Part 3

942 Words
Pauwi na si Cassie, nakasakay na siya ng jeep ay iniisip niya ang offer sa kanya ni Sir Aldo, maganda ang offer kung tutuusin, makakaipon siya sigurado, pero inaalala niya si Tita Melba, kapag umalis siya sa bahay ay mawawalan ito ng makakasama, kung tutuusin ay sapat naman sa kanila ang kita niya sa opisina, hindi naman siya hinihingan ni Tita Melba pero siya na mismo ang nagkukusang magbigay para sa gastusin nila sa bahay, kawawa naman si Tita Melba kung maiiwan ito sa bahay mag-isa, nakauwi siya sa bahay na iniisip pa rin ang alok ni Sir Aldo, pag pasok niya sa bahay ay umupo lang siya sa sofa pero hindi siya nagsasalita, nakita siya ni Tita Melba nang papasok ito sa bahay galing tindahan "O Cassie andiyan ka na pala" tumayo siya para magmano dito "Opo" "Kanina ka pa?" "Kakarating rating ko lang po" "Bakit parang wala ka na naman sa sarili mo? Wag mo sabihin na dahil nanaman kay Randy yan" "Hindi po Tita" "Aba! Himala ahh, hindi si Randy ang nagpapatulala sa iyo ngayon" buska nito "Tita talaga" "Eh sino naman ang nagpapatulala sa iyo aber?" "Tita, hindi sino, ano" "O siya sige, ano?" "Tita, kasi ganito po iyon, kinausap ako ni Sir Aldo na mamasukan sa bahay nila bilang tutor ng mga anak niya, 30k monthly with complete benefits po, kaya lang kailangan ko po mag stay sa bahay niya 24/7" Natahimik si Tita Melba, may gusto rin siyang ipagtapat kay Cassie, hindi niya rin alam kung paano sasabihin dito, siguro nga ay pagkakataon na niya na magsabi dito "Tanggapin mo Cassie" "Ho?! Gusto niyo na po ba akong umalis dito?" himig tampong sambit niya "Cassie may sasabihin ako sa iyo" umupo ito sa tabi niya "Si Mario, may komunikasyon na ulit kami, hindi sinasadyang nagkita kami ng kapatid niya nung minsang namalengke ako, palitan kami ng number, at hindi ko alam na binigay niya yun kay Mario, biyudo na si Mario, at sa Davao nakatira, may sarili na siyang negosyo dun at..." "Teka tita" pigil niya dito "Wag mo sabihin na susunod ka kay Mang Mario sa Davao?" "Nagkabalikan na kami Cassie" "Huh?" napanganga siya sa sinabi ng tita niya "Pasensiya na Cassie kung hindi ko nasabi agad, iniisip ko kasi kung paano sasabihin sa iyo, sa totoo lang nag aalala ako sa iyo, ayokong maiwan ka dito mag isa sa bahay, kaya nga tanggapin mo na yung offer ni Sir Aldo mo sa iyo, mas mapapanatag ang loob ko kesa maiwan ka mag isa dito" Hinawakan niya sa kamay si Tita Melba, naiyak na siya "Tita masaya ako para sa iyo, hindi kita pipigilan sa plano mo, sa inyo ni Mang Mario" "Mahal na mahal kita Cassie, para na kitang anak, mula nang mamatay ang mga magulang mo ako na ang naging magulang mo" "Mahal din kita tita, kaya hindi kita pipigilan sa gusto mo, basta siguraduhin mo lang papakasalan ka niyang si Mang Mario dahil kung hindi babawiin kita sa kanya" biro niya dito "Hahaha, baliw ka talagang bata ka, payakap nga" nagyakap silang dalawa, mukhang may desisyon na rin siya sa offer ni Sir Aldo. Kinabukasan, maaga siyang pumasok, 7:15am pa lang ay nasa opisina na siya, kakausapin niya si Sir Aldo, hindi ito tulad ng ibang boss na late na kung dumating, minsan nga ay mas maaga pa itong dumarating kesa sa kanila, nakaupo siya sa may desk at iniisip niya si Tita Melba, masaya siya para dito pero siguradong mamimiss niya ito, nang may biglang bumati sa kanya "Hi Miss Santos" bati nito sa kanya, bigla siyang napatayo "G-Good Morning Sir" bati niya dito "Mukhang malalim ang iniisip mo ahh" "Sir, open pa po ba ang offer niyo sa aken?" "Of course, sa iyo lang talaga ang position na yun, so you mean tinatanggap mo na ba ang offer ko?" "Opo Sir" "Good!, ipapaayos ko ang kontrata for your security na rin" "Ok po Sir", kinamayan siya ni Sir Aldo, habang nagkakamay sila ay biglang dumating si Brenda at Randy "Good Morning Sir" bati ng dalawa "Good Morning, ahh Miss Reyes, please follow me at my office" "Yes Sir" tumalikod na si Sir Aldo para pumasok sa opisina nito kasunod si Brenda "Anong meron?" tanong ni Randy kay Cassie, napaupo si Cassie at umupo naman si Randy sa harapan niya "May inoffer si Sir Aldo na ibang trabaho sa akin, tinanggap ko" "Okay, tapos? I mean anong position?" "Tutor ng mga anak niya" "Huh?! Ibig sabihin aalis ka na dito sa opisina?" "Oo" "Okay, Congrats sa bago mong journey, sige punta na ako sa desk ko" tumayo si Randy na tila malungkot, napansin rin ni Cassie na parang biglang nanlumo si Randy pero hindi na niya binigyan pa ng ibang kulay yun, mas lamang kasi ang lungkot niya sa pag alis ni Tita Melba, binigay ni Brenda kay Cassie ang kontrata, alam na rin ni Marj na aalis na siya, nalungkot rin ang kaibigan pero wala rin naman siyang magagawa, kinwento rin ni Cassie kay Marj na may balak nang tumira si Tita Melba sa Davao kaya isang factor ito kaya tinanggap niya ang offer ni Sir Aldo, hindi na rin sila nakapag usap ni Randy, hindi na muli ito pumunta sa pwesto niya, ni hindi na rin siya pinapansin nito, ayaw na rin niyang mag isip ng iba sa ikinikilos ni Randy. Kinausap niya rin si Sir Aldo na kung pwede siya magsimula sa susunod pang linggo, kailangan pa niyang tulungan si Tita Melba sa pag iimpake at marami pa silang aayusin sa bahay at tindahan, bonding moment na rin nila yun ni Tita Melba, pumayag naman si Sir Aldo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD