Part 18

1099 Words
Dumating ang gabi ng December 24, pagkatapos nilang kumain ay nagbigayan na sila ng regalo, sobrang saya ng lahat, lalo ang mga bata, may gift din kasi sila galing sa mga Yaya at kay Manang Rosa bukod kina Aldo at Cassie, pagkatapos nilang magbigayan ng regalo ay pinatulog na ni Cassie sina Sam at Phil "O sleep na, bukas aalis raw tayo sabi ni Daddy" ani ni Cassie "San po tayo pupunta?" ani ni Phil "Sa Skyranch daw, kaya lang baka maraming tao nun" "Okay lang po Mommy" "O sige rest na, o tingnan mo si Sam, nakatulog na" "Goodnight Mommy" "Goodnight anak" "I love you po" "I love you too" ani ni Cassie at hinalikan ito sa noo, maya maya ay tulog na rin si Phil, nang makatulog ang bata ay lumabas si Cassie, tumulong siya sa pagliligpit saka niya pinuntahan si Aldo sa may veranda habang umiinom ng wine "Mahal" ani ni Cassie Ngumiti si Aldo "Mahal, lika dito" lumapit naman si Cassie at yumakap dito "May ibibigay ako sayo" "Ha? Ano?" May kinuhang box si Aldo sa bulsa, may laman itong infinity necklace na 24k white gold at saka sinuot kay Cassie "Eto, Merry Christmas Mahal ko" sabay halik sa labi nito, hindi naman makapaniwala si Cassie na binigyan siya ni Aldo ng ganun klaseng kwintas, napatitig siya kay Aldo "Bakit Mahal? Hindi mo ba nagustuhan?" "Gusto, gustong-gusto ko" "O eh bakit parang hindi ka happy?" "Hindi naman sa ganun, kaya lang Do I deserve this?" "Of course, you deserve that" Ngumiti si Cassie "Thank you, kaya lang wala akong gift sayo, kasi hindi ko alam ang ibibigay, parang nasa iyo na kasi ang lahat" "Nakuha ko na kaya ang gift ko" nakangiting ani ni Aldo "Ikaw" "Talaga?" "Oo, ikaw ang pinakamagandang regalo na natanggap ko" "Sus, lakas mambola" "Hindi kaya, totoo yun" "Okay sinabi ng Mahal ko eh" "Ano? Lika na magpahinga na tayo, maaga tayong aalis bukas" "Sige Mahal" ani ni Cassie at magkahawak kamay na silang pumasok sa kwarto. Kinabukasan maaga silang umalis at namasyal, masayang masaya ang kambal, nakipaglaro rin sila sa mga bata "Grabe, ang daming tao" ani ni Cassie, habang magkatabi silang nakaupo ni Aldo sa isang bench "Holiday eh, di bale next time babalik tayo, yung hindi holiday para hindi masyadong matao" "Okay... Wait, iihi lang ako ah" "Gusto mo samahan kita?" "Hindi na, dyan ka na lang" "Sige, mag-iingat ka Mahal" ani ni Aldo, ngumiti naman si Cassie at umalis na, lumapit naman si Manang Rosa kay Aldo "Aldo" "Uy Manang upo ka muna" "Masaya ako para sa inyo ni Cassie, pero alam na ba niya?" Alam na ni Aldo ang tinutukoy ni Manang Rosa "Hindi pa po Manang, wala pa po siyang alam" "Hindi mo pa pinagtapat sa kanya?" "Sasabihin ko rin po Manang, tatapusin ko lang tong Holiday" "Maging tapat ka sa kanya Aldo, wag mo sayangin ang pagkakataong nakakita ka ulit ng isang babaeng magmamahal sayo" "Opo Manang, alam ko naman po yun, wag kayong mag-alala, ako mismo ang magtatapat sa kanya pati sa mga bata" "Oo nga pati pala ang mga bata walang alam" "Sa totoo lang po, masaya ako ngayon, mahal na mahal ko po si Cassie pati ang mga bata, at ayokong mawala silang lahat sa