Linggo, 8am, dumating na si Caasie sa mansion ni Sir Aldo, hindi niya alam ang nararamdaman, pakiramdam niya'y nagugutom siya na natatae na hindi niya mawari, habang nakaupo siya sa sofa, nakita niya si Sam at Phil na bumababa sa hagdan, nang makita siya ng dalawang bata patakbo itong lumapit sa kanya
"You're here!" sabay sabi ng mga bata at yumakap sa kanya
"How are you kids?" tanong niya
"We're fine" ani ni Sam
"Are you going to live here with us?" tanong naman ni Phil
"Yes Phil"
"Yehey! We're gonna have a mommy" sabi ng dalawa, nanlaki ang mata niya sa sinabi ng mga bata, hindi niya napansin na nasa may hagdan na pala si Sir Aldo
"Good Morning Kids" ani nito, naka walking shorts na color apple green at plain white shirt lang si Sir Aldo, bagong paligo pa at ang bango bango, bigla siyang napatayo
"Good Morning Daddy!"
"Good Morning Sir"
"Good Morning Cassie, ok lang naman siguro na yun na lang itawag ko sayo"
"No problem po Sir"
"By the way Cassie, sumabay ka na sa amin magbreakfast" naglakad na ito patungong dining area, hinatak naman siya ng dalawang bata
"Come let's eat"
Habang nasa dining sila, nakaupo si Sir Aldo sa center ng 8 seater dining table, si Sam sa right side at si Phil sa left side, nakatabi siya kay Sam, maraming pagkain ang nakahain sa mesa, parang sobra pa ito para sa kanila, merong saging, tasty bread, milk para sa dalawang bata, coffee para kay Sir Aldo, pinapili siya ng iinumin kung coffee or juice, mas pinili niya ang juice dahil hindi naman siya makicoffee, may hotdog, sunny side up eggs, bacon at fried rice, meron din silang pancake dahil paborito itong almusal ng dalawang bata, nagulat siya sa dami ng pagkain, bigla niyang naalala ang simpleng almusal nila ni Tita Melba, pandesal at kesong puti lang ayos na sa kanila, kung dati ay parang nagsasawa siya dun ngayon naman ay parang namiss niya agad ang simpleng almusal nila, napayuko siya at pinunasan ang nangigilid niyang luha
"May problema ba Cassie?" kanina pa pala siya tinitingnan nito
"Ahh wala po Sir pasensiya na po, may naalala lang po"
"Miss mo na siguro ang tita mo"
"Opo Sir, ngayon lang po kami nagkahiwalay eh, siya na kasi ang nag aruga sa akin mula nang maulila po ako"
"Wag ka mag alala, I think okay naman siya, alam mo nga thankful ako kasi umalis siya, but dont get me wrong, kasi siguro hindi ka papayag sa offer ko kung hindi siya aalis kasi hindi mo siya kayang iwan"
"Opo sir, ayoko po kasi talagang maiwan siya" amin niya dito
"Mommy Cassie can we play later?" ani ni Phil
"What did you call her Phil?" ani ni Sir Aldo
"Mommy Cassie"
"Son, you cant call her mommy, nakakahiya naman kay Cassie, call her Miss Cassie"
"But I want to call her mommy"
"You can call me mommy" hindi nila napansin na dumating pala si Natalie, ang bestfriend ng yumaong asawa ni Aldo, mula nang mamatay ang asawa ni Aldo ay madalas nitong dalawin ang mga bata, minsan pa nga ay pinapasyal pa nito, pero napapansin ni Aldo na hindi siya gusto ng mga bata, minsan ay tumatanggi na ang mga bata pag niyayaya niyang mamasyal, parang modelo si Natalie, matangkad, slim na slim, maputi, mahaba ang buhok at nagmumura ang dibdib, nagulat si Cassie nang dumating ito, gandang ganda siya sa babaeng dumating, para siyang nakakita ng artista
"Hi Aldo" sabay beso kay Aldo
"Hi Natalie, wanna join us?"
"No thanks, I'm done" sabay upo sa tabi ni Phil "Hi baby boy" bati nito kay Phil
"Hi Tita"
"Hello Baby Girl" baling nito kay Sam
"Hello Tita"
Napatingin si Natalie kay Cassie, tinaasan siya ng kilay nito "Since when na pwede na palang sumabay sa pagkain ng amo ang katulong"
"Aray ko, salaksakin ko kaya bibig nito" bulong niya sa sarili, yumuko na lamang siya para itago ang pamumula ng mukha niya
"Natalie, this is Cassie, she will be the tutor of Phil and Sam at the same time, she will supervise the kids especially pag wala ako"
"Ahh yaya" ani ni Natalie
"No, they still have their yayas, by the way, why are you here?" tanong ni Aldo, halata rin kay Aldo na ayaw niyang nasa paligid si Natalie
"Ahm, wala naman, gusto ko lang sana makipag bonding sa inyo, sunday naman ngayon, mamasyal tayo ng mga bata, gusto niyo ba yun kids?" tanong pa nito, pero hindi sumagot ang dalawang bata, patuloy lang ito sa pagkain
"I'm sorry Natalie, pero marami pa akong kailangang idiscuss kay Cassie, at saka alam mo naman kagagaling lang sa sakit ni Phil, maybe next time"
"Okay, dito na lang tayo sa house" sabay tingin kay Cassie "You, whats your name again?"
"Cassie po Mam" sagot niya, pero sa loob loob niya gusto na niya sakalin ang babae
"Okay Cassie, just remember me my dear", napatingin lang siya kay Natalie
Natapos na silang mag almusal, dinala na ng katulong ang mga gamit niya sa guest room na katabi lang ng kwarto nila Sam at Phil, habang nakikipag bonding si Natalie sa dalawang bata kahit halata naman na ayaw siyang pansinin ng mga ito, sila naman ni Aldo ay nag usap sa loob ng opisina nito
"Pasensiya ka na kay Natalie, kaibigan siya ni Rina, yung asawa ko, mula nang mamatay si Rina siya na ang madalas tumingin sa mga bata kahit hindi ko naman talaga ito hiningi sa kanya"
"May attitude siya Sir, pasensiya na Sir pero yun po ang tingin ko sa kanya, pero wag po kayong mag alala kasi hindi ko siya papansinin, andito naman po ako para magtrabaho po"
"Tama ka" nakangiti nitong sabi, ngayon nya lang napansin na gwapo pala ang Sir Aldo niya pag nakangiti "Tama ka na may attitude siya, kaya yun din ang ipapakiusap ko sa iyo, wag mo na lang sana siyang pansinin"
"Sir ano po ba talaga ang magiging trabaho ko?"
"Okay Cassie, nag-i-school na kasi ang mga bata, 8am kailangan gising na sila kasi 10am ang start ng school nila, ikaw na ang bahala sa kanila pag gising, ang mga yaya ang bahalang magprepare sa kanila, may magluluto naman for their breakfast and snacks for school, mga 9:30am aalis na kayo kasi gusto ko sana ikaw na ang maghatid sa kanila sa school, wag ka mag alala may driver naman, sa ngayon si Mang Nestor muna ang maghahatid sa inyo pero kukuha ako ng another driver para sa inyo ng mga bata, hatid sundo mo ang mga bata, after school ikaw ang magtuturo sa kanila, assignments and projects, pag gusto nila mamasyal sasamahan mo sila with their yayas, 8pm kailangan tulog na rin sila, at pag tulog nila pwede ka na rin magpahinga
"Ano po ang gagawin ko kapag nasa school sila?"
"Maiiwan ang mga yaya sa school, nasa iyo yun kung gusto mo rin mag stay sa shool or gusto mong bumalik dito sa bahay para makapag pahinga ka"
"Yun lang po ang gagawin ko?" manghang tanong ni Cassie
"Oo yun lang, nakatutok ka lang sa mga anak ko, kung may kailangan ka naman gawin walang problema sa akin yun, basta ang gusto ko lang ang mga bata ang priority"
"Sir wag kang magagalit ahh, pero parang gusto niyo po na magkaron ng ina ang mga anak niyo"
"Oo totoo ang sinasabi mo, pero wala na silang ina, at ayokong mag asawa ng hindi ko naman mahal para lang magkaroon ng ina ang mga anak ko, kaya nga kumuha na lang ako ng magsusupervise sa kanila other than their yayas"
"Pero bakit ako Sir? Mukha na ba akong mommy?"
"Hahahaha! Mapagbiro ka rin noh? Ang totoo kasi nakita ko yung fondness ng mga anak ko sa iyo nung nagpunta ka dito, hindi kita kinuha dahil mukha kang mommy, ano ka ba?"
"Akala ko kasi.." ngingiti ngiti niyang sabi
"Sige Cassie, pwedeng mo nang ayusin ang mga gamit mo sa kwarto mo, may mga tatapusin rin ako, huwag ka mag alala every sunday is your day off, kaya day off mo ngayon" nakangiting sabi nito
"Naku Sir nakakahiya naman"
"Okay lang yun, wala ka rin namang gagawin talaga ngayon, pag sunday andito ako, ako ang bahala sa kanila, eto ang time ko para sa mga anak ko, kung gusto mong mamasyal ok lang, kung gusto mo magpahinga lang sa kwarto mo okay lang din"
"Sige po Sir, maraming salamat po" tumayo na siya para magpunta sa kwarto niya
Hinatid siya ng mayordomang si Manang Rosa sa kwarto niya, palangiti ito at nakagaanan niya agad ng loob
"Maraming salamat po Manang" ani niya
"Okay lang iha, basta pag may kailangan ka sabihin mo lang ha?"
"Opo"
"Sige maiwan na kita"
Pag pasok niya sa kwarto ay manghang mangha siya, aqua blue ang kulay ng pintura, may aircon, may malambot na kama, may electric fan, may sariling cr, at may led tv pa, may sarili rin siyang closet, grabe rin sa laki ang kama, pang dalawahan ang lapad, maninibago siya sigurado sa bagong kwarto at bagong buhay niya.