Part 7

1372 Words
Dumaan ang mga araw nang same routine sa trabaho ni Cassie, sanay na rin siya, kung tutuusin hindi siya pagod sa trabaho, libre lahat at malaki pa ang sweldo niya, sabado ngayon, pinagsiesta niya ang kambal sa kwarto niya, kung dati gabi gabi etong sa kwarto niya natutulog ngayon ay hindi na, solo na niya ulit ang kwarto niya dahil bumalik na ang kambal sa kanya kanyang silid, habang nagmumuni muni bigla siyang may nareceive na text galing kay Marj Marj: Girl, musta na? Nagreply siya, Cassie: Hi girl, eto ok lang naman, masaya Marj: Girl may chika ako sa yo Cassie: Ano yun? Marj: Si Randy at Brenda mukhang nagkakalabuan na Cassie: Huh?! Bakit naman? Sa totoo lang ngayon niya lang ulit naalala si Randy, pero nagtataka siya sa sinabi ni Marj Marj: Hindi na sila sabay pumapasok at umuuwi, hindi na rin sila sabay kumakain, si Randy hindi na rin makausap, parang laging masungit, okay siya sa mga clients at applicants pero sa amin parang wala siyang gustong kausap Cassie: Talaga ba? Marj: Oo girl, pasyal ka naman kasi dito Cassie: Naku alam mo namang may work rin ako, saka baka magalit si Sir Aldo noh, Marj: Sa off mo na lang, meet tayo Cassie: Sige tingnan ko Marj: Sige girl, umiiyak junakis ko, miss nanaman ako Cassie: Okay chige Napaisip siya sa sinabi ni Marj, pero mas napaisip siya sa nararamdaman para kay Randy, ngayon niya lang ulit ito naalala, ngayon naisip niya na siguro hindi niya talaga mahal si Randy, baka nga crush niya lang ito, ni wala nga siyang naramdamang excitement nung binalita sa kanya ni Marj na mukhang nagkakalabuan na sina Randy at Brenda, siguro ay nagmature na rin siya, siguro dahil sa mga batang alaga niya, dati kasi nung si Tita Melba ang kasama niya siya ang bata kaya siya ang makulit, eh ngayon may mas makulit sa kanya, biglang nagising si Sam at tumingin ito sa kanya "Miss Cassie, why are you sad?" "No baby, I'm not sad" "I thought you're sad" bumangon ito at lumapit sa kanya at yumakap "I hope were not making you sad" "Of course not baby" niyakap niya rin ito, hindi niya alam kung bakit naisip ng bata na malungkot siya, malungkot nga ba siya? Bakit? "You want to eat? Lets have a snack" ani niya "I dont like" "Why baby?" "I am not yet hungry" "So what do you want?" "I want you to be our mom" sagot nito na titig na titig sa kanya at maluha luha pa, bigla siyang nakaramdam ng awa sa bata, niyakap niya ito, naisip niya, siya nga sa edad niyang yun hinahanap pa rin niya minsan ang mga magulang eto pa kayang limang taon na gulang na bata ang hindi maghahanap ng ina? Bigla ring nagising si Phil at lumapit din sa kanila para yumakap, tuluyan nang tumulo ang luha niya, hindi niya alam, kanina pa sa labas ng kwarto niya si Sir Aldo, at narinig nito ang hiling ng anak kay Cassie, alam niyang iba na ang attachment ng mga bata kay Cassie para umabot sa puntong hilingin ng mga ito na maging ina si Cassie. Maya maya tila nakaramdam na ng gutom ang kambal kaya niyaya na niya ang mga ito na bumaba, pag baba nila andun na sa dining si Sir Aldo, nagkakape, bumati ang kambal sa kanilang ama "Hi Daddy" bati ng kambal "Hi Kids, hows your sleep?" "Ok lang po Dad, masarap mag sleep sa room ni Miss Cassie kasi andun siya" sagot ni Phil "Dad can we go to the mall? Sama natin si Miss Cassie" sabi ni Sam "Sure honey, punta tayo sa mall with Miss Cassie" sabay tingin kay Cassie, ngumiti naman siya bilang pag sang ayon "Sa Mall na tayo mag merienda" sabi ni Phil "San niyo naman gusto kumain?" tanong ni Aldo sa mga anak "McDo" hiyaw ng kambal Nailing na lang sila Cassie at Aldo sa kambal, natuloy na nga sila sa mall, tuwang tuwa ang kambal, pinapasok nila sa isang palaruan na kung tawagin ay Candy Factory, kung saan pwede nila iwan ang mga bata habang naglalaro, sinama na rin nila si Yaya Daisy at Yaya Ruth para may bantay ang kambal, nagpunta sila sa isang coffee shop, sinabi kasi ni Aldo kay Cassie na may pag uusapan sila. Sa labas sila ng coffee shop pumwesto, medyo malayo sa ibang customers "I heard what Sam told you lately" bungad ni Sir Aldo, napatingin siya dito "At their age alam kong they're still longing for their mom, hindi ko alam kung anong meron ka at ikaw ang nagugustuhan nilang mommy instead of Natalie, dont get me wrong Cassie, kasi si Natalie matagal na naming kilala, pero ikaw kailan ka lang naman nila nameet" "Sir wala po akong ginagawa sa mga anak niyo" sagot niya dito "I-I Know Cassie, what I mean is.." "Sir joke lang yun, masyado kasing seryoso, ok lang ba?" "Ok ok, yun na nga, pagpasensyahan mo na lang sana ang mga bata Cassie" "Sir, sa totoo lang, naawa po ako sa mga anak niyo, ang babata pa kasi nila para mawalan ng ina, ako nga po ilang taon na ako pero hinahanap ko pa rin po ang mama at papa ko, iba pa rin po kasi pag may sariling magulang, sa palagay ko po ang namimiss po nila is yung idea na may tinatawag na mommy" "Ok lang ba sayo yun Cassie? Na tawagin ka nilang Mommy for the mean time?" "Ho?! Seryoso kayo?" gulat niyang sagot "Naawa kasi ako sa kambal, at tama ka palagay ko nga ay namimiss nila yung idea na may tinatawag na mommy, kahit alagang alaga sila, protektado, parang kulang pa rin dahil wala yung matatawag nilang mommy" "Pero Sir makakasanayan nila yun, hindi natin alam ang magiging epekto nun sa kanila, hindi rin natin alam kung hanggang kailan ako sa inyo, baka mas lalo silang mahirapan" "Tama ka, sorry Cassie" tatango tango nitong sagot "Sir matanong ko lang po, matagal na rin po kayong biyudo, wala pa po ba kayong nagugustuhan?" tanong niya dito "Wala pa ehh, siguro dahil focused ako sa business and kids, kaya siguro wala akong makita" "Eh si Miss Natalie po?" "Hindi ko alam Cassie, gusto ko kasi yung mamahalin ang mga anak ko na parang tunay niyang anak, ayoko nung pakitang tao lang, alam mo kasi si Natalie nung buhay pa ang misis ko, kapag nagpupunta si Natalie sa bahay, hindi naman niya talaga masyadong pinapansin ang mga bata, wala silang attachment, nung nawala ang misis ko okay naman, nag effort siyang mapalapit sa mga bata pero ewan ko parang hindi totoo" "Kasi iba talaga ang gusto niyang mangyari" "What do you mean?" "I think gusto ka niya" "Parang pagkakagusto mo kay Randy?" ngingiti ngiti na tanong ni Aldo "Ay grabe Sir kanino niyo nalaman yan, grabe, ay sir, naku naku!" tarantang sagot niya "Sagutin mo na lang ang tanong ko" natatawang sagot ni Aldo "Sir iba kasi yun, si Randy ay si Randy, ewan ko Sir, ang hirap mag explain, basta yun na yun, saka may girlfriend na yun, ayoko maging third party" "Wala na ata sila ni Brenda" "Ay tsismoso ka Sir" "Hindi ahh, napapansin ko lang naman na hindi na sila nagsasabay pumasok, kumain at umuwi" "Busy ka sir diba? Napansin mo pa talaga yun?" "Observant ako hahahaha" Natawa na rin siya sa tinuring ng amo, ngayon niya lang napansin na magaan kausap si Aldo, hindi niya nga inexpect na mabibiro niya pala ito "Sir, pwede po ba akong umalis bukas, off ko naman po diba?" tanong niya dito, naalala niya si Marj, gusto niyang dalawin ang kaibigan "Sure no problem" tugon nito "Salamat Sir" "May date ka noh?" "Wala Sir imimeet ko lang si Marj, miss na kasi ako nun" "Talaga? Si Marj?" tukso nito sa kanya "Oo Sir, grabe ka sa akin Sir" natatawa niyang sagot Maya maya pa ay dumating na ang mga bata, bago umuwi ay kumain muna sila ulit, nakatulog ang mga bata habang sa biyahe, pag dating sa bahay ay binuhat na lamang ito ng mga yaya, si Aldo naman ay dumiretso na sa opisina niya sa baba, at siya naman ay dumiretso na rin sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD