Pagdating namin sa office ay pinatuloy na kami ng secretary ni Louie sa loob. “Ikaw na lang ang pumasok, para mas makapag-concentrate kayo sa pag-aaral,” sabi ni Yaya na umupo sa tapat ng secretary ni Louie. “Okay, Yaya!” Lumuhod ako at niyakap si Beck. ”Good boy ka, Beck ha?” Hinalikan ko `to bago pumasok sa kuwarto. “Good evening Lou-” Tatakbo na sana ako sa kan’ya nang makita na may kausap s’ya sa telepono habang nag-aayos ng mga papeles sa kan'yang mesa. Tinaas ni Louie ang kamay n’ya sa bibig para `di ako mag-ingay. “Ayon nga po sa kakilala ko’ng doktor, masyado’ng matapang para sa isang bata na may weight na 85 pounds at height na 5 feet ang mga gamot na iyon.” Umupo ako sa seat sa tapat ng mesa n’ya. “What’s more, hindi ba’t masyado ata’ng marami siyang iniinom na gamot?” Ma

