Matapos ko’ng malaman na fated pair ko si Louie ay naging curious na `ko lalo sa fated pairs. Nag-research ako sa internet tungkol sa fated pairs at nakakita ng iba’t-ibang mga stories at legends tungkol sa mga soul mates na alpha at omega na hinahamak ang lahat, makasama lang ang isa’t-isa! Ang sweet nila! May nabasa ako’ng comics tungkol sa alpha na bad boy na naging good person para sa beloved omega n’ya. Ang daming mga short stories sa net, kaya lang, inantok na `ko nang alas-onse, kaya natulog na ko after mabasa `yung comics. Kinabukasan, ikinuwento ko kay Yaya yung mga nabasa ko. Natawa s’ya at natuwa, kaya lang, nawala ang good mood namin nang sa pagdating namin sa school ay isang katutak na cinnamon pastries ang naghihintay sa akin! “A-ano `to?” tanong ko sa dalawang lalaki na

