Part 19

1043 Words
Dumaan ang mga araw, lumipas na ang holiday season kaya balik eskwela na rin si Sam at Phil, maagang nagising si Cassie para asikasuhin ang kambal, makalipas lang ang ilang sandali ay almusal na, pinauna na ni Cassie ang kambal sa baba para kumain, bumalik siya sa kwarto niya, "Good Morning Daddy" bati ng mga ito sa ama "Hi kids wheres mommy?" tanong niya nang mapansin na wala si Cassie "Sabi niya po mauna na kami, may gagawin lang daw siya" sagot ni Phil Tumayo si Aldo para puntahan si Cassie "Sige kumain na kayo ahh, puntahan ko lang si mommy" ani ni Aldo sa kambal Pag akyat niya ay dumiretso sa kwarto ni Cassie, pumasok siya at nakita niyang nakaupo ito sa gilid ng kama at nakayuko, lumapit siya dito at yumukod sa may bandang harapan nito "Mahal may problema ba?" tanong ni Aldo, ngumiti si Cassie sa kanya "Wala naman Mahal, naisip ko lang bumalik na lang kaya ako sa opisina para magtrabaho" sagot ni Cassie, tumayo si Aldo at naupo sa tabi nito, niyakap niya si Cassie at hinalikan sa noo "Mahal hindi mo naman kailangan bumalik sa trabaho sa opisina, napapagod ka na ba dito? Gusto mo kuhanan ko na lang ng tutor ang mga bata?" Kumalas si Cassie sa pagkakayakap kay Aldo "Hindi naman yun ang issue Mahal" ani ni Cassie saka tumayo "So ano ang issue?" "Mahal sa totoo lang hindi ko alam, parang wala na kasing sense na dito pa ako, alangan namang swelduhan mo pa ako" "Mahal wag mo isipin yun, ikaw ang pinaka importanteng tao sa buhay namin ngayon, ayoko na lang din bumalik ka sa opisina dahil ayokong mastress ka, at saka walang problema sa gastos o pera, ako ang bahala sayo alam mo naman yun at saka andun si Randy baka mamaya ipagpalit mo pa ako dyan" sagot nito na ngingiti ngiti "Seryoso Mahal? Si Randy talaga ang inaalala mo? Hanggang ngayon nagseselos ka pa rin sa kanya? Samantalang ibinigay ko na ang lahat sayo" tanong ni Cassie na iiling iling Napangiti si Aldo at niyakap ulit si Cassie "Mahal please, dito ka na lang sa bahay, kung naiinip ka lumabas kayo ng mga bata, mamasyal kayo" Yumakap ng mahigpit si Cassie kay Aldo "Pasensiya ka na Mahal ha, nacoconfuse lang siguro ako sa sitwasyon natin" hinawakan ni Aldo si Cassie sa dalawang balikat at hinalikan ito sa labi, gumanti naman ng halik si Cassie, niyakap ni Aldo si Cassie nang magkahinang pa rin ang kanilang mga labi "Mahal wala kang dapat ipag alala ha, tandaan mo to, bukod sa kambal ikaw ang buhay ko" sabi ni Aldo nang maghiwalay ang kanilang mga labi, tumango naman si Cassie at ngumiti "Lika na Mahal, kain na tayo" yaya ni Aldo sa kanya "Mauna ka na kayo Mahal" "Ayoko, sabay na tayong bababa" "Busog pa kasi ako Mahal" sabay yakap kay Aldo at halik sa pisngi nito tapos ay sa leeg "Mahal wag ka namang ganyan, papasok pa ako sa opisina, Mahal wag ngayon" ngiti ngiting sagot ni Aldo Kumalas si Cassie kay Aldo na nakakunot ang noo " Eh di wag, hindi naman kita inaano dyan eh" Hinatak naman ni Aldo si Cassie para yakapin ulit " Sige na Mahal ubusin mo ang lakas ko kung yan talaga ang magpapasaya sayo, sige Mahal sige" Hinampas naman ni Cassie si Aldo sa braso "Siraulo ka talaga" natatawa nitong sabi, nagtawanan naman silang dalawa, at nagyakap ulit, tahimik lang, magkayakap lang, maya maya ay bumaba na rin sila, inihatid ni Cassie ang kambal sa school at bumalik sa bahay, nakita niya si Manang Rosa na kakababa lang ng telepono at tila balisa "Manang bakit po?" tanong ni Cassie nang makalapit siya rito "Ahh wala iha" sagot nito pero tila hindi mapakali "Eh sino po ang tumawag?" "Wala wrong number" "Nakakatakot ba ang boses?" "Huh? Bakit mo naman naitanong?" "Eh kasi namumutla po kayo" "Sus ikaw talaga sige na, ano? Dito ba kayo manananghali ng mga bata?" tanong nito "Opo Manang dito na lang po" "O siya magluluto na ako" "Sige po Manang, akyat na muna ako" Dumiretso na si Manang sa kusina, hindi siya mapakali, malalim ang iniisip niya, alam kaya ni Aldo na nakabalik na ang taong nakausap niya sa telepono? May alam na kaya si Cassie, naisip niya na marahil ay wala pa itong alam dahil kung may alam na si Cassie ay malamang na nagtanong na rin ito sa kanya, kailangan makausap niya si Aldo ng sarilinan. Lumipas ang mga oras, hapunan na pero wala pa rin si Aldo, tumawag ito kay Cassie na gagabihin ng uwi kaya nauna nang naghapunan ang tatlo, si Manang naman ay hindi makatulog, inaantay niya si Aldo, hindi siya pumapasok sa kwarto, kailangan niyang makausap si Aldo, 11pm na nang bumukas ang pinto, sinalubong ni Manang si Aldo "Manang bakit gising ka pa?" tanong ni Aldo "Aldo tumawag siya kanina" "Alam ko po Manang" napaupo ito sa sofa at yumuko hawak ang ulo "Ano bang nangyayari Aldo? Bakit ngayon pa siya nagbabalik kung kailan tahimik na kayo at masaya ka na" "Ako ang kumontak sa kanya Manang, hindi ko lang alam na ganito kabilis ang magiging response niya" "Alam na ba ni Cassie?" "Hindi Manang, wala pa akong sinasabi sa kanya" "Aldo magiging malaking gulo ito" "Wag naman sana Manang, ayokong masaktan ang mga anak ko pati si Cassie" "Sana maging maayos ang lahat, pero dapat malaman na ni Cassie ang totoo, karapatan niya yun" "Opo Manang, sasabihin ko naman sa kanya" "Sa lalong madaling panahon Aldo, sa lalong madaling panahon" ani ni Manang Napasandal si Aldo sa sofa "Iniisip ko po kung paano sasabihin kay Cassie ang katotohanan" "Si Cassie sa tingin ko maintindihan naman niya, pero paano ang kambal? Paano mo sasabihin sa kanila, ang babata pa nila Aldo" "Sumasakit ang ulo ko kakaisip Manang, kaya nagstay muna ako sa opisina, nag isip, naisip ko na una kong kakausapin si Cassie sunod ang mga bata, kailangang makausap ko sila bago pa sumabog ang katotohanan" "Tama yan Iho" sagot ni Manang, hinawakan nito ang kamay Aldo "Maraming salamat Manang" "Magpahinga ka na iho, pagod na pagod ka na" "Kayo rin po Manang, magpahinga na po kayo" tumayo na si Aldo para pumanhik sa kwarto niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD