Maaga siya umalis ng mansion, magsisimba muna siya saka didiretso sa bahay ni Marj, sinilip niya ang kambal sa kwarto ng mga ito bago umalis, tulog pa sila marahil ay napagod sa pamamasyal kahapon, before lunch dumating siya sa bahay ni Marj, nagdala siya ng brazo de mercedez cake bilang pasalubong, wala ang asawa ni Marj, may pasok kahit araw ng linggo, pag dating niya ang pinapakain na ni Marj ang anak at patutulugin raw para makapag usap sila ng matagal, mga 12:30 ay napatulog na ni Marj ang anak, saka pa lang sila kumain ni Cassie
"Girl, pasensiya ka na ha, alam mo naman, eto lang araw namen ng anak ko"
"Oo nga eh, sana hindi na lang ako pumunta" sabi niya
"Siraulo!, ok lang noh, ako nga nagpapunta sayo dito, ano na girl? Kwento ka naman diyan"
"Ayun na nga, mabilis lang naman ang trabaho ko, hindi ako stress, libre lahat, mababait ang kambal pati mga kasama ko sa bahay, may sarili akong room na malapit sa room ng kambal, may aircon..."
"Kamusta si Sir Aldo?"
"Ayun, mabait si Sir Aldo promise, makikita mo talaga ang love niya sa kambal"
"Eh bakit hindi pa siya nag aasawa ulit?"
"Wala pa siyang nakikita sabi niya, focused kasi sa trabaho at kambal"
"Talaga? Eh yung Natalie ba yun? Minsan nagpunta yun sa opisina, akala ko nga girlfriend ni Sir Aldo"
"Hindi noh, pinakikisamahan lang siya ni Sir kasi nga kaibigan siya ng asawa ni Sir"
"Pero mukhang may gusto sa kanya yun"
"Sinabi ko kay Sir Aldo yan ahh, pero binalik niya lang sa aken yung sinabi ko, imagine alam niya yung pagnanasa ko kay Randy"
"Hahahaha, hindi nga?"
"Oo, ewan ko dun, tsismoso rin ehh" naiiling na ani ni Cassie
"Maiba tayo, ano? Ano nang gagawin mo wala na si Randy at Brenda?"
"Anong gagawin ko? Eh di wala"
"Weh?!Sabagay parang hindi mo na nga kinukumusta si Randy sa aken"
"Kung hindi mo nga sinabi sa aken na wala na yung dalawa, hindi ko maaalala si Randy"
"Girl, may gusto ka pa rin ba kay Randy?"
"Hindi ko alam, siguro kasi hindi ko na siya nakikita kaya siguro parang dedma na ako..." at biglang nagring ang phone niya, pag kita niya galing ang tawag sa mansion, sinagot niya ito at inispeaker phone
"Hello?" sagot niya
"Hello, Miss Cassie"
"Phil?"
"Miss Cassie where are you? Why did you leave us?"
"Baby may pinuntahan lang ako, babalik ako later"
"Wala rin si Daddy"
"Huh?! Akala ko andiyan daddy niyo"
"Wala po siya, umalis po siya kanina, we miss you Miss Cassie"
"I miss you too baby, dont worry pag uwi ko may dala akong something for you and Sam"
"Yehey, thank you Miss Cassie, I love you"
"I love you too baby, I miss you too, sige babye na baby, wait niyo ako ni Sam okay?"
"Yes po, babye po" at inend na niya ang call, napatingin siya kay Marj na titig na titig sa kanya at ngingiti ngiti
"Bakit ganyan ka makatingin?"
"Wala lang, attach na attach ka na sa kambal, kay Sir Aldo ba attach ka na rin?"
"Hoy siraulo ka, alam ko tinutumbok mo praning ka"
"Hahahaha, eh bakit nagbblush ka?"
Napahawak siya sa pisngi, nag iinit nga ang pisngi niya " Siraulo ka, nanunukso ka kasi ehh"
"Hoy tumigil ka, sa aten ikaw ang pinaka malakas mang asar pero ngayon mukhang meron akong hindi nalalaman"
"Wala noh, oo attach talaga ang kambal sa akin, gusto nga nila ako tawaging mommy pero siempre hindi ako pumayag, hindi rin naman nila ako magiging mommy"
"Aba, who knows?!"
"Who knows ka pa, sapakin kita diyan ehh"
"Totoo naman, hindi naman malayo na mahulog ang loob niyo ni Sir Aldo sa isat isa, sa mga bata na lang girl, mahal ka nila"
"Napamahal na rin kasi sa akin ang mga bata, awang awa ako sa kanila lalo na pag naghahanap sila ng ina, ang babata pa kasi nila para mawalan ng ina"
"Oo girl, tama ka diyan, kawawa talaga ang bata pag nawalan ni isang magulang, kaya pumayag ka na hahahaha"
"Tarantado ka rin eh noh, puro ka kalokohan"
"Hahahaha, nakakatawa ka girl"
"Nakakaasar ka"
"Wow bago yan, ikaw ang naasar"
"Kasi ehh..."
"Hahahaha, okay lang yun, biyudo naman si Sir Aldo"
"Alam mo sabi ni Sir, kahit daw gusto niya bigyan ng ina ang mga anak niya, hindi niya raw gagawin lalo hindi niya mahal ang babae, at saka magulo isip nun, ang dami niyang kailangan iconsider lalo na ang kambal"
"Siempre anak niya yun, dapat yung mapapangasawa niya ay yung mahal ang anak niya at mahal ng anak niya"
"Tama ka"
"Oo nga, parang kayo ng mga bata" kindat nito sa kanya
"Oo parang kami ng mga bata, pero siyempre hindi naman ako mahal ni Sir Aldo"
"Malay mo"
"Lakas ng imagination mo girl, naku aalis na nga ako, baka nag aalburuto na yung mga yun" sabay tayo
"Nag aalburuto na ang mga anak mo hahahaha" tumayo na rin ito para ihatid siya
"Adik ka" natatawa niyang sagot
"Basta girl, ako una mong babalitaan ahh, kung may progress na kayo ni Sir at kung magiging mam na kita"
"Ang praning mo" sabay yakap sa kaibigan, nagpaalamanan na ang dalawa, dumaan muna siya sa isang fastfood chain para bilhan ng pasalubong ang mga bata, inorder niya yung may kasamang laruan, pauwi na siya lulan ng taxi, pabalik balik sa isip niya ang panunukso ni Marj sa kanya, hindi niya tuloy alam ang nararamdaman.