Part 12

1796 Words
Lumipas pa ang mga araw at dumating na ang araw ng Company Party, 7pm pa ang start ng party pero 5pm pa lang andun na si Cassie sa venue para icheck ang mga kailangan, susunod na lang sina Aldo at mga bata, okay naman na ang lahat, dumating na ang Catering Services, Photobooth, food carts na kinuha nila para sa mga bata, mga sound system at iba pa, 6:30pm na unti unti nang dumarating ang mga tauhan nila kasama ang pamilya ng mga ito, dumating na rin Marj kasama ang asawa nito at anak "Cassieeeeee" excited na tawag nito sa kanya "Uy, kamusta?" Nagbeso sila "Uy girl, ano na? Ikaw pala nag asikaso ng party namin ahh, ang sosyal girl ahh, buti kasama ang pamilya ngayong year" "Si Sir Aldo ang nagdecide nun na isama ang family members, siyempre Christmas is for family" sagot niya "Eh friend, andyan na ba si Randy?" "Parang hindi ko pa kasi siya napansin" sagot niya "Hindi siguro pupunta yun" "Sayang naman kung hindi siya pupunta" "Sayang kasi hindi mo siya makikita o sayang kasi sayang lang talaga" panunukso ni Marj "Eto talaga, walang pagbabago, kumuha na kaya kayo ng pwesto, paupuin mo na yang mag ama mo kesa inaasar mo ako" "Sige mamaya na lang ahh hihihi" "Sige mamaya" nakangiti niyang sagot Maya maya ay dumating na si Aldo kasama ang kambal, nakapolo ito ng light blue na may anchor prints na maliliit at black slacks, si Sam naman ay nakadress rin na light blue na may flower designs sa ilalim, si Phil naman ay parang little Aldo sa porma, nakamaong pants nga lang ito, at bigla siyang napatingin sa suot niyang dress, nakalight blue dress din kasi siya na may maliliit na flower designs at white cardigan, napailing na lang siya, wala naman kasi siyang idea na magkakapareho sila ng color na isusuot, wala kasi silang motif para dun, nang makita siya ng mga bata ay tumakbo ang mga ito sa kanya "Miss Cassie we miss you" ani ni Phil "Miss you too baby, ang gaganda naman ng mga batang ito" "Si Daddy pumili ng isusuot namin" sagot ni Sam "Okay, maganda" "Si Daddy rin ba pumili ng isusuot mo?" tanong ni Phil "Ahh hindi baby, ako lang pumili nito" "Hi Cassie" nakalapit na pala si Aldo sa kanila "Hi Sir" "Okay na ba ang lahat?" "Opo sir, so far wala naman pong problema" nang may biglang lumapit sa kanila na photographer "Sir, Mam, family picture po" "Ahh sige kuya" at lalayo na sana siya nang hawakan siya ni Aldo sa siko, nilapit siya ni Aldo sa tabi nito at nakapwesto naman sa harap ang kambal na ngiting ngiti, naiilang man lang ay nakuha pa rin niya ngumiti, nakita naman niya si Marj na nakatingin sa kanya na parang nanunukso, nang matapos ang picturan ay humarap siya kay Aldo "Sir, family picture nga raw diba? Dapat hindi mo na ako sinama" pabulong niyang sabi "You are now part of the family, hey Cassie, its Christmas wag kang paranoid" pabulong rin na sagot nito, hindi nila alam na pinicturan sila ng photographer habang nag uusap Nagsimula na ang programa, nasa iisang mesa sila ni Aldo kasama ang mga bata, hindi na sinama ni Aldo ang mga yaya para makapagpahinga rin, tumayo naman si Cassie para kumuha ng inumin nang may biglang lumapit sa kanya "Hi Cassie" si Randy "O Randy, kamusta? Hindi kita napansin na dumating kanina ahh" gulat niyang tanong, medyo pumayat ito pero gwapo pa rin, broken hearted nga siguro "Kararating ko lang