Lunes, maagang gumising si Cassie, sa totoo lang hindi naman siya gaanong nakatulog, namamahay siya, hindi pa siya sanay sa kwarto niya, naligo na rin siya dahil may pasok pa ang mga bata at kailangan niyang asikasuhin, nagjeans lang siya at polo shirt na baby pink, naglagay lang siya ng kaunting lip tint at polbo sa mukha, nagwisik lang siya ng paborito niyang cologne at lumabas na siya ng kanyang kwarto, una niyang pinuntahan ang kwarto ni Phil at ginising ito, habang ginigising niya si Phil ay pumasok na ang yaya nito na si Daisy
"Ay Mam ako na po ang mag-aasikaso sa kanya"
"Ahh sige, salamat, siya nga pala wag mo na ako tawaging Mam, Cassie na lang, parehas lang naman tayong swelduhan dito"
"Baka magalit po si Sir Aldo, sabi niya kasi supervisor po ata kayo?" parang hindi pa nito sigurado kung tama ang sinasabi niya
Nangiti naman siya "Tutor ako nila Phil at Sam at the same time ako rin ang magsusupervise sa kanila" sabi niya dito
"Opo yun nga po, pasensya na po, grade 2 lang po natapos ko eh"
"Walang problema dun Daisy, ang importante wala tayong inaagrabyado, grabe ahh, baka akala mo seryoso akong tao ahh, naku hindi kung alam mo lang"
"Talaga po? Sa totoo lang po Mam Cassie, wala naman pong problema sa mga tao dito, ang mga bata mababait sila pero minsan makulit, si Sir Aldo naman istrikto lang po yun pero mabait rin naman, madali po siyang pakiusapan, ang maangas lang po dito si Mam Natalie, kahit mga bata ayaw naman sa kanya"
"Ahh kwento mo sa aken mamaya yan hahaha, asikasuhin muna natin ang mga bata, gisingin ko lang si Sam ahh"
"Sige po Mam Cassie, marami akong kwento sayo hihi"
Mukhang chismosa tong si Yaya Daisy, pero at least pag naiinip siya siguradong may makakausap siya at mukhang hindi siya maiinip dito, sa tingin rin naman niya ay wala siyang magiging problema sa mga tao sa mansion kundi kay Natalie lang, kakaiba ang babaeng yun at halata niyang may gusto ito sa amo niya at pakiramdam niya ay ginagamit nito ang mga bata para makuha nito si Aldo.
Pag baba niya ay nakahain na ang almusal, 4 na pinggan ang nakalatag sa hapag kainan, may hotdogs, sunny side up, corned beef, apple at bread, namimiss nanaman niya ang kesong puti nila ni Tita Melba.
"Good Morning Cassie" wika ni Sir Aldo, nasa may likuran na pala niya ito, nakabihis pang opisina na rin
"Hi Sir Good Morning" bati niya
"Have a seat, maya maya bababa na rin ang mga bata"
Umupo na siya sa pinuwestuhan niya kahapon, maya maya pa ay andyan na nga mga bata, naka school uniform na rin sila, pero napansin niyang nakasimangot si Sam
"Sam, ang aga bakit nakasimangot ka?" ani niya
"Gusto ko mag-carousel" sabi nito at nagkandahaba pa ang nguso
"Samantha, may school pa kayo diba?" ani ni Sir Aldo
"Daddy pwede after school? Please?" pagmamakaawa nito
"Ask Miss Cassie" nagulat siya sa sagot ni Sir Aldo, pati ba ganitong bagay ay siya ang magdedecision o sinusubukan lang siya nito
"Miss Cassie can we? please?" pagmamakaawa nito sa kanya
"Sir..." ani niya kay Sir Aldo
"So whats your decision?" ani nito
"Kung sa akin lang po, papayagan ko po sila, after school basta sandali lang and uuwi agad to do their homeworks, pero kung hindi po ok sa inyo.."
"Okay after school as long as sandali lang kayo and after that you will do your homework"
"Yehey!" sabay sigaw nina Phil at Sam
"Sige na mag-almusal na kayo, at mamaya magcacarousel kayo" ani naman ni Cassie
"Ahh Cassie, here..." may inaabot etong pera sa kanya at card "5000 cash yan then credit card, ginawa kitang extension sa credit card ko para pag umalis kayo ng mga bata or may kailangan kayo icredit card niyo na lang, kung cash naman ang kailangan ayan ang cash pag kulang sabihin niyo na lang sa akin, or I can give you an atm card para magwiwithdraw na lang kayo pag kailangan, yung mga pangangailangan mo diyan mo na rin kunin, basta ikaw na ang bahala"
"Sige po Sir Aldo, itatabi ko na lang po ang mga resibo"
"Ikaw ang bahala, o siya sige, kids I have to go"
"Bye Daddy" naglapitan ang dalawang bata sa kanya para humalik
"Miss Cassie hindi ka ba magkikiss kay Daddy?" inosenteng tanong ni Phil kay Cassie
Namula siya sa tanong ng bata, at napangiti naman si Sir Aldo "Kayo talaga, sige na aalis na ako, study hard kids" at tumalikod na ito at iiling iling
"Bakit hindi ka nagkiss kay Daddy?" tanong ulit ni Phil tapos uminom ng gatas
"Phil, hindi ko naman siya Daddy eh" sagot niya dito
"Eh bakit si Tita Natalie nagkikiss siya kay Daddy?" tanong naman ni Sam
"Eh friends naman sila ni Daddy mo eh" sagot niya dito
"Hindi ba kayo friends ni Daddy?" tanong ni Phil
"Ahm, iba kasi ang relationship namin ni Daddy niyo, hindi pwede ang kiss"
"Ahh okay" sagot ng dalawang bata
Pagkatapos ng almusal ay nagpunta na sila sa school, sa loob rin pala ng subdivision ang school ng mga bata kaya talagang pawang mayayaman din ang estudyante dito, kung tutuusin ay malapit lamang ito at pwede na ring lakarin, pero ganito ata talaga ang kalakaran ng mayayaman, kailangan nakakotse kahit gaano kalapit ang pupuntahan, after school ay nagpunta sila sa isang malapit rin na mall, gaya ng naipangako niya pinayagan niyang magcarousel ang dalawang bagets, tuwang-tuwa ang mga ito, sa mall na rin sila nananghalian dahil nagyaya rin ang mga ito na magpizza, bale lima silang magkakasama, siya, ang dalawang bata, si Yaya Daisy at Yaya Ruth, tinawagan niya si Mang Nestor para sumunod sa kanila para makakain na rin pero tumanggi ito, sa bahay na lang daw siya kakain, habang kumakain sila ay tinawagan siya sa cellphone ni Sir Aldo
"Hello" sagot niya
"Hi Cassie, kamusta? Nakauwi na ba kayo?"
"Sir, hindi pa po, nagyaya po sila kumain ng pizza"
"Ahh ok, after that umuwi na kayo then pakisabi kay Mang Nestor pagkahatid sa inyo pumunta siya dito sa opisina, may meeting kasi ako ng 2:30pm sa labas"
"Sige po Sir makakarating"
"Kamusta mga bata? hindi ka naman nila kinulit?"
"Ay hindi naman po Sir, mababait nga po sila"
"Wow, talaga lang ahh, ang kukulit kaya ng mga yan"
"Hi Daddy" bati ng mga bata sa kanya, kaya ang ginawa ni Cassie inispeaker phone na lang niya ang cellphone niya
"Hi Kids, ano? masaya ba ang mga anak ko?"
"Yes Daddy, thank you, i love you" sabay pa rin na sagot ng mga to
"I love you too kids, after niyo kumain uwi na ha? then do your Homeworks, tuturuan kayo ni Miss Cassie"
"Daddy hindi ba talaga kayo friends ni Miss Cassie?" tanong ni Sam, bigla siyang kinabahan at nanlaki ang mata niya
"Why Sam?" tanong ni Sir Aldo
"Kasi hindi siya nagkiss sayo, kami pwede kami mag goodbye kiss kasi anak mo kami, si Tita Natalie pwede rin daw kasi friends kayo, eh bakit kayo ni Miss Cassie hindi pwede magkiss? kasi hindi kayo friends?"
"Hay naku Sam, ikaw talaga, sige na nak, bilisan niyo na diyan at kailangan ko si Mang Nestor" at pinatay na nito ang phone.
Paghatid sa kanila ni Mang Nestor sa bahay ay kumain muna ito at umalis na para puntahan si Sir Aldo sa opisina, sila naman ng mga bata ay gumawa muna ng assignments at pinagsiesta niya ito, gusto ng mga bagets na dun na lang sa kwarto nya gumawa ng homeworks at dun na rin sila nagsiesta, bumaba muna siya ng bahay para hanapin sina Yaya Ruth at Yaya Daisy, nakita niya ito sa may kusina habang namamahinga rin at nanonood ng tv, andun din si Manang Rosa at dalawa pang katulong
"Ay Cassie iha, may kailangan ka?" tanong ni Manang Rosa nang makita siya
"Ay Wala po Manang, napatulog ko na po ang mga bagets"
"Lika upo ka rito" pinaupo siya nito sa tabi niya "Kamusta naman ang araw mo?" tanong nito
"Maayos naman po Manang, medyo naninibago lang ako"
"Ahh sabagay sa opisina ka dati diba"
"Opo, eh nagulat na nga lang ako nung kausapin ako ni Sir Aldo na gusto niya akong kunin na tutor ng mga anak niya, nasaktuhan naman po na aalis na ang tita ko kaya pumayag na rin po ako"
"Galante si Sir Aldo sa mga kasamahan sa bahay, alam mo ba hindi madamot si Sir Aldo, kadalasan kung ano ang pagkain nila ay yun rin ang pagkain namin, basta, istrikto siya pero hindi siya madamot"
"Opo nga po, kasi biruin niyo po binigyan niya ako ng cash at may credit card pa para sa pangangailangan ng mga bata, to think na bago pa lang ako, hindi niya naisip na pwede ko siyang nakawan"
"Ganun siya, madali siyang magtiwala, sa awa ng dios wala pa naman kaming nabalitaan na nanloko sa kanya, at saka mukha ka namang mabait"
"Naku si Manang, ang honest masyado, charot! hahaha", natawa rin si Manang Rosa
"Mag-iingat ka lang kay Mam Natalie, kung umasta yun akala mo ba siya ang may ari ng bahay, utos dito utos duon"
"Buti hindi siya pumunta ngayon Manang"
"Bigla na lang siyang sumusulpot, alam mo kasi mula nung mabiyudo si Aldo madalas na talaga siya dito, kinukuha niya ang loob ng mga bata, pero talagang ayaw sa kanya ng mga bata, hindi ko rin maintindihan kung bakit, sa tingin ko hindi naman niya pinapakitaan ng hindi maganda ang mga bata pero ayaw pa rin sa kanya"
"Ay ganun po, buti po hindi naisipan ni Sir Aldo na ligawan siya"
"Siyempre kung maiisip ni Sir Aldo yun at sila nga ang magkatuluyan malamang magsialisan na kami dito kung hindi siya magbabago, pero palagay ko hindi rin magugustuhan ni Sir yun, maganda siya oo pero iba ang ugali, malayo sa ugali ng nasira niyang asawa, sobrang bait rin ng asawa ni Sir Aldo maganda pa"
"Naku baka mahirapan na nga talaga siyang makahanap ng iba Manang, bata pa naman si Sir at may chance pa talaga siyang makapag asawa"
"Sana ikaw na lang"
"Naku si Manang, wag ganun noh, may iba kaya akong gusto, yung dati kong kaopisina, miss ko na nga siya ehh"
"Ay ganun, may boyfriend ka na pala"
"Hindi ko po boyfriend ehh, may girlfriend na iba, yung sekretarya ni Sir, si Brenda"
"Ahh si Brenda, oo nakita ko na rin yun, minsan na rin atang nautusan yun ni Sir dito sa bahay, sosyalin din ang isang yun ehh"
"Opo, pero si Randy, mabait po yun"
"Ahh yun ang nagugustuhan mo?"
"Opo Manang, medyo matagal na rin kaming hindi nagkikita ni Randy myloves"
"Hay naku kay Sir ka na lang"
"Naku si Manang, baka sabihin ni Sir pinagnanasahan ko siya, nakakahiya yun Manang, ikaw Manang dalaga ka pa?
"Hay naku matandang dalaga"
"Eh di kayo na lang ni Sir" biro niya dito
"Ay grabe ka, parang anak ko na lang yun, dyaskeng bata to hahahaha"
"Hahaha, at saka hindi ako magugustuhan ni Sir noh, yaan na lang natin siyang humanap ng kamatch niya".