Nagpunta na nga ang dalawa sa opisina, may tatapusin lang naman si Aldo, pumasok silang magkahawak kamay, napayuko si Cassie kasi medyo nahihiya siya, nakita naman sila ni Marj at Randy
"Hmm" ani ni Marj sabay kuha ng phone niya at tinext ang kaibigan "HHWW?"
Napangiti si Cassie nang mabasa ang text ni Marj "Wag kang mag-alala, magkukwento ako sayo"
"Kailan pa girl este Ma'am"
"Gaga ka, wag mo nga akong tawaging Ma'am, magagalit talaga ako sayo"
"Eh kailan pa nga?"
"Kahapon"
Kinikilig si Marj nang mabasa ang reply ni Cassie, hindi niya napansin na nakalapit na si Randy sa kanya "Anong meron Marj?" tanong ni Randy
"Saan?"
"Kay Sir Aldo at Cassie"
"Naku, basta kung anong nakikita mo, yun na yun, ikaw kasi, panay pacute ni Cassie sayo dati, naunahan ka tuloy" ani ni Marj, hindi naman kumibo si Randy at bumalik na lamang sa pwesto niya, parang may nararamdaman siyang iba sa puso niya.
Pagkagaling sa opisina ay nagpunta naman ang dalawa sa mall para mamili ng mga regalo
"Mahal, ano kaya ang ibibili ko dun sa kambal?" ani ni Cassie
"Kahit ano naman masaya na yung mga yun" sagot naman ni Aldo
"Ang hirap naman"
"Naku Mahal ko, wag mo nang istress ang sarili mo sa regalo, kahit ano okay na, pero ako yung pagdating mo sa buhay ko, sa buhay namin, sapat nang regalo sa akin yun"
"Hindi nga?" ani ni Cassie
"Oo nga, ikaw lang sapat na"
"Nax naman, kinikilig naman ako"
"Napakilig ba kita Mahal?" ani ni Aldo, sabay hapit sa bewang ni Cassie
"Oo"
"Kiss mo naman ako" ani ni Aldo, hinalikan naman siya ni Cassie sa pisngi "Corny naman"
"Hey, ang daming tao dito noh"
"Sige na nga, later na lang"
"Mahal, nagugutom na ako"
"Wawa naman, sige kain na tayo ha?" ani ni Aldo sabay halik sa noo ni Cassie "Bayaran ko muna to lahat"
"Ay ihiwalay mo yung sa akin"
"Wag na, ako na ang bahala"
"Ano kaya yun, regalo ko yan eh" nakasimangot na ani ni Cassie
"O siya sige na, wag ka nang sumimangot" saka sila pumila sa counter, ngumiti naman si Cassie, chinecheck nila ang pinamili habang nakapila nang may lumapit sa kanila
"Well Well Well, hindi lang pala mga bata ang alaga mo ngayon" ani ni Natalie kay Cassie, napatingin naman si Cassie kay Aldo
"Natalie" ani ni Aldo "Andito ka pala"
"Yeah, mamimili sana ako ng mga pangregalo"
"Okay"
"Ikaw? Bakit kasama mo ata ang Yaya ng mga anak mo" ani nito na tila umaagaw talaga ng atensyon sa lakas ng boses, napayuko naman si Cassie, ayaw niya ng eskandalo
"Natalie, your voice please" ani ni Aldo
"Why, nahihiya ka ba Aldo?"
