Pagkatapos mag almusal ay umalis na si Randy para bumili ng pinabibili ni Marj, si Marj naman ay umakyat sa taas para kausapin si Cassie, pumasok siya at umupo sa sa gilid ng kama, si Cassie naman ay nakaupo rin at nakayuko, "Girl sorry kanina ahh" ani ni Marj "Ako nga dapat humingi ng pasensiya kasi ako lang nakikitira sayo ako pa nag iinarte, alam ko naman na concern ka lang sa akin, sorry ahh" "Ano ka ba? Yaan na natin yun, ang importante kailangan natin malaman yang kalagayan mo ngayon, tutulungan ka namin ni Randy, kaibigan mo kami" "Naisip ko lang kasi, paano nga kung talagang buntis ako? Tapos magkabalikan naman si Rina at Aldo, anong gagawin ko? Dapat ko bang ipaalam pa sa kanila lalo na kay Aldo? Ngayon pa lang naaawa na ako sa magiging baby ko kung totoo man kasi lalaki siyan

