Part 6

1192 Words
Kinagabihan, pag tapos nilang maghapunan ay pinatutulog na nila Yaya Daisy at Yaya Ruth sina Phil at Sam, habang si Cassie naman ay nasa kwarto niya nanonood ng tv, hindi niya binuksan ang aircon kasi ginawin siya, at dahil ber months na nga malamig na rin naman ang klima, habang nanonood siya ng tv may biglang kumatok sa kwarto niya, pagbukas niya ay sina Sam at Phil kasama ang mga yaya nila "O bakit?" tanong niya "Eh Mam si Sam po kasi gusto niya raw dito matulog" ani ni Yaya Ruth "Si Phil din po" sabi ni Yaya Daisy "Can we Miss Cassie?" tanong ni Phil "Ok kids, pwede naman, sige na ako na bahala sa kanila" "Magpapahinga na po kami" sabi ni Yaya Daisy "Sige lang" Pagpasok sa loob ng kwarto niya, takbuhan ang mga bagets sa kama at mga tuwang tuwa, pinatay naman niya ang tv dahil kailangan nang matulog nung dalawa, humiga siya sa tabi ni Sam at si Phil naman sa kabilang side, kasya naman silang tatlo sa kama, binuksan niya rin ang aircon pero mahina lang, kasi inisip niyang hindi sanay sa hindi aircon ang kambal "O sleep na kayo ahh, nagpray na ba kayo?" tanong niya "Opo" sagot ni Sam "Miss Cassie pwede ba kami dito lagi matulog?" tanong ni Phil "Hmmmm, pwede naman, basta sa isang kundisyon" "What condition?" tanong ni Sam "Basta wag kayo iihi sa kama ahh" "Waaahhh hindi ako umiihi sa bed" sagot ni Phil "Ako rin kaya hindi rin umiihi" sagot rin ni Sam "O siya sige sleep na tayo ahh" "Can we turn the lights off?" tanong ni Phil "Yes sure baby, no problem" tumayo na siya para patayin ang ilaw, hindi naman ganun kadilim sa kwarto niya kahit patayin ang ilaw dahil may dim light ito sa wall "Goodnight Miss Cassie, We love you" sabi ng kambal "Goodnight babies, I love you too" at kiniss niya sa noo ang kambal, maya maya pa ay nakatulog na ang mga ito, hindi pa siya talaga inaantok pero ayaw na rin niyang lumabas ng kwarto, binuksan niya ulit ang tv pero mas mahina ang volume, tulog na tulog naman ang kambal, maya maya nararamdaman na rin niyang inaantok siya nang may biglang kumatok ulit sa pinto, tumayo siya at pagbukas niya nakita niya si Sir Aldo "Hi Sir, good evening po" gulat na sabi niya "Good Evening Cassie, yung dalawa? Wala sa room nila" "Sir andito po sila, dito po nila gusto matulog eh, pinayagan ko na lang po" "Ahh ganun ba? Baka mahirapan ka?" "Ay hindi po Sir kasi malapad naman yung kama, kasya po kami" "Ok Cassie, wait, eto yung atm card" "Sir agad agad talaga?" "Oo naman, diba nga yun naman ang sinabi ko?" "Oo nga po pero yung cash po na binigay niyo 100 pesos lang po ang nabawas, kaya malaki pa po ang natira" "Ok lang yun, basta ikaw na bahala" "Sige po Sir, ay Sir, kakauwi niyo lang po?" "Yes" "Kumain na po ba kayo?" "Oo kumain na kami ni Mang Nestor, alam ko naman na nagpapahinga na kayo pag dating ko, pwede ko bang makita muna ang mga bata?" "Ay sige po Sir, pasok po kayo" binuksan niya ang pinto at pinatay na niya ang tv, binuksan niya rin muna ang ilaw, nilapitan ni Sir Aldo ang mga bata at hinalikan sa noo "Sigurado ka ba na hindi ka nahihirapan na dito sila matutulog?" "Wala pong problema yun sa akin" "Di bale sa umpisa lang naman yan, babalik rin yan sa mga room nila, sige na Cassie magpahinga ka na rin, Good night" papalabas na ito ng kwarto "Sige Sir Good night po" at sinara na niya ang pinto Kinabukasan same routine pa rin, pero this time after school umuwi na sila sa bahay, pero pag uwi ng bahay hindi nila alam na may bisita pala sila "Hi kids" bati ni Natalie sa kambal "Hi Tita" at kumiss ang mga ito sa pisngi niya "You wanna go to the mall, tutal tapos na ang school" "Mam pasensiya na po kasi hindi po sila pwedeng umalis, gagawa pa po sila ng homework at kailangan rin nila magrest" sagot ni Cassie, tumayo si Natalie at lumapit sa kanya "At bakit hindi ko sila pwedeng isama?" pataray na tanong nito "Gaya nga po ng sinabi ko..." "Stop it, isasama ko sila at ipapasyal" "Mam, kung dati po nagagawa niyo yan ngayon po ay hindi ko yan mapapayagan, priority ko po ang welfare ng mga bata, at ang desisyon ko po ang masusunod" "And who do you think you are?" galit na tanong nito "Tita Natalie, were not going with you" sabi ni Sam, napalingon ito kay Sam at tumingin ulit kay Cassie, "Look what you are doing" "Wala po akong ginagawang masama, ginagawa ko lang po ang trabaho ko" "Makakarating to kay Aldo" "Okay po" Tinalikuran siya nito at kinuha ang handbag nito "Maghanda ka na, dahil mawawalan ka ng pinagmamalaki mong trabaho mo" at saka umalis, nagulat na lang siya nang biglang magpalakpakan ang mga tao sa bahay at lumapit sa kanya mula sa ibat ibang bahagi ng bahay "Ang tapang mo Mam" sabi ni Yaya Daisy "Oo nga" sabi ni Yaya Ruth "Nakahanap na siya ng katapat ngayon" wika naman ni Manang Rosa "Naku Manang, baka mawalan na ako ng trabaho" mangiyak ngiyak niyang sabi, biglang nanghina ang tuhod niya at napaupo siya "Hindi naman siguro" sabi ni Manang Rosa "Sabi niya maghanda na raw ako eh", lumapit ang kambal sa kanya at yumakap, natakot siya sa sinabi ni Natalie, paano nga kung mawalan siya ng trabaho, san na siya pupulutin, ayaw naman niyang maging pabigat sa Tita niya Dumaan ang araw nang hindi siya mapakali, nag aalala talaga siya, kinagabihan dun pa rin natulog sa kwarto niya ang kambal, tinititigan niya ang mga bata, sa sandaling panahon ay napamahal na sa kanya ang kambal at alam niyang mahal rin siya ng mga to, nasa ganun siyang pag iisip nang may kumatok sa pintuan, pag bukas niya ang natakot siya dahil nakasalubong ang kilay si Sir Aldo, halatang mainit ang ulo "S-Sir" "What happened?" tanong nito "S-sorry po, hindi ko po kasi pinayagan si Mam Natalie na isama ang kambal kasi po gagawa pa po sila ng homeworks nila at kailangan rin naman nila magpahinga, pasensiya na po" sabi niya habang nakayuko "Well Congratulations Cassie" bigla siyang napatingin dito at nakangiti na ito "You know your priorities" "Hindi niyo po ako sisisantihin?" tanong niya "Of course not Cassie, bakit ko naman tatanggalin ang taong kayang ipaglaban ang welfare ng mga anak ko?" "Naku Sir thank you po talaga" naiiyak nanaman niyang sabi, naiiling na lang si Sir Aldo sa kanya "Sige na dumaan lang ako para makita ulit ang kambal ko" "Ahh sige po Sir, pasok po" ani ni Cassie, pumasok naman si Aldo at muling hinalikan sa noo ang mga anak saka lumabas "O wag ka nang mag-isip ng kung ano ano, magpahinga ka na rin" "Sige Sir thank you po ulit" "Goodnight" "Goodnight po" ani ni Cassie, tumalikod na si Aldo at sinara naman ni Cassie ang pinto, nakahinga na siya ng maluwag ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD