Chapter 13.1

1128 Words
Lloyd May 15, 2020. Nagtataka ako sa iniasta ni Laxus kahapon nang nagpasama siya sa 'kin papunta kina Via para humingi ng tawad dito. Atat na atat pa siyang makapunta pero nakalimutan ang lokasyon kung nasa daan na? I'm not buying his reason... para kasing garalgal ang boses niya nang sabihin niyang nakalimutan niya. Tsk tsk, maloko akong tao pero hindi agad ako naloloko. Kasalukuyan na kaming nakasakay ngayon ng multicab patungo sa simbahan ng Sitio de Alta para sa 7th novena mass. Nakatulala lang si Laxus na parang may malalim na iniisip, pero... paano makakaisip kung walang isip? Hakdog. Napatawa tuloy ako sa sariling naisip kaya naman taka akong nilingon ng mga kasamahan kong sakristan pati na ang mga kaibigan ko. "Lloyd, naalala mo na bang galing kang mental at naiisip mo mga kalokohan n'yo rati ng mga kasamahan mo kaya ka natatawa?" curious kunyaring tanong ni Jerome isa sa mga kasamahan namin. Binatukan ko siya. Gagi. "Oo, Jerome! Naalala ko ring isa ka sa mga 'yon at ako ang doctor na sumuri sa'yo!" biro ko dahilan para mapuno ng tawanan ang buong sasakyan. Umiling-iling lang akong tiningnan ni Jerome habang tumatawa. Napalingon ako kay Laxus na hindi man lang tumawa sa joke ko. Nakaka-hurt ng ego 'pag 'di n'ya 'yon na-gets. Kinalabit ako ni Klein kaya napalingon ako rito. "Anong nangyayari sa isang 'yan? Bakit parang may hindi ako alam?" "S'yempre, dude, ako lang ang sinabihan ng thoughts niya. Obvious na wala kang alam!" pang-aasar ko sa kaniya. Napanguso ito na parang bakla. Alam na naman siguro niya na hindi ako pumapatol aa bakla, ah? Ba't parang nagpapahalik ang yawang 'to? "Dude, 'wag kang gumanyan! Ang bakla mong tingnan, tse! FYI dre, hindi ako pumapatol—"" Hindi agad natapos pa ang sasabihin ko nang bigla niya akong batukan. Aray naman. "Tangina mo, hindi 'yon. Bakit hindi ako sinali sa sinabihan niya? Friendship over na ba?" ma-dramang aniya dahilan para ngiwian ko siya. "Aba, hindi ko alam. Ako ba si Laxus, ha? Ha?" Pamimilosopo ko dahil 'di ko rin alam ang sagot, hehe. "Manahimik nga kayong dalawa ang ingay-ingay niyo. Ang dadaldal, kalalaking tao," inis na reklamo nitong isa naming kaibigang parang araw-araw may dalaw na hindi binibilhan ng napkin. Aburido na naman. Ay hala, natakot ako roon nang slight, ah. "Ito na nga, eh. Patuloy mo na pag-iisip sa kaniya, dude," bulong ko sa kaniya na mas lalong nagpasalubong ng kilay niya. Ang gara nitong lalaking 'to, mas makapal naman kilay ko sa kaniya. Nilagyan ko kasi ng pentel pen noong grade 3, hehe. "Hoy, kwentuhan mo nga ako," biglaang saad ng chismosong si Klein sa tabi ko nang naglalakad na kami papasok sa simbahan. Hindi dumikit sa amin si Laxus dahil nagpauna ito. Broken hearted yata ang gago. Hindi ako nakasagot agad dahil iginala ko ang paningin sa buong simbahan. Hinahanap ko kasi 'yong babaeng nakahulog ng panyo niya at pinulot ko, 'yong isang kaibigan ni Via. She's like an angel from the heaven, like God open their gates for me nang makita ko siya. Ganoon naman talaga unang nakikita natin 'di ba? Ang physical appearance, but I want to know her more... Magandang at masayang mag-serve sa simbahan, pero mas masayang may magandang dilag akong nakikita. "Hoy!" Nagulat nalang ako nang may biglang pumitik sa noo ko. Si chismoso 2.0 pala. "A-Ay, ano nga 'yon?" "Kwentuhan mo kako ako kung anong nangyari kay Laxus." Iginala ko ulit ang paningin ko at nang makita