“Louie, ano `uli `yung sinabi mo kanina? `Yung kasunod ng sale’s plan?” “Operation,” sagot ni Louie na nakaupo sa silya n’ya. “Matapos mong isulat ang plano mo, isulat mo naman kung paano mo balak i-operate ang business.” “Okay, alam ko na!” kumagat ako sa pinabili n’yang burger sa secretarya nya at muling nagsulat. Pinalipat ako ni Louie sa harap ng desk n’ya kung saan ako nakapuwesto ngayon. Ang dami n’yang pinabago sa `kin! Pinahabaan n’ya ang sentences ko, tapos pinatama pa `yung mga maling spelling. Naka-ilang revisions na ko nang kumalam ang tiyan ko at magpabili s’ya ng burgers. “Ayan! Tapos na!” Umikot ako sa mesa n’ya at iniabot sa kan’ya ang aking papel. “Hmm, patingin muna...” kinuha n’ya ito at binasa iyon nang mabuti. Umupo naman ako sa hawakan ng chair n’ya. Buti na