ehh, traffic kasi" "O kamusta ka naman?" "Eto okay naman, alam mo na siguro ang nangyari" "Oo sorry to hear the news" "Ganun siguro talaga hindi siguro talaga kami para sa isat isa ni Brenda" "Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin" "Wala ka namang dapat sabihin, wag kang mag alala matino pa isip ko" nakangiting sagot nito "Ahh Cassie excuse me" si Aldo, bigla na lang itong sumulpot sa tabi nila "Sir" gulat na sagot ni Cassie "Cassie, dumating na si Mr. Marquez, kailangan ko siyang iassist" "Sige Sir, puntahan ka na po yung mga bata, Randy dun muna ako sa table namin" "Sige lang go ahead" at tumalikod na si Cassie "Hi Randy kamusta?" ani ni Aldo at kinamayan ito "Okay lang Sir" "Sige dun muna ako kina Mr. Marquez, see you around, enjoy lang kayo" "Sige po Sir" at tumalikod na rin si Aldo kay Randy at lumapit na siya kay Mr. Marquez Habang nasa mesa ay behave naman ang kambal, kumakain ang mga ito ng cotton candy, Pinicturan naman ni Cassie ang mga ito, panay pose naman ang kambal habang kumakain nang biglang lumapit si Randy sa kanila "Cassie" "Randy upo ka" at umupo ito sa tabi niya "Hi Kids" bati ni Randy sa kambal "Hello po" sabay na sagot ng kambal "Ang cute ng mga alaga mo" "Naman, ang lalambing pa ng mga baby na yan, o ano nga pala ginagawa mo dito? Wala kang kasama?" "Wala ehh, okay lang ba dito muna ako?" "Sure wala namang problema" "Mukhang hiyang ka sa bago mong work" nakangiting sabi ni Randy habang titig na titig sa kanya "Bakit? Tumaba ba ako?" "Mas lalo kang gumanda" "Weh hindi nga?" "Oo naman" "Niloloko mo lang ako" "Hindi ahh, totoo ang sinasabi ko, lalo kang gumanda" "Thank you!" "Thank you lang walang kiss?" biro pa nito sa kanya "Hindi ka pwede ikiss ni Miss Cassie" sabi ni Sam, at sabay silang napatingin kay Sam "Nagbibiro lang si Mr. Randy baby" sagot naman ni Cassie "Isusumbong ko siya kay Daddy" sabay tayo at tumakbo papunta sa ama, nagulat sila Cassie at Randy sabay silang napatayo para sundan ang bata, kinausap ni Cassie si Phil na wag aalis, pag tingin niya ay nakalapit na ang bata sa ama nito, napatingin si Aldo sa kanya na nakakunot ang noo, nagpaalam si Aldo sa mga kausap at bumalik sa mesa nila, si Randy naman ay umalis na lamang at hindi na bumalik dun pero nakatingin sa kanila, umupo si Aldo sa may tabi ni Cassie "Ano yung sinasabi ni Sam?" bulong ni Aldo sa kanya, may diin ang bawat salita nito "Ano po ba ang sinabi ni Sam?" "Sabi niya ang sabi raw ni Randy thank you lang walang kiss" "Nagbibiro lang po si Randy" "Kahit na, talagang sa harapan pa ng mga bata Cassie?" Bigla siyang napatingin kay Aldo, kita niya ang galit sa mga mata "Sir sorry po" "Ayoko nang maulit pa to Cassie please" "Ang alin po?" "Ang pakikipaglandian mo sa harapan ng mga anak ko" "Hindi ako nakikipaglandian, oo swelduhan mo lang ako pero wala kang karapatan na husgahan ako" bigla siyang tumayo at hindi na lumingon, sinundan siya ni Marj dahil napansin nito na tila mainit ang ulo ni Aldo, naiwan naman si Aldo na iiling iling, ayaw niyang sabihin yun pero nadala lang siya ng selos, oo selos, dahil kanina pa nang nag uusap ang dalawa sa may mesa nila ay nagngingitngit na ang loob niya, hindi siya selosong tao pero gusto ni Cassie si Randy, at hiwalay na si Brenda at Randy. Pumasok sa restroom si Cassie at pumasok sa isang cubicle, dun niya binuhos ang sama ng loob, nasaktan siya sa sinabi ni Aldo, nasaktan siya dahil kay Aldo pa niya narinig yun, wala naman siyang ginagawang masama, narealize niya rin na wala na talaga siyang nararamdaman pa kay Randy at mahal na niya si Aldo, sumunod si Marj sa kanya, at tinawag siya, lumabas siya sa cubicle at yumakap lang sa kaibigan habang umiiyak, nagpalipas sila sa loob ng restroom nang ilang minuto, gusto niya lang ilabas ang sama ng loob sa pamamagitan ng pag iyak, hindi siya nagsasalita at nirespeto yun ni Marj, pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na rin sila sa restroom, siya ay bumalik na sa mesa nila pero wala na ruon si Aldo, mas maigi na rin yun, pag upo niya ay lumapit si Sam sa kanya at yumakap "Miss Cassie sorry po" nangingilid ang luha na sabi ng bata "Its okay baby, dont worry" "Dont get mad at me please?" "Of course I'm not mad" habang yakap niya ang bata at hinalikan ito sa noo, lumapit rin si Phil at yumakap sa kanila Natapos ang party, masaya ang lahat na umuwi, maraming uwing give aways at package may cash bonus pa, innanounce ni Aldo na nasa ATM na ng mga ito ang kanilang Christmas Bonus bukod pa sa 13th month pay, nagpaalam na si Marj kay Cassie, si Randy naman ay sumenyas na lang sa kanya at tinanguan niya, pauwi na sila sa bahay, si Mang Nestor ang nagdadrive, si Aldo ay nakaupo sa tabi nito at walang kibo, si Cassie naman ay katabi ang kambal sa likod at ang mga ito ay tulog na, siya naman ay nakatingin sa labas ng sasakyan, masama pa rin ang loob niya, nakarating sila sa bahay ng matiwasay, kinuha ni Aldo si Phil at nung kukunin na rin niya si Sam sinabi ni Cassie na siya na ang bahala kay Sam, binuhat na niya si Sam at dinala sa kwarto nito, binihisan niya ang bata ng pantulog, pumunta rin siya sa kwarto ni Phil pag bukas niya ng pinto ay palabas na si Aldo at napayuko siya "Bibihisan ko lang si Phil" sabi niya "Okay na, nabihisan ko na siya" "Okay po, magpapahinga na rin ako" at tumalikod na siya "Cassie" pinigilan siya nito sa kamay, bigla siyang kinabahan at gusto nanaman tumulo ng luha niya, hinawakan siya ni Aldo sa balikat at hinarap siya nito sa kanya "I'm so sorry sa nasabi ko kanina, hindi ko sinasadya Cassie, nabigla kasi ako sa sinabi sa akin ni Sam" "Okay na yun Sir, kalimutan na natin ang nangyari, pasensiya na rin kung nasagot ko po kayo kanina" nanatili siyang nakayuko, bigla siyang hinawakan sa baba ni Aldo at inangat ang mukha niya, hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya, pinunasan ito ni Aldo sa pamamagitan ng daliri "I mean it Cassie, Sorry talaga sa mga nasabi ko hindi na mauulit yun promise" hindi na siya nakakibo, nagtuloy tuloy lang ang tulo ng luha niya, bigla siyang niyakap ni Aldo "Shhh Cassie please stop crying, lalo lang akong nagiguilty" gumanti siya ng yakap pero maya maya ay lumayo na siya kay Aldo at pinunasan ang luha niya "Okay na Sir, magpahinga na po tayo, pareparehas na po tayong pagod, good night po" at tumalikod na siya dito para pumunta sa kwarto niya, nasa may pinto na siya nang magsalita ulit si Aldo "Good night Cassie" ani ni Aldo, nginitian niya lamang ito at pumasok na sa loob ng kwarto niya, pagkasara niya ng pinto ay muling tumulo ang luha niya, nasaktan kasi talaga siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD