Nang makaalis na ang mag aama ay nagtoothbrush na si Cassie at nahiga, pinatay na niya ang ilaw at binuksan niya ang tv pero wala ang isip niya sa pinanunood, hindi muna siya nahiga, nakaupo lang siya at nakasandal sa may headboard, masayang masaya siya, nalaman niyang parehas sila nang nararamdaman ni Aldo, pero naisip niya rin na sobrang bilis nang nangyayari, kung hindi pa nga kumatok si Sam kanina ay hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa kanila ni Aldo, baka naisuko na niya ang bataan, pero nakahanda naman siya kung mangyari yun, mahal niya si Aldo, baka nga kung hiniling nito ang bataan niya ay binigay niya kahit hindi siya mahal nito, pero mas okay pala pag mahal nila ang isat isa, nasa ganun siyang pag iisip nang unti unting bumukas ang pinto niya, si Aldo nakapantulog na lang din, nakaboxers at sandong white na lang, parang may adonis na pumapasok sa kwarto niya, nakita niyang nilock nito ang pinto at napangiti siya, lumapit ito sa kanya, umupo ito sa gilid ng kama niya, itinukod nito ang isang braso sa kabilang gilid niya at tinitigan siya habang nakangiti sa kanya, nakatingin lang ito sa kanya, siya naman ay nakangiti rin pero nakakunot ang noo
"Ano?" tanong niya
"Wala lang, gusto lang kitang titigan"
"Okay, basta titig lang ahh"
"Mahal kita"
"Mahal rin kita" sagot niya dito
Hinawakan ni Aldo ang pisngi niya at papalapit na ang labi nito sa labi niya nang bigla siyang nagsalita
"Ooops, titig lang diba?" halos gahibla na lang ang layo nila
"I want more Mahal ko" sabay halik sa kanya, hindi na siya tumanggi, kumapit naman siya sa batok nito, tuluyan na siyang inihiga ni Aldo at ito ay pumwesto sa harapan niya, naghiwalay ang kanilang mga labi
"I love you Cassie Mahal ko" ani ni Aldo habang titig na titig sa kanya
"Mahal rin kita" habang nakahawak siya magkabilang pisngi nito, hinalikan siya ni Aldo sa leeg, habang ang kamay niya ay nasa batok nito, ang isang kamay naman nito ay itinataas ang sando niya at sinapo ang dibdib niya, hindi na rin siya napapakali, parang nilalagnat nanaman siya sa ginagawa ni Aldo sa kanya, bumitiw si Aldo sa kanya para hubarin na ang sando nito at hinalikan ulit siya sa labi, unti unti rin nitong tinataas ang sando niya hanggang sa tuluyan nang naihubad ito sa kanya, bigla niya tinakpan ang dibdib, pero tinanggal ni Aldo ang kamay niya at hinalikan siya ulit sa labi, magkadikit na ang katawan nila, pakiramdam niya ay parehas silang nagdedeliryo, bumaba si Aldo para halikan ang kanang dibdib niya at sapo naman ang kaliwa niya, napapakagat labi na siya sa ginagawa ni Aldo, nagpalipat lipat si Aldo sa dibdib niya, hindi niya namalayan na naibuka na niya ang kanyang mga hita, naramdaman niya na susi ng langit ni Aldo "Ohhhh s**t" nasabi niya, bumalik si Aldo sa labi niya ay hinalikan siya, talagang lumalaban na siya ngayon at handa na siya isuko ang kanyang langit
"I love you so much Cassie, ayokong mawala ka pa sa buhay ko" sabi nito sa pagitan ng mga halik nito
"Mahal rin kita Aldo, gagawin ko ang lahat para sa yo, para hindi ka mawala sa buhay ko", hinalikan ulit siya ni Aldo sa leeg papunta sa balikat pabalik sa leeg at sa labi ulit, idinikit at idiniin ni Aldo ang kanyang susi sa langit ni Cassie, ramdam yun ni Cassie pero hindi siya nagsasalita
"Nararamdaman mo ba?" tanong ni Aldo habang nakatitig ulit sa kanya, idinidiin pa rin nito ang susi ng langit sa kanya
"Yan ba?" sagot niya sabay tingin sa baba, napangiti si Aldo, hinalikan na siya nito, ang isang kamay nito ay nasa pajama na niya, unti unti nitong binababa ang pajama niya kasabay ng undies niya, iniangat niya ang pwitan niya para hindi na mahirapan si Aldo, habang ang kamay naman niya ibinababa na rin niya ang boxers ni Aldo, parehas na silang walang saplot, para silang si Eba at Adan, ngayon ay ramdam na ramdam na niya ang susi ni Aldo, bigla siyang kinabahan, lumapit ulit si Aldo sa kanya at muli siyang hinalikan sa labi, "Mahal kooo..." wika ni Aldo sa pagitan ng halik "Pleeeaaassseee..." idinidiin pa rin niya ang susi niya kay Cassie, hindi niya magawa nang tuluyan ang gusto niya, gusto niyang marinig na payag si Cassie
"Do whatever you want Mahal ko, but do it gently" wika naman ni Cassie, pumuwesto na si Aldo at unti unti ay binubuksan na niya ang pinto ng langit, napagtanto niya rin na siya ang unang magbubukas ng pintuang ito, at mas lalo siyang lumigaya, pero kahit hindi siya ang mauna ay tanggap niya dahil bukod sa kambal ay si Cassie na ang buhay niya ngayon, napakagat labi naman si Cassie, medyo may hapdi siyang nararamdaman at alam ito ni Aldo, hinalikan siya ni Aldo at sa pagitan ng mga halik nito at sinasabi nito na mahal siya, tuluyan nang nabuksan na ni Aldo ang langit, nawala na rin ang hapdi na naramdaman ni Cassie at tuluyan nang napalitan nang kakaibang sensasyon, tuluyan na nilang narating ang dapat nilang marating, humiga si Aldo sa tabi ni Cassie at yumakap dito, nakaharap naman si Cassie sa kanya, hinahalikan pa rin ni Aldo si Cassie sa mukha, kinuha na nila ang kumot at nagpahinga na, parehas silang nakatulog na may ngiti sa mga labi.
Kinabukasan ay naunang nagising si Cassie, wala pa rin silang saplot, si Aldo naman ang nakasubsob sa may balikat niya habang ang isang braso ay nakapulupot sa kanya, napangiti siya at hinalikan si Aldo sa may noo, hindi siya kumilos, hindi niya rin ginising si Aldo, pinabayaan niyang matulog si Aldo, mulat na mulat ang mga mata niya, nakalimutan rin pala nilang patayin ang tv, bigla siyang napangiti, naisip niya ganun pala yun, para talagang sarili niyo lang ang mundo, biglang gumalaw si Aldo at unti unting tumingin sa kanya, napatingin naman siya dito
"Good Morning Mahal ko" bati ni Cassie kay Aldo
"Ahmmm...good morning Mahal ko" sabay halik sa kanya sa pisngi pero bumalik ito sa pwesto niya kanina, tinapik tapik niya ito sa pisngi
"Mahal 7am na may pasok ka sa office diba?" hinawakan naman nito ang kamay niya at hinalikan
"Mahal paliguan mo ako" nakangiting sabi nito
"Ay tumigil ka nga dyan" nangingiti niyang sagot, natawa naman ito
"Sige mahal prepare muna ako" bumangon na ito at walang pakialam kung naglalakad ito sa kwarto ng walang saplot, nakatingin lang siya dito, ang kisig talaga ni Aldo, siya naman ay umupo
"Mahal" tawag niya dito habang nakangiti siya
"Bakit Mahal?" tanong nito sa kanya, hawak na nito ang sando at boxers
"Wala" bigla siyang napayuko, lumapit si Aldo sa kanya, nakahubad pa din, umupo sa gilid ng kama niya, iniangat ang mukha at siniil siya ng halik, yumakap siya rito, unti unti ay inihiga siya ulit nito, muli nilang pinagsaluhan ang ligayang nararamdaman. Sa kwarto na ni Cassie naligo si Aldo, kinuhanan na lang siya ni Cassie ng gamit sa kwarto nito, pag labas ni Aldo ay nakita niyang bihis na si Cassie at inaayos ang susuotin niya sa kama, nakapagpatuyo na rin siya ng katawan at nakatapis lang ng twalya, pumunta siya sa likuran ni Cassie at niyakap ito, ipinatong ang baba sa balikat nito, napangiti naman si Cassie
"Magbihis ka na" ani ni Cassie
"Bihisan mo ako" paglalambing nito, hinalikan pa siya sa balikat
"Hala siya, ano? Baby lang?"
"Oo baby mo na rin ako diba?" sabay halik sa pisngi niya
"Magbihis ka na Senyor Aldo, aalis na tayo mamaya diba?"
"Ayoko nang pumasok" nakaakap pa rin ito sa kanya
"Last day ngayon sa opisina diba, may mga kakailanganin ka pa atang pirmahan dun"
"Sama ka" hinalikan ulit siya sa balikat
"Anong gagawin ko dun?"
"Samahan mo lang ako, sige na please?" wika nito, hinarap siya nito sa kanya at hinawakan sa pisngi "half day lang naman ako ngayon, saka mamili tayo ng gifts, wala pa akong gifts sa kambal"
"Oo nga pala noh"
"Sama ka na ha, magbibihis na ako, maligo ka na, o gusto mo paliguan kita" sabay halik sa labi niya dampi lang
"Huwag na, kaya kong maligo mag isa" natatawa niyang sagot, kumalas na siya sa pagkakayakap nito sa kanya at kinuha ang towel niya
"Sure ka? Ayaw mong paliguan kita, hindi pa naman ako bihis" nakangiting sabi nito
"Heh! Tumigil ka diyan, baka hindi tayo makaalis"
"Ang malisyosa mo naman, siguro miss mo agad noh?"
Lumapit siya kay Aldo at idinikit ang katawan niya, hinawakan niya ito sa batok at hinalikan, humawak naman si Aldo sa bewang niya at idinikit ang susi ng langit, naramdaman yun ni Cassie, bigla siyang kumalas dito at tumakbo sa loob ng CR, hinabol siya ni Aldo pero naisara na niya ang pinto, tawang tawa siya sa loob
"Mahal ang daya mo ahh, bakit ganyan ka?" ani ni Aldo habang nakatayo sa may pinto ng CR
"Sino ngayon ang nakamiss?"
"Ikaw"
"Weh?!"
"Mamaya ka lang sa akin" sagot nito, iiling iling si Aldo na bumalik sa may kama at nagbihis na "Pilya yun ahh" nangingiti niyang bulong sa sarili. Paglabas ni Cassie ng banyo ay wala na si Aldo, nagbihis na siya, nagdress na lang siya na sleeveless na kulay skintone at sneakers na white, nagpulbo lang siya at liptint tapos ay nagsuklay, okay na siya ng ganun lang, kinuha niya lang ang cellphone at sling bag niya tapos ay lumabas na siya, pag bukas niya ay...
"Bulaga!" gulat ng mag aama sa kanya
"Ay kalabaw!" biglang nagtawanan ang mag-aama "Kayo ahh" ani niya sa kambal "Mana kayo kay Daddy, malamang yan ang pasimuno niyan"
"Uy hindi ahh" sagot naman ni Aldo sabay tingin sa taas
Kinurot niya ito sa tagiliran "Nagdedeny pa"
"Aray ang sakit" inda ni Aldo, nagtawanan naman ang kambal "Kayo ahh tinatawanan niyo ako ahh"
"Naglie ka pa kasi Daddy, ikaw naman talaga ang nagsabi na gulatin natin si Mommy" ani ni Sam
"Sssshhh" saway niya sa anak sabay ngiti kay Cassie, tinaasan naman siya ng kilay nito "I love you Mommy hehe" sabi niya dito
"Tse!" sabay irap dito, niyakap naman siya ni Aldo
"Sorry na joke lang yun" yumakap rin ang kambal sa kanila
"O siya sige na bumaba na tayo" nakangiti niyang sabi, nauna nang bumaba ang kambal, pasunod na sana si Cassie nang hapitan siya sa bewang ni Aldo at hinalikan siya sa labi, gumanti siya ng halik dito pero kumalas rin agad
"Baka may makakita sa atin" sabi ni Cassie, hindi pa rin siya binibitiwan ni Aldo
"Ang salbahe mo kanina ha, marunong ka nang mambitin Mahal ko, sumakit kaya puson ko" sabi ni Aldo, napangiti naman siya, kaya hinalikan niya ito sa labi "Sorry Mahal kung sumakit puson mo"
"Pagalingin mo to" ani ni Aldo
"Huh? Anong gamot? Pwede ba mefenamic diyan kasi pain reliever" nakangiti niyang sagot
"Ibang pain reliever kailangan nito Mahal" pabulong na sabi nito, hinapit siya lalo sa bewang at dinikit ang susi sa may tagiliran niya
"Aldo ang ano mo ahh, wag ngayon" natatawa niyang sagot
"Ikaw kasi ihhh" parang bata itong nagmamaktol
"Daddy, Mommy saan kayo?" sigaw ng kambal ng makababa ito sa hagdan, nagkatinginan sila at nagkatawanan, bumaba na sila na magkahawak kamay, napansin ito ng dalawang yaya, nagkatinginan ang mga ito at napangiti, pero hindi kumibo, naiilang man si Cassie ay masaya siya dahil pakiramdam niya ay hindi siya kinahihiya ni Aldo, inalalayan pa siya nito paupo, nag iba na sila ng pwesto, ang kambal na ang magkatabi ngayon at siya naman ang nakapwesto mag-isa sa kabilang side ni Aldo
"Ang gentleman naman ng Senyor" biro niya dito
"Siyempre" sabay upo sa pwesto nito, nagdasal na sila at si Sam ang naglead, pagtapos nilang magdasal ay nagsimula na silang kumain
"Kids, pupunta muna kami ni Mommy sa office ahh, sandali lang, magprepare na kayo dahil later aalis na tayo" ani ni Aldo sa kambal
"Sama kami" sabi ni Phil
"Mamaya sasama kayo pero not in my office" sagot niya dito
"Bawal bata dun?" tanong ni Sam
"Opo bawal ang bata dun" sagot naman niya, si Cassie naman ay tahimik lang at napatingin siya bigla sa mga yaya, sumenyas ito ng heart sa kanya sabay nguso kay Aldo, napangiti siya at sumenyas din siya sa pamamagitan ng pagbuka ng bibig at sinabing "Baliw", nagpalakpakan pa ang dalawa
"Ang saya nang dalawang to o" napansin din pala ni Aldo ang sinesenyas ng dalawa, napayuko naman ang dalawa, iiling iling lang si Aldo at nangingiti "Oy kayong dalawa, iprepare niyo na yung mga gamit mamaya ahh, baka dun kayo makakita ng lovelife" biro pa niya
"Ikaw Sir nakita mo na lovelife mo?" tanong naman ni Yaya Daisy
"Sus talagang humirit pa siya" naiiling na sabi ni Cassie
"Hindi pa ba obvious?" sagot naman ni Aldo
"Hindi pa kami kumbinsido Sir" sagot naman ni Yaya Ruth "Dapat may makita kaming konkretong patunay"
"Baka mainggit ka" sagot naman ni Cassie
"Aaaayyy" hiyaw ng dalawa at nag apir pa, siya naman labas ni Manang kasi nagulat siya sa dalawa
"Anong nangyayari sa inyo?" tanong ni Manang
"Wala lang po, kinikilig lang" sagot ni Yaya Daisy, napakunot ng noo si Manang at napatingin sa mga kumakain, nakita niyang magkahawak kamay si Aldo at Cassie habang nag uusap, pero hindi mo maririnig ang pinag uusapan nila kahit malapit lang sila dahil halos nagbubulungan lamang ang mga ito at tila may sariling mundo, napangiti naman si Manang Rosa sa nakita. Ngunit bigla siyang may naalala, naipagtapat na kaya Aldo ang nililihim nito? Alam na ba ni Cassie ang katotohanan sa buhay ni Aldo, Sam at Phil? Makakaya kayang tanggapin ni Cassie ang lahat?