Dumating na ang mag-aama, dumiretso na ang kambal sa kwarto nila, si Aldo naman ay dumiretso sa kusina at nakita niya dun si Manang Rosa na kumakain
"Manang bumaba na ba si Cassie? Kumain na ba siya?" tanong ni Aldo
"Pinuntahan ko kanina pero natutulog siya eh, hindi ko na ginising, baka kasi pagod siya"
"Ahh talaga Manang, pero alam mo naman yun energetic yun ehh, parang may mali, sige Manang puntahan ko muna, anong niluto niyo?"
"Gusto mo ba? Sinigang na sugpo"
"Wow Manang, kakain ulit ako" nakangiti niyang sagot
"Sige paghahain kita"
"Tawagin ko na po si Cassie" at tumalikod na siya para tawagin si Cassie, pag pasok niya sa pinto ay nakita niyang tulog pa rin ito, lumapit siya dito, nakita niyang namumula ang pisngi nito, hinawakan niya ito sa noo at napagtanto niyang may lagnat nga ito
"Hays sabi ko na nga ba" naupo siya sa gilid ng kama "Cassie" gising niya dito, gumalaw ito at dumilat, bigla nitong hinawakan ang ulo
"Sir, ang sakit ng ulo ko" sabi nito, nagtangka itong bumangon
"Dahan dahan, maupo ka lang" at inalalayan niya ito para makaupo, hinawi niya rin ang buhok nito na napunta sa mukha "Magpapaakyat ako ng pagkain dito, kumain ka na at nang makainom ka ng gamot"
"Wala akong gana, hindi pa ako gutom"
"No kakain ka, kailangan mong kumain at uminom ng gamot"
"Ayoko po"
"Ako ang boss dito diba?" hindi na kumibo si Cassie, lumabas na si Aldo, pagbalik nito ay may dalawa itong tray na dala kasunod si Ruth, hinatak niya yung isang side table at nilipat malapit sa kama, binaba na rin nila ang tray, lumabas na rin si Ruth, may dala silang isang malaking mangkok ng Sinigang na sugpo at kanin na para sa dalawa, may fresh orange juice din silang dala. Umupo ulit siya sa gilid ng kama ni Cassie
"Lika na kain ka na" kumuha ito ng kanin at nilagyan ng sabaw at sugpo, isusubo na niya sana kay Cassie pero tumanggi ito
"Ayoko Sir please"
"Cassie please, kumain ka na, pag hindi ka kumain sa ospital kita dadalhin" at sinubuan na niya ito, hindi na nakatanggi si Cassie kasi ayaw naman niya sa ospital, nakakalimang subo na siya pero ayaw na niya talaga, masakit kasi ang lalamunan niya
"Sir ayoko na"
"Okay, sige uminom ka muna nitong orange juice, fresh yan"
"Masakit po lalamunan ko"
"Maigi tong juice jan, mamaya papaakyatan kita ng turmeric tea, tapos uminom ka na rin ng gamot" tinanggap ito ni Cassie, marami pang natirang pagkain sa tray, napansin ito ni Cassie
"Ang dami pa pong pagkain, ang dami niyo namang inakyat"
"Kasi kakain din ako"
"Ay sorry po, kakain po pala kayo, inasikaso niyo pa ako"
"Okay lang Cassie, inasikaso mo rin naman ako dati" at kumain na nga ito, sarap na sarap siya sa sinigang, si Cassie naman ay nakatingin lang sa kanya, ang saya saya ng puso niya dahil eto si Aldo, boss niya at mahal niya ang nag aasikaso sa kanya, napansin siya ni Aldo
"Gusto mo pa ba Cassie?"
"Ayoko na, natutuwa lang ako sayo kasi ang gana mong kumain"
"Paborito ko kasi tong sugpo"
"Ako rin, masarap yan noh? Mahal lang talaga"
"Oo masarap, sige na pahinga ka na, pagkatapos kong kumain ilalabas ko na ito at babalik ako para bantayan kita"
Humiga na si Cassie " Thank you Sir" at pumikit na siya, maya maya lang ay tulog na ulit siya, pagtapos kumain ay niligpit na ni Aldo ang pinagkainan nila, nilabas niya lang ito sa kwarto ni Cassie, pumunta siya sa kwarto niya para tumawag sa intercom, pinakuha na lang niya ang mga tray at nagbihis na siya, pag labas niya ay wala na ang tray sa labas kwarto at pumasok na ulit siya sa kwarto ni Cassie, kinumutan niya ito, at tumabi siya dito sa kama, tinitigan niya ito at hinaplos ang buhok, kung titingnan mo kasi si Cassie ay hindi mo iisiping may tinatago itong kulit, hindi na nga tago ang kulit nito kung tutuusin, ang kinis rin nito at maputi, makipot ang labi at natural ang pagiging mapula, ni hindi nga ata uso dito ang kasabihang "Kilay is life", bigla itong gumalaw at humarap sa kanya, humiga na rin siya ng paharap dito, tinititigan niya pa rin si Cassie, hinaplos niya ang pisngi nito,maya maya pa ay nakatulog na rin siya.
Almost 7pm na nang magising si Cassie, pag mulat ng mata niya ay lumingon siya sa bandang kanan niya, at si Aldo ang bumungad sa kanya, nakatulog ito sa tabi niya at ang isang braso ay nakapatong sa tiyan niya, humarap siya kay Aldo pero hindi nito tinanggal ang braso ni Aldo na nakaakap sa kanya, tinitigan niya si Aldo at napangiti siya
"Ang gwapo talaga ng Mahal ko, kawawa naman nakatulog na lang sa tabi ko, hays Mahal ko, kung alam mo lang sana, pero ayoko namang umasa, ang layo ng agwat ng estado natin, baka isipin mo pa na yaman mo lang ang habol ko, parang teleserye lang diba Mahal? Alam mo Mahal kung wala kang makikitang babaeng mamahalin at alam ko naman na hindi mo ako mamahalin, hindi ko kayo iiwan ng mga bata, mahal na mahal ko kayo, unless ikaw ang magpaalis sa akin which is sana hindi mangyari" biglang tumulo ang luha niya, bigla namang gumalaw si Aldo at nahapit siya nito papalapit sa kanya, unti unting dumilat ang mga mata nito
"Uhm Cassie, okay ka na ba?"
"S-Sir..." sagot niya habang nanlalaki ang mga mata
"Bakit?" pero hindi pa rin nito inaalis ang pagkakaakap sa kanya at sobrang lapit nila sa isat isa "May masakit ba sayo?"
"Wala po", hinawi ni Aldo ang buhok na napunta sa pisngi niya at tinitigan siya nito, hindi niya alam ang nararamdaman, parang ang bagal ng oras, hinawakan ni Aldo ang pisngi niya at unti unting inilapit ang mukha nito sa kanya, wala na siyang nagawa ng bigla siyang halikan nito sa labi, nabigla man ay gumanti rin siya ng halik rito, lumipat ang labi nito sa pisngi niya pababa sa baba papunta sa kabilang pisngi hanggang makarating sa ilong pabalik sa kanyang labi, tumihaya siya habang nakahawak sa leeg ni Aldo, patuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya, lumipat si Aldo sa harapan niya, half body ni Aldo ay nasa ibabaw na rin ng katawan niya.
"Cassie...Mahal ko"
"Narinig mo ba ang mga sinabi ko kanina?"
"Huh? Anong sinabi mo?"
"W-Wala", hinalikan ulit ni Aldo ang ibabaw ng ilong niya tapos ay sa labi "Sandali" biglang bitaw niya sa paghalik nito, umupo siya pasandal sa headboard ng kama niya, si Aldo naman ay naupo sa gilid niya pero nakaharap sa kanya
"Bakit?" tanong nito sa kanya, hindi siya sumagot, sa halip ay tumingin lamang siya rito, hinawakan ni Aldo ang mga kamay saka hinalik halikan, hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi nito at inilapit sa mukha niya "Ulitin mo nga ang sinabi mo" ani ni Cassie
"Cassie Mahal ko" nakangiting sabi nito, binitawan niya ang mukha nito, kinuha naman ni Aldo ang mga kamay niya at pinisil pisil, nakatingin ito sa kanya at nakangiti
"Kailan pa?" tanong niya
"Hindi ko alam"
"Sigurado ka ba?"
"Ikaw? Sigurado ka ba sa mga sinabi mo kanina?" bigla niyang binawi ang kamay at tinakip sa mukha niya, niyakap naman siya ni Aldo
"Akala ko wala kang narinig, sabi mo wala kang narinig" naiiyak na sabi ni Cassie
"Naunahan mo lang ako Mahal ko" tapos ay hinalikan siya nito sa noo at iniharap niya si Cassie sa kanya at tinitigan sa mata, "Alam kong mahal kita, hindi ko lang ito napagtanto nung una, akala ko masaya lang ako kasi masaya ang mga bata, pero mula nang sabihin ni Manang na baka ligawan ka ni Randy tapos nakita ko pa kayo kagabi, tapos may sinabi pa si Sam, dun ko napatunayan na mahal kita Cassie, nagselos talaga ako kagabi at hindi ako selosong tao, kanina sa pool mas lalo kong napatunayan yun sa sarili ko, talagang magtatapat na ako sayo, pero andito pa rin yung takot na hindi mo ako tanggapin na baka isipin mong sinasamantala kita, pero I have to take the risk na umamin sayo kahit hindi ko alam ang magiging resulta nito"
Tumulo ang luha niya dahil sa pag amin ni Aldo, pinunasan naman nito ang luha niya "Alam mo ba Cassie, nung nakapagsalita ako ng hindi maganda kagabi, ang sakit sakit rin nun sa loob ko, nagselos ako pero naguilty rin ako sa mga sinabi ko, and sorry for that"
"Mahal na mahal kita, hindi ko rin alam kung kailan nangyari, basta naramdaman ko na lang, masama ang loob ko hindi dahil sinabihan mo akong nakikipaglandian, masama ang loob ko dahil sayo nanggaling, kung sa iba yun galing wala akong pakialam dahil alam kong wala akong ginagawang masama, pero kagabi parang nawalan ako ng laban"
"Sorry Mahal ko, I'm so sorry please, Akin ka na lang please, wag ka na kay Randy ha?" hinalikan ulit siya sa labi nito, gumanti naman siya ng halik, bumaba ang halik nito sa kanyang leeg, handa na rin si Cassie kung ano man ang pwedeng mangyari sa kanila, ang isang kamay nito ay nakapasok na sa tshirt niya at haplos ang tiyan niya paakyat sa dibdib niya, "I love you Cassie, I love you so much" bulong nito sa kanya
"I love you too Aldo, I love you Mahal ko" ihihiga na siya ni Aldo nang biglang may kumatok sa pinto
"Miss Cassie, Daddy are you there?" sigaw ni Sam, bigla silang napatingin sa may pinto, napailing si Aldo at tumingin sa kanya, napangiti naman siya "Buksan mo na yung pinto, andyan na ang mga bata" sabi niya
"Wait baby, I will open the door" tumayo na si Aldo, at hinalikan muna sa noo si Cassie bago buksan ang pinto, si Cassie naman ay inayos ng sarili "Hey baby, what are you doing here?" tanong niya dito
"Daddy its already 7oclock, its dinner time, is Miss Cassie still sick?" ani ni Sam
"Ahm yes baby she's still sick"
"Daddy lets eat tapos dalhan ulit natin siya ng food mamaya" hatak nito sa kanya, sumilip ulit siya sa kwarto ni Cassie para sumenyas na bababa na siya, tumango naman ito. Pagkatapos nga nilang kumain ay bumalik na sila sa kwarto ni Cassie na may dalang pagkain, si Cassie naman ay nakapagbihis na ng pantulog na pajama at sando, tumakbo ang kambal at yumakap sabay halik sa pisngi niya, niyakap niya rin ang kambal ng mahigpit, pakiramdam niya ay miss na miss nya ang mga ito.
"Miss Cassie okay ka na?" tanong ni Phil habang nakayakap pa rin sa may leeg niya
"Yes baby okay na ako"
"Namiss kita" sagot nito sabay yakap ulit, yumakap rin siya
"I miss you too Phil"
"Miss Cassie kain ka na, dinalhan ka namin ng foods" ani ni Sam na nakaupo naman sa tabi niya at nakayakap sa braso
"Sure baby, thank you" sagot niya
"O sige kids, kakain na muna si Miss Cassie ha?" ani ni Aldo, hinatak nya ulit ang side table malapit sa kama "O kain ka na" nakangiting sabi ni Aldo
"Thank you" sabi niya kay Aldo
"I love you!" senyas naman nito sa kanya, napangiti naman siya, kumain na siya, hindi naman umaalis ang mag aama sa tabi niya, pagkatapos niya kumain ay niligpit na ni Aldo ang pinagkainan niya, habang nagliligpit ay pinalalabas na ni Aldo ang kambal
"Kids, labas na, at kailangan na magpahinga ni Miss Cassie"
"Dito na lang kami magsleep" sabi ni Sam
"No Sam!" gulat na sagot ni Aldo, nilakihan naman siya ng mata ni Cassie
"Galit ka ba Dad?"
"No baby, hindi ako galit, what I mean is baka mahawa kayo kay Miss Cassie"
"Yes baby, next time dito na kayo matutulog ni Phil, okay? But hindi ngayon kasi hindi pa ganun ka-okay si Mommy" ani ni Cassie
"Mommy?" tanong ng kambal habang nanlalaki ang mata
"Ayaw niyo ba?" tanong niya
"Gusto!!!" sabay yakap ng kambal sa kanya, si Aldo naman ay nakatingin sa kanya at nangingiti, lumapit ito sa kanila at nakiyakap
"Daddy pumayag na siya, mommy na namin siya" tuwang tuwang sabi ni Phil, naluha naman si Cassie nang makita ang reaksyon ng kambal, kitang kita ang saya sa mga mata nila
"Yes baby, pumayag na siya, you can call her mommy" sagot naman ni Aldo, humiwalay ang kambal sa kanila at tumalon talon pa
"Yehey may mommy na tayo, may mommy na tayo" tuwang tuwang sabi ng mga to, nagkatinginan naman si Aldo at Cassie, biglang hinalikan ni Aldo si Cassie at hindi na siya tumanggi pa "Thank you Mahal" sabi ni Aldo
"Pwede na rin kayo magkiss?" tanong ni Sam, napangiti lang silang dalawa
"Mommy na talaga natin siya, pwede pa siya ikiss ni Daddy" ani ni Phil kay Sam
"Basta Daddy kami lang pwede magkiss sayo ahh, kami ni Phil at si Mommy, si Tita Natalie hindi pwede ahh" ani ni Sam, napatingin naman si Cassie sa kanya
"Narinig mo yun Daddy?" ani ni Cassie, hinalikan naman siya sa noo ni Aldo
"Oo narinig ko, I love you Mahal ko, babalik ako" bulong nito sa kanya at saka humarap ulit sa kambal "Tara na kayo, ilalabas ko na tong tray at magpahinga na rin kayo, baka lalong magkasakit si mommy niyo sa kakulitan niyo" lumapit naman ang kambal kay Cassie para magkiss sa pisngi
"Good night mommy, see you tomorrow" ani ng kambal
"Good night too babies ko" sagot naman niya
"I love you mommy" ani ulit ng dalawa
"I love you most babies" sabay nagyakap ulit ang tatlo
"O siya sige na" ani ulit ni Aldo "Lika na kambal" yaya niya sa dalawa, papalabas na sila sa pinto ay sumenyas ulit siya kay Cassie na babalik siya, tumango lang si Cassie.