Pagkatapos nilang mag almusal ay umakyat na ulit si Aldo sa kwarto niya, ang kambal naman ay maliligo raw sa swimming pool, ang dalawang yaya naman ang nagbantay sa kanila, si Cassie naman ay nasa kwarto naman niya at nag iisip na plano para sa gagawing Company Holiday Party at Give aways, after one hour ay pinapasok na niya ang kambal, malamig na kasi ang panahon at baka magkasakit ang mga bata
"Miss Cassie gusto ko pa magswim" ani ni Sam habang pinupunasan niya, nasa kwarto na sila para magbihis
"Enough na baby kasi malamig na ngayon, baka magkasakit kayo like Daddy"
"Di ba magaling na si Daddy? Sa swimming niya rin ba nakuha ang sakit niya?" ani ni Phil na pinupunasan naman ni Yaya Daisy
"Marami kasing factor kung bakit nagkakasakit hindi lang sa swimming" sagot naman niya
"Akala ko sa swimming niya yun nakuha kasi hindi naman siya nagsswim dito ehh" sagot ni Phil, nangiti lang siya sa sagot nito
"O sige na, magbihis na kayo, tapos maya maya maglalunch na tayo then siesta time"
"Pwede ba kami magsleep sa room mo?" tanong ni Sam
"Yes baby, pero may gagawin kasi ako, di ba may pinagagawa si Daddy? Tatapusin ko yun tapos kayo magsleep, pag gising niyo magmemeryenda naman kayo"
"Gusto ko ng spaghetti" ani ni Phil
"Okay magluluto ako ng spaghetti" sagot niya
"Yehey thank you Miss Cassie" sabay yakap at halik sa kanya ni Phil "Sana ikaw nalang talaga mommy namin"
"Pero hindi pwedeng palitan ang mommy niyo, kahit wala na siya, still siya pa rin ang mommy niyo" sagot niya
"Yes I know, but you can be our second mom, unless ayaw mo sa amin ni Sam"
"Phil, Sam, always remember that I love you both, kung ako lang ang masusunod gusto ko maging second mom niyo, sino ba naman ang tatangging maging babies kayo, ang gaganda niyo na ang babait niyo pang mga bata, at ang lalambing"
"Sasabihin ko kay Daddy na gusto ka namin maging mommy" sagot ni Sam, at patakbo na ito sa labas ng kwarto nang may makita siya "Daddy!" at tumakbo ito sa ama
Nagulat siya sa nakita, hindi niya alam kung narinig ba nito ang pinag uusapan nila ng mga bata, kinarga ni Aldo si Sam
"Daddy, gusto namin maging mommy si Miss Cassie" sabi nito
"Sam, si Miss Cassie lang pwedeng magdecide niyan, sa ngayon wag niyo na lang siya ipressure ha?" sagot ni Aldo at napakunot naman ang noo niya sa sagot ni Aldo, bakit siya lang? Ano ang gusto nitong palabasin, napag usapan na nila ang issue na yun pero naguguluhan siya sa sinasabi ni Aldo
"But she said she love us"
"Good!!! That's nice" sagot niya, binaba na niya si Sam "Sige baby sinilip ko lang kayo, balik lang si Daddy sa room ko ahh"
"Okay Daddy I love you" ani ni Sam
"I love you too baby, you and Phil are my precious treasures" at umalis na nga ito, si Cassie naman ay naiinis pa rin sa sagot nito kay Sam, parang pakiramdam niya sa kanya nakakasalalay ang lahat, paano naman siya magiging mommy ng kambal kung hindi sila mag asawa, napailing naman siya sa naiisip, hindi rin siya sumabay sa tanghalian, nagdahilan na lang siya na busog pa pero ang totoo ay hindi pa rin naaalis ang inis niya kay Aldo, at nagsiesta na nga ang mga bata, tapos na rin siya sa planning na ginawa niya kahit bwisit na bwisit siya, bumaba siya para magprepare sa iluluto niyang spaghetti na request ni Phil, buti na lang may stocks sila sa kusina ng mga ingredients na magagamit, patapos na siya sa pagluluto ng spaghetti sauce nang hindi niya namalayan na nasa likod na niya si Aldo
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Aldo
"Ay kalabaw ka!" gulat niyang sagot
"Nagulat ba kita? Sorry akala ko alam mo na nandito ako"
"Hindi ko po alam, tapusin ko lang po to at susunod po ako sa inyo, mga 5 minutes po" padabog niyang sagot
"Galit ka ba?"
"Hindi ahh, bakit ako magagalit?"
"Parang galit ka kasi"
"Hindi nga, sige na umalis ka na susunod na lang ako"
"O anong nangyayari dito? Nagtatalo ba kayo?" tanong ni Manang Rosa nang bigla itong dumating
"Inaaway niya ako Manang" sagot ni Aldo, bigla siyang humarap at nakita niyang ngingiti ngiti si Aldo
"Hindi kita inaaway Sir" pinagdiinan niya pa ang salitang Sir
"Nagagalit ka kaya sa akin"
"Hindi nga ako galit", si Manang Rosa naman ay iiling iling
"Inaaway mo ako eh" pagpupumilit ni Aldo
"Hay naku, para kayong mag asawang nag aasaran tapos ay maglalambingan" biro ni Manang Rosa
"Hala si Manang grabe ang imagination" gulat niyang sagot, ramdam niyang namula ang pisngi niya
"War freak sigurong maging asawa to Manang" sagot naman ni Aldo na parang balewala ang biro ni Manang
"Ewan ko, pero mukhang masarap siyang magluto ng spaghetti"
"Sige nga patikim ng sauce" lapit si Aldo sa kanya, kumuha ito ng kutsara at tinikman ang sauce na ginawa niya "Pwede na rin...pwede nang mag asawa..masarap nga"
"Ahh talaga, naku pwede nang mag asawa si Cassie, di bale malay mo ligawan ka rin ni Randy" sagot ni Manang
Biglang kumunot ang noo ni Aldo "Tapos naman na ata yan lika na, pag usapan naten yung sa party" parang biglang nawala ito sa mood at nauna na itong umalis
"Anong nangyari dun?" tanong niya
"Baka nagseselos" sagot ni Manang
"Si Manang talaga, bakit naman magseselos yun?"
"Ewan ko, biglang nabad mood, inaway mo kasi'
"Parang bata nagsusumbong pa, Manang kayo na po bahala sa noodles, at nagagalit na ang boss ko" at sumunod na siya dito
Naabutan niya ito sa may sala at nakatayo sa may tapat ng Christmas Tree
"Sir" mahinahon na siya, natakot rin siya kasi baka mapagalitan pa siya pag sinungitan pa niya
"Okay ka na ba?" tanong nito pero nakatingin pa rin sa Christmas Tree at mukhang seryoso, at hindi siya nililingon
"Okay naman po ako"
"Pasensiya ka na sa sagot ko kay Sam kanina, alam ko namang dun sumama ang loob mo, hindi ko na rin alam kung paano pa sila sasagutin, hulog na hulog na kasi ang loob nila sayo, at alam kong napamahal na rin sila sayo" sagot nito, pero hindi pa rin siya tinitingnan
"Sir...may problema po ba?" kinakabahan niyang tanong, pakiramdam niya ay papaalisin na siya nito
"Wala Cassie, gusto ko lang humingi ng pasensiya talaga, sorry" saka lang ito tumingin sa kanya, makikita mo talaga sa mga mata niya ang lungkot
"Sir, kalimutan niyo na po yun, opo naiinis po talaga ako sa sinagot niyo kay Sam, pero naintindihan ko na po ngayon" sagot niya rito habang titig na titig siya mukha nito, hindi nila namalayan na halos magkalapit na ang mga mukha nila
Gustong gustong hawakan ni Aldo ang pisngi ni Cassie, hindi niya alam pero pakiramdam niya ay nahuhulog na ang loob niya rito, si Cassie naman ay ganun rin, aminin man niya at hindi sa sarili niya, may iba na rin siyang nararamdaman kay Aldo, nakalimutan na nga niya si Randy diba, nang biglang nagring ang phone ni Aldo, saka lang sila naghiwalay ng tingin, sinagot ni Aldo ang phone
"Hello, oh hi Natalie, whats up?" sagot niya dito, napaismid naman si Cassie nang marinig ang pangalan ni Natalie
Pagkatapos mag usap ni Aldo at Natalie ay pumasok na sila sa opisina para pag usapan ang mga kakailanganin para sa party, inapprove naman ni Aldo ang suggestions ni Cassie, nagdecide rin si Aldo na isama na sa party ang pamilya ng mga tauhan niya, magpapalaro rin sila at magbibigay ng gift sa mga bata, patapos na sila ng biglang may pumasok sa opisina ni Aldo, si Phil at Sam na hindi man lang nakapagsuklay at pupungas pungas pa
"O kamusta naman ang kambal ko?" sabi ni Aldo, lumapit ang kambal sa kanya at hinalikan niya sa noo isa isa
"Daddy hungry na ako" ani ni Phil
"O nagluto si Miss Cassie ng spaghetti, request mo yun diba?" lumapit ito kay Cassie at yumakap
"Thank you Miss Cassie, kain na po tayo"
"Sige baby kain na tayo, punta lang ako dun para magprepare, sunod na lang kayo nila Sam at Daddy"
"Okay"
Nagpunta na siya sa kusina para magprepare, naglabas na rin siya ng orange juice at loaf bread, maya maya andyan na ang mag-aama
"Yehey spaghetti" ani ni Phil
"I want it also" ani ni Sam
"Of course baby, para sa lahat yan, sana magustuhan niyo" sabi niya
"Manang may butter pa tayo? Pwede pagawa ng toast? Masarap yun kasama ng spaghetti" ani ni Aldo
"Sige sige gagawa ako"
"Ako na po Manang" ani ni Cassie
"Hindi na, ako na, kumain ka na diyan"
"Hindi po Manang ako na po, gagawa na rin ako ng garlic bread"
"Gusto ko rin yun" sagot ni Sam
"Sige yun na lang mommy, este Cassie" biro ni Aldo, inirapan niya si Aldo bago umalis
"Ay si Daddy tinawag na mommy si Miss Cassie, hindi mo siya pwedeng maging mommy kasi old ka na" ani ni Phil
"Nagkamali lang po my little man" sagot naman ni Aldo, after ilang minutes ay natapos na rin si Cassie sa paggawa ng garlic bread, pag balik niya sa dining ay hindi pa nagsisimula ang mag aama
"O, bat hindi pa kayo nagstart?"
"Wait ka namin" ani ni Sam
"Ok, sige start na tayo" binigyan na niya isa isa ang kambal, nilagyan niya muna ng kaunti ang pinggan nila at garlic bread, tuwang tuwa siya nang makita niyang gustong gusto ng mag aama ang niluto niya, pati si Aldo ay nakailang kuha na rin ng spaghetti at garlic bread
"Manang kumain na rin po kayo" ani ni Cassie
"Ay oo sige pagtapos niyo na lang, nakakatuwa naman ang dami nilang nakain" nakangiting sabi ni Manang
"Masarap po kasi Manang, ang cheesy po" sabi ni Phil "this is the most delicious spaghetti in town"
"Sus nambola pa siya" nakangiting sabi ni Cassie
"No Miss Cassie, masarap siya, sa Christmas luto ka ulit nito please?"
"Ahm, speaking of Christmas, guys gusto ko sana sa resthouse tayo sa Tagaytay magcelebrate"
"Yes Daddy gusto ko din" excited na sabi ni Sam
"Lahat tayo Daddy, sama sila yaya, si Manang at Miss Cassie ahh"
"Ahm Cassie, hindi pala kita natanong, may iba ka bang plano para sa Christmas?" tanong ni Aldo
"Wala naman po Sir, kasi si Tita Melba aalis rin sila ng bansa" medyo malungkot na sabi niya
"Sama ka na lang sa Tagaytay" sabi niya
"Sige po Sir" nakangiti niyang sago
"Very good" ani ni Aldo
"Yehey complete tayo Christmas" ani ni Sam
"Miss Cassie, magcook ka ulit ng spaghetti sa Christmas please?" ani ni Phil
"Okay sige, ipagluluto ko kayo ulit"
"We love you Miss Cassie" ani ng dalawa
"I love you too" sagot naman niya sabay tingin kay Aldo na nakangiti naman sa kanya, bigla siyang napayuko, pakiramdam niya namula ang pisngi niya.