Pagkatapos nilang mamili ay iniwan na nila sa sasakyan ang mga regalo, at magkahawak kamay na pumasok sa loob ng bahay
"Daddy! Mommy!" salubong sa kanila ng kambal sabay yakap
"O? Okay na kayo? Ready na?"
"Yes Daddy" ani ni Sam
"Very Good" ani ni Aldo at saka tumingin kay Cassie "Mahal ano? Mag ayos ka na rin ng mga dadalhin" sabay himas sa likod
"Sige mag aayos na ako"
"Mommy ihehelp kita" ani ni Phil
"Wag na baby, okay lang si Mommy"
"Gusto kita ihelp"
Napangiti si Cassie "Sige na nga, halika na"
"Ako din maghehelp" ani ni Sam
"O siya sige na, lika na" ani ni Cassie, humawak naman ang mga bata sa magkabilaang kamay niya, nakasunod naman si Aldo dahil mag-aayos din siya ng gamit.
Lumipas pa ang mga oras, bumabiyahe na sina Aldo, siya na lamang ang nagmaneho dahil pinagbakasyon na niya ang driver pati ang dalawa pang katulong, ang kasama nila ay sina Manang, Yaya Daisy at Yaya Ruth lang
"Daddy, pwede tayo mag McDo muna?" ani ni Sam
"Mcdo nanaman?"
"Sige na please"
"O siya sige, pero magdrive thru na lang tayo, baka gabihin tayo sa biyahe, mamaya kakain na lang tayo ng Bulalo, tapos bukas na lang tayo mamalengke"
"Daddy, sama kami sa pelengke" ani ni Phil
"Anak, palengke" ani ni Aldo
"Pelengke nga po"
"Palengke nga Nak" ani ulit ni Aldo, napangiti naman si Cassie sa may tabi niya, sinundot naman niya ito sa bewang "Bat natatawa ka?"
"Pelengke nga kasi, ang kulit mo" natatawang ani ni Cassie
"Ang kulit eh noh?"
"Oo nga"
"O ayan na McDo, gusto mo Mahal?"
"Fries lang"
"Kayo sa likod? Gusto niyo McDo?" ani ni Aldo
"Daddy, chicken akin" ani ni Sam "At saka fries"
"Akin din po" ani ni Phil
"Okay, Kayo Manang?"
"Tinapay lang akin"
"Manang walang tinapay dun burger lang po" ani ni Phil
"Oo nga yun na lang"
"Sa inyo Daisy at Ruth?" ani ni Aldo
"Ganun na lang din po Sir"
"Okay sige" ani ni Aldo at saka sila pumasok sa may Drive thru at bumili na, saka bumiyahe ulit, sinusubuan naman ni Cassie ng fries si Aldo habang nagmamaneho ito, napansin yun ni Manang Rosa at masaya siya para sa dalawa pero sana nasabi na rin ni Aldo ang totoo kay Cassie para hindi ito masaktan.
Lumipas pa ang mga oras ay nakarating na sila sa Rest House, pagpasok sa loob ng bahay ay tuwang tuwa ang mga bata
"Daddy dito tayo magpapasko at saka new year?" ani ni Sam
"Sige Nak, gusto niyo ba?"
"Opo" ani ng kambal
"Tatlo ang kwarto nito, yung isa pwede kayo dun mag stay Manang Rosa, kasama si Ruth at Daisy, tapos yung isa kina Phil at Sam, yung isa amin ni Cassie"
"Ha?" ani ni Cassie kay Aldo
"Bakit Mahal?"
"Tatabi na lang ako kina Sam at Phil"
"Yehey tabi kami nila Mommy" ani ni Phil
Nailing si Aldo at lumapit kay Cassie "Yun ba talaga ang gusto mo?"
"Oo, o kaya tabi tabi na lang tayo" ani ni Cassie, pakiramdam niya ay nadisappoint kasi si Aldo
Maya maya ay nagpahinga na sila, sa kwarto naman nila ay tulog na ang kambal, nasa veranda naman si Aldo, lumapit si Cassie sa kanya
"Mahal" ani ni Cassie
"Uy, bakit gising ka pa?"
"Galit ka ba sa akin?"
"Ha? Bakit?"
"Kasi hindi ako pumayag na tayong dalawa lang ang magkasama sa kwarto"
Ngumiti si Aldo "Okay lang Mahal ko, wag mo akong alalahanin" sabay hapit sa bewang nito at inilapit sa katawan niya
"Baka kasi may masabi sila Manang"
"Okay lang, gets ko, medyo sumama lang ang loob pero naiintindihan ko na ngayon"
Yumakap naman si Cassie kay Aldo "Mahal, magpahinga na tayo, pupunta pa tayo sa Pelengke bukas"
"Pelengke" natatawang ani ni Aldo
"Dali na lika na, tulog na ang mga anak natin"
"Uy, tulog na" tila naexcite na ani ni Aldo
"Hmm, baka magising yun"
"Wala naman akong sinasabi eh"
"Tumigil ka na lika na" natatawang ani ni Cassie, hinawakan na niya ito sa kamay at pumasok na sila sa loob
Kinabukasan ay nagpunta na sila sa Palengke at namili ng makakain at iba pang kailangan sa bahay
"Mommy, maglagay tayo Christmas Decor sa house"
"Sige Baby, pabibilhin natin si Daddy later" nakangiting ani ni Cassie
"Ano yun?" ani ni Aldo
"Daddy maglagay po tayo Christmas Decor sa house" ani ni Sam
"Gusto ba ng princess ko?"
"Opo Daddy, please?"
"Sure anak, no problem, bibili si Daddy"
Maya maya ay nakauwi na sila Rest House, tinulungan ni Yaya Daisy si Manang para sa pagpeprepare ng lutuin, si Yaya Ruth naman ay tumulong sa paglalagay ng Christmas Decor, maya maya ay pumasok si Cassie sa kwarto nila para maghanap ng isa pang gunting, habang busy naman ang kambal sa pagtulong sa pagkakabit ng Decor, siya namang labas ni Aldo galing CR, kakaligo lamang nito
"O Mahal, anong hinahanap mo?" ani ni Aldo
"Gunting"
"Ay wala na ata, yun na yun yung nasa labas"
"Ganun? Sige labas na ako"
"Ooopps" pigil ni Aldo sa kanya sa braso at niyakap siya nito "Miss you Mahal"
"Hmmm, miss mo ako?"
"Oo" sabay halik sa labi niya, gumanti ng halik si Cassie, hinaplos ni Aldo ang dibdib niya
"Mahal, baka pumasok ang mga bata" ani ni Cassie
"Okay" binitawan siya ni Aldo at lumapit sa may pinto saka ito nilock, napangiti naman si Cassie
"Loko ka Mahal"
"O diba?" natatawang ani ni Aldo
"Baka kumatok sila"
"Hindi yun, busy sila" ani ni Aldo sabay hapit sa bewang niya at halik sa labi, nangyari na nga ang gusto nilang mangyari, pagkalabas ni Cassie ay nilapitan agad siya ni Sam
"Mommy ang tagal mo po maghanap ng scissors" ani ng bata, namula naman ang pisngi ni Cassie
"Ha? Eh kasi Baby, naghanap akong maigi pero wala talagang nakita si Mommy"
"Share na lang po tayo"
"Sige Nak, tama share na lang tayo" ani ni Cassie at bumalik na sila sa mga kasama, maya maya ay lumabas na rin si Aldo at tumulong sa paglalagay ng Decor.