akin, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanila" "Hindi sila mawawala, basta maging matapat ka lang" "Opo Manang, salamat po dahil andyan kayo, hindi niyo po ako pinabayaan mula nuon" "Naku Iho, hindi ka na iba sa akin, ako na halos ang nagpalaki sayo" "Kaya nga po, kayo na po ang ikalawang ina ko" "Basta sundin mo ang payo ko" "Opo" ani ni Aldo, siya namang lapit ng kambal at mga Yaya nito "Daddy hungry na po kami" ani ni Sam "Sus kasi ang lilikot, o wait lang natin si Mommy" "Nasaan po si Mommy?" "Nag-CR lang nak" "Daddy sige na please" "Ha? Ano yun?" "McDo tayo" "Mga anak umay na umay na ako sa McDo" "Ihhhh sige na please" ani ni Sam sabay yakap sa ama "O siya sige, pero last na to ha? Wag laging yun ang kinakain, bad din yun" "Yes Daddy" ani ni Sam, nakita naman nilang pabalik na si Cassie kaya tumakbo si Phil dito at nadapa bago pa makarating kay Cassie, inalalayan naman itong makatayo ni Cassie "O dahan dahan, bakit ka ba tumakbo?" tanong ni Cassie, hindi naman kumibo si Phil at nangilid ang luha "O, don't cry baby, brave ka diba?" "Yes Mommy" sabay punas ng mata "O lika na, buti na lang hindi nasugatan ang baby ko" ani ni Cassie, bigla naman yumakap si Phil sa kanya "I love you Mommy" "I love you too Phil" sagot niya sabay kiss sa lips nito, magkahawak kamay naman silang lumapit kina Aldo "O okay na?" ani ni Aldo "Lika na at gutom na raw sila" at sabay sabay na silang naglakad papuntang sasakyan, inakbayan naman ni Aldo si Cassie at saka bumulong "Thank you Mahal" "For what?" nagtatakang tanong ni Cassie "Yung kay Phil kanina" "Wala yun noh" nakangiting ani ni Cassie Lumipas pa ang mga araw at dun na rin sila nagcelebrate ng New Year, marami silang fireworks na nakita mula sa veranda ng Rest House, tuwang tuwa naman ang kambal sabay ihip ng torotot, magkatulong naman na nag-iihaw ng Barbeque sina Aldo at Cassie "Tingnan mo ang mga anak mo, ang saya saya nila" ani ni Cassie Ngumiti si Aldo "Oo nga eh" ani nito pero bigla itong natahimik at naalala ang sikretong itinatago kina Cassie at sa mga bata "Mahal bakit?" "Ha?" "Bakit nawalan ka ng kibo?" "W-Wala Mahal, may naalala lang ako" "Si Rina ba?" Napatingin si Aldo kay Cassie "Y-Yes" "Tingin mo ba okay lang sa kanya na may relasyon na tayo? Hindi ko naman siya papalitan sa mga bata eh" "W-Wag mo nang isipin yun Mahal, naalala ko lang siya, yun lang" ani ni Aldo sabay tingin sa mga inihaw na hotdog "O luto na to Mahal, siguradong matutuwa ang kambal natin, kanina pa sila naghahanap nito" "Mahal sure ka ba?" "Saan?" "Wala ka bang problema?" "Wala Mahal, walang problema okay? Let's just enjoy this coming year, with our family" Ngumiti si Cassie "Our family" "Yes Mahal, Our family, our own family" "Mahal mo ako?" nakangiting ani ni Cassie "Isipin ko muna" natatawang ani ni Aldo "Ah ganun?" ani ni Cassie sabay taas ng kilay Natawa si Aldo "Siyempre naman, ikaw lang at wala nang iba pa" "I love you Mahal" nakangiting ani ni Cassie "I love you more Mahal ko" ani ni Aldo sabay dampi ng halik sa labi ni Cassie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD