Part 2

1355 Words
Umuwi si Cassie nang matamlay at napansin ito ng kanyang Tita Melba "O matamlay ka, may sakit ka?" tanong nito sa kanya "Wala po Tita" sagot niya "Eh bakit mukhang malungkot ka? " "Eh bakit mukhang masaya ka Tita?" napansin niya kasing iba ang datingan ng tita niya ngayon, mukha itong glowing at masaya saka mukhang in love "Ikaw ang tinatanong ko" taas kilay na sagot nito "Wala po tita" nakasimangot niyang sagot "Mukha kang broken hearted" "Hindi pa naman po masyado" "May ganun ka pa" "50 50 tita" "Paanong 50 50?" "Si Brenda po parang nagseselos sa akin pero sila pa rin ni Randy" "O paanong 50 50? Naguguluhan ako bata ka" "Tita ganito kasi yun, nagseselos si Brenda sa akin, ibig sabhin trigerred siya sa akin di ba, may chance pa ako, yun yung 50, yung isang 50 naman eh sila pa rin ni Randy" "Hoy Cassandra masama ang manira ng relasyon" "Hindi po ako naninira ng relasyon" "Hindi pa ba paninira yan? Alam mo namang nagseselos na ang Brenda eh natutuwa ka pa" "Tita naman eh" sabay kamot sa ulo "Umayos ka nga Cassie, bata ka pa, maganda ka naman, mabait pa, may pagka pilosopo ka nga lang at makulit, marami ka pang makikilalang ibang lalaki" "Si Randy po kasi ang gusto ko" "Pero may mahal nang iba si Randy, masasaktan ka lang" Natahimik si Cassie sa sinabi ni Tita Melba, alam naman niyang masasaktan siya pero ano nga ba ang magagawa niya? Yun ang nararamdaman ng puso niya, hindi siya masyadong nakatulog ng gabing yun, pero maaga pa rin siyang dumating sa opisina, hindi gaya ng dati wala ang excitement niya sa pagpasok, nakaupo na siya sa pwesto niya nang may tumayo sa harapan niya, "Hi Cassie" si Randy, naka longsleeves na blue na polo at nakaslacks na blue, nakatayo ito sa harapan niya at nakangiti, kita ang malalalim nitong dimples "Hi Randy" bati niya dito, gusto niya itong yakapin, ramdam na ramdam niya sa puso niyang namiss niya ito pero pinigil niya ang sarili "Kamusta?" "Ayos naman ako, wala ka kahapon ahh" "Ahh oo nakaleave kasi ako, umuwi kasi ako sa Bulacan, dinalaw ko naman parents ko" naupo ito sa upuan sa harapan ng desk niya "Ahh akala ko kung anong nangyari sayo, teka mukhang wala pa si Brenda, hindi ba kayo sabay" "Nauna na ako sa kanya, kasi galing pa rin akong Bulacan diretso pasok na" "Ahh ganun ba?" "Ay may pasalubong pala ako sa iyo, ensaymada with salted egg, abot ko sa iyo mamaya" "Hindi nga?" tuwang tuwa siya sa narinig "Ako lang may pasalubong?" gusto sana niyang marinig na oo na siya lang ang may pasalubong "Lahat kayo meron" "Aray ko" bulong niya "Pero sa iyo mas special kasi may salted egg at yung big size" "Talaga? Salamat" ngiting ngiting sagot niya "O siya punta na ako sa desk ko" "Sige ingat ka" Natawa si Randy sa sabi niya, paano naman halos magkalapit lang naman ang desk nila at iisa lang sila ng opisina, dumating ang lunch time at inabot na ni Randy ang pasalubong niya, tuwang tuwa siya, kung pwede lang ipaframe ang ensaymada ginawa na niya, after lunch nilapitan siya ni Brenda dahil may iuutos ito "Cassie wala si Sir Aldo hindi siya nakapasok kasi may sakit yung anak niya, may kailangan siyang isign na papeles, ikaw na magpunta kasi wala rin si Mang Tonyo" nakataas ang kilay nito habang kinakausap siya "San dadalhin?" tanong niya "Malamang sa bahay niya" "Bakit ako ang magdadala?" "Ayaw mo ba? Ayos lang naman, sasabihin ko na lang kay Boss na ayaw mo" "Ako na lang" sagot ni Randy "Si Cassie ang inuutusan ko" sagot ni Brenda habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa kanya "Sige ako na" "Mag grab ka na lang, kasi asap yan" Umalis na siya at nagpunta sa bahay ni Boss Aldo sa isang exclusive village sa Quezon City, pag baba niya ng sasakyan, gate pa lang manghang mangha na siya, sobrang laki ng gate nito, hindi mo nga makikita ang bahay mula sa labas, pinagbuksan siya ng gate ng guard, mas lalo siyang namangha sa laki ng bahay ni Boss Aldo, at marami ring puno sa paligid, may sumalubong sa kanyang maid at pinapasok siya sa loob ng bahay, grabe ang ganda ng loob ng bahay, yung tipong sa mga pelikula mo lang makikita, pinaupo siya ng maid sa sofa at umakyat na sa taas upang tawagin ang amo, nang may pumasok na batang lalaki at batang babae, mga anak ni Boss Aldo, kambal kasi ang anak nito, lumapit ang dalawang bata sa kanya "Who are you?" tanong ng batang babae, habang nakatingin lang ang batang lalaki "Hi baby girl, I'm Cassie, what's your name?" "My name is Samantha Nicole, You can call me Sam, I am 5 years old" "My name is Andrew Philip, You call me Phil, I am 5 years old" "Wow, what a beautiful names, where have you been kids? I thought you were sick" "Phil is sick, i am not, he is super kulit kasi" "Why Phil?" tanong niya, lumapit si Phil sa kanya at kumandong "I was having a fever last night, but I am ok now" "But still, you need to rest" "Yeah I know" "You want to play?" ani ni Sam kay Cassie "No baby girl, maybe next time, i just drop by because your father needs to sign some papers" sagot niya dito, lingid sa kanyang kaalaman, kanina pa nakatingin si Boss Aldo sa kanila, nakita rin nito na tila magiliw ang mga anak niya kay Cassie. Kinabukasan same routine sa opisina, pero nakapasok na si Boss Aldo, lumapit si Brenda sa kanya "Cassie tawag ka ni Boss Aldo sa opisina niya" ngingiti ngiting sabi nito, nagulat din siya, nagtataka siya kung bakit siya pinatawag ng boss nila, kinakabahan siya, baka sinabi ni Brenda na nagtanong pa siya kahapon kung bakit siya ang kailangang magpunta sa bahay nito, kumatok muna siya at hinintay niyang papasukin siya ni Boss Aldo "Good Morning Sir" "Hi Miss Santos, please have a seat" umupo siya sa upuan na nasa harap ng desk nito, kinakabahan pa rin siya, ang daming tumatakbo sa isipan niya, baka mawalan siya ng trabaho "By the way Miss Santos, ayoko na kasing magpaligoy ligoy, marami pa kasi akong kailangang gawin, I have an offer, nakita ko yung pakikipag usap mo sa mga anak ko kahapon, at nakita kong may connect ka sa kanila, gusto ko sana na kunin kang tutor nila" dirediretsong sabi nito "Pero Sir, hindi po ako teacher at wala po akong background sa ganyang trabaho" "Alam ko yun, sa totoo lang kasi yung connect na nakita ko between you and my kids ay iba, and I can see kahit wala ako ay maaalagaan sila ng mabuti, dont worry hindi ka yaya, may mga yaya pa rin sila, you will just focus on their education and supervise them" "Sir pwede po ba pag isipan ko po muna?" "Sige Miss Santos, but I hope you consider my offer, free board and lodging, free meals, wala kang gagastusin kahit pang personal mo na gamit ay sasagutin ko, you will also receive 35 thousand as your monthly salary, may health insurance ka rin, SSS, Philhealth at Pagibig din na hindi ikakaltas sa sweldo mo" "Wow Sir" gulat niyang sabi "May sarili ka ring room sa bahay, siyempre stay in ka" "Sige po Sir pag iisipan ko po ng maigi" "Ok Miss Santos, sana iconsider mo" sagot nito, tumango naman si Cassie at tumayo saka lumabas ng opisina, tulala pa rin siya nang bumalik sa pwesto niya "Anong nangyari?" tanong ni Marj "Ha? Mamaya nang break, yung bruhilda kasi nakatingin" bulong ni Cassie, napansin niya kasing nakatingin si Brenda sa kanya pagkabalik niya sa pwesto niya, sa opisina naman ni Aldo, hindi mawaglit sa isip niya kung paano kinausap ni Cassie ang mga anak, pati na rin ang pagiging magiliw ng mga ito sa kanya, iba kasi ang ugali ng mga bata, hindi ito basta basta napapalapit sa isang tao, pero first time lang nilang nakita si Cassie at nakita niyang may connection agad ito sa mga bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD