Kinabukasan nga ay nagpatingin na sa OB si Cassie, at dun nila nalaman na 6 weeks na nga ang tiyan niya, dumaan muna sila sa mall dahil ipinasyal nila ang anak ni Marj, pagkapananghali ay umuwi na rin sila, pagod na pagod ang pakiramdam ni Cassie, pag pasok niya sa kwarto ay nakita niya ang cellphone niya sa kama, hindi niya napansin na naiwan pala niya ito, kinuha niya at binuksan, nagulat siya nang makita niyang maraming miscall sa kanya, si Manang pati na ang dalawang yaya, may nabasa siyang text galing kay Manang "Cassie iha, tinatawagan ka namin pero hindi ka sumasagot, si Sam may sakit, mataas ang lagnat niya at ikaw ang hinahanap, baka pwede mo siyang dalawin", naiyak siya ng mabasa ang text ni Manang, dinial niya agad ang # ni Manang sa cellphone niya, maya maya ay sumagot ito "H