"No! First, eversince naman hindi Yaya si Cassie, Second, she's my girlfriend"
"Of all people talaga Aldo? Sa kanya?" ani ni Natalie na nangungutya
"Why not Natalie? She's better than you" nakangiting ani ni Aldo
"How dare you? " ani ni Natalie na humina ang boses
"Tigilan mo si Cassie, oras na magsalita o may ginawa ka sa kanya na hindi maganda, I swear Natalie, hindi ko alam ang magagawa ko sayo"
"Really Aldo?" sabay lapit malapit sa mukha nito "Alam ba niya?" hinatak ito ni Aldo sa braso para makalayo kay Cassie, nagtataka naman si Cassie sa dalawa
"Don't you dare Natalie, it's my personal problem, wag kang makialam, hindi kita asawa, hindi kita kapamilya"
"So wala siyang alam? My God, kawawang Cassie"
"Hindi siya kawawa at hindi siya magiging kawawa"
"Okay, wala na akong magagawa, good bye!" ani ni Natalie sabay irap at talikod kay Aldo, binalikan naman ng lalaki si Cassie
"Mahal, sorry"
"Ano yun? Bakit kailangan mo siyang ilayo"
"Ahm, kasi pag hindi ko ginawa yun, mag eeskandalo siya, at ayokong ieskandalo ka niya"
"Lalo siyang magagalit sa akin"
"Don't worry Mahal, wala siyang pwedeng gawin sayo, ako ang makakalaban niya"
Ngumiti naman si Cassie "Thank you pero wag mo akong masyadong alalahanin, kaya ko naman"
"Hindi mo kailangang solohin ang lahat, andito na ako, andito na kami nila Sam at Phil para sayo"
Ngumiti si Cassie at yumakap kay Aldo, niyakap rin siya nito "Thank you pa rin"
"Okay, ano? Nagugutom na ba talaga ang Mahal ko?"
"Opo" nakangusong ani ni Cassie
"Saglit na lang to, san mo ba gustong kumain?" ani ni Aldo habang titig na titig sila sa isat isa ni Cassie
"Kahit saan, kahit sa McDo" natatawang ani ni Cassie
"Mahal please, wag na dun, umay na ako" natatawang tugon ni Aldo
"Sige Mahal ikaw na ang bahala"
"Sige ako nang bahala, I love you"
"I love you too" ani ni Cassie, dinampian naman siya halik ni Aldo sa labi na kinagulat niya "Salbahe ka" bulong niya dito
"Bakit ba?"
"Ang daming tao"
"Mamatay sila sa inggit" ani ni Aldo sabay akbay kay Cassie
Pagkatapos nga nilang mamili ay kumain muna sila sa isang fine dining restaurant, sa may sulok sila pumwesto, magkatabi pa sila ng upuan, masaya silang nagkukwentuhan at naglalambingan
"Mahal ko" ani ni Aldo "Mahal na mahal kita lagi mong tatandaan yan, bukod kina Sam at Phil, ikaw ang kumukumpleto sa akin"
Hinaplos naman ni Cassie sa pisngi si Aldo habang nakatitig sa mga mata nito "Mahal na mahal rin kita, kayo ng mga bata, ayokong mawala kayo sa akin"
"Hindi kami mawawala Mahal, pangako"
"Talaga?"
"Oo, pangako yan" ani ni Aldo sabay hawak sa kamay ni Cassie at halik dito
"Nagtext pala si Marj kanina, tinatanong niya ako tungkol sa atin"
"Sinabi mo na ba?"
"Oo, okay lang ba?"
"Oo naman, walang problema dun, anong sabi niya?"
"Wala naman, sabi ko saka ko na ikukwento sa kanya kung paano mo ako pinikot"
Natawa si Aldo sabay kiliti sa may bewang ni Cassie, pinigilan naman nito ang kamay niya "Salbahe ka"
"Wag nakikiliti ako" natatawang saway naman ni Cassie
"Uubusin ko yang kiliti mo" bulong ni Aldo sabay halik sa may leeg ni Cassie, hindi kumibo si Cassie at tumingin lang kay Aldo, nagtaka naman ang lalaki at umiling "Sorry Mahal, baka isipin mo yun lang gusto ko sayo"
Ngumiti naman si Cassie "Hindi yun, binigay ko ang sarili ko sayo kasi gusto ko at mahal na mahal kita, hindi lang ako makapaniwala na tayo na"
"At tayo lang hanggang huli" ani ni Aldo sabay yakap kay Cassie.