Isang linggo mula nang manggaling siya sa bahay ni Marj, madalas siyang tinetext nito at tinutukso kaya nakakaramdam tuloy siya nang pagkailang kay Sir Aldo, same routine pa lang sila ng mga bata, at since malapit na ang pasko ay naglagay na sila ng Christmas Decor lalo na ang Christmas Tree, excited ang mga bata sa paglalagay ng decor, gusto nila pati room nila may decor rin
"Miss Cassie maglalagay din ako ng christmas tree sa room ko" sabi ni Sam
"Hindi na baby, eto na lang Christmas Tree naten, malaki o"
"Hindi ba yan pwede sa room ko?"
"Hindi pwede baby kasi ang laki nung tree ehh, ibang decor na lang lagay naten sa room niyo okay?"
"Yehey!" sigaw ng kambal, habang naglalagay sila ng decor may dumating silang bisita
"Oh well...may ibang punong abala na pala sa paglalagay ng christmas decor sa bahay na to" ani ni Natalie habang nakapamewang, hindi naman lumapit ang kambal sa kanya at nakatingin lang
"Kids, greet your Tita Natalie" ani ni Cassie, saka lang lumapit ang kambal sa kanya para humalik, pagkahalik ng kambal ay bumalik ito sa paglalagay ng decor sa Christmas Tree kasama ang mga yaya, si Cassie ang lumapit sa kanya
"Wala po dito si Sir Aldo"
"I know, nasa office siya, dinalaw ko lang ang mga bata but it seems like parang hindi na nila ako kilala, kailangan mo pa silang utusan just to greet me, so I think kailangan ko talagang bumawi sa kanila"
"Okay po" tatango tango niyang sagot
"Ipapasyal ko ang mga bata, kami lang"
"Okay"
"Wow walang pagtanggi?"
"Ok lang po, saturday naman ngayon, isama niyo na lang po si Ruth at Daisy"
"Okay, do I have to say thank you?"
"No need Mam Natalie" sabay ngiti ng pagkatamis tamis, tinalikuran naman siya nito at lumapit na sa kambal
"Hi kids, miss niyo ba si Tita Natalie?" hindi kumibo ang kambal "Ahmmm,,,okay kids, punta tayo sa mall, manood tayo movie then mamili tayo ng mga stuffs niyo, gusto niyo ba yun?" hindi pa rin kumibo ang mga bata at tumingin pa kay Cassie, tumango si Cassie bilang pagsang ayon kay Natalie
"I want Miss Cassie to join us" ani ni Phil, saka siya lumapit sa mga bata
"Kids, kayo na lang nila Tita Natalie ok? Hayaan niyo pag uwi niyo ayos na yung Christmas Tree pati ibang decor, sa ngayon sama muna kayo kay Tita Natalie kasi namiss niya kayo" napataas ang kilay ni Natalie habang nakikinig sa kanila
"Okay po" sabay sagot ng dalawa
"Magbihis na kayo" ani ni Cassie saka tumingin sa mga yaya "Ruth, Daisy pakibihisan na sila please"
Tumayo na siya para ipagpatuloy ang paglalagay ng decor
"Ang husay, mukhang kuhang kuha mo na ang loob ng mga bata" tumingin lang siya at hindi sumagot "Pero wag kang pakampante, hindi ka tatagal dito sa bahay na to, hindi ka tatagal sa buhay nila"
"May sasabihin ka pa? Kasi kung wala na aakyat muna ako, nakalimutan ko may gagawin pa pala ako" hindi naman nakakibo si Natalie pero halatang naiinis ito, tumalikod naman na si Cassie nung hindi ito sumagot.
Maagang dumating si Sir Aldo, 2pm pa lang ay nasa bahay na ito dahil masama ang pakiramdam niya, pag pasok pa lang ng bahay ay nakita na niya ang Christmas Tree at napangiti siya, tumingin siya sa paligid ngunit walang tao, lumabas mula sa may komedor si Manang Rosa
"Manang asan ang mga bata?" tanong niya
"Wala sila sinama ni Mam Natalie"
"Ah ok, kasama ba nila si Cassie?"
"Si Daisy at Ruth lang, ayaw ngang sumama ng mga bata pero nangako si Cassie na pag uwi nila ayos na ang Christmas Tree kaya tinapos niya yan"
"Ah ganun ba, sige manang magpapahinga po muna ako, ang sama po kasi ng pakiramdam ko"
"Gusto mo ba ipaghanda kita ng soup? Mabuti pa uminom ka agad ng gamot"
"Sige po Manang pakidala na lang po sa kwarto ko"
"Sige iho" tumalikod na ito para bumalik sa komedor para gawan ng soup si Aldo, si Aldo naman ay paakyat na nang masalubong niya si Cassie na pababa naman
"Sir, ok lang po kayo?" gulat na tanong ni Cassie, medyo namumula na kasi ito
"Medyo masama lang pakiramdam ko, magpapahinga muna ako Cassie"
"Sige Sir" at pumunta na sila sa kanya kanyang pupuntahan, naglalagay na lang si Cassie ng Christmas light nang tawagin siya ni Manang Rosa mula kusina, pag punta niya dun ay nakaupo ito sa isang upuan at hilot hilot ang tuhod
"Manang anong nangyari?" tanong niya habang papalapit siya dito
"Naku sumumpong nanaman ang rayuma ko"
"Naku manang gusto mo po ihatid kita sa kwarto mo? Pasanin kita"
"Siraulo kang bata ka, parang kaya mo ako ahh"
"Joke lang manang siyempre hindi naman kita kaya, ang taba mo kaya"
"Anong sabi mo?" ang sama ng tingin nito sa kanya
"Joke lang manang, ikaw naman, ano? Gusto mo ihatid kita sa kwarto mo?"
"Hindi, unahin mo nang dalhin tong soup kay Sir Aldo para makakain na yun, bagong luto yan kaya tamang tama yan sa kanya"
"Pero paano kayo?"
"Mamaya na ako, kaya ko naman, hindi ko lang kaya talagang umakyat, baka matapon pa yang sabaw"
"Sige manang ako na po gagawa"
"Tulungan mo na rin siya, alam mo kasi yan pag nagkakasakit parang baby rin, para siyang si Baby Aldo"
"Huh? Paano? Anong gagawin ko? Ikaw na lang kaya manang papasanin na lang kita paakyat" tarantang sagot niya
"Siraulo ka talaga Cassie, ikaw na" iiling iling nitong sagot
"Sige na nga ako na nga"
Pag akyat niya sa kwarto ni Aldo ay medyo nakabukas ito, kaya pumasok na siya sa loob, nakahiga na si Aldo pero nakapang opisina pa rin at tila giniginaw, nakahalukipkip itong parang sanggol sa loob ng tiyan ng ina, ibinaba na niya ang bitbit niyang soup at umupo sa gilid ng kama ni Aldo, ginising niya ito
"Sir, Sir Aldo, kain po muna kayo"
"Uhm, San si manang bat ikaw ang nagdala niyan?" umupo ito sa kama
"Sinumpong po ng rayuma eh" habang inaabot ang soup dito na nakalagay sa tray
"Sir gusto mo ba ikuha kita ng pampalit ng damit?" saka siya tumayo
"Naku wag na Cassie, ako na lang maya maya"
"Ok lang Sir, ako na po, Sir ano po bang nararamdaman niyo?"
"Doctor ka na pala ngayon?"
"Balakajan Sir"
Napangiti ito sa sagot niya "Biro lang Cassie"
"Ikaw na nga iniintindi diyan, hmp" sabay irap
"Wag ka nang magalit, may sakit ako, wala akong laban sayo, kahit anong gawin mo sa akin mahihirapan akong lumaban"
"Ano naman gagawin ko sayo?" Nakapamewang na siya "Wala akong balak gawin sayo noh"
"Akala ko bibihisan mo ako"
"Sir kukuhanan lang kita ng damit pero hindi kita bibihisan noh"
"Hahahaha, natatawa ako sayo"
"Sige na Sir kain ka na, kuhanan na kita ng pampalit"
"Okay sige salamat" at kinuhanan na nga nya ng damit si Aldo, kumuha siya ng pajama at tshirt na puti, bigla siyang nagdalawang isip kung kukuhanan ba niya ito ng brief, pero kinuhanan na lang niya, baka matanong pa siya kung bakit wala siyang kinuhang brief nito, bumalik na siya kay Aldo, nakakalahati na nito ang soup na dala niya, inilapag niya ang mga kinuha niya sa gilid ng kama nito, napatingin si Aldo sa inilapag niya dahil nasa ibabaw ang brief na kinuha niya tapos ay napatingin sa kanya, bigla siyang hindi mapakali
"O bakit parang hindi ka mapakali diyan?" tanong ni Aldo
"Wala po" sagot niya
"Ayoko na Cassie"
"Huh?!" gulat niyang sagot
"I mean ayoko na ng soup, busog na ako" sabi nito habang nagtatangkang tumayo ngunit bigla itong napabalik sa paupo dahil nanginginig rin ang tuhod nito
"Sir, dyan na lang kayo, ako na bahala, punasan ko na lang kayo, ako na po bahala"
"Hindi na, nakakahiya na"
"Okay lang Sir wala pa naman yung kambal ko, este yung kambal mo pala"
"Thank you Cassie" sabay ngiti
"Sir may dagdag bayad to" sagot niya, napatingin si Aldo sa kanya nakakunot ang noo, biglang siyang napangiti "Joke lang sir, ano ka ba?"
Inasikaso na nga niya si Aldo, pero hindi na pumayag ito na bihisan pa niya, nang makapag bihis na si Aldo ay nahiga na ulit ito, nilagyan naman siya ni Cassie ng efficasent oil sa likod at minassage ng kaunti, pati sintido niya ay hinilot ni Cassie, habang hinihilot ni Cassie ang ulo niya ay nakatulog na si Aldo, tinitigan ni Cassie si Aldo, ang tangos ng ilong nito at walang pores ang mukha, parang artista, mahaba rin ang pilik mata nito at mapula ang mga labi, talagang gwapo si Aldo, mistisuhin ito, artistahin, pang leading man ang datingan, bigla siyang napailing sa naiisip, at parang ayaw na niyang tanggalin ang paningin kay Aldo, parang gusto na lang niya na alagaan ito nang may biglang naghiyawan na bata papasok sa kwarto
"Dadddddyyyy" sigaw ng kambal
Maagap siyang tumayo para sawayin ang dalawa, lumapit siya sa mga ito at lumuhod, para level lang sila
"Sam, Phil, your dad is sick, need niya magrest, kaya wag muna makulit ha?"
"Anong sakit ni Dad?" tanong ni Phil
"Flu, wag muna kayo lumapit para hindi rin kayo mahawa, punta na kayo sa room lika na" at tumayo na siya
"Hindi siya pwede ikiss?" tanong ni Sam
"Wag muna Sam, baka mahawa ka ehh"
"Ok po Miss Cassie"
"Lika na dun na lang tayo sa room niyo" at lumabas na nga sila ng kwarto ni Aldo