Via Elianna
Naalimputangan ako dahil sa init na naramdaman sa may hita. Pagkamulat ng mga mata ko ay gusto ko na lang malunod sa higaan buong araw pero masakit na sa balat ang init ng araw na nagmumula sa bintana.
"Argh!" giit ko nang biglang pumintig ang ulo ko dahil sa sakit na naramdaman. Psh!
Kinuha ko sa study table ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas otso y media na pala!
It means, kanina pa nagsimula ang misa? s**t!
Napakamot ako sa aking ulo dahil alam kong hindi na ako makakahabol pa. Napadaing na lang ako dahil sa sakit na naramdaman sa buong katawan. Puso lang naman ang masakit sa'kin mula kahapon, pero bakit nadamay buong katawan? s**t. Naalala ko pa rin ang kahapon.
Pinilit ko ang katawan na bumangon kahit ang sakit. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko dahil naaamoy ko hanggang dito ang niluluto ng mga kasambahay namin.
Naligo muna ako at nagbihis para ma-fresh ang utak ko. Nawala na rin kalaunan ang sakit ng ulo ko nang pahiran ko ito ng vicks. Ilang sandali pa'y bumaba na rin ako. Sinusuklay ko ang aking basang buhok gamit ang mga daliri. Mas lalong nanuot sa ilong ko ang mabangong amoy ng pagkain. Ang bango talaga! Mas lalong kumalam ang sikmura ko.
"Manang, ano pong ulam?" sabik kong tanong kay manang nang makarating sa kusina habang sinsinghot 'yon.
"Marami, Via. May panauhin kasi ang mga magulang mo."
"Anu-ano po ba ang mga putaheng 'yan?" tanong ko, hindi binigyang pansin ang panauhing sinabi niya.
Hindi ako interesado dun' dahil nagugutom na ako. Hindi ko 'yon binigyang pansin dahil ang mga pagkain lang ang importante sa'kin ngayon.
Natawa si manang dahil sa pagkasabik ko.
"Isa na ang paborito mong menudo!"
"Wow! Pwede po pahain ako?" nakangiti kong tanong. Tumango siya at ngumiti.
Umupo muna ako sa isang upuan sa dining table habang naghihintay. Hindi ko naririnig ang ingay ng mga kapatid ko kaya posibleng nagsimba ang mga ito. Napabuntong-hininga ako nang maalala ang munting away namin kahapon ni Astrid sa simbahan kahit nag-sorry na kami sa isa't-isa kahapon. Bakit ko pa kasi sinagot nang ganoon, eh nagtatanong lang naman siya?
Na-guilty ako kahit papaano. Eh, si Bryle, na-guilty kaya sa mga sinabi niya kahapon? Pero bakit naman siya ma-ge-guilty eh totoo naman 'yon 'di ba? Pero... masakit pa rin. Na-considerate niya kaya ang nararamdaman ko?
Nakatukod ang mga kamay ko sa lamesa habang nakanguso dahil sa mga iniisip. Ilang sandali pa'y ibinagsak ko na ang ulo ko sa lamesa dahil hindi na alam kung paano buhatin ang mga pumapasok sa isip ko.
Gusto ko na talagang kumain! Bakit parang ang tagal yata ni manang? Lasap na lasap na ako sa menudo, eh.
Ilang sandali pa'y may naririnig akong ingay na nagmumula sa b****a ng pintuan. Maraming mga yapak din ang naririnig ko pero binalewala ko 'yon noong una. Nang marinig ko ang boses ni Mommy ay doon na ako nagbigay ng pansin pero nasa lamesa pa rin ang ulo.
"Welcome to our home, Father! Hali po kayo sa dining area. Our maids were probably done serving the foods para sa inyo. Hali rin kayo, mga hijo!"
Ano raw?
Bigla kong naiangat ang ulo ko dahil sa narinig at dahil sa maraming mga yapak na naririnig palapit dito sa dining area.
"Uh... ma'am Via, papakainin na po raw sila Father at ang mga sakristan niya," nag-aalinlangang wika ni Janice, ang pinakabatang kasambahay namin. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang nakahanda na pala lahat ng pagkain sa mesa at sa pwesto ko na lang ang wala!
At, ano raw? Si Father at ang mga sakristan niya?! Tama ba ang narinig ko?
"H-Ha? Kanina pa ba ako rito, Ate Janice?"
"Opo, ma'am. Gigisingin po sana kita kaso parang mahimbing ang tulog mo, kaya hindi ko nalang itinuloy."
"Ano? Nakatulog ako?!" gulat na gulat kong tanong. Nag-iisip lang naman ako, ah? Oo, tama! Nag-iisip lang!
Humagikhik ito. "Oo nga, ma'am, humihilik pa nga po kayo!"
Nakangaga akong napatingin sa kaniya.
Hala!
"Ma'am, tumutulo pa laway n'yo, oh!"
Dali-dali kong kinapa ang gilid ng labi ko at dali-daling ipinunas ang mahaba kong t-shirt. Bahala na, letche!
Dali-dali kong isinuot ang tsinelas na hindi ko na pala suot kanina pa. Saktong paglingon ko para sana kumaripas ng takbo ay siyang pagtama ng paningin namin ni Bryle. Nag-panic agad ako. Nakitaan ko naman ng munting multo ng ngiti ang labi niya.
Napatikhim ako at dali-daling naglalakad nang 'di halata patungo sa opposite na direksiyon kasi nandoon nga sila! Patungo na sana ako sa kanang daann sa may hugasan ng pinggan pero bigla akong tinawag ni Mommy! Napapikit ako sa inis at kaba. Bakit ba hindi sila nakikisama ngayon?!
"Oh, Via, anak!"
Napalingon ako rito na may parang natataeng ngiti. Buti naman lumapit siya sa 'kin. Nagsimula na ring umupo sila Father at ang mga sakristan.
"B-Bakit po?"
"Bakit hindi ka nagsimba? Tulog na tulog ka raw kanina sabi ng mga kapatid mo kaya hindi ka na lang nila ginising. Baka kako hagisan mo sila ng kung anu-ano kaya hindi na lang!" natatawang aniya. Ang lakas pa naman ng boses kaya ang ibang nasa lamesa ay napapalingon sa banda namin.
Mommy naman! Gutom na gutom na po ako at nahihiya na!
"Ah, hehe, Mom, gutom na gutom na po ako. Punta muna ako kay manang, pinapahanda ko po kasi siya kanina ng kakainin ko," napapalunok at mahina kong saad dahil nakita ko sa peripheral vision ko na napalingon sila ni Bryle at Lloyd na agad namang sinaway ni Father kasi mga chismoso raw.
"Oh! Sige, go ahead, hija. Tumutunog na nga tiyan mo!" nakangiwing aniya at napalakas pa ang boses kaya napasapo na lang ako sa noo ko nang makita ulit ang sulyap nila. Kainin na sana ako ng lupa, please!
"Ge, Mom," sabi ko na lang bago tumungo sa kung nasaang lupalop na ngayon si manang.
Nakita ko siya sa kusina na may hinahaing menudo. Ngayon pa nahain? Huhu.
"Manang, bakit po ang tagal? Hehe?" nakangiting tanong ko kahit na sa loob-loob ko'y gusto nang sumabog dahil sa gutom.
"Nagluto kasi ng bago, Via, kasi 'di yata kasya at dinala na rin doon sa mesa ang mga naluto kanina, kaya pasensiya ka na, ah?"
Ngumiti ako. "Ayos lang po, manang. Pasok po muna ako sa kwarto saglit, kung bababa na ako, pakilagay na lang po sa sala kasi roon ako kakain. Thank you po."
Tumango siya sa 'kin at pinagpatuloy ang ginagawa. Ako naman, tumungo sa kwarto para ayusin ang sarili. Sinuklay ko nang maayos ang mahaba kong buhok dahil hindi ko ito nasuklayan kanina sa pagmamadali. s**t! Oo nga pala! So, nakita ako ni Bryle na ganito ang itsura? Nakakahiya ka, Via!
Umamba pa akong susuntukin ang sariling repleksiyon sa salamin dahil sa kagagahan. Nagpalit na rin ako ng t-shirt dahil amoy laway na 'yong kanina. Letche ka talaga, Via!
Bumaba na ako at dumiretso sa sala kung saan nalagay na ni manang ang agahan ko. Nilantakan ko agad ito at agad na inubos ang menudo sa bowl para ilagay sa plato kong may kanin. Bahala na kung anong itsura ko basta gutom ako.
"Oh, mga hijo, tapos na kayo? Magpahinga muna kayo sa sala, ipapahatid ko lang ang dessert doon mamaya," narinig kong wika ni Mommy dahilan para mamilog ang mga mata ko.
"Sige po."
Narinig ko na ang mga yapak ng mga sakristan ni Father. Isa sa mga sakristang iyon ay nagustuhan ko kaya nagkakasala ako. Chos. Wow, ano 'to? Rumurupok ako?
May tatlong pang-isahang sofa kami at dalawang pang-maramihan. Nakaupo ako sa sofang pangmaramihan. Letche naman! Hindi pa ako tapos, eh!
Pero pakialam ba nila? Bahay namin 'to kaya bakit ako mahihiya? Duh, bahala na sila umupo rito basta nagugutom ako. In-on ko ang TV para may pagkakaabalahang iba kunyari ako bukod sa pagkain. Nakasimangot lang ako all the time.
Napalunok ako nang maramdamang umupo na sila, sa inuupuan ko ring sofa ay may umupo rin. Inilipat ko na lang sa TV ang paningin ko kahit hindi ako naka-focus.
"Hi, Via!" Kunot-noo kong nilingon ang nakangiting si Lloyd. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Narinig kong nagtawanan ang iba nilang kasama bukod sa sakristang si Bryle na nakaupo sa pang-isahang sofa na nasa harap ko lang. Nagtama ang paningin namin pero tinaasan ko rin siya ng kilay at iniwasan ang tingin. Tsk!
"Makikipag-usap daw si Bryle mo, sa'yo," bulong ni Lloyd dahilan para halos ihampas ko sa kaniya ang dalang plato dahil sa gulat. Letche! I saw Bryle glaring into our direction.
"Manahimik ka," inis na ani ko sabay irap at tayo ko dahil kanina pa ako nahihiya. Nakatingin kasi silang lahat sa 'kin. Tangina talaga!
"Kailan mo pa naging close 'yan, Lloyd?"
"Ewan ko kung kailan 'yon, ang cute kasi magalit."
"Stop pestering her, dude."
"Selos ka?"
Narinig kong usapan nila. Ano namang pag-uusapan namin ng Bryle na 'yon? Pagagalitan na naman ba niya ako? Okay lang, tatanggapin ko naman.
Bago pa ako makalayo ay sinalubong ako ni Mommy dala-dala ang mga dessert na dala niya para sa mga sakristang iyon. Nakangiti pa siya habang nakatingin sa'kin. Didiretso na sana ako sa kusina, pero...
"Via, pakihatid naman sa mga sakristan ang mga ito oh, ibigay mo sa kanila isa-isa. Ngitian mo, ha?"
Napanganga ako sahil sa sinabi niya. Nananadya ba siya? Jusko naman.
Anong kamalasan ba ito?