ang pakay ay agad ko itong nginitian. Tila natuod naman ito sa kinatatayuan kaya mas lalo akong napangiti. Ang ganda talaga. Kinuwento ko kay Klein kung bakit nagka-ganoon si Laxus. Pati na rin 'yong pagka-atat niya kahapon na puntahan si Via sa kanila... at ang pagkalaho ng pagka-atat niya. "Hindi ako naniniwalang nakalimutan niya 'yon. Imposible namang kay bago-bago niya pa lang naihatid si Via, eh, nakalimutan agad? Ano 'yon? Nagka-amnesia bigla? He nodded. Sumasang-ayon sa sinabi ko. "Yeah. Like, he's up into something?" Hindi na ako kumibo. Hindi na rin kami nagkibuan nang magsimula ang misa. Nilingon ko si Lax na luminga-linga nang palihim sa mga taong nagsisimba. Finding someone, huh? I'm sure it's not Elaina anymore... si Via na 'yon. Tsk tsk. Nangangamoy guilty talaga, ah? "Finding someone? Nandito ba siya?" Sinamaan niya ako ng tingin. "She's not here." "Bakit?" "Anong bakit? I'm not Via to answer your question." Naningkit ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Wala naman akong binanggit, ah? Defensive agad? Napahalakhak ako sa naisip. "Wala naman akong sinabing si Via, ah?" pang-aasar ko kahit si Via naman talaga ang tinutukoy ko. Gusto ko lang siyang asarin kapag naiirita siya, halatang-halata. Lover boy na naman. "Whatever." Iniwas niya ang kaniyang tingin at sa altar na ito naidirekta. "Hindi mo ba ako tatanungin kung sino ang tinutukoy ko?" Mas lalo akong natawa nang makitang parang nakakasunog na ang kilay niya sa pagkakasalubong. "Then, who?" "Si Via." Hindi ko na napigilan ang tawa ko nang makita siyang parang handa nang sumapak. Easy. Problemado, eh. "Ssshh," suyaw sa'kin ng mga kasama ko kaya napa-peace sign na lang ako at nakinig sa homily ni Father. Pagkatapos ng misa ay isa-isa na kaming nagligpit. Mauuna na sana akong pumasok sa kumbento kasi nagugutom na ako pero bigla akong tinawag ni Klein. "Hoy, dude! Saan ka pupunta?" Taka akong napatingin sa kaniya. "Sa kumbento, malamang! Saan ba tayo didiretso pagkatapos ng misa?" "Hindi raw tayo sa kumbento ngayon. Sa bahay raw tayo ng nag-sponsor sa araw na 'to," paliwanag niya. Nagulat ako. Wow, first time, ah? "Ganoon ba? Sige, tara!" Nang makasakay na kami sa multicab ay nandoon na pala silang lahat. Kami na lang ni Klein ang hinihintay. Nagulat ako nang may makitang pamilyar na lalaki at babae na nasa 40's na ata. Mag-asawa ata na nakasakay rin. Lima lang naman kaming mga sakristan na kasama ni Father kaya kasyang-kasya kami. "Jomel, sino ang mga 'yan?" pabulong kong tanong kay Jomel. "Sila si Mr. at Mrs. Altarejos, ang sponsor sa pagpapakain sa atin ngayong araw." Teka... Altarejos? Saan ko nga ba nabasa o nakita 'yon? Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ko at in-open ang messenger. Here we go. Naghahanap ako ng mga naging ka-chat ko na may apelyidong ganoon. Altarejos... Altarejos... Altarejos. Yown! Via Elianna Altarejos! Oo nga! Si Via. Kaya pala pamilyar ang mag-asawang ito dahil mga parents pala sila ni Via. Nakangisi akong napalingon sa katabi kong walang kibo pa rin kapag 'di kinakausap. Kinalabit ko ito. "Kina Via pala tayo, dude. Alam mo na?" "Oo. I'm planning to apologize privately, 'yong walang taong nakakakita, kasi..." Naningkit ang mga mata ko. "Kasi?" "Nothing," aniya sabay iwas ng tingin. Tsk, ano ba 'tong lalaking 'to? Hindi na kami nagkibuan pa hanggang sa makarating kami. To be Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD