's POV
"Alam mo ba kung nasaan ang bahay nila?" tanong ni Lloyd.
Sinabi ko sa kaniya ang nangyari kanina, siya muna ang inabala ko sa ngayon. I'm really guilty that much na hindi ko na kayang hintayin pa ang bukas. Para na ring sasabog ang utak ko kung ako lang ang nag-iisip nito.
"Yeah, alam ko. Minsan ko na rin kasi siyang naihatid dahil wala siyang payong."
Natunugan ko agad ang pagngisi niya kaya naman inis ko siyang nilingon.
"What?!"
"Hindi ka man lang nag-share ng kwento, dude! May pahatid-hatid ka pala, ah! Tsumatsansing!" aniya habang niyiyugyog ang balikat ko.
"Shut up!"
"Ang sabihin mo, madamot ka lang talaga mag-kwento! Tsk tsk."
Salubong na salubong ang kilay kong nakatingin sa kaniya.
Napahawak naman ito sa baba niya na parang nag-iisip. "Ikaw kasi, dude, eh. Nanghusga ka kaagad."
Napayuko na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko magawang mainis dahil totoo naman. Napaka-hipokrito ko.
"I know, kaya nga tinatanong kita—"
"Sinasagot na kita, dre."
Tangina.
"Will you please be serious?! Seryoso ako, Lloyd!" naiinis na talagang sigaw ko. Tumawa siya. 'Di man lang natinag ang loko.
"Oo na! Tara!" Sabay akbay sa akin nang makalabas kami at nagsimulang maglakad. Si manang ang pinag-alaman ko dahil nasa trabaho sila Mommy at Daddy.
"Anong itsura niya, dude, 'pag malungkot? I-imaginin ko lang kasi alam kong maganda pa rin."
Inis ko siyang nilingon at binatukan. Malungkot na nga 'yong tao, iniisip pa rin 'yan.
"Shut up, Lloyd."
"Selos ka lang, eh."
"What?" My brows furrowed.
"Ang sabi ko, selos ka lang."
"What?"
"Ay, dude, nakakabobo kang kausap, alam mo 'yon?"
Sinamaan ko siya ng tingin.
At anong nagseselos? Who says na gusto ko siya? Wala naman, ah. I'm just guilty.
Napahinto ako nang nasa plaza na kami nang may namataan sa malayo
"Oh, ba't napahinto ka, dude?"
Hindi ko siya sinagot. Nanatili ang mga mata ko kay Via habang tumatawa... kasama ang isang lalaki. I just found myself clenching my fist and gritting my teeth.
What the hell?
Masaya naman pala siya...
Hindi siya malungkot.
Kaya...
"Dude, nakalimutan ko na pala. Let's go."