Part 10

994 Words
Nakatulog ang kambal sa kwarto ni Cassie, si Cassie naman ay hindi makatulog, iniisip niya si Sir Aldo, hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya, para siyang kinikilig na hindi niya mawari, naalala niya habang hinihilot niya ang ulo nito at natutulog, baka kung hindi pa dumating ang kambal ay natulala na siya ng husto kakatitig dito, nakaramdam siya ng pagkauhaw kaya nagdesisyon siyang bumaba, pag baba niya nakita niya si Sir Aldo sa may komedor at nakaupo "Sir anong ginagawa niyo dito? Bakit pa po kayo bumaba?" gulat niyang tanong dito habang papalapit siya "Ahh Cassie, wala naman, iinom sana akong tubig pero bigla kasi akong nahilo" "Sir dapat siguro magpacheck up kayo" "Hindi na kailangan, dala lang siguro ng sama ng pakiramdam to" "Teka ako na po kukuha ng tubig" at inabutan niya nga ito ng tubig na hindi malamig "Salamat" sabi nito pagkainom "Sir gusto mo kumain? iinit ko po yung sabaw na niluto ni Manang Rosa" "Ayoko wala akong gana" "Kaya niyo po ba Sir? Wait lang po sabayan ko na po kayo pag akyat" at uminom muna siya ng tubig Inalalayan niya si Aldo habang naglalakad dahil baka bigla itong matumba, medyo mainit pa ang balat nito "Sir uminom na po ba ulit kayo ng gamot?" "Hindi pa pala" "Mabuti po uminom po muna kayo" alalay niya rin si Aldo pati sa hagdan, nakahawak naman ito sa kamay niya, at habang umaakyat sila parang mas mauuna pa siyang matumba kay Aldo, para kasi siyang nakukuryente sa pagkakahawak nito sa kamay niya, pag dating nila sa kwarto ay pinahiga na niya ito, nagpaalam siya na bababa muna para kumuha ng tubig para makainom ng gamot si Aldo, kumuha na rin siya ng sabaw para mapakain ito, ininit na lang niya ito sa microwave oven, pag akyat niya ay umupo siya sa gilid ng kama na malapit kay Aldo "Sir kain ka muna bago uminom ng gamot mo" "Ayoko Cassie wala akong gana" "Hindi pwedeng hindi ka kakain, baka sikmurain ka pag inom mo ng gamot, saka para makabawi ka ng lakas agad agad" "Ayoko nga" "Ayaw mo? Gusto mo paluin kita?" akma niyang sinusubo ang kutsara kay Aldo "Sige na baby ahh na, ahhh" sumubo naman si Aldo "Susubo ka rin pala ayaw mo pa" "Ang kulit mo kasi" "Ako pa makulit, mas makulit ka kaya ayaw mo kumain, o dali na subo ulit, ahhh, eto na airplane maglalanding na sa bibig ni Baby Aldo" nganga nanaman ang Aldo, nangingiti naman ito pagkasubo "Alam mo Cassie ang kulit mo" "Okay na yun, basta kumain ka" naubos na ni Aldo ang sabaw na kinain niya at pinainom na ito ng gamot, hinipo niya ang nuo ni Aldo at nagulat siya ng hawakan nito ang kamay niya "Salamat Cassie, hindi na kasi kasama sa trabaho mo ang alagaan ako" "Okay lang Sir, basta ikaw" "Huh?" "Ahh ang ibig kong sabihin wala pong problema dun, sige Sir pahinga ka na po para makabawi po kayo ng lakas, magpapahinga na rin po ako" "Salamat ulit" "No problem po" tumayo na siya at kinuha ang pinagkainan ni Aldo at binaba na ito sa kusina, umakyat na siya sa kwarto niya at humiga na sa gitna ng kambal, pag higa niya nagising si Sam "San ka galing?" tanong nito habang pupungas pungas pa ng mata "Uminom lang ako tubig baby, sige na sleep ka ulit" at natulog na ulit ito Sa kabilang kwarto naman ay hindi rin makatulog si Aldo, naisip niya ang nangyari kanina, sa totoo lang kaya si Cassie ang pinili niya na maging governess ng mga anak niya ay hindi lang dahil sa connection ng mga bata dito, kundi sa connection na rin na naramdaman niya nang makita niya itong kausap ng mga bata, nakaramdam siya bigla ng paggaan ng loob kay Cassie nang makita niya ang eksenang yun, natuwa pa siya nang nalaman niya na palaban ito kay Natalie, unti unti na siyang inaantok ulit marahil ay dahil sa gamot na ininom niya. Kinabukasan ay maagang nagising si Cassie, palabas na siya ng kwarto nang masalubong si Manang Rosa na may dalang tray na may lamang pagkain, dadalhin niya ito kay Aldo "Good Morning Manang, kamusta na po rayuma niyo?" "Ayus na Cassie, naipahinga ko na, naghahanda na sa baba ng almusal" "Ahh ganun po ba? Sige po gigisingin ko na po ang mga bata" at bumalik siya sa kwarto para gisingin ang kambal Pagbaba nila ay nagtaka ang kambal kung bakit wala pa si Aldo "Miss Cassie wala po si Daddy?" ani ni Sam "May sakit pa si Daddy ehh, kaya tayo muna ang kakain" "Pwede ba natin siya dalawin later?" sabi ni Phil "Okay baby ask ko si Daddy niyo later kung okay na siya ha?" "Kawawa naman si Daddy walang nag aalaga, Miss Cassie ikaw na lang mag alaga sa kanya, wag mo na muna kaming alagaan" ani ni Sam "Dont worry baby, daddy will be alright" sabi niya "Hi baby" si Aldo, nakababa na siya, medyo ok na pakiramdam niya kaya nagdecide siya na sa baba na lang kakain "Daddy" sigaw ng kambal at yumakap kay Aldo, yumakap siya sa mga bata at naupo na sa pwesto niya, bumalik na rin ang mga bata sa kanya kanyang pwesto "Daddy buti ok na" sabi ni Phil "Yes baby and thanks to Miss Cassie" sabay tingin kay Cassie, napayuko siya para siyang nahiya sa sinabi ni Aldo "Thank you Miss Cassie" sabi ni Sam sabay yakap din sa kanya "No problem baby" "Kids I still need to rest later ahh but Cassie can I ask you something?" "Yes Sir ano po yun?" "Si Brenda kasi, nagfile siya ng leave for two months, and I need someone na mag aasikaso para sa Company Holiday Party and Give aways, Can you help me?" "Sure Sir, no problem" "Daddy sama kami sa party" sabi ni Phil "Sure baby sama kayo nila Miss Cassie" "Yehey!!!" hiyaw ng kambal "Sige na eat kayo" sabi ni Cassie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD