Part 13

1781 Words
Kinabukasan ay nagising si Cassie nang past 9am na, may nakita siyang 3 long stemed white roses na nakabox sa side table niya, kinuha niya ang bulaklak, may card na nakalagay at may nakasulat na "Sorry", alam na niya kung kanino yun galing, napangiti siya, wala na rin ang sama ng loob niya, tatayo na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto niya, pinapasok niya yung kumakatok habang siya ay nakaupo sa gilid ng kama, nagulat siya nang pumasok ang kambal, si Sam may dalang balloon na may nakalagay na "Sorry" at si Phil naman ay may hawak rin na balloon na ang nakalagay ay "Thank You", lumapit ang kambal sa kanya at humalik sa pisngi niya at inabot ang mga balloon "For you daw po sabi ni Daddy" ani Phil "Okay baby" tinanggap naman niya, tumingin ang kambal sa may pinto, andun si Aldo, may dala itong food tray na may lamang almusal, nakangiti ito habang papalapit sa kanya "Good Morning" ani nito "Good Morning Sir" sagot naman niya, nilapag ni Aldo ang tray sa may kama niya "Kain ka na, ako nagprepare niyan" "Walang lason yan?" biro niya, nakangiti na rin siya "Wala ahh" "Daddy kasali kami sa nagprepare niyan" ani ni Sam "Ahh oo nga pala kaming tatlo ang nagprepare" sabay kindat, hindi naman siya napakali sa kindat ni Aldo, parang gusto niya itong yakapin "Hmmm okay, pinagtulungan niyo talaga tong fried egg, bacon at toasted bread pati na rin orange juice, how sweet naman" nakangiti niyang sabi "Oo naman, hirap kayang gawin niyan" sagot ni Aldo "Wow ahh hahaha" "O siya kumain ka na, lalabas na kami" at niyakag na nito ang mga bata para lumabas, bago pa makalabas ang mag aama ay tinawag niya ulit si Aldo "Sir" at lumingon ito sa kanya "Thank you" nakangiti niyang sabi, tumango ito at lumabas na "I love you" bulong niya sa sarili Pagkatapos niyang kumain ay naligo na siya at nagbihis, nakashorts lang siya na maong at tshirt na plain na baby pink ang kulay, pababa na siya ng hagdan dala dala ang tray nang masalubong niya si Aldo, kinuha nito ang tray sa kanya "Ako na yan" ani ni Aldo "Wag na po, ako na lang" "Hindi na okay lang, pambawi ko na rin sayo" sagot nito "Sabi ko naman okay na po yun, wala na po kayong dapat alalahanin" "Basta, ang tindi kasi talaga ng guilt na naramdaman ko" nasa ibaba na sila ng hagdan "Sige Sir puntahan ko muna yung dalawa sa may pool area" at tumalikod na siya, si Aldo naman ay dala dala ang tray sa kusina, lumapit si Cassie sa gilid ng pool, kinawayan niya ang kambal "Kids, enough na" "Mamaya na, magswim pa po kami" sabi ni Sam "Okay 30 minutes" sabi niya "Ang higpit naman" biglang sabi ni Aldo, sumunod rin pala sa kanya ito, nakatabi na ito sa kanya ngayon "Malamig kasi ang panahon Sir, baka magkasakit sila" "Hindi yan, naging malusog nga sila nung dumating ka, si Phil hindi na nagkakasakit, hayaan mo na lang sila para lumakas din ang immune system" "Baka naman ako ang pagalitan mo pag nagkasakit sila" "Hindi naman, grabe ka ganun ba kasama tingin mo sa akin?" nakangiting sagot nito "Hindi naman, sinasabi ko lang, siyempre sa akin mo pinagkatiwala ang kambal pag wala ka tapos magkakasakit sila, diba parang siyempre kasalanan ko yun kasi hindi ko sila naalagaan" "Alam mo Cassie, kung mga lagnat lagnat lang, ubo at sipon parte yan ng paglaki nila, siyempre iba nang usapan pag mas malala pa dun, maiba nga pala tayo, Yung mga pictures kailan darating?" "Iemail daw nila yung mga shots, then pwede tayong mamili ng magagandang shots para sa album, kasi magbibigay sila ng free album, yung hard bound, tapos alam ko ipopost nila yun sa mga social media accounts nila" "Okay, good may free na album" "Gusto mo yun Sir?" nakangiti niyang sabi "Oo naman, mas gusto ko nga yung mga ganun kesa sa mga pictures na nakasave sa mga computers, mas gusto ko pa rin yung mga naka print outs at naka album" "Sabagay nga, parang mas memorable" "Daddy lets swim" tawag ni Phil "Later baby" sagot naman ni Aldo saka tumingin kay Cassie "Natry mo na ba magswimming dito?" "Naku Sir, hindi po, hindi ako marunong lumangoy ehh" nahihiyang sabi niya "Ahh kaya pala lagi ka lang nasa gilid ng pool" kantyaw nito sa kanya "Oo, eh ano naman? Kesa malunod ako wala namang sasagip sa akin" "Ako sasagipin kita" "Ayoko, nakakatakot" todo tanggi niya "Lika na" naghubad na si Aldo ng tshirt "Oh my God" gulat na bulalas niya, nagulat siya kasi may abs pala si Aldo at ang kinis ng balat "Bakit?" "Wala po" "Lika na" hawak hawak na siya ni Aldo sa dalawang braso patalon sa pool "Kuya wag po, parang awa niyo na aaaaahhh" sigaw niya, nahatak siya ni Aldo sa pool, sabay silang bumagsak pero hindi siya binitawan nito, akap siya ni Aldo sa may likuran niya "O diba? Sabi sayo ako ang sasagip sayo" bulong na ani ni Aldo "Ikaw rin naman lulunod sa akin" humarap siya dito pero magkadikit pa rin sila "Hindi ko gagawin sayo yun ahh" nakaakap pa rin si Aldo sa kanya "Gusto mo turuan kita lumangoy?" ani ni Aldo habang nilalagay nito ang mga braso niya sa may leeg nito at humawak sa may bewang niya "Ayoko, natatakot talaga ako" hindi na niya alam kung saan talaga siya natatakot, sa nararamdaman niya o ang malunod sa pool "Ako bahala sa iyo, hindi kita pababayaan, hindi kita bibitawan" halos nagbubulungan na lang sila, tumingin naman si Aldo sa labi niya "Promise?" "Promise, hindi kita pababayaan, hindi kita iiwan" halos papalapit na rin ang labi nito sa labi ni Cassie, kaunti na lang "Daddy lets play" si Sam nakalapit na pala sa kanila dahil nakasalbabida "Ay andyan pala kayo" "Yes Daddy" "Akala ko kami lang ni Cassie, sige game tayo, kampi kami ni Phil tapos kayo ni Miss Cassie gusto mo?" naghiwalay na sila ni Aldo, pero hawak pa rin ni Aldo ang isang kamay niya "Ang daya naman, kawawa naman si Sam ako kakampi niya" binitawan na siya ni Aldo at lumapit kay Phil, si Sam naman ay naiwan sa kanya "Kaya niyo yan" sigaw naman ni Aldo nang biglang inubo si Sam "Hala, ayan na nga ba sinasabi ko eh, tara na ahon na kayo" hinatak niya ang salbabida ni Sam, pag dating sa hagdan ay binuhat niya si Sam at dinala sa upuan na malapit lang sa pool, umuubo ubo pa rin ang bata at namumula na "Ruth pakiabot naman ng water please" ani niya, mabilis naman pumasok si Ruth sa may kusina para kumuha ng tubig at inabot kay Cassie "Drink this Sam" ani niya at pinainom kay Sam ang tubig "Okay na ako Miss Cassie" ani ni Sam "Swim na ulit ako" "No Sam, tama na inuubo ka na" "Eh bakit si Daddy at Phil?" sabay tingin sa ama at kapatid, pag tingin niya ay siya namang pang aasar ni Aldo sa kanya, dinalaan pa siya nito na siyang kinaiyak naman ng bata "I hate you Daddy" sigaw nito habang umiiyak "Shhh" ani ni Cassie sabay tingin kay Aldo "Inaasar pa kasi ehh" inupo niya si Sam sa hita niya at niyakap "Stop na baby, yaan mo na yan si Daddy" "Sorry Baby" ani ni Aldo nang makalapit ito sa kanila kasama si Phil, umupo pa siya para makalapit kay Sam, si Sam naman ay nakasubsob ang mukha sa dibdib ni Cassie habang humihikbi pa "O baby sorry na raw sabi ni Daddy" ani ni Cassie pero hindi pa rin kumikilos si Sam, yumakap pa ito ng mahigpit kay Cassie "Baby joke lang yun ni Daddy" ani ni Aldo "Why is she crying?" tanong ni Phil "Si daddy kasi" sagot ni Cassie habang nakatingin kay Aldo, si Aldo naman ay kakamot kamot ng ulo "Sige na baby, bati na tayo" suyo pa rin niya kay Sam pero hindi pa rin siya pinapansin nito "Sige ganito na lang baby, kakain na lang tayo sa McDo as my peace offering" saka lang tumingin ito sa kanya pero nakasandal pa rin ang ulo sa dibdib ni Cassie, hinawakan niya ito sa pisngi "Sige na baby, peace na tayo" humiwalay na ito kay Cassie at yumakap sa kanya, bigla ring lumapit si Phil sa kanila at yumakap "Ikaw? Wanna join?" nakangiti niyang tanong kay Cassie, inirapan naman siya ni Cassie at tumayo na rin "Naku magbibihis na nga ako" ani ni Cassie habang naglalakad papasok ng bahay, nasalubong naman niya si Manang Rosa, papalabas na sana si Manang nang malaman niyang umiyak si Sam "Anong nangyari sayo? Naligo ka na diba?" tanong nito sa kanya "Naku si Sir Aldo po kasi hinatak ako sa pool" nakasimangot niyang sagot "O siya teka, Daisy lika muna, ikuha mo nga muna si Cassie ng towel sa kwarto niya" "Naku Manang wag na" "Alangan naman pumasok ka sa loob ng ganyan, magpuputik ka pa" ani nito "Sabagay nga po" "Ano bang nangyari? Bakit umiyak si Sam?" "Paano po inubo nga siya kaya iniahon ko na sa pool, tapos nung pinainom ko ng tubig ok na raw siya, magsswim daw uli siya, pinigilan ko, eh inasar ng ama, dinilaan ba naman yung bata umiyak tuloy, na-I hate you tuloy siya" "Pero bati na yung mag-ama mo" napatingin siya kay Manang Rosa "Ano ba yan, ang ibig kong sabihin yung mag ama bati na, bat ba mag ama mo ang nasabi ko" "Ewan ko sayo Manang" sagot niya, siya namang dating ni Daisy at iniabot ang towel sa kanya, nagpunas na siya sa sarili, tumingin ulit siya sa mag-aama, ayun naghaharutan nanaman ang tatlo sa gilid ng pool, naiiling siya habang nangingiti, ang ganda kasing tingnan ng mag-aama, kahit tatlo lang sila ang masaya pa rin. Pumasok na siya sa kwarto at nagbihis, pero biglang sumama ang pakiramdam niya, medyo masakit ang ulo niya, nagdecide siya na mahiga na lang muna at magpahinga, nagbihis na rin ang mag-aama, gaya nga ng pangako ni Aldo, aalis na sila para magMcDo, "Dad sama natin si Miss Cassie" ani ni Phil "Sige wait, kakatukin ko lang sa room niya" pumunta siya sa kwarto ni Cassie para kumatok pero walang sumasagot, pinihit niya ang door knob at bukas ito, pag bukas niya ng pinto ay nakita niyang nakahiga si Cassie at natutulog "Phil tulog si Miss Cassie ehh" napapaisip siya kung talagang antok pa rin si Cassie kasi halos kagigising lang din naman nito, siguro ay pagod naisip niya, umalis na silang mag-aama, silang tatlo lang ang umalis, si Aldo na lang ang nagdrive tutal sa malapit lang yung McDo